Lahat ng Kabanata ng Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen): Kabanata 1 - Kabanata 6
6 Kabanata
Chapter 1: Failed
“SH*T, Laura! Mukhang kailangan kong mag-cutting class bukas!” bulalas ni Asia habang nakatitig sa cellphone niya.“At bakit naman?” kunot-noong tanong ng kaibigan.Bumaling siya sa aking kaibigang si Laura. “Hindi mo ba nakikita?” Tumingin pa siya sa cellphone niya na ikinasunod din ni Laura.“Ano ba ‘yan?”Kinuha ni Laura sa kanya ang cellphone niya at tiningnan ang post ng isang pubhouse.“Bukas na ang book signing event ni Ismael para sa second book niya.” Nakasimangot na ibinalik sa kanya ni Laura ang telepono niya.“Sa pagkakatanda ko, hindi siya dumating sa first signing event niya. Kaya ‘wag ka nang mag-expect ngayon dahil ang bali-balita, babae ‘yan.”“Hindi nga, e. Lalaki siya, malakas ang pakiramdam ko.” 200% sure siya sa bagay na ‘yan. Hindi siya maaaring magkamali dahil dito kaya siya magaling.“Hay, naku na lang, Asia Jade. Kung kay Callen mo na lang tinutuon ang atensyon mo, hindi ka na mag-cutting class pa.”Sumimangot siya nang marinig ang pangalan ni Callen. “Kung
Magbasa pa
Chapter 2: Why?
PAKIRAMDAM ni Callen, may nakabara sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Alam niya namang napaka-straightforward magsalita ni Asia pero nasaktan pa rin siya. Actually, paulit-ulit na siya nitong nire-reject, e. Kaso, wala pa sa bokabularyo niya ang pagsuko. As usual, palilipasin niya lang ito tapos babalik ulit sa dati na parang wala lang.Nang pumasok ang taon na ito, nalilito na siya sa nararamdaman niya towards Asia. Hindi lang pala siya natutuwa sa dalaga kung hindi nagkakagusto na rin. Pero walang nakakahalata noon sa mga kaibigan niyang lalaki. Akala lang ng mga ito, sinususugan siya lang ang pagka-disgusto ni Astin kay Asia dahil sa naging nakaraan ng magulang ng mga ito. Ewan niya lang sa mga babae nilang mga kaibigan kung iba ang paningin ng mga ito sa pakikitungo niya kay sa dalaga.Sa totoo lang, nakailang tanong na siya kay God kung kailan kaya mapapagod si Asia kay Astin. Seryoso, nandito kaya siya, kaya bakit kay Astin pa? Nakailang tingin din siya sa salamin, gwapo n
Magbasa pa
Chapter 3: Her Driver
“ANONG oras niyo ba ako dadaanan mamaya?”Nagkatinginan si Andrea at Laura. Makikisakay lang si Asia sa mga ito dahil wala ang Kuya Daryl niya. Ayaw naman niyang magpahatid sa mga tauhan ng Daddy niya dahil nagmumukha siyang anak ng Presidente. Lahat ng mga ito magfo-formation sa magkabilaang gilid ng dadaanan niya. Kulang na lang kaya red carpet ang dadaanan niya minsan. Masyadong nakaka agaw pansin.“Um, before 8?” Si Andrea ang sumagot.“Okay. Bye!” aniya. Magkasama ang ito sa bahay kaya iisa lang ang inuuwian ng mga ito. At minsan, iisa lang din ang gamit na sasakyan ng mga ito at si Andrea ang nagmamaneho.“Uuwi ho ba tayo, Ma’am?” Tumango siya sa bodyguard niya nang lapitan siya nito. Agad namang nagsalita ito sa kabilang linya at sinabing palabas na siya ng campus.Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang Mommy niya na nagluluto ng dinner nila. May mga kasambahay naman pero pagdating sa pagkain nila, ito ang nagluluto. Maliban na lang kapag masama ang pakiramdam nito.
Magbasa pa
Chapter 4: Dragon
NAPAANGAT ng kilay si Asia nang makita si Callen na tinuturo ang braso nito. Gusto yata nitong kumapit siya doon.“You’re not my date,” aniya sa binata.“I know. Pero binibigyan kita ng privilege na mahawakan ako, since ginawa mo na akong driver.”Naniningkit ang magandang mata ni Asia sa narinig. Wow, huh? As if siya pa ang may utang dito.“Excuse me! Wala akong sinabing sunduin mo ako. Kaya kasalanan mo kung bakit nagmukha kang driver. Kaloka kang lalaki ka!” ‘Yon lang at tinalikuran ito ni Asia.Kamot-kamot naman ng ulo si Callen na tumingin sa dalaga. Mukhang mali ang pagpapakonsensya niya sa dalaga. Ngayon, paano pa siya nito papansinin?Tatlong beses na pinukpok ni Callen ang ulo bago sumunod sa dalagang yamot na. Pagkakita ni Asia sa mga kaibigan, agad na nilapitan niya ang mga ito. Nakapameywang siya pero ngiti lang ang ni-reply ng mga ito sa kanya.“May gana pa kayong ngumiti sa akin, huh? Bestie?” Ang mata ni Asia ay kay Laura. Kasi nahuli niyang tumingin kay Callen na noo’
Magbasa pa
Chapter 5: Carried by someone
“Nice.” Hindi pa rin mawala sa ngiti ni Asia ang kakaibang pang-aasar kay Callen. Ito ang first time na ngitian siya nito at inasar nang ganoon kaya hindi siya naiinis. Pinapatigil niya lang si Asia dahil hindi nga mawala-wala ang paninigas ng kaibigan niya sa baba. Kung dati, agad na nawawala dahil hindi naman nagtatagal sa paligid niya si Asia, pero ngayon, parang ayaw tumigil dahil sila lang naman na dalawa ang nandito sa haven niya.“Oh my!” biglang tayo ni Asia at lapit sa bintana nang makita ang araw na papasikat. Nawala na sa isipan nito ang pang-aasar kay Callen kaya nakahinga nang maluwag ang binata.Kita ni Callen ang pagsilip sa balcony niya.“Saan ang daan niyan?” Nilingon siya ni Asia pagkuwa’y nginuso ang balcony niya.Nginuso niya rin ang pintuan na natatakpan ng curtain. Agad namang lumapit doon ang dalaga at nagmadaling lumabas. Napangiti siya dahil nakita rin nito ang isa sa paborito niyang spot kapag nandito. Saktong sumisikat na kasi ang araw noon kaya magandang t
Magbasa pa
Chapter 6: He loves her
“BAKIT ba kasi kailangang magpakalasing?” tanong ni Callen kay Asia. Alam naman niyang hindi siya nito masasagot pero naisatinig pa rin niya. Tumayo si Callen mula sa kama niya para kumuha ng towel na pampunas dito. Maraming nainom ito kanina kaya lasing na lasing ito. Parang lantang gulay nga lang nang pangkuin niya kanina. Hindi naman pala kasi kaya ng katawan nito ang alak, iinom-inom ng marami.Naiintindihan naman niya kung bakit. Dahil sa ginawa ni Astin dito. Pero maraming paraan naman para mawala ang sakit. Gaya na lang ng pagbaling sa iba ng pagmamahal nito. Like— sa kanya? Right? Tinampal ni Callen ang ulo dahil sa huling naisip. Pero hindi, e. Kung siya lang ang pinili nitong mahalin, hindi ito masasaktan sa kanya. Araw-araw niya itong pasasayahin at paliligayahin.Napangiti nang mapakla si Callen. Kaso hindi, e.“Kulit mo din talaga, Callen!” naisatinig na niya. Mabuti na lang at tulog na si Asia.Bumalik si Callen sa silid niya pagkakuha ng basin at towel. Nilagay niya i
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status