Share

Chapter 2

Nang makauwi si Wyatt sa bahay nila ay nagulat siya nang makita ang kanyang lola kasama si Madison. Nakaupo ang dalawa sa sofa habang masayang nagkukwentohan. Pakiramdam niya ay parang bahay na ni Madison ang bahay nila dahil halos araw-araw ay nandito ito sa bahay nila. Kulang na lang talaga ay magdala ito ng mga gamit at dito na tumira sa kanila.

“Lola!” tawag niya sa kanyang lola para makuha ang atensyon nito na hindi naman niya ikinabigo.

“Wyatt, Apo.” Nakangiti nitong binuka ang bisig nito para salubongin siya nang yakap.

Mabilis naman siyang lumapit dito saka niyakap ito nang mahigpit. Malapit sila sa isa’t-isa ng lola niya dahil na-spoil siya nito noong bata pa siya. Minsan na lang ito dumadalaw sa kanila dahil nanirahan ito sa probinsya nila.

Matagal ng patay ang lolo niya at kahit pa gustohin nila na dito na sa Maynila tumira ito para mas maalagaan nila ay hindi ito pumayag. Mas gusto pa din daw nito na manirahan sa probinsya kung saan nagkakilala sila ng lolo niya. Maliban sa tahimik sa probinsya ay nandoon ang lahat ng alaala nito kasama ang namayapa nitong asawa.

“Mabuti napadalaw kayo, Lola. Kumusta ka na? Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba ng maayos? Wala ka bang sakit?” sunod-sunod niyang tanong habang pinapasadahan niya nang tingin ang kabuoan nito. Natawa na lang ang matanda sa kanya. Napangiti siya nang makita niyang maayos lang ito at mukhang malakas pa. “Naks! Ang ganda pa din talaga ng lola ko.”

Mahina siya nitong hinampas sa braso. “Hanggang ngayon ay bolero ka pa ding bata ka.”

Napanguso naman siya. “Hindi kaya. Totoo naman kasi, eh. Maganda pa din kayo at syempre nagmana ako sa ‘yo kaya ang gwapo ko.” Niyakap niya ito mula sa tagiliran.

Sobrang nami-miss niya ito. Halos dalawang buwan niya din itong hindi nakita dahil hindi siya nakadalaw sa probinsya nito nitong mga nakaraang araw dahil busy siya sa kompanya nila. Although, nagtatawagan naman sila through video call, pero iba pa din ang saya na nararamdaman niya kapag kasama niya ang pinakamamahal niyang lola.

Napailing ang matanda. “At hanggang ngayon ay mahangin ka pa din.”

“Talaga, Lola.” Napatingin naman siya kay Madison na sumingit sa usapan nila maglola. “Pagsabihan niyo nga po ‘yan, Lola. Palaging mahangin, eh. Baka mamaya ay liparin ako sa sobrang kahanginan niyan,” nakangiwi nitong sabi.

Nakataas ang isa niyang kilay na tumingin dito. “Ano bang pinagsasabi mong mahangin, ha? Hindi ‘yon pagiging mahangin, nagsasabi lang ako ng katotohanan.” Lumapit siya dito saka tinuro ang noo nito. “Palibhasa kasi hindi ka maganda kaya walang nanliligaw sa ‘yo. Idagdag mo pa ‘yang pagiging tomboy mo—aray!” angal niya nang suntukin nito ang tiyan niya. Sinamaan niya ito nang tingin. “Yan! Isama mo pa ang pagiging amazona mo. Kaya walang naglalakas-loob na ligawan ka dahil natatakot na baka bigla mo na lang suntukin.”

Napailing na lang siya nang binilatan siya nito. “Tumigil na nga kayong dalawa.” Pumunta sa gitna nila ang kanyang lola para awatin sila. “Wala ba talagang araw na hindi kayo nag-aaway?”

“Yan naman ang nauuna, Lola, eh. Masyadong mapanakit. Hindi naman inaanom.”

“Anong hindi inaano?” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Ikaw ‘tong unang nang-iinis, eh.”

“Anong ako?”

“Ikaw naman talaga!”

Magbabangayan na naman sana sila nang pinaharap sa mukha nila ang palad ng matanda. “Sabi ng tumigil na, eh.” Tumingin ito kay Madison. “Babae ka, Maddy, kaya dapat hindi ka nanakit.” Napanguso naman ito. Sinamaan siya nito nang tingin nang binilatan niya ito. “At ikaw naman, Wyatt.” Natigilan siya nang sinamaan siya nang tingin ng lola niya. “Hindi maganda na nang-aaway ka ng babae. Bakla ka ba?” Nagulat siya sa naging tanong nito pero masama ang naging tingin niya kay Madison nang marinig niya ang mahina nitong pagtawa.

“Of course not, Lola. Baka magwala sina mommy kapag nalaman nilang bakla ako.”

Napailing ito. “Kaya nga dapat hindi ka pumapatol sa mga babae, lalo na kay Maddy dahil babae siya. Dapat ang babae minamahal, at inaalagaan, at hindi sinasaktan. Ilang beses ko na ba ‘yang sinasabi sa ‘yo?” Napabuntong-hininga ito. “Pakiramdam ko ay binabalewala mo lang ang mga payo ko,” malungkot nitong sabi na ikinataranta niya.

Sa lahat pa naman ay ayaw niya ay ang nalulungkot ang pinakamamahal niyang lola. “Hindi, Lola, ah. Kahit kailan hindi ko nakakalimutan ang payo mo.” Bahagya siyang lumapit dito saka bumulong. “Hindi naman po babae ‘yang si Madison, eh. Babae lang ang itsura at katawan pero lalaki talaga ang puso niyan—aray!” Masama niyang tiningnan ang dalaga. “Ano ba? Nakakadalawang batok ka na, ah. Akala mo ba hindi masakit? Nakita mo ‘yon, Lola? Binabatukan lang ng amazonang ito ang paborito mong apo.”

“Gago! Paano ka hindi magiging paborito, eh, ikaw lang naman ang apo ni Lola Cecil at saka papaano kita hindi babatukan? Eh, sinisiraan mo ako kay lola. May pabulong-bulong ka pangnalalaman, eh, naririnig ko naman.”

Sabay silang napatingin sa matanda nang napabuntong-hininga ito. “Hanggang kailan ba kayo mag-aaway dalawa? Malalaki na kayo. Binata at dalaga na.” Hinawakan nito ang balikat nila ni Madison. “Hindi na kayo bata kaya dapat hindi na kayo mag-away.”

“Siya lang naman itong nananakit, Lola,” nakanguso niyang sabi.

Ngumiwi ang dalaga. “Kung hindi ka kasi babaero, eh, di sana hindi kita sinasaktan.”

“Ano naman ang kinalaman ng pagiging babaero ko sa pananakit mo? Ang sabihin mo, amazona ka lang talaga. Hindi ka mabubuhay ng isang araw nang hindi ako sinasaktan.” Pinanlakihan siya nito ng mga mata saka ambang hahampasin na naman sana. “Tingnan mo, Lola.” Turo niya dito. “Sasaktan na naman ako.”

“Tumigil ka, Madison,” saway ng lola niya dito. Napalunok siya nang tumingin sa kanya ang matanda. “At ikaw, Wyatt, matuto kang respetohin ang magiging asawa mo.”

Sabay silang nabilaukan ni Madison sa sarili nilang laway sa sinabi ng matanda. Nanlalaki ang mga mata nilang dalawa. Hindi inaasahan na maririnig nila ‘yon mula sa matanda.

“Ano, Lola? Itong babaeng ‘to?” Turo niya sa dalaga. “Magiging asawa ko?” Ilang beses siyang umiling-iling. “No way. Never.” Tumawa siya dahil napakalaking imposible no’n para sa kanya. Wala nga siyang balak na magka-girlfriend, asawa pa kaya? “Kahit kailan ay hindi ako papatol sa amazonang ‘yan.”

HINDI napansin ni Wyatt ang sakit na dumaan sa mga mata ni Madison dahil tumatawa ito. Masakit para sa dalaga na kahit pa close sila ay wala talagang pag-asa na magkakagusto ito sa kanya. Pero kahit pa masakit sa kanya ay taas-noo niyang tiningnan ang binata saka pinamewangan. Ayaw niyang makita nito na mahina siya.

“At sinong nagsabi sa ‘yo na gusto din kitang pakasalan?” She flips her long hair. “No way and never din no. Kahit kailan ay hindi ako magpapakasal sa isang womanizer na katulad mo.” Tumaas ang kilay niya saka tiningnan ito nang nandidiri. “Hindi ko nga alam, baka nga may sakit ka na dahil sa dami ng babaeng naikama mo na.”

“Excuse me, woman. For your information.” Lumapit ito sa kanya at lihim siyang napasinghap nang isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila. Nakaturo ang hintuturo nito sa mukha niya. “Para sabihin ko sa ‘yo, wala akong sakit. I am a clean man. Yes, I have sex with many women, but I use condoms to make me safe and still clean.”

Halos manlambot na ang mga tuhod niya dahil naaamoy niya ang mabango nitong hininga. Kumikibot-kibot ang labi niya habang nakatingin sa mapupula nitong labi. Gusto niyang maramdaman ang malambot nitong labi sa labi niya, pero biglang may kumurot sa puso niya sa isiping madami nang babae ang nakakahalik sa labi nito kaya naman tinulak niya ito. Nagseselos siya kahit wala naman siyang karapatan.

“Bakit ka ba nanunulak?” Natigilan ito nang samaan niya ito nang tingin. Mas lalo itong nagulat nang tumulo ang ilang luha niya. Lumaki ang mga mata ng binata. “H-Hoy! Bakit ka umiiyak diyan?” Lalapitan na sana siya nito pero bigla siyang lumayo saka pinunasan ang mga luha na hindi niya namalayang bumagsak na pala.

“W-Wala.”

“Hey, I’m sorry.” Parang may humaplos sa puso niya dahil sa malambot nitong boses. Kaya hindi niya magawang magalit ng matagal sa binata, eh. Kasi kapag nalaman nitong nasasaktan siya nito ay sususyuin siya nito and that’s her weakness. “Hindi ko naman akalain na maiiyak ka sa pang-aasar ko sa ‘yo, eh.”

“I’m fine.” Umiwas siya dito. “Uuwi na muna ako sa bahay Lola Cecil, may gagawin pa pala ako,” paalam niya sa matanda. Mabilis siyang umalis nang tumango ang matanda.

Ilang beses siyang tinawag ni Wyatt pero hindi na siya lumingon pa dito at mabilis na umuwi sa kanila. Nang masara niya ang pinto ay napaupo siya sa sahig habang nakasandal sa pinto. Natatawa siya habang nakatingala sa kisame.

Tumulo ang luha niya habang hawak ang dibdib niya. “Ano ba, Madison? Dapat masanay ka na dahil simula’t sapol, alam mo ng womanizer ay siya pa din ang minahal mo. At ngayon masasaktan ka kasi naaalala mong madami na siyang n*******n?” Tumawa na naman siya ng mapakla. “Hindi lang halikan ang ginagawa niya sa mga babae, kinakama pa niya.”

Napabutong-hininga na lang siya. Ito ang parusa sa pagmamahal niya ng isang womanizer. Alam niya, eh, pero pinili niya pa din ang binata kaya dapat lang na magdusa siya.

NAPAILING-ILING si Cecil nang makaalis na si Madison. Napatingin naman siya kay Wyatt na kanina pa tinatawag ang dalaga. Lumapit siya dito saka tinapik ang balikat nito.

“Ikaw naman kasi, eh.”

Nagtataka itong tumingin sa kanya. “Anong ginawa ko, Lola?”

“Bawas-bawasan mo kasi ang pang-iinis mo sa kanya. Hindi porque matapang siya sa paningin mo ay matapang na talaga siya. Girls are girls, they have a weak emotion. Kahit pa matapang sila sa tingin mo ay nasasaktan naman sila sa loob nila.”

“Anong gagawin ko?” Napatitig siya sa apo dahil nakikita niya sa mukha nitong nakokonsensya ito.

“Eh, di suyuin mo.” Napabuntong-hininga ito.

Lihim siyang napangiti. Kahit pa kasi awayin ito ng binata at asarin ay alam niyang hindi nito kayang saktan ang dalaga dahil kahit ayaw nitong aminin ay may espesyal na parte ito sa buhay at puso nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status