It get twisted and twisted sa kagustuhan ni Drake na mabuo sila ni Lumiere. Hanggang saan aabot ang kapirasong pag-asang mayroon siya?
Unti-unti ng nailalakad ni Drake ang kanyang mga paa katulong ang isang Therapist. Napapangiti siya dahil sa pagkabagot niya sa loob ng bahay at kawalan ng kalayaan sa mga bagay na nais niyang gawin. Sa isang sulok naroon si Lumiere kahit papaano ay masaya siya sa nagiging improvement ng mga paa nito. Ngunit ng mapansing nakatingin sa kanya si Drake ay bumalik sa pagsisimangot ang asawa. Alam na naman niya kung gaano ka buti ang kalooban nito.Pero halip na palipasin ang pang-iisnob ng asawa ay nagawa pa niya itong tawagin. "Lumiere" tawag nito na parang isang boss. Tulad ng araw-araw niyang trabaho ay sa tuwing tumatawag ito ay agad siyang lumalapit. "I want to visit my parent's house" ng marinig ito ni Lumiere ay ganon nalang ang pagkatuwang naramdaman niya. "I want you to be happy, alam ko kinasusuklaman mo ako pero ito lang ang paraan ko para hindi mo ako iwanan ulit" Sinasabi niya iyan habang pinagmamasdan ang mga mata ng asawa. Hinawakan niya ang pisngi nito kahit pilit na in
'I have a brilliant plan to win you back, Lumiere'. bulong niya habang may tinitipa sa kanyang laptop. He still has work to do kahit na nagpapagaling siya sa kanilang tahanan. He was still busy in the office at lahat ng kausap ay on cam nalang. "Maam, may nagpadala po sa inyong regalo at bulaklak" salubong ng isang katulong na nakasalubong niya sa may sala. "Kanino po galing?" tanong niya. "Hmm.. basta maam, tignan ninyo nalang po. Ang alam lang po namin ay para sainyo" napakunot tuloy nag noo ni Lumiere dahil wala siyang ideya kung kanino galing ang mga bulaklak. Tinungo niya ito at nakita niya ang mga bulaklak roon at maliit na kahong regalo. Mga pulang rosas na sobrang bango. Agad niyang hinanap ang card para malaman ang sender. 'Pulang rosas para sa aking mahal na asawa' sa pagkakasulat pa lamang ay batid na niya kung kanino ito nagmula. Kay Drake. Binuksan niya ang maliit na kahon at naglalaman ito ng singsing. Ito ang kanilang marriage ring. Binasa niya ang isang maliit na n
Simula ng gabing iyon nagbago ang lahat sa pagitan nila ni Drake. Madalas wala itong kibo kapag nagtatagpo sila ni Lumiere di katulad ng dati ay lagi itong gumagawa ng bagay para mabigyan siya ng pansin ngunit ngayon ay wala itong imik. Parehas sila ni Lumiere na tinuturing na hangin ang isa't-isa. Ilang araw narin itong pumapasok sa opisina at hating gabi na kung umuwi. Kung dumating siya at madalas ay mahimbing na ang tulog ni Lumiere.Maaaring nag-eenjoy si Lumiere sa pagtrato sa kanya ni Drake ng ganito ngunit hindi ito ang nais niya dahil sa isang sulok ng puso niya ay hinahanap parin niya na gumawa ito ng hakbang para lang magmakaaawa sa pagmamahal. Pero hindi na ito ang ginagawa ni Drake kundi pag-iwas ayon sa gusto niya.Kaya isang gabi ay hinintay niya ito. Halos mag-ekis ekis na ang paglakad nito papunta sa kanyang tulugan. Kaya tinakbo siya ni Lumiere pero inalis ni Drake ang kamay niya na nakahawak sa kanyang braso."Ka-Kaya ko naman. Thank you.. Matulog ka na!" utos ni Dr
Maagang umuwi si Drake para makita niya si Luke. Dala-dala ang isang box ng ice cream at mga laruan. Nais niya itong dalhin sa isang Amusement Park. Kung saan siya dinadala madalas ng kanyang ina noong maliit pa siya. Ang paalam lang kasi niya ay dadalhin niya kay Lumiere ang bata dahil weekend.Hawak niya ang kaliwang kamay ni Luke habang iniikot siya sa lugar. Kitang-kita niya ang tuwa sa mukha ng bata dahil first time lang niyang makarating sa ganitong lugar. Halos dalawang oras silang naroon at sumasakay sa ibat-ibang rides. Andyan sumigaw sa tuwa ang bata at maging si Drake ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman para sa batang kasama niya. Hindi niya alam kung bakit sobrang saya niya at kahit hindi niya ito anak ay ramdam niya ang ligaya nito. Matapos iyon ay nakaramdam sila ng gutom at dinala siya nito sa isang restaurant. Kumain sila at makaraan ay nagpasya naring umuwi.Akay-akay ni Drake si Luke ng sila ay bumaba ng kotse. "Now, little man you can go to your mother" sabi ni D
Maagang nagising si Lumiere para ipaghanda ng pagkain ang kanyang anak na si Luke. Napakahimbing din ng tulog nito kaya hindi na niya ito ginising pa. Napadako ang tingin niya sa higaan ni Drake ngunit wala na ito kaya inayos na lamang niya ang kanyang sarili para sa makababa na. Bumaba siya at naamoy niya ang napakabangong amoy sa kusina. Napaka-tamis na amoy na para may bine-bake or 'waffle'. Agad siyang nagmadali matagal na siyang hindi nakakakain ng waffle at iyan ang pinaka-paborito niya.Malaki ang kanyang mga hakbang papunta sa kusina ngunit si Drake ang nakita niya roon na nakasuot ng apron at simpleng pambahay. Halos mapalunok siya ng makita sa mesa ang mga bagong lutong waffle. Hindi na niya napigilan na umupo roon at kumuha. May roong chocolate syrup, strawberry at mayron din ang Maple syrup. Nakatalikod noon si Drake kaya hindi siya nito napansing nakaupo na at kumakain na. Kaya laking gulat nito ng makita si Lumiere. "Morning! I hope you like it" nasabi na lang niya out
WARNING! SPG Ahead! Some scenes are not suitable for sensitive and young readers!. READ AT YOUR OWN RISK! Drake Achlys Tahimik lamang siya sa buong biyahe balik na naman kami sa ganitong set-up. Kailangan ko na sigurong tanggapin na mahirap na para sa kanya ang maging tulad ng dati. Kaya halip na sundan ko siya sa kwarto ay dumeretso ako sa aking opisina at duon muna hanggang sa makatulog siya at saka ako aakyat para naman hindi na siya maasiwa kung anong gusto niyang gawin. Nakakapanibagong gumising ako ng sobrang aga para lang magtrial ng ilang beses para lang maperfect ko ang paggawa ng waffle na iyon. Hindi ko na hiningi ang tulong ng mga katulong dahil nais kong gawin ito para kay Lumiere at para narin kay Luke. Buti na lamang at okay na ang mga waffles na natikman niya kundi nakakahiya. For the first time I cook and I can say I'm not bad at it. Muli kong tinignan ang mga naopen kong windows para sa ibat-ibang ways para mapasarap ang waffles at isa-isa ko narin ito sinara dahi
Nagising akong mabigat ang buong katawan ko ngunit wala na si Drake sa aking tabi. Matapos kong mabalikan ang nangyari kagabi ay mabilis akong tumayo para hanapin ang contaceptive pills ko. Wala akong balak na masundan si Luke. Ang nangyari kagabi ay dahil lamang sa pasasalamat at saya na pinakita niyang pagmamahal sa aking anak. Naligo ako at bumaba para kumain. Sinalubong ako ng katulong para ibigay ang isang bouquet ng rosas. "Maam, pinadala po ni Sir Drake para sa inyo. Maaga po siyang nakaalis kanina" pero hindi ko na kinuha iyon bagkos ay inutos kong ilagay na lamang niya sa isang vase. Kaiba ang panahon ngayong araw dahil umuulan kahapon naman ay napakaaraw. Ganon din ba ang pakiramdam ko hindi maganda at para akong magkakasakit. Mabigat ang pakiramdam ko o dahil lamang sa nangyari kagabi dahil hindi ko alam kung ilang beses niya akong inangkin. Wala naman ako nais gawin ngayon kundi ang basahin ang iba'-ibang libro na naroon. Nagtagal ako roon at isang tawag ang nagpamanhid
Ng araw na iyon hindi niya makayang makakain o kahit uminom manlang dahil sa pangambang naiisip para kay Luke. Gayundin ang mag-ina na laging nakamasid kay Lumiere. Maaari din kasi itong biglang umalis at lumala lang ang lahat. Nayuko lamang ito at tila ang lalim ng iniisip. Lumapit si Coreen kay Lumiere at dinala siya sa may beranda. Samantalang nakabantay si Drake sa mga telepono. "Hindi ba magandang malaman na ni Drake kung ano si Luke sa buhay niya. It will help para hindi ganoon ka bigat ang dinadala mo" "Para saan pa pong malaman niya. Lalo lang po ako mahihirapan. Kailangan na nating makita si Luke dahil para akong nauubusan ng lakas sa tuwing naiisip ang anak ko" sunod-sunod na pag-agos ng luha ni Lumiere habang kausap ang kanyang biyenan. "Oh Lumiere, kasalanan ko ito" Niyakap niya si Lumiere na parang nanghihina sa mga nangyari. "Hindi ko na kakayanin pa kung mawala si Luke sa akin. May sumpa ba ako? bakit lahat ng mahal ko sa buhay ganito sa akin" "H'wag mong isipin iy