Share

Pagbisita

Pagkatapos nang agahan ay agad akong nagtungo sa aking kwarto para maligo para sa date namin ni Leo. Hindi ko maiwasang maexcite! Pagkarating ko sa kwarto ay agad kong tinungo ang banyo at naligo. Nilinisan kong mabuti ang aking katawan. Nang matapos ako ay lumabas na ako para magbihis. Nagsuot ako ng kulay crema na off-shoulder at tenernuhan ko iyon nang fitted pants na pinaresan ng black sandal. Kitang-kita ang makurba kong katawan.

Inayusan kong mabuti ang sarili ko. Gusto kong maging maganda sa paningin ni Leo. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging conscious sa sarili ko. Kahit may mga nanliligaw sakin noon. Ni minsan di ako nag-abalang ayusan ang sarili ko para sa kanila. Sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto ng make-up sa aking mukha. Napakagat-labi ako. Magagandahan kaya sakin si Leo? O baka mas prepared niya ang walang make-up?

Kinuha ko ang pouch ko na nasa bedside table. Naaalala ko wala pala akong cellphone. Pero de bal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status