Share

Chapter 17: Gustong-Gusto Kita, Master

BUMALATAY sa mukha ni Samara ang pagtataka nang huminto sila sa harapan ng isang prestihiyosong beauty salon and spa na naroon sa mall. Nilingon niya ang binatang amo ngunit iginiya lamang siya nito papasok.

Masiglang bumati ang staff ng naturang establisimyento dahilan upang magsilingunan ang iba pang kliyente ng mga ito.

"Where is Zia?" tanong ni Jasson sa babaeng naka-assign sa reception desk.

"She's inside the spa area, Mr. Luther. I will just inform her your arrival, Sir," tugon nito na tinanguan ng binata.

Ilang sandali lang, isang matangkad, may balingkinitang katawan at maputing balat ang lumabas sa pintuang tinutukoy kanina ng receptionist. Malawak ang mga ngiti nito habang papalapit sa gawi nila.

"Hey there, Master." Lumapit ito kay Jasson at humalik sa pisngi nito. "Glad to see you here. What can I do for you?" aniya na hindi tinatapunan ng tingin si Samara.

Hinawakan ni Jasson sa baywang ang dalagita at bahagyang hinigit palapit dito. "Ikaw na ang bahala sa kaniya,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
hnd nakatiis si Ara hinalikan Ka tlaga master hehehe thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status