Share

CHAPTER 38

"Dennis... salamat sa alok mo pero mas nanaisin kong sa kaibigan ko na lang muna sila dalhin o kaya sa hotel," salubong ko kay Dennis ng umalis sila Jake.

"Okay lang naman sa unit ko muna sila tumuloy dahil may shoot ako ng 3 days sa labas." paliwanag sa akin ni Dennis pero umiling ako sa kaniya.

Pinanindigan ko ang aking sinabi. Kaya naman wala ng nagawa pa si Dennis sa aking desisyon. Ang tanging pinaunlakan ko na lamang ay ihatid nila kami sa apartment ni Mystica na nakausap ko na bago ko dalhin sila tiya. Noong una ay ayaw ng aking kaibigan dahil sa mga ginawa nila sa akin pero pumayag na rin ito dahil sa pangyayaring hindi inaasahan. At paghingi ng mga ito ng kapatawaran.

"Joyce... p'wede magtanong?" ani ni Katrina sa akin habang pasakay kami ng elevator tungo sa apartment ni Misty.

"Bakit? Ano iyon?" sabay lingon ko sa kaniya.

"Iyong amo mo at iyong lalake kanina.... kilala ko sila... mga sikat kasi sila sa social media at minsan nakita na rin kita na kasama mo si Irish sa celeb
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status