Share

Chapter 4. Ligawan muna daw

NEO'S POV

Nandito ako sa isang eskinita para tapusin ang problema namin sa isang sindikato. Bawat isa sa amin ng kaibigan ko ay may nakaassign na misyon ngayong gabi.

Mag-aalas dose na kaya hinanda ko na ang baril ko at kinabitan ko ng silencer.

Maya maya pa ay may lumabas na isang middle aged man. Tama ako ng hinala. Nagpapanggap syang isang mahirap para pagtakpan at hindi mahalata ang mga ginagawa nya.

Hindi na rin sya nagdala ng tauhan nya kaya malaya kong matatapos ang buhay nya . Agad akong lumabas sa sasakyan ko na sa dilim para hindi nya mapansin.

"Where do you think you are going?" ani ko na kinagulat nya.

"Sino ka ?" takot nyang tanong habang inaayos ko ang baril ko.

"Ako lang naman ang tatapos sayo" ani ko at tinutok ko ang baril sa kanya.

"Parang awa mo na wala akong ginagawang masama" pagsumamo nya pero hindi ko sya pinakinggan. Ayaw ko na ng maraming satsat kaya tinapos ko na agad. Pinaputok ko ang baril ko at hinihipan pa ang nguso nito.

"Done" nakangiti kong wika. Pagtalikod ko para bumalik sa sasakyan ko ay bigla na lamang akong natigilan.

Bakit nandito tong babaeng to?

Bakas sa kanya ang takot kaya nabitawan nya ang plastic bag nahawak nya at tuluyang lumuha.

"Shin anong ginagawa mo dito?" pag-aalala ko. Humakbang ako papalapit sa kanya pero pinatigil nya ako.

"Huwag mo akong lalapitan! Mamamatay tao ka!" naiiyak nyang wika.

"Nagkakamali ka ng iniisip, yang taong yan. Yan ang tunay na demonyo" paliwanag ko pero tuluyan na syang tumakbo palayo.

Nakabalik ako sa hide out namin sa Pampanga pero ang isip ko ay na kay Shin.

Bakit nandoon sya ?

Anong ginagawa nya doon?

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" ani ni Caleb.

Lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba nasiyahan sa pinatay mo kaya ganyan ka?" ani naman ni Ivan.

Humugot ako ng malalim na paghinga at tumingin na kanila.

"Witness si Shin" tipid kong sagot.

Napakunot sila ng kilay sa tinuran ko.

"What?!" gulat na wika ni Drake.

"Hindi ko alam kung bakit nandoon sya ng oras na yun. Alam kong natakot sya sa mga nakita nya.Sinabihan pa nya akong mamamatay tao" wika ko.

Napabuntong hininga na lang sila sa mga narinig nila.

Bumabagabag sa isipan ko si Shin.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang mga nakita nya?

"Paano kong hindi na sya bumalik sa mansion mo para magtrabaho?" tanong ni Caleb

"Hindi nya gagawin yun. May utang pa sya sa akin " ani ko pang muli.

" Nasabi nya nga sa akin kung bakit mo sya sinuspende" ani ni Drake na natatawa.

"What?! Kailan nya sinabi sayo?" galit na ani ko.

"Nung isang araw, hinatid ko muna sya bago ako nagpunta ng opisina mo" patay malisya nyang wika.

"Sino nagbigay sayo ng karapatan na ihatid sya?" pikon kong tanong.

"Whoah, easy man! Hinatid ko sya kasi nag-aalala ako sa kanya. Maganda sya at kaakit akit talaga" ani pa nya at kinindatan ako.

Nananadya yata talaga tong lalaking to ah. Kung hindi ko sya kaibigan kanina pa sya bumulagta dito.

"Shut up! Naririndi ako sa tawa ninyo" pikon kong wika kanila Ivan at Caleb.

"Nakapagdecide na rin akong liligawan ko sya" ani pang muli ni Drake na mas lalong kinatawa ni Ivan at Caleb.

"No way! Hindi ako papayag! Akin lang si Shin. Dadaan muna ang bala ng baril ko sa ulo mo bago mo sya maligawan" asar na sagot ko.

"See? Sabi ko inyo eh" ani Drake kina Ivan at Caleb at nakipag-apir pa.

"Ano bang ginagawa nyo? Pinagtitripan nyo ba ako?" pikon kong tanong sa kanila.

"Pag tungkol kay Shin masyado kang affected. Hindi mo na lang kasi aminin" ani ni Caleb at umirap pa.

"Couz, sabihin mo na agad na mahal mo sya baka makawala pa" wika ni Ivan

Napapailing na lang ako sa mga katarantaduhan ng mga pinsan ko.

Nagpahinga lang kami saglit at bumyahe na kami pabalik ng Manila.

Sa condo na ako tumuloy para matulog .Saka ko na lang ipapaliwanag kay Shin ang mga nakita nya..

SHIN'S POV

"Nasaan na ba yun? Sigurado akong dito lang nahulog yun" wika ko habang hinahalughog ang kwarto ni Sir Neo.

Bahagya pa ako dumapa para makita kung nalaglag sa ilalim ng kama nya yun pero bigo ako.

"Kailangan kong makita yun para makaalis na ako dito" bulong ko sa sarili ko.

Naisip ko kasi na ibenta nalang ang kwintas na yun para ibayad kay si Neo. Pagkatapos kasi ng nakita ko sa Pampanga . Natatakot na talaga ako sa kanya.

"What are you doing here?" malakas na boses mula sa pintuan.

Agad akong napatayo at yumuko.

Natatakot ako baka ako naman ang patayin nya. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko.

"Ma-may hinahanap la-lang po a-ako" utal kong wika.

Hindi nya ako pinansin , hindi nya rin ako pinaalis. Dumiretso lang sya banyo para maligo.

Lumabas na rin ako ng kwarto nya at bumaba para ituloy ang trabaho ko. Mamaya ko na lang hahanapin yun pag umalis ulit sya.

"Shin, pinapatawag ka ni Sir. Dalhin mo na rin tong pagkain nya" ani ni Manang Cora.

Nananadya ba itong lalaking to?

Iiwas na nga ako sa kanya tapos ako pa ang tatawagin nya.

Nakasimangot akong nagpunta sa kwarto nya at kumatok.

Hindi nya ako sinasagot kaya pumasok na ako sa kwarto nya.

Nakaramdam ako ng takot dahil naka upo sya sa sofa na nandito sa kwarto nya habang nililinis ang baril nya.

Diyos ko, ako na yata ang susunod na target nya.

"Tatayo ka na lang ba dyan ? Kanina pa ako nagugutom" aniya kaya dali dali ko syang nilapitan at nilapag ang tray na may pagkain.

"Umupo ka muna. Hintayin mo akong matapos kumain" dagdag nya.

Tahimik akong naupo sa pinaka dulo ng sofa at yumuko.

"Anong ginagawa mo sa pampanga nung nakaraang gabi at hatinggabi na pagala gala kapa? " tanong nya.

Ay wow, concern yarn?

"Bumisita lang po ako sa kaibigan ko para dalhan sya ng balut" wika ko.

"Itikom mo ang bibig mo wala kang pagsasabihan sa mga nakita mo nagkakaintindihan ba tayo?" aniya.

Napatango lang ako dahil Mukha wala naman akong magagawa. Isa pa baka ako pa ang isunod nya kay kamatayan.

"Here" ani nya sabay abot saakin ng aking kwintas.

"Ito ang hinahanap mo diba" dagdag pa nya.

Aabutin ko nalang sana nang bigla nya iniurong ang kamay nya sabay ngisi.

"Sagutin mo muna ang tanong ko" wika pa nya na parang nakakaloko.

"Akin na po yan, importante po sa akin yan" ani ko.

"May boyfriend ka na ba?" diretsahang tanong nya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat . Hindi ko inaasahan na tatanungin nya ako ng ganoon.

Nababaliw na ba itong lalaking to?

"Narinig ko lahat ng sinabi mo nung nakaraang gabi " paliwanag nya.

"Po? Ano pong sinabi? Wala naman po akong alam" patay malisya kong sagot.

Diyos ko, Lord . Ano ba naman to?

Ibig sabihin gising sya non? Nakakahiya !

"Ligawan mo muna ako bago kita sagutin" ani pa nya sabay halakhak.

Siraulong to. Ako pa manliligaw ? Kahit na nga ba mahal kita hinding hindi kita liligawan . Feeling tong lalaking to. Ano sya ? Gold?

Sa halip na sagutin ko sya. Tumayo ako at hinablot ang kwintas ko na nasa kanya.

"Teka, hindi ganyan manligaw" pang-aasar pa nya.

"Ewan ko sayo" wika ko at inirapan sya. Tinalikuran ko na rin sya habang papalabas ako ng silid nya .Dumiretso ako sa kwarto ko at naupo sa gilid ng kama.

Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti dahil baka isipin nyang kinikilig ako.

Parang nung nakaraan lang galit na galit sya sa akin tapos ngayon nang-aasar sya. Kala mo naman close kami kung makaasta sya.

Napapaisip ako ng malalim habang himas ang baba ko.

"Pwedeng palabas nya lang to para hindi ako magsumbong sa pulis. Ano bang binabalak mong lalaki ka? Hindi dapat ako mahulog sa patibong nya" bulong ko sa sarili ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status