Share

Chapter 6

        Napapailing na lang si Zeus at nakangiti naman si Martheena habang pinagmamasdan ang mga magulang na masayang nagkukulitan sa garden. Sanay na silang ganito ang mga magulang. Mga bata pa sila sobrang sweet at maalaga ng mga ito sa isa't isa.

        "Tsk.. tsk.. ang cheesy." palatak ni Zeus although deep inside natutuwa siya sa nakikitang matatag na samahan at relasyon ng kanyang mga magulang. They've been married for almost 19 years at ni minsan ay hindi nila nakitang lumuha ang kanilang ina sa piling ng ama. Hindi man nila sabihin but they have high respect for their parents especially their Dad, Atty. Martin De Villa III is a firm, responsible and noble man. Their mom on the other hand, is a soft - spoken person, gentle and quiet. They looked up to their parents so much and wished they could have the same romantic relationship with the right person when the time comes. 

       "Hahaha Bro, hindi ka pa rin masanay." Nakangiting sagot sa kanya ng kapatid.

        Nang marahil mapagod ay sabay na nagtungo sa garden set ang mga magulang. Kinuha ng ama ang towel na nakapatong sa isang upuan doon at inilagay sa likod ng kanyang ina. Naalalatuloy niya ang kaibigang si Zanjoe. Idolo siguro nito ang kanyang ama. Ganoon din kasi itong mag - alaga sa kaibigang si Ashley. 

        "Where's the newspaper I was reading here a while ago?" tanong ng kanyang ama nang hindi makita sa mesa ang binabasang diyaryo kanina. 

        "Oh, I'm sorry Dad. I left them inside the living room. I thought you're done already. I'll get it back for you." aniya sa ama.

        Nagmuwestra naman ang ama na umupo na lang siya ulit. "Don't bother. I'll just read them later. Any updates? Ynah sweetheart, how's your work?"

        Masiglang sumagot ang kapatid. " It's just okay Dad." Sumunod ito sa yapak ng mga grannies at Tita Shane nila na pawang mga resident doctors ng SDGH.

        "How about you Zeus? What's new?" his mom Athena asked. 

        Umiling naman siya sa ina. "Nothing's new Mom. Only that I was chosen to represent CAS Department as Mr. CAS sa Foundation ng School." 

        "Oh!" namimilog ang matang sabi ng kanyang ina. Lumingon pa ito sa kanyang ama. Of course, they know it. Ang kanilang mga magulang lang naman nila ang Campus King at Campus Queen noon. 

       "Sino naman ang makakapareha mo?" tanong ng kanyang ama. 

       "Si Fritz po." 

        "Hey, ang galing." Ang sabi ng kanyang ate Martheena. "Baka this time, magkabati na rin kayo." 

        Nagsalita ang ama niya. "Hanggang ngayon pa ba nagbabangayan pa rin kayo? Alam mo namang it's rude to tease a girl. Or anumang gender yan, nararapat lang anak na igalang mo." Their goes their firm and nobel father. Abogado nga ito. 

        "Tama ang Daddy mo anak. We never failed to remind you that." segunda pa ng kanyang ina. 

        "I'm sorry Mom and Dad. Nagkakataon lang po talaga na hindi ko alam ang iaakto when Fritzene is around. Masungit na po talaga sa akin iyon pagkabata pa namin eh."

        Napabuntunghininga na lang ang kanyang ina. "Basta hangga't maaari huwag na huwag mong aawayin si Fritzene. Isa pa nakakahiya sa Tita Bing at Tito Cezar mo." 

        "Yes Mom." tugon niya at tumango na lang upang hindi na humaba pa ang usapan.

        "Good." nasisiyahang sabi ng kanyang ina.

***************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status