Share

Chapter 1

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Wyatt sa isang magandang babae. “How dare you say that to me?” galit na sigaw nito sa kanya.

“I’m really sorry, but I won’t taste a woman that I already tasted before. You see, gusto ko lang nang tikim-tikim at kapag natikman ko na ay hindi na ako titikim pa ulit. In short it was just a one night stand. No more, no less.”

Muli na naman siyang sinampal nito dahilan para mapabuntong-hininga siya. “F*ck you kahit masarap ka!” muli nitong sigaw saka galit na umalis sa harap niya.

“Sorry and thank you for the compliment!” pahabol niyang sigaw dito habang kumakaway pa dito.

Naramdaman naman niya ang isang kamay sa balikat niya. “What a heartless man you are.” Napangisi siya sa sinabi ni Dylan, one of his friends that is also a womanizer.

“Magkapareho lang tayo, gago!” Naiiling siyang umalis saka bumalik sa counter at um-order ng alak.

Naupo naman sa tabi niya si Dylan. “Bakit ba kasi ayaw mong pagbigyan? Pwede mo naman ‘yong maging f*ck buddy. Kapag wala kang mahanap na babae ay pwede mo siyang tawagan. She was willing you know.”

Inisang lagok niya ang alak na nasa baso saka muling nag-order. Agad naman siya nitong sinalinan sa baso. Tumingin siya sa mga taong nagsasaya sa dance floor. That girl said that she was willing to be his f*ck buddy, but he refused, that’s why she slaps him hard. Pakiramdam nga niya ay nanigas ang mukha niya dahil sa lakas nang pagkakasampal nito sa kanya.

“Ayoko nga. The more na may mangyari sa amin ay the more na may chance na magiging demanding siya. Remember, Ashley?”

“Your old f*ck buddy?”

Tumango siya saka uminom ng alak. “Noong una ay okay naman siya. She was wild in bed kaya walang gabi na hindi niya ako napapaligaya pero habang tumatagal ay mas lalo siyang nagiging demanding. Nagseselos sa ibang babae kahit wala naman siyang karapatan. Like, she was acting like she was my girlfriend, but we both know that she’s not. Kaya nga hindi ako nagka-grilfriend para walang magbawal sa akin, eh. Kaya never again na kukuha ako ng f*ck buddy. And besides, bakit pa ako kukuha kung pwede naman akong maghanap ng iba’t-ibang babae just to make my bed warm?”

Napailing na lang ang mga kaibigan niya. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang pinaka-womanizer, sumunod si Zaver saka si Dylan, while Aiden? Nah, never mind him. Hindi naman talaga womanizer ang kaibigan niyang si Aiden, nadamay lang ito dahil sa kanilang tatlo.

DUMAAN ang oras na nagkapasasa sila sa alak, sa tugtog ng club, at sa mga babae ay napagdesisyonan na nilang umuwi. Wala siyang babaeng maikakama ngayon dahil nawalan na siya ng gana dahil sa nangyari kanina. Kung makasampal naman kasi ang babaeng ‘yon ay akala mo naman hindi nasarapan sa kama.

Ala-una na ng madaling araw nang makauwi si Wyatt sa bahay nila. As he expected ay tahimik na ang buong bahay. Nang makarating siya sa kwarto ay pabagsak siyang nahiga sa kama pero mabilis na umalis nang maramdaman niyang may tao na nakahiga sa kama niya. Mabilis niyang pinaandar ang lamp shade na nasa bedside table niya.

“What the f*ck?” napamura siya nang makita si Madison na mahimbing na natutulog sa kama niya.

Napasapo naman siya sa kanyang noo. Kahit kailan talaga ang babaeng ‘to, nasabi na lang niya sa sarili. Hindi ba ito aware na malalaki na sila kaya hindi na sila pwedeng tumabi sa iisang kama? Binata na siya at dalaga na ito, hindi na sila mga bata.

Magkatabi lang ang bahay nilang dalawa. Magkumare at magkumpare ang mga magulang nila, close din ito sa mommy niya kaya halos araw-araw ay dumadalaw ito sa bahay nila. Naging magkaibigan naman sila at kung minsan ay sa kwarto niya ito natutulog noon, lalo na kapag wala ang mga magulang nito, kapag nasa isang business trip ito. Natatakot kasi ito sa malaking bahay nila.

Pero ngayon na malaki na ito ay imposible naman na natatakot pa din ito. Napasapo na lang siya sa kanyang noo saka pabagsak na nahiga sa sofa. Hindi naman sa ayaw niyang makatabi ang dalaga pero iniisip niya na ayaw niyang may masabi ang mga taong makakakita sa kanila kapag nakitang magkatabi sila sa iisang kama.

Baka masabi pa ng mga tao na pati kaibigan niya ay pinatulan niya. Aaminin niya na maganda si Madison at sexy pero kahit kailan ay hindi siya naa-attract dito. Siguro ay dahil sabay silang lumaki, at itinuring niya itong parang isa ng kapatid. He loves Madison, but not as a man who loves a woman. He loves her as a sister and a precious friend.

Ipinikit na lang niya ang mga mata. Unti-unti na din kasi siyang hinihila ng antok dahil na din sa tama ng alak sa katawan niya. Hinayaan na lang niya ang sarili na lamunin ng kadiliman hanggang sa makatulog siya.

NAGISING si Madison at nakita na wala siyang katabi. Napabuga siya ng hangin. Siguro kaya hindi ito umuwi ay dahil may iba na namang babaeng kasama ang binata. Kapag inumaga na ito nang uwi ay ibig sabihin ay may babae itong dinala sa hotel at nagpakasaya. Hindi niya maiwasan na masaktan sa tuwing iniisip na may ibang babae na kasama ang binata.

Sino ba naman kasing babae ang may gusto na makita ang lalaking mahal niya na may kasamang ibang babae. Hindi lang basta-basta kasama dahil alam niyang may nagaganap na kababalaghan sa dalawa. Baliw at martir siya kung tawagin dahil kahit alam niyang womanizer ang binata ay mahal na mahal pa din niya ito.

Madaming lalaki ang nanliligaw sa kanya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang sinasagot dahil ang nag-iisang si Wyatt Rodriguez lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Ang binata ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala pa din siyang boyfriend.

Bumangon na siya saka humikab. Napatingin siya sa malaking bintana ng kwarto ng binata. Mataas na ang araw. Napatingin siya sa kanyang relong pambisig at nakita na alas-otso na pala. Masyadong naging mahimbing ang tulog niya. Napapasarap talaga ang tulog niya sa tuwing sa kama siya ng binata natutulog. Pakiramdam niya kasi ay katabi niya ito sa pagtulog.

Napatingin siya sa sofa saka nanlaki ang mga mata nang makita si Wyatt na mahimbing na natutulog. Bumangon siya saka naupo sa sahig habang tinitigan ang maamo nitong mukha. Napakagwapo talaga nito. Unang tingin pa lang niya dito nang mga bata pa lang sila ay napabilis na agad nito ang tibok ng puso niya.

Nang maramdaman niya ‘yon ay nasabi niyang gusto niyang maging asawa ng gwapong nilalang na ito. Hindi naman sana mahirap abutin ‘yon kung hindi lang ito isang babaero. Kilala ang binata at ang mga barkada nito na mga babaero, pero sa kabila ng ‘yon ay mahal niya pa din ito. Talagang nabihag ng binata ang puso niya at sisiguraduhin niyang mananagot ito sa pagnakaw ng puso niya.

Hindi niya napigilan na haplosin ang gwapo nitong mukha, ang mga mata nito na parati siyang hinihigop sa tuwing nakatitig sa kanya. Ang matangos nitong ilong. Napalunok siya nang mapatitig siya sa mapupula nitong labi. Kung titingnan niya ay mukha itong malambot at gusto niyang maramdaman kung gaano ito kalambot.

Hindi niya mapigilan na mainggit sa mga babaeng nahahalikan na nito. Mabuti pa ang mga ito ay naramdaman na ang labi nito samantalang siya ay hindi pa. Pero sisiguraduhin niya na hindi man siya ang first kiss nito ay siya naman ang magiging last kiss nito.

Hahawakan na sana niya ang labi nito nang biglang hawakan ito ng binata. Kumabog nang mabilis ang puso niya nang unti-unti nitong idilat ang mga mata. Mataman itong nakatitig sa kanya. Napalunok siya, kinakabahan na kinikilig dahil hinawakan nito ang kamay niya. Parang gusto niyang maggugulong sa sobrang kilig. Mababaw man ang kaligayan niya pero anong magagawa niya kung sa simpleng paghawak lang nito sa kamay niya ay masaya na siya.

“Binabalak mo ba akong halikan?” Sinamaan siya nito nang tingin. “Don’t you dare fall in love with me, Madison. I’m a womanizer and I can’t be with just one woman.”

Nasaktan siya sa sinabi nito at hindi napigilan ang pagtulo nang isang luha niya na ikinagulat nito. “I am hurting, Wyatt.” Tiningnan niya ito nang malungkot. “Hindi ako mahal ng lalaking mahal ko.” Mas nagulat ito sa sinabi niya.

“What?” Mabilis itong bumangon saka niyakap siya. Hinahaplos nito ang kanyang likod na tila pinapatahan siya. “Sino ba ang gagong ‘yan nang masuntok ko. Paanong hindi ka niya mahal? You have everything.” Napapikit na lang siya saka niyakap ito pabalik.

Yeah, if I have everything, why can’t you love me? Gusto niyang itanong ‘yon sa binata pero wala siyang lakas ng loob dahil natatakot siya na baka layuan siya ng binata kapag nalaman nito ang nararamdaman niya. Ilang beses nang sinabi sa kanya ng binata na huwag siyang mai-in love dito dahil wala itong balak na suklian ang nararamdaman niya kapag nagkataon. Pero sa kabila ng warning nito ay hindi nakinig ang puso niya at mas minahal pa ito sa nakalipas na mga taon.

“May mahal siyang iba,” pagsisinungaling niya.

“Tss! Don’t cry over him. Siya ang nawalan dahil hindi ka niya nakita.” Kumalas ito saka sinapo ang mukha niya. Pinunasan din nito ang mga luha niya. “Anyway, kalimutan mo na ang lalaking ‘yon dahil madami pang ibang lalaki diyan. Huwag mong sayangin ang pagmamahal mo sa lalaking hindi naman kayang ibalik ang nararamdaman mo.”

How? Paano niya kakalimutan ang binata kung palagi itong laman ng isip niya? Kung palaging gusto niya itong makita kaya palagi siyang nandito sa bahay nito.

“Teka, bakit hindi ko alam ang tungkol sa lalaking ‘yan?” Pinanliitan siya nito ng mga mata.

“Tsk!” Tumayo siya saka inayos ang damit at ang magulo niyang buhok. “Papaano mo naman malalaman kung palagi kang wala dito sa bahay niyo? Like, every night lumalabas ka at nangha-hunting ng mga babae.”

Napailing naman ito saka sinuklay ang sariling buhok. “I have to have fun and I need girls to warm my hot body.”

Napangiwi siya habang tinitingnan ito. “Kapal. Maka-hot.” Pinaikotan niya ito ng mga mata.

Natawa naman ito saka tumayo. “Hindi ka pala naha-hot sa akin kasi tomboy ka.” Tiningnan na naman siya nito nang nakakunot-noo. “Teka, hindi ka na pala tomboy kasi may mahal kang lalaki. Naks! Baka mamaya nagpapanggap ka lang na tomboy para makalapit sa kanya, ha?”

Nanlaki ang mga mata niya saka mabilis na tumalikod dito. “H-Hindi, ah. Tsk! Baka nga magiging tomboy na ako habang buhay kasi hindi naman niya ako mahal,” pagsisinungaling na naman niya.

Lihim siyang napasapo sa noo. Isa sa dahilan kaya boyish siyang gumalaw ay para mapalapit siya kay Wyatt. Napapansin niya kasing malapit ito sa babae pero hindi ito nagiging attach masyado dahil ayaw nito ng commitment kaya naman pinalabas niyang tomboy siya para hindi nito isipin na magkakagusto siya dito.

“Ayos lang ‘yan.” Tinapik-tapik nito ang balikat niya. “May lalaki ding magmamahal sa ‘yo at gagawin kang babae ulit.” Bakit hindi na lang ikaw ang lalaking ‘yon? “Sige na, lumabas ka na sa kwarto ko at maliligo na ako.”

“Papasok ka sa opisina?”

“Oo naman. Kahit babaero ako at gusto ko lang ay ang mapakaligaya ay hindi ko pa din pwede na pabayaan ang hotel. Baka malagot ako kay dad at tanggalan pa ako ng mana.” Napailing na lang siya. “Sige na, lumabas ka na.” Nagtaka siya nang ngumisi ito nang nakakaloko. “O baka naman gusto mo pangmakita ang maganda kong katawan?” Namula ang magkabila niyang pisngi nang akma nitong tatanggalin ang suot nitong damit. Napalunok siya ng makita ang six pack abs nito.

Mabilis niyang kinuha ang unan saka malakas na binato dito. “Bastos!”

Napaaray ito dahil hindi nito inaasahan ang pagbato niya dito. “Napaka-amazona mo talaga. Labas na nga.”

Wala na nga siyang nagawa nang itulak siya nito palabas ng kwarto nito at malakas na sinara ang pinto nito. Napanguso na lang siya. Hindi naman niya sinasadya na masaktan ito, eh. Mabilis lang talaga ang kamay niya sa tuwing nagsasalita ito ng bastos sa harap niya. Napailing na lang siya saka napangiti.

Ngayon na nakita na niya ang binata ay buo na ang araw niya at buong araw na siyang nakangiti. Makita niya lang talaga ang binata ay gumaganda na ang araw niya. Ito ang kanyang nag-iisang happy pill. Hindi na niya hinintay na matapos ang binata at umuwi na siya sa bahay nila. Nang makapasok ay sumalubong sa kanya ang aso niyang si Peachy.

Mahal na mahal niya ang asong ito dahil hindi lang ito sweet sa kanya kung hindi dahil bigay ito ni Wyatt sa kanya nang mag-fifteen siya. Ten years old na si Peachy ngayon.

“Good morning, Peachy. Maganda ang araw ngayon ni mommy dahil nakita niya ang daddy mo.” Napangiti naman siya nang tumahol ito.

“MANANG,” tawag ni Wyatt sa mayordoma ng bahay nila. Lumapit naman ito sa kanya. “Nakita niyo ba si Madison?” tanong niya nang hindi makita ang dalaga sa buong bahay.

“Umalis na siya, eh. Baka umuwi na sa kanila.”

Napakamot na lang siya sa pisngi. Pinapalabas lang naman niya ito sa kwarto niya at hindi sa bahay. Hindi man lang nagpaalam sa kanya ang amazonang ‘yon. Masakit kaya ang ilong niya sa ginawang pagtapon nito sa unan kanina. Hindi niya inaasahan kaya hindi siya agad nakailag. Napailing na lang siya. Kahit kailan ay amazona talaga.

“Kakain ka ba dito, Hijo?”

“Hindi na po, Manang. Sa hotel na lang ako kakain. Sige po, aalis na ako.” Nagmamadali din kasi siya dahil malapit na siyang ma-late. May meeting pa naman siya.

“Mag-iingat ka.” Ngumiti na siya dito saka lumabas ng bahay. Sumakay na siya sa kotse niya.

Nang makalabas sa gate ay nadaanan niya ang bahay nina Madison na katabi lang ng bahay nila. Nakita niya ang dalaga na nagdidilig ng mga alaga nitong bulaklak. Noon pa talaga ay mahilig na ito sa mga bulaklak kaya nga may flower shop ito, eh. Huminto siya sa tapat ng bahay nito saka binaba ang bintana sa passenger seat.

“Hoy, amazona!” sigaw niya para makuha ang atensyon nito.

Tumingin naman ito sa kanya at nanliliksi ang mga mata. “Bakit, babaero?” Tinaasan pa siya nito ng kilay.

“Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo kanina. Aba’t!” Mas lalo niya itong sinamaan nang tingin nang mag-middle finger ito sa kanya. Ngumisi ito saka pumasok sa bahay nito. “Napaka talaga ng babaeng ‘yon.” Napailing na lang siya saka nagmaneho na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status