43WARNING! READ AT YOUR OWN RISK! 18+“Who’s that man?”Hindi ko na alam paano ko pa ipapaliwanag kay sir ang tungkol sa kay Jonas. Kanina niya pa tinatanong ang tungkol kay Jonas, e, hindi ko naman gano’n kakilala iyon kaya ang tanging sinasabi ko lang ay tinulungan niya ako. Hindi ko alam bakit hindi iyon maunawaan ni Sir. Paulit-ulit nalang ang tanong niyang ‘yan, e.Nakaupo ako habang nakatayo naman siya sa harap ko at naka-cross pa ang mga braso habang nakatingin sa akin.“Tinulungan niya nga ako no’ng nasira iyong gripo sa hotel noon bukod do’n ay wala na akong alam tungkol sa kaniya, sir. Bakit po ba? Kilala mo ba siya?” sabi ko.Tinignan niya ako na parang naghihintay pa nang sasabihin ko.“Nagsasabi ako ng totoo, sir. Hindi kop o talaga siya kilala—““But you know his name.”“Oo nga po. Ayun lang ang alam ko wala nang iba. Bukod sa pangalan niyang Jonas, e, wala na po akong alam na iba. ‘Yun lang talaga.”Nakita kong huminga siya nang malalim at umiwas ng tingin. Umupo si
44"Hi. Jossa, right?"Mabilis kong binaba ang kutsara at tinidor saka pinunasan ang labi bago ngumiti sa tatlong taong lumapit sa pwesto ko. Kanina ay kasama ko si sir kumain ngunit niyaya siya bigla ng ibang kasama namin sa meeting papunta sa table nila kaya naiwan ako mag-isa. Kumain nalang ako para malibang ang sarli habang hinihintay siya."Oo, ako nga. Bakit po?" magalang na tugon ko.Kanina ko pa kasi pansin na nais nila akong lapitan. Nasa malapit na mesa lamang sila kaya nakikita ko ang mga ginagawa nila bago ako lapitan. Hindi ko man alam ngunit alam kong pinag-uusapan nila kami ni sir kanina habang nasa lamesa palang nila sila. Ano kayang kailangan nila at nilapitan nila ako?Ngumiti ang babaeng maikli ang buhok. "Pwede ka naming saluhan habang wala pa si Sir Tyson, 'di ba, guys?" "Yes, yes." Tugon ng dalawa niya pang kasama. "Kung ayos lang sa iyo?" ani ng may kulay na brown na buhok na babae.Ngumiti naman ako. "O-okay lang. Upo kayo."Nagkatitigan sila saka ngumiti bag
45Nagising ako na may mga daliring naglaro sa pisnge ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at agad na tinignan ang kaliwang gilid ko. At nakita ko ang nakangiting si sir habang naglalaro ang mga daliri niya sa pisnge ko."Good morning, darling."Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko rin inalis ang tingin sa kaniya. Nanaginip ba ako? O totoong nangyari iyon? Totoo bang tinanong niya ako para maging asawa niya?Lumapit ang mukha niya sa akin saka ako mabilis na hinalikan sa labi. Muli siyang tumitig sa akin matapos gawin iyon. "Nakatulog ka ba ng maayos, darling?" Inalis niya ang ilang hibla ng mukha na nakaharang sa mga mata ko. "Cuz I do." Nakangiting saad niya. "Waking up, having you beside me and seeing you first in the morning is such a great thing.""Tyson...""Hm?" "M-may naalala ka ba?" kabadong tanong ko. Para kasing okay naman siya. Na parang hindi nangyari iyong kagabi. Parang wala lang sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "What do you mean by that, darling?" Natawa siy
46"Maligayang kaarawan, Anton!" Masayang bati ko. Ngunit agad din nawala ang ngiti sa labi ko nang makita siyang wala manlang reaksiyon. Halata sa mukha niya ang lungkot. "Bakit? May problema ba?" Umiling lang siya. Ni hindi siya kumibo. Kanina pa siya ganiyan. Kanina pa siya walang kibo at tanging pagtitig lang ang ginagawa. Ano bang problema niya? Dapat ay masaya siya dahil kaarawan niya ngayon. Ngunit bakit malungkot siya? "Huwag ka nang malungkot." Nakangiting saad ko. "Birthday mo pa naman tapos ganiyan ka—" "Birthday ko na nga po tapos wala ka pa." Natigilan ako. Bakas sa tono niya ang lungkot. "Ate, birthday ko na po pero wala ka pa rin. Kailan ka ba babalik dito?" Natigilan ako at napatitig lang sa kaniya. Hindi ko alam paano siya sasagutin. Nakita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya. Sumakit ang dibdib ko. "Sabi mo noon, mabilis ka lang diyan," humihikbing saad niya. "E, bakit birthday ko na wala ka pa rin? Bakit hindi ka pa rin nakakabalik? Ate, miss na kita, e."
47"Ang taray, ah? Parang kahapon lang kinukwento mo palang sa akin na kayo na ni sir tapos ngayon naman pupunta tayo sa probinsiya mo? Ang bilis ng mga pangyayari ha? Hindi ko kinakaya." Natatawang saad ni Mel. "Mahal na mahal ka ni sir, ano? Kahit saan, e, sasama sa iyo. Yiee, kilig yarn." Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa panunukso niya. Umiling ako saka siya tinignan. "Nagpaalam kasi ako na pupuntahan ko ang kapatid ko sa probinsiya dahil kaarawan niya noong nakaraan. Nagtatampo na sa akin ang nakababatang kapatid ko na iyon, e. Tapos bigla nalang gustong sumama ni sir. Nagpumilit kaya hindi na ako makahindi." "Sus! Hindi mo lang matanggihan kamo. Pag-ibig nga naman." Iling na saad niya. "May kapatid ka pala? Bakit hindi ko alam? Lalaki o babae? Ilan taon na?" Tumango ako. "Lalaki, si Anton. Birthday niya no'ng nakaraan tapos nung tumawag ako, e, mukhang nagtatampo dahil nga ilang buwan na rin kaming hindi nagsasama. Nangako kasi ako na babalikan ko siya at dadalhin dit
48"Are you nervous?"Nilingon ko ang katabing si sir nang tanungin niya ako. Kanina ko pa dama ang kaba at pagka-miss sa kapatid ko ngunit hindi ko iyon mailabas. Ayoko kasing isipin nila na nagpapaawa ako lalo't nandito si Cecille na alam kong may maliit na galit sa akin. Kanina pa kami nandito sa bayan ng aming probinsya. Medyo masikip ang daan at maraming tao kaya hirap si Joshua na papasukin sa mismong lugar namin.Hindi ko naman maiwasan na kabahan sa magiging reaksiyon nila Tiyang at Anton. Alam kong miss na nila ako ngunit kinakabahan pa rin ako dahil sa tampo sa akin ni Anton. Nabalik ako sa sarili at napatingin kay sir nang maramdaman ko ang palad niya sa pisnge ko."We're almost there, okay? Don't be nervous. I'm sure they missed you, too."Ngumiti ako ng maliit. Alam ko naman iyon. Nakasisiguro akong miss na nila ako katulad nang pagkamiss ko sa kanila. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan."Jossa, saan tayo liliko?" Napatingin ako sa kung nasaan si Joshua. Lu
49Iginaya ko si Anton papasok ng van kung saan kami nakaupo kanina ni sir. Binuksan ko ang pinto ang bumungad sa amin ang mga mukha nilang pinagmamasdan kami. Ngumiti ako saka inakbayan si Anton dahilan para tumingala sa akin ang kapatid ko. "Heto pala si Anton, ang kapatid ko." Pagpapakilala ko bago tinignan si Anton. "Anton, sila ang mga kasama ko sa trabaho. Ang kausap mo kanina ay si Josh at ang nasa katabi niya ay si Cecille." Tinuro ko silang dalawa bago lumipat sa hanay nila Mel. "Heto naman si Mel, katrabaho ko rin. Sila Tina at Tj, na mga inaalagaan ko na anak ng amo kong si sir Tyson." Tinuro ko ang lalaking nakatingin sa amin. "Siya si sir Tyson.""M-magandang umaga po, sir... sa inyong lahat." Nahihiyang saad ni Anton. "Ako po si Anton... kapatid ni Ate Jossa. Ikinagagalak ko po kayong makita at makilalang lahat." Dinig kong nagtanong tanong si Mel ngunit hindi ko gano'n narinig dahil kay Mel siya bumaling. "Come in," ani ni sir. "We'll go to your house na." Tumango a
50"E, tiyang, mabait naman po 'yan si sir," sabi ko. "Hindi naman po niya siguro ako sasaktan."Huminto siya sa paghalo at tinignan ako. "Paano ka nakasisiguro? Kilalang-kilala mo na ba 'yan? Saka hindi ba't parang ang bilis naman ata niyong mahulog sa isa't isa."Natahimik ako at pinakinggan siya. Napasimangot ako habang tinitignan siya."May asawa kamo?" tanong niya.Tumango ako. "Patay na po.""O, e, hindi ba't parang ang bilis naman yata niyang makalimot?" Nagtatakang sabi niya."Pero, tiyang, sigurado naman po ako na mahal ko siya," ani ko. "Atsaka wala naman po iyon sa tagal ng pagsasama, hindi ba?""Oo nga," tango-tangong sabi niya. "Mahal mo? Mahal ka bang tunay?"Natahimik na naman.Huminag siya ng malalim at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko. "Huwag mong masamain ang mga sinasabi ko, Jossa, ha? Gusto ko lang ay mapabuti ka. O, sige, kung ngayon ay ayos kayo, okay lang. Magpakasaya kayo. Nandito lang ako at susuportahan kita kung anoman iyan.""Salamat, tiyang."