Share

72

72

"Magandang umaga po, tiyang."

Amoy sa buong bahay ang niluluto niyang tuyo. Inayos ko ang uniporme at umupo sa may lamesa. Humarap naman si tiya sa akin at ngumiti habang hawak ang pang-prito.

"Maaga pasok mo ngayon?" tanong niya. "Si Nene gising na?"

Nene ang tawag niya kay Teinia.

"Opo, tiyang, marami kaming gagawin sa hotel ngayon," sabi ko at kumuha ng plato na nasa mesa at nagsandok ng sinangag. "Tulog pa po baka maya-maya pa ang gising no'n."

Narinig kong pinatay niya ang kalan at humarap sa gawi ko. Naglakad siya palapit sa akin dala ang isang plato na mukhang nilagyan niya ng niluto niyang tuyo. Nilapag niya iyon at umupo sa harapan ko.

Nagsimula naman akong kumain. Siya nama'y nagsandok din ng kakainin niya.

"Totoo nga ang sinabi nila Bethy." Biglang sabi niya at tinignan ako.

Naguluhan naman ako. Si Aling Bethy ay ang mananaya na nakatira sa kabilang kanto. Ano naman kaya ang kinwento niya kay tiya?

"Totoo ang alin, tiya?" Kumuha ako ng tuyo at nilagay sa plato ko. "May s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status