Unang araw ngayon ni Celeste sa trabaho niya bilang waitress. Masaya siya sa unang trabaho dahil makakatulong ito sa kanyang pamilya na naiwan sa probinsya. Agad siyang tinuruan kung ano ang mga dapat niyang gawin.
"Celeste, halika." saad ni manang Lily na tiyahin ni Amelia.
"Opo," tugon naman ni Celeste.
"Dito sa restaurant na ito bawal lampa lampa kailangan mabilis yung kilos mo at maidala mo kaagad sa customer ang kanilang mga inorder kapag ready na. Maliwanag ba?"
"Opo."
"Kailangan din lahat ng lamisa ay malinis at kaagad mo itong punasan kapag nakaalis na ang customer, ayaw ng may-ari na may mga naiwang dumi sa lamisa."
Patango-tango lamang si Celeste sa mga itinuro sa kanya ng matanda. Si Manang Lily ang pinakamatanda na waitress sa loob ng restaurant na pinagtatrabohan nila.
"At tsaka, mag-ingat ka may mga customer na nambabastos ng mga kagaya nating waitress, maliban sa akin dahil matanda na ako. At kailangan ayusin mo ang pananamit mo upang di ka nila mabastos. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo,"
"Oh, sige mag-umpisa kana."
Kaagad namang kumilos si Celeste sa mga pinapagawa sa kanya ng matanda. Sobrang busy nila dahil maraming tao ngayon na kumakain sa loob ng restaurant. Ang restaurant na ito ay dinadayo dahil sa magandang ambiance nito na tinutugtugan din minsan ng magandang musika. Minsan pa nga ay mga gropo ng mga taong dumadayo rito upang kumanta sa loob ng restaurant. Malaki ang restaurant at pangmayaman, di lingid sa kaalaman na marami talagang dumadayo rito, pati na rin mga torista na nanggaling sa ibang bansa.
May pumasok na isang magandang babae sa loob ng restaurant at umupo sa may gilid malapit sa bintana. Agad naman itong nilapitan ni Celeste, upang tanungin kung anong oorderin nito.
"Magandang araw po ma'am, anong oorderin po ninyo." sambit ni Celeste sabay ngiti sa magandang dalaga na nasa harap niya.
"Just water please." Tugon naman nito.
"Okay po ma'am. Just wait for a second."
Umalis na si Celeste upang kumuha ng tubig na maiinom. Makalipas ang ilang segundo ay nakabalik na siya dala-dala ang tubig na maiinom para sa kanyang unang customer.
Inilahad niya ito sa babae at agad naman itong ininom ng magandang babae bahid sa mukha nito ang pagkastress dahil agad itong naubos na kahit isang patak lamang ng tubig ay walang natira.
"Here," inilahad ng magandang babae ang baso kay Celeste at agad naman niya itong kinuha mula sa kamay ng dalaga.
Maya-maya pa ay maraming customer ang nagsisidatingan kaya hinanda na niya ang kanyang sarili upang maayos niyang maibigay sa mga customer ang kanilang mga inorder na pagkain. Walang sinayang na minuto si Celeste, pabalik balik siya sa pagkuha ng mga inorder galing kitchen at sa pagbigay nito sa customer. Pati na rin ang mga katrabaho niya ay busy rin.
Pinunasan ni Celeste ang isa sa mga lamisa dahil umalis na ang customer na kumakain doon at agad naman niyang kinuha ang mga plato at kutsara at kung ano-ano pa. Paglingon niya may nabunggo siyang isang babaeng napakasexy at pulang pula ang mga labi. Ang mga gamit na hinawakan niya ay agad na nahulog at nabasag.
Taranta siyang humingi ng paumanhin at agad na nilinis ang mga bubog na nasa sahig.
"Pasensiya na po, diko ho kayo nakita." Saad niya habang kinukuha ang mga platong nabasag.
"Sa susunod miss, tumingin ka sa dinadaanan mo, bawal ang lampa-lampa sa restaurant namin!" Sigaw sa kanya ng babae.
"Ho, kayo po ang may-ari ng restaurant na ito?" Tanong niya.
"Oo, at gusto mo bang tanggalan kita ng trabaho?"
"Wag po kailangan ko ho itong trabaho na ito. Pasensiya na po ulit." Pagmamakaawa niya.
"Hmm… I like it when someone pleads with her life because it depends on her job. Sige may awa pa naman ako, pero kailangan mong bayaran ang nabasag mong mga plato at sasabihin ko kay papa na bawas yan sa sweldo mo. Maliwanag!" Sigaw sa kanya ng malditang babae habang dilat ang mata niya dahil sa galit.
"Okay, lang po iyun. Basta ba ay huwag niyo lang ako tanggalan ng trabaho."
"Hmmm… I like you girl. Umalis ka muna diyan sa dadaanan ko at baka masipa pa kita."
Agad naman pumagilid si Celeste at binigyan niya ng daan ang babaeng umaway sa kanya.
Ngayon niya lang napagtanto na pinagtitinginan na pala siya ng mga tao sa loob ng restaurant. Dali- dali niyang nilinis ang mga nabasag niyang plato at dumiretso sa kusina.
Sinalubong naman siya kaagad ni manang Lily at tinanong kung ano ang nangyari.
"Hindi ko po iyun sinasadya, hindi ko kase siya nakita kaya nabasag ko yung mga gamit." Saad niya habang mangiyak ngiyak na.
"Oh may sugat ka, halika gamutin natin iyan." Sambit ni manang Lily.
Dinala naman si Celeste sa isang kwarto na puno ng mga gamit at doon ginamot ang kanyang mga sugat.
"Aray po, ang hapdi."
"Tiisin mo. Sa susunod mag-ingat kana. Kahit maraming tao ay dapat tutok ka sa mga ginagawa mo. Anak pa naman ng may-ari ang nabangga mo."
"Oo nga po ehh, humingi naman po ako ng pasensiya sa kanya."
"Buti na lang di siya nakapagsumbong dahil wala ang papa niya rito kung hindi bawas iyun sa sahod mo. Pero mabait naman ang amo natin ang anak niya lang ang m*****a."
"Ah ganon po ba, okay lang po na bawasan yung sahod ko. Basta ba wag lang ako tanggalan ng trabaho. Mahirap na po, may anak pa po akong naiwan sa probinsya." Paliwanag naman ni Celeste.
"Oh ayan nagamot kona, dito ka muna. Huwag mo muna yang igalaw baka dumugo ulit. Ako na ang bahala sa trabaho mo doon."
"Talaga, salamat po."
Walang anuman. Basta sa susunod mag-ingat kana upang di na mangyari ulit yung nangyari sayo kanina.
"Opo, salamat po ulit."
"Sige na babalik na ako doon."
Tumango si Celeste kay manang Lily at hinayaang niyang bumagsak ang luha niya na kanina pa namumuo sa may gilid ng kanyang mga mata, hindi dahil sa hapdi kung hindi sa nangyari kanina. Sobra sobra na ang paghihirap na dinanas niya mula nung iwan siya ni Noah. Masakit harapin ang realidad kung ikaw ay isang hamak lamang na mahirap. Iba ang tingin sayo ng tao kung may pera ka rerespetuhin ka habang ang mga mahihirap ay nagdurusa at pinapahiya.
Pinunasan niya ang luha na bumagsak sa kanyang mukha at nagsalita, " Makakaya ko ba lahat ng sakit na mararanasan ko pa dito sa syudad? Makakaya ko ba? Pero wala naman akong choice kung di ay ang kayanin para sa anak ko." Mapait niyang sambit sa sarili.
"Pansamantala dito ka muna titira sa aking bahay habang humahanap ka pa ng matitirhan mo." Malumanay na sambit ni manang Lily kay Celeste."Maraming salamat po talaga, napakalaking tulong na naman po ito sa akin.""Sus, ikaw pa eh kilala kita tsaka close kami ng nanay mo nung araw.""Ay talaga po, hindi ito nabanggit sa akin ni inay na may kaibigan pala siyang matulungin.""Sus, nambola ka pa. Tsaka ito yung magiging kwarto mo. Sandali lang kukuha muna ako ng kumot at unan mo para makapagpahinga kana.""Sige po."Nilibot ni Celeste ang mga mata niya sa bawat sulok ng kwarto. Napagtanto niya na medyo maliit pero okay na ito sa kanya kesa naman na wala siyang matutulugan ngayong gabi."Ito na ang kumot mo at unan. Ano okay ka lang ba sa kwarto mo. Pasensiya kana ha maliit lang kase ang bahay ko.""Nako okay na po ito sa akin. Maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy sa akin dito manang Lily.""Walang anuman at magpahinga kana maaga pa tayo bukas."Tumango na lamang si Celeste bilang tug
Okupado ang lahat ng manggagawa sa kanya-kanya nilang ginagawa. Dumating ang may-ari at tinawag nito lahat ng mga empleado niya."Tumigil na muna kay sa ginagawa niyo, please lend me your ears for a second. May mahalagang bagay lang akong sasabihin sa inyo." Paunang sambit ng may-ari sa kanyang mga trabahador."Mamayang-gabi iniimbitahan tayo sa isang engrandeng party ng isa sa pinakamayaman dito sa syudad. Ang restaurant ko ang kinuha nilang mag assist ng kanilang mga bisita at kayo ang magcacater sa kanila. Kaya ngayong araw wala na muna tayong papapasukin na customer at dapat maghanda kayo ng mga masasarap na pagkain para mamaya. May inassign na ako para magdecorate sa loob ng restaurant na ito. Maliwanag ba?""Yes, sir." Sabay saad ng mga empleado."Yan na lang muna sa ngayon at kayo ay maghanda na. Ang party na ito ay mahalaga sa taong nag imbita sa atin. Sige balik na sa trabaho." Saad ng may-ari at umalis na sa harap ng kanyang mga trabahador.Nagbulong-bulungan naman ang mga e
"Sorry for that interruption. May we continue our events? Sir Noah come on here on stage." Saad ng host.Nagpatuloy si Noah sa paglalakad na balisa pero pilit niya iyun tinatago sa kanyang mga ngiti. Tinatanong niya ngayon sa kanyang sarili kung si Celeste ba iyun ang nakita niya o hindi, pero pilit niyang kinalimutan iyun dahil baka kamukha lang ni Celeste ang nakabasag ng mga baso kanina lang. Bago siya tumuntong sa stage may isang waitress na nagbigay sa kanya ng wine. Nang nasa harap na siya ng mga tao ay ngumiti siya ng napakalaki dahil sa tagumpay na kanyang nakamit ngayon at tuluyan na ngang nawala sa isipan niya ang nangyari kanina.Ibinigay naman ng host mga micropono at ngayon naman ay siya na ang magsasalita, "Magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagpunta. Sana maenjoy ninyo ang gabi na kasama ako. Cheers!""Cheers!" Sambit naman ng lahat at nagpalakpakan.Nagpatuloy ang party at sobrang nag-enjoy ang lahat habang si Celeste na nasa kusina ay hindi mapakali. P
Nanginginig, nangangatal ang mga labi ni Celeste ng magtagpo ang kanilang mga mata, at hindi na alam kung ano ang kanyang sasabihin kaya diretso na lang siyang tumalikod mula kay Noah. "Sandali, kinakausap pa kita." Saad naman ni Noah sabay hawak ng kanyang mga braso."Wala na tayong dapat pag-usapan pa matagal mo na akong iniwan." Galit na sambit ni Celeste."Gusto lang kitang kumustahin." Ani niya."Okay lang ako, at bumalik kana doon baka hinahanap ka na ng iyong kasintahan.""Nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako.""Umalis kana dito marami pa akong gagawin.""Bibigwasan ko talaga ang lalaking ito kapag di siya umalis. Tatadyakan ko yang ari niya." Bulong ni Celeste sa sarili niya."Sandali lang, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko pinagsisihan na iniwan kita sa altar, kita mo naman ako ngayon isa na akong mayaman na lalaki." Hambog niyang pagkasabi."Oo nga naman, habang kami ng anak mo naghihirap at ikaw ay nagpapakasarap! Umalis kana bago pa kita masampal ng very hard
Umaga na at naghahanda na si Manang Lily para sa trabaho at napagtanto niyang hindi pa gumigising si Celeste kaya pinuntahan niya ito sa kanyang kwarto. "Celeste gising na, papasok pa tayo." Tapik ni manang Lily sa balikat ni Celeste. "Manang Lily hindi na muna ako papasok ngayon, masama ho ang pakiramdam ko." "May lagnat ka ba?" Hinawakan ni Manang Lily ang noo ni Celeste at napagtanto niyang hindi naman siya mainit. "Wala ka namang lagnat ahh, bakit ayaw mong pumasok?" Bumangon si Celeste at nagsalita, "Ayoko pong pumasok dahil baka makita ko po ulit siya doon." "Sino?" Tumingin si Celeste kay Manang Lily at huminga ng malalim bago nagsalita, "Ang ama po ng anak ko." "Nagkita kayo? Kailan?" "Kahapon po sa event," Tipid na sagot ni Celeste. "Sino dun?" tanong ni Manang Lily na ngayon ay naging osyoso ang mukha. "Si Noah Garcia ho siya ang ama ng anak ko." Napasinghap si Manang Lily dahil sa gulat at tinakpan niya ang kanyang baba na parang di makapaniwala sa sinabi ni Celest
Napabalikwas ng bangon si Celeste dahil sa lakas na tunog ng kanyang telepono na hudyat na may tumatawag sa kanya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag, "Inay ang aga pa po bakit ho kayo napatawag?" "Anak," Umiiyak na sambit ng ina ni Celeste. "Inay, ano pong nangyari," Tugon niya at napatayo dahil sa labis na pag-alala sa ina. "Anak, dumating si Noah rito kanina at kinuha ang anak ninyo," Hikbi ng ina na siyang nakapanghina ni Celeste. "Inay, alam ko na po na ito ang mangyayari, kaya hinanda ko na po ang sarili ko. Kasalanan ko po ang lahat ng ito, kaya huwag kayong mag-alala babawiin ko ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saang lugar pa iyan." Matigas na sambit ni Celeste. "Anak, patawad kung wala akong nagawa sa pagpigil sa kanya, nagkakagulo na kanina at hindi ko na alam anong gagawin ko." "Okay lang po iyon inay, alam niyo ba saang lugar niya dinala ang anak ko?" "Pasensiya na anak pero hindi, sobrang miss na miss ko na ang apo ko. Paano pag hindi niya ibinalik ang
"Name your price at makakauwi kana," sambit ni Noah na para bang gusto siyang lunurin ni Celeste sa sarili niyang swimming pool na nasa tapat lang nila dahil sa galit nito sa kanya. Parang nag echo talaga sa tenga ni Celeste yung nakakagigil na sinabi niya na animo'y mabibili niya ng pera ang anak ni Celeste."Sa tingin mo mabibili mo ang anak ko? Hindi mabibili ng pera ang buhay ng anak ko, kaya mas mabuti pang ibigay mo na siya sa akin!" Inis na sambit ni Celeste habang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay."Diba may sakit ang ama mo na hanggang ngayon ay nasa ospital parin? Matutulungan ka gamit ng pera ko," Sambit ni Noah na mas lalong ikinainis ni Celeste.Makakaya kong bayaran ang lahat ng bayarin sa ospital, alam mo kung ano ang hindi ko kaya? Yun ay ang pagnakaw mo sa anak ko, ededemanda kita!""Go, you can do whatever you want? Pero anong magagawa mo? Wala kang pera!" Mahinang boses pero mariin ang pagkakasambit niya kay Celeste.Gustuhin man na umiyak ni Celeste sa harapan
Umiiyak si Celeste habang nilalakbay ang daan tungo sa sakayan ng taxi. Napakasakit sa balat ang sikat ng araw at heto siya sa daan umiiyak at walang pakialam sa mga nakakita sa kanya na umiiyak siya. Habang binabagtas niya ang daan ay may humintong puting sasakyan sa harapan niya. May taong lumabas rito at iniluwa nito ang lalaking nakilala niya sa plaza nitong mga nakaraang araw. "Hi, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Raven sa kanya."Wala to bakit ka naparito at anong kailangan mo sa akin?""Nakita lang kita, nandiyan lang ang bahay namin o," itinuro pa ni Raven ang bahay nila gamit ang nguso niya."Gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo? Promise wala akong masamang gagawin sayo." Pagpapaliwanag niya."Sure ka diyan ha, pero sige na nga ihatid mo na ako sa pinagtatrabahuan kong restaurant baka malate pa ako."Natawa na lang si Raven dahil sa pinapakitang ugali ni Celeste dahil habang umiiyak nito at kaya pa niyang siguraduhin na ligtas siya kay Raven.Pinagbuksan naman ng pinto