- Rhianna'sPOVIlang oras na ang lumipas mula nang umalis si Leo. Nagtungo siya kina Brandon para sa isang pagpupulong kasama si Carmela. Hindi ko maiwasan makaramdam ng paninibugho. Naiinis ako! Oo alam ko na na nagmamalasakit siya sakin pero katunayan lang iyon na wala siyang tiwala sakin! Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng saya sa aking damdamin dahil sa pagmamalasakit niya sakin.Napagpasyahan kong magluto nalang ng hapunan para kahit papaano may pinagkakaabalahan ako. Patapos na ako sa pagluluto ng maulingan ko ang mga yabag na papalapit sakin."Rhianna." wika niya. Halos nanlambot ako sa aking kinatatayuan dahil sa pagbigkas niya sa aking pangalan. Kaysarap dinggin ng tinig niya. Pakiwari ko nawala yung inis na nararamdaman ko kanina. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sakin. Nagbaba ako ng tingin dahil diko kayang salubungin ang mga titig niya. Lumapit siya sakin. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita."Galit ka ba?" tanong niya habang papalapit siya sakin.
Rhianna's Point Of ViewNarito ako sa aking kwarto at nagbibihis. Naghahanda na kami ni Leonardo para magpunta sa Head Quarters dahil doon kami magkikita-kita para sa gagawing paghuli sa mga nasa likod ng gagawing transakyon ngayon. Hindi ko maiwasang kabahan sa gagawin namin. Sana maging ligtas kami. Sana walang mapahamak samin. Kinuha ko ang baril na nasa mesa na nasa tabi ng aking kama at isinukbit iyon sa aking tagiliran. Nang makalabas ako ay nakita ko si Leonardo na papalabas na ng kaniyang silid. Hindi ko mapigilang humanga sa kaniya. Mas guwagwapo siya habang tumatagal. Halata sa suot nito ang kakisigang taglay. Gaano kaya kasarap na makulong sa mga braso nito. Ipinilig ko ang ulo sa mga isiping iyon."Let's go?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango."Let's go." wika ko. Bago ko pa man maigalaw ang mga paa ko para maglakad. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Hindi ko maiwasang kiligin sa ginawa niya. Kahit ganito lang ayos na sakin. Basta maramdama
Leonardo's Point Of ViewHindi ko mapigilang mapangiti habang magkahawak ang aming kamay ni Rhianna. Kapag hawak ko ang kaniyang kamay pakiramdam ko kayang-kaya ko lahat. Kayang-kaya Kong lampasan lahat. Siya ang nagiging lakas ko sa mga ginagawa ko. Tiningnan ko siya. Nagtama ang aming mga paningin, gumiti siya sakin na mas lalong naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng asking puso. Those smile. Nakakawala ng katinuan. Binalik ko muli ang aking paningin sa dinaraanan having bang parin and kamay nito. Malapit na kami sa abandonadong gusali. Magaling si Harold sa lock picking kaya siya inatasan ko na tumingin dito sa abandonadong gusali. Nang marating namin ang abandonadong gusali. Kaagad kami pumasok sa loob. Hawak ko pa rin ang kamay ni Rhianna. Namataan ko si Harold na nasa isang upuan at nakaupo. Nakatambak sa tabi niya ang mga bulto-bultong droga."Napakatagal niyo naman." reklamo nito samin."Hey! Ang bilis kaya. Ikaw kaya seating pretty ka dyan!" singhal naman ni Alexandra. Sa p
Rhianna'sPOV "Sige Chief kayo na po bahala sa mga droga na nandoon." wika ni Leo habang minamaneho niya ang sasakyan pabalik sa Head Quarters. "Okay Chief." wika niya at ibinaba ang cellphone. Hinagis nito iyon sa dashboard ng kotse. Tahimik lamang ako sa aking kinauupuan habang nakatanaw sa mga puno na nadadaanan namin. Napakatahimik nang paligid. Nakakarelax ng pag-iisip. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa aking labi ang halik na aming pinagsaluhan kanina. Hindi ko alam kung ano ang iisipin? May gusto ba sakin si Leo? Ipinilig ko aking ulo. Hindi. Hindi ang kagaya ko ang magugustuhan niya. Ayaw ko mag-assume na may gusto siya sakin. Dapat masabi niya sakin ang tatlong salita na inaabangan kong marinig mula sa kaniyang mga labi. Mahirap ang umasa. It just only a kiss. "Gusto mo na ba magpahinga? Ihahatid kita sa bahay. Saglit lang naman ako sa Head Quarters." tanong ni Leo sakin. Mula sa ginagawang pagmamasid sa labas ng kotse ay ibinaling ko ang paningin sa kaniya na nakatu
Rhianna's Point Of ViewNagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Ginamit kong pantakip sa aking mukha ang aking braso. Iminulat ko ang aking mata at iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Bakit ako nasa aking kwarto? Sa pagkaka-alala mo nalasing ako kagabi dala ng alak na nainom ko. Yun lang ang natatandaan ko. Hindi kaya dinala ako ni Leo dito? Marahil. Dahil wala naman ibanf magdadala sa akin dito kundi siya.Nang maaalala ko bigla si Leo. Hindi ko maiwasang masaktan muli nang manumbalik sa aking ala-ala ang nangyari sa Head Quarters. Kung mahal pa niya si Carmela bakit ganun ang ipinapakita niya sakin? Bakit niya Ako hinahalikan? Dahil ba sa gusto niya lang? Pinalaki akong matino pero heto ako gumagawa ng bagay na hindi ko dapat ginagawa. Nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko. Pero ngayon, hindi na ako papayag na gagohin pa niya ako. Kaya mula ngayon kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nagpabuntong-hininga ako. Oo, madaling
Rhianna'sPOV Ibinaba ko ang baril sa mesa pagkatapos kong patamaan ang nasa gitna ng makailang beses. Unti-unti akong nagiging matapang sa paghawak ng baril. Konting-konti nalang kayang-kaya ko na makipagsabayan sa mga kasamahan ko. Pinalakpakan ako ni Brandon na nasa tabi ko at nanonood lang. "Ang galing!" wika niya habang pumalakpak. "Salamat, Brandon." wika ko. Tumingin siya sakin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. "Aalis na ako Rhianna. Di ka ba sasabay? Ihahatid na kita." anito. Umiling ako. "Hindi na. Salamat sa paanyaya. Dito muna ako." sabi ko at umupo sa upuan na inupuan niya kanina. "Okay." anito at naglakad na palayo sa kaniya. Marahan akong napabuntong-hininga. Konting-konti nalang. Mawawala na ang takot ko. Hindi ko maiwasang isipin si Leo. Nakita na kaya niya ang sulat na iniwan ko? Baka galit na siya sakin ngayon dahil di ako nagpaalam. Kahit ganun ang nangyari. Malaki pa rin ang utang na loob ko sa kaniya. Pero hin
Natigilan si Leonardo sa tanong ko. Na para bang hindi niya inaasahan ang itatanong ko sa kaniya. Marahan siyang napabuntong-hininga."Paano kung sabihin ko na oo? Lalayuan mo na ba ako? Rhianna, alam ko na wala kang nararamdaman para sakin kaya tinago ko ito sayo dahil ayaw kong masaktan. Gusto kita Rhianna, simula nang makita kita. Hindi ka na nawala sa isip ko. Ako naman ngayon ang magtatanong. Gusto mo ba ako?" wika niya. Nakita ko mga mata niya ang sinseridad sa mga sinabi niya. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sinabi niya sakin. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga nalaman ko. Hindi kayang iabsorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Sabagay gusto lang naman niya. Hindi niya ako mahal. Magkaiba yun."Rhianna. Tinatanong kita. Gusto mo ba ako o hindi?" tanong niyang muli sakin. Sabagay naging tapat naman siya sakin kaya walang dahilan para magsinungaling ako sa kaniya."Oo Leo, gusto kita. Basta bigla ko nalang naramdaman na masaya ak
Rhianna's POV Naiinis ako! Sobrang naiinis ako. Hindi man lang niya ako pinuntahan dito sa kwarto para magpaliwanag kung bakit siya nagsinungaling sakin. Sinabunutan ko ang buhok ko sa sobrang inis! Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya minabuti ko na bumangon mula sa pagkakahiga at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Lumabas ako ng kwarto. Pagkalabas ko ay saktong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Leo at lumabas si Leo. Nagtama ang aming mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin at tinungo ang kusina. Nararamdaman ko na nakasunod sakin si Leo pero hinayaan ko lang siya. Baka papunta rin siya sa kusina. Nang masapit ko ang kusina. Agad kong tinungo ang water despenser para kumuha ng tubig. Nang matapos ako sa pagkuha, iinumin ko na sana iyon nang biglang magsalita si Leo. "Excuse me, kukuha din ako ng tubig." wika niya. Napakunot-noo ako sa tinuran niya. Pakiramdam ko sa mga sinabi niya, para kaming di magkakilala. Umusog ako para bigyan siya ng space para makakuha ng tubig. Ay