Share

Chapter 28

Kinabukasan, may bisitang dumating sa bahay, maganda siya in fairness, mukhang mayaman sosyal ang dating kaya lang mukhang manequin na sa sobrang kapal ng make-up. Napakasaya niyang sinunggaban ng yakap si Jake na nakatayo sa harap ng gate. Humalik pa ito sa pisngi niya, “Hi baby, I miss you!” malakas nitong sigaw pagpasok pa lang ng gate. Mukhang isang dosenang maskara yata ang nilagay sa pilikmata kasi nangangapal at ang nguso naman niya ay kasing-kapal din ng nguso ng bibe dahil sa kapal ng lipstik. Jusko, pati ang damit kinulang sa tela dahil litaw na ang lahat na dapat ay nakatago. Nakakaimbyerna itong babaeng ito, at mas naloka ako sa sarili ko dahil heto ako sa isang sulok hawak ang walis tambo, I was supposed to clean my room but here I was, naiinis sa nakikita kong eksena.

“Oh! Abegail, halika tuloy ka.” Dinig na dinig ko na sabi ni Jake. Sinadya pa talagang lakasan ang boses niya. Masaya silang pumasok ng bahay, akala mo kendi lalanggamin na sa sobrang ka sweet-an.

Umalis n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status