Call Me SKY

Call Me SKY

By:  BlackAddict_17  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
33Chapters
984views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Miracle Addison is the only daughter of the well known great agents. She was 10 years old back then when Don Alejandro Salvador and his armed men attacked their safe house. Her parents died, Don Alejandro command Alfredo–(one of his armed man) to also kill Miracle but Alfredo didn't do it. Alfredo on the other hand adopted Miracle. He trained her well cause he know that someday, Miracle will find Don Alejandro to get revenge. When Miracle finally turned 21 her plan already started. She enter the University where Zack Salvador–(Grandchild of Don Alejandro Salvador) are currently studying. She needs to get Zack's attention and trust no matter what, in order to know the information about Don Alejandro. As she get closer to Zack, she didn't know that she's already falling. Will she forget her feelings towards the grandchild of an enemy and stick to the real plan or will she choose to love Zack instead and forget her anger?

View More
Call Me SKY Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
33 Chapters
Chapter One
Miracle’s POV Pilit kong sinisilip ang mga taong armado na nasa loob ng aking kwarto mula sa pagkakatago ko sa madilim na closet. Hindi ko pa rin lubusang maintindihan ang mga nangyayari. Kanina lamang ay nagi-impake kami ni Mommy ng gamit ko dahil dadalhin daw nila ako sa probinsya kung saan nakatira ang iba naming kamag-anak. Hindi ako pumayag dahil bukod sa ayaw ko, hindi rin sila kasama pag-alis ko. Maingat naman nilang ipinaliwanag ang katanungang bumabagabag sa akin. Delikado na makasama ko sila dahil nagiging mapanganib na ang trabahong ginagawa nila. Nasa kalagitnaan pa lang sila kanina ng pagi-impake at ng pag-iyak ko nang bigla na lang may kumalabog sa ibaba dahilan para matigilan sila. Gayundin ako.  Hindi ko na nagawang sundan ang kanilang pinag-uusapan. Tangi ko na lang naintindihan ay ang pang-huling salitang binitiwan ni Daddy. “They're here.”  Abala na si Mommy sa mga gadgets. Samantalang si Daddy ay may kausap na
Read more
Chapter Two
“Mommy! Daddy!” Napabangon ako mula sa kamang kinahihigaan ko nang mapanaginipan na naman ang malagim na nangyari sa magulang ko sampung taon na ang nakakaraan.Tagaktak ang pawis ko nang punasan ito, halos habulin ko rin ang hininga ko. “Tubig.” Inabutan ako ng tubig ni Alfredo. Ganito palagi ang ginagawa nya tuwing gumigising ako sa masamang panaginip na hanggang ngayon ay gumagambala pa rin sa akin. Kinuha ko ang baso mula sa kamay nya at tuloy tuloy na ininom. Ibinigay ko sa kanya ang wala ng lamang baso. “Salamat, naabala ko na naman tuloy ang tulog mo.” Iniwas ko ang paningin at tumayo na mula sa pagkakahiga. Tinignan ko ang oras sa relo na bigay sa akin ng magulang ko, alas tres pa lang ng madaling araw. Hindi na muli akong nakakatulog kapag ganitong nagigising ako mula sa bangungot na 'yon. Minamabuti kong mag ensayo na lang kaysa tumunganga. Ganito na ang gawain ko simula pa noon.
Read more
Chapter Three
“Ilagay mo lahat ng pera dito, bilisan mo!” Walang ibang tao ang 7/11 kaya hindi makahingi ng tulong si Ate na nasa counter, at kung may tao man ay malabo rin syang matulungan dahil gigil na nakatutok ang baril ng lalaki sa kanya. Halata sa lalaki na sinumang hahadlang sa gusto nyang mangyari ay papuputukan nya ng walang pagdadalawang isip. “Opo.” Nanginginig na kinuha ng babae ang bag na inaabot ng lalaking may bitbit na baril. Mula dito sa glass door ay nakahalukipkip ako habang pinag-mamasdan sila. “Bilis!” Inip na sigaw ng lalaki sa kanya. Halos mapatalon sa gulat ang babae dahil sa takot. Nagtama ang paningin namin ng lalaki nang ilibot nito ang paningin. “Ikaw! Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?” Maangas nyang tanong sa tonong nangsisindak. “Masama ba?” Inosenteng tanong ko pabalik. Nakita ko ang pagrehist
Read more
Chapter Four
“Talaga? Sa university ka na namin mag-aaral?” hindi makapaniwalang tanong ni Almira at Allison. Nagsabay pa sila sa pagsasalita. Mag-uumpisa na ang misyon ko pagtapak ko sa unibersidad na pinapasukan ng apo ni Don Alejandro, which is doon din nag-aaral ang tatlong baliw na 'to. Sa makalawa ay tuluyan na akong lilipat doon dahil inaasikaso pa lang ang mga kakailanganin ko para makapasok sa pribadong paaralang iyon. Ito na talaga ang plano namin ni Alfredo simula pa lang. Ang mapalapit sa apo ng kalaban para mas mapadali namin ang plano. Tumango ako sa tanong ng kambal, excited silang nagtatalon sa tuwa. Nandito kami ngayon nakatambay sa malawak na bakuran ng bahay namin ni Alfredo. Katatapos ko lang mag-ensayo nang dumating sila rito para na naman manggulo. “Halla, omo! Kailan ka papasok?” nagningning sa tuwa ang mata ni Allison. “Siguro sa lunes na rin, inaasikaso ko pa ang pagkuha ng kak
Read more
Chapter Five
Katatapos lang namin kumain ng hapunan ni Alfredo at napagkasunduan naming iimpake na ang mga gamit ko. Ako ang nagtutupi at sya ang tiga-lagay sa maleta. Pinabaunan nya rin ako ng isang beretta M9 at tactical knife in case na kailanganin ko. Dinala ko rin ang laptop na binili at inayos nya para ma-trace ko kung nasaan sya, ganon din ang gagawin ko kung sakaling mapalapit na ang loob ng apo ni Don Alejandro sa akin, malalaman ko kung saan ito naglalagi at kung ano ang mga pinagkaka-abalahan. Kung sumasama ba sya sa kanyang Lolo upang suriin sa mga pabrika ang mga ginagawa nitong droga.Isang malaking maleta ang dala ko at backpack.“Mukang handang handa ka na.” Ngumisi si Alfredo.“Sobra.” Bahagya akong natawa.“Alam kong buong-buo ang loob mo, pero alam ko ring hindi mo nakakalimutan na hindi basta-bastang kalaban si Don Alejandro.” Nawala ang ngisi nito at sumeryoso an
Read more
Chapter Six
“Salamat.” Natapos na ako sa mga papel na ni-fillup-an ko. Successfully enrolled na rin ako at ang mas masaya pa roon ay parehas ang schedule namin ni Zack Salvador.Mahabang pilitan pa ang naganap sa pagitan ko at sa registrar dahil ayaw ako nitong payagan na mapunta ako sa dash-1 kung saan naroon ang apo ni Don Alejandro.Mabuti na lang ay hindi sumama sa akin ang tatlo dahil nakita nila ang kanilang kaibigan dito.Sinabi ko kasi ang nakakasukang dahilan ko sa registrar kung bakit gustong gusto ko roon. Sabi ko lang naman ay crush na crush ko si Zack Salvador kaya gustong gusto ko syang kaklase sa lahat ng subject, para inspirado ako sa pagpasok palagi. Sinuhulan ko pa nga para lang tuluyan nang pumayag ang matanda, dinagdagan ko ang bayad ng tuition ko para roon.“Okay na, salamat sa paghihintay.” Syempre ngiting tagumpay ako nang makalapit sa kanilang tatlo.&ld
Read more
Chapter Seven
Saktong alas dose ng tanghali ay natapos ang klase namin. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at nagtipa ng mensahe sa tatlo kong kaibigan. Tinanong ko kung saan sila, agad naman ang reply at sinabing nasa cafeteria 1 na at hinihintay na lang ako. Ibinulsa ko ang cellphone para tumayo na. “Hi, may kasama kang magla-lunch?” Hindi ko gusto ang ngising ipinakita sa akin ng tatlong babae sa harap ko. Muka na ngang hindi friendly, hindi pa katiwa-tiwala ang pagmumuka nila. Galit na galit ang pulang lipstick sa kanilang mga labi. Kumapit ako sa strap ng bag ko. “Uh, meron,” Mahinhin at nahihiya kong tugon. Sabi ni Alfredo ay magaling ako sa pag-arte, kung mag-aartista raw ako ay tiyak na pasok agad. Kaya nga iyon ang ina-apply ko ngayon dito. Kita ko ang pasimpleng pag-irap sa akin ng isa nyang kasama, 'yung isa naman ay halatang napaka arte. Nakalabas na sila Zack at Atasha, iilan na l
Read more
Chapter Eight
“Seth!” Zack voice roared like a thunder.“Gotta go, see you around!” Kumindat ito bago umalis.What was that for? Geez! I guess that's enough for today, napag pasiyahan kong umuwi na dahil ayos na 'yung nakita ako ni Zack at nakapag papansin ng konti.Saktong tumunog ang phone ko, tumatawag si Allison. Walang pagdadalawang isip kong sinagot.“Hello?”“Sky! Nasan ka? Kainis! Kailangan mong magpakita agad sa amin, bruha ka! Dapat kang magpaliwanag.”“Ano bang sinasabi mo?” Kumunot ang noo ko dahil parang nagtatampo ang boses nya. Para akong may itinagong sikreto na hindi agad nasabi sa kanila.“We're here na sa gate, hihintayin ka namin dito.”'Yun lang at pinatay na nito ang tawag, nasisiraan na naman yata ng ulo 'yun. Tsk!“Bak
Read more
Chapter Nine
"Allison, doon na lang kaya tayo maupo?" nakangiti kong sabi sa kanila habang bitbit namin ang mga tray ng pagkain. Itinuro ko gamit ng bibig ang bakanteng upuan malapit sa tabi nila Zack. Kailangan ko pang makahagilap ng impormasyon tungkol sa napag usapan nila kanina. "Sige," payag na sabi nila, palibhasa ay nakita nilang malapit lang 'yon kila Zack. Palihim akong ngumisi. Sa loob ko ay gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Naunang umupo sila Abby kasama si Kio, sumunod naman ako kasama si Allison at Almira. Habang kumakain ay naka focus ang pandinig ko sa pinag-uusapan nila Atasha at Zack. Nakabaling naman ang mga mata ko sa mga kaibigan kong nag-uusap para hindi mahalata. "Yow!" Hindi ko maalala kung kaninong boses ang bigla na lang sumingit sa usapan nila Zack. "Hey, Seth! Zack will go." May halong excitement sa boses ni Atasha. "Alam ko namang hindi 'yan tatanggi lalo pa't kasama ka," sabi n
Read more
Chapter Ten
"Hi! Can I sit here?" Nakangisi kong tanong sa mga babae. "Yeah! Sure, sure." Inalalayan nila akong umupo sa tabi nila. Sanay ako sa iba't ibang bar dahil madalas na pinupuntahan namin na trabaho ni Alfredo ay sa mga ganito. Kadalasan kasi ay sa mga ganito ginaganap ng mga mayayamang negosyante ang ilegal na negosyo. Humagikgik ang mga babae at tumabi sa akin. Hinaplos ng isa ang hita ko at idiniin ang dibdib sa braso ko. Anak ng... Halos manginig ako sa pandidiri dahil sa ginagawa nya. Ano ba naman 'tong pinasok ko? Tsk! "Sayaw tayo." Tumayo ang isang babae at ganon din ang ginawa ng isa. Kinuha ang kamay ko at pilit akong hinihila patayo. "Later," sabi ko. Ngumuso sila at umalis papuntang dance floor. Ngayon ay itong isa na lang babae ang problema ko. Bumulong sya sa tenga ko. "What's your name, handsome?" malambing nyang sabi habang itinataas baba ang kanyang kamay
Read more
DMCA.com Protection Status