Share

Chapter 3. Suspended

NEO's POV

Napabalikwas ako ng bangon habang hawak ko ang ulo ko.

"Shit! naparami yata ang inom ko" atungal ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone at nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo.

Paglabas ko ng banyo nakita ko ang tasa ng kape na nakalapag sa table.

Napangisi lang ako nang maalala ko si Shin.

Ilang hakbang pa ang ginawa ko para umupo sa gilid ng kama ko. Napansin ko sa lapag ang isang gintong kwintas na may pendant na puso at may nakaukit na initials na S.M.A .

"Hayy aamin ka na nga lang nag-iwan ka pa ng ebidensya " bulong habang naiiling.

Napapangiti na lang ako sa mga nangyare kagabi. Para tuloy akong tanga na kinikilig dito.

Kung ganoon parehas kami ng nararamdaman.

Nagbihis na ako para kumain sa baba.

Mabilis akong naupo sa upuan at nilapag ni Shin ang Burger Steak with mushroom sauce. Napataas ang isang kilay ko sa pagkaing hinain nya.

"Are you an idiot?" galit na ani ko.

Nakatingin lang sya sa akin na may pagtataka.

"May balak ka bang patayin ako? Hindi mo ba alam na may allergy ako sa mushroom?!" sigaw kong muli.

Lumapit naman si Manang Cora para tanungin kung ano ang problema.

"Anong nangyayare? " ani nya kay Shin.

"Pasensya na po, hindi ko po alam. Sinunod ko lang po yung nasa meal plan" naiiyak nyang ani.

"Next time ayusin mo ang trabaho mo. Hindi pa kita napapatawad sa pagsunog ng suit ko tapos ngayon ito naman ang gagawin mo. Kung puro kapalpakan lang naman ang trabaho makakaalis ka na. Hindi ko kailangan ng kasambahay na tatanga tanga at puro problema ang dala" ani ko . Tumalikod ako nagsimulang maglakad. Nakailang hakbang palang ako at muli ko silang hinarap.

"Make sure na fully paid na ang atraso mo bago ka lumayas. Ayoko muna syang makita Manang. Suspende nyo muna sya ng 3 days " ani ko pa. Hindi ko na inalintana ang pag-iyak nya.

Masakit na nga ang ulo ko dahil sa hangover tapos dadagdagan pa nya.

Mabilis na akong nagtungo sa opisina. Doon na lang ako kakain dahil nawalan na ako ng gana dito sa bahay.

"I'm sorry Shin. Alam kong nasaktan ka sa mga sinasabi ko. Apat na araw din kasi akong hindi makakauwi" bulong ko habang nakatitig sa kwintas na nahulog nya.

SHIN'S POV

"Maniwala kayo sa akin Manang,wala po akong kasalanan" wika ko kay Manang Cora.

Niyakap nya ako ng mahigpit para pagaanin ang loob ko.

"Naniniwala ako sayo anak dahil ako ang gumagawa ng meal plan pero paanong nabago ang meal plan? Sino ang may gawa nito? Hayaan mo kakausapin ko si Sir " ani pa nya kaya kahit paano ay gumaan ang loob ko.

"Feeling ko may kinalaman dito si Kiara. Pag kinakainggitan nya kasi ang isang tao sinisiraan nya, sineset up nya para pagalitan ni sir hanggang sa magresign sila. Insecure kasi sya sa magaganda" sabad naman ni Rochelle , nakaassign naman sya bilang dishwasher ngayon.

Maging ako sya ang pinaghihinalaan ko, mula nung araw na sinama ako ni Manang Cora dito sa mansion , hindi na maganda ang trato nya sa akin. Naiinsecure sya sa natural na kagandahan ko. Sya kasi kailangan nya pang gawing kamatis ang pisngi nya at gawing linta ang kilay nya.

Pag ito napatunayan ko ang kutob ko, buburahin ko talaga ang kilay nya.

"Paano ba yan iha suspedido ka nang tatlong araw." malungkot na wika ni Manang. Isang pilit na ngiti ang ginawa ko at bumuntong hininga.

"Okay lang po. Mabilis lang naman yun. Uuwi muna po ako sa amin" ani ko.

Umakyat muna ako sa kwarto para magpalit ng damit.

Pagbaba ko hinanap ko si Manang para magpaalam hanggang sa nakarating ako sa pool area. Sa halip na si Manang ang makita ko ay isang bruha ang bumungad sa akin. Isang bruha na pangalan ay Kiara.

"Sabi ko naman sayo girl nung una palang diba wag mong tatangkain na akitin ang amo natin" taas kilay na wika ng bruha.

Hindi ko na sya pinansin at nagtuloy lang ako sa paglakad.

Bigla nyang hinablot ang braso ko at isang sampal ang pinadapo nya sa pisngi ko.

"Akala mo ba hindi kita nakita na pumasok sa kwarto ni Neo kagabi! Anong ginawa mo doon?" gigil na sigaw nya.

Napangisi ako sa sinabi kaya alam ko ng naiinggit sya sa beauty ko.

"Now I know kung bakit insecure ka sa akin" ani ko na may pang-aasar sa kanya .

"Wow! kahit kailan hindi ako nainsecure sayo at kahit kailan hindi mangyayari yun" pikon nyang wika.

"So bakit mo ako pinag-iinitan?" mataray kong tanong.

Syempre hindi ako papatalo sa bruhang kamatis na to.

"Puro kapalpakan ang ginagawa mo kay Neo at isa pa.... " ani nya na agad kong pinutol.

"Na ikaw ang may kagagawan lahat, sige lang i-set up mo lang ako ng i-set up para lagi nya akong pansinin. Masaya yun hindi ba, lagi nya akong pinapansin. Samantalang ikaw na kulang na lang maghubad sa harap nya e hindi ka man lang nya magawang tignan. Para kang karne sa palengke na naging botcha dahil hindi nabenta" gigil na wika ko at diniin ko sa pagmumukha nya.

"Ang kapal ng mukha mo! Subukan mo lang na akitin si Neo may kalalagyan ka!" bulyaw pa nya.

"Don't worry , wala ako balak na akitin ang amo natin unless i-set up mo ulit ako para mapansin nya ulit ako at papuntahin ulit sa kwarto nya." nakangising wika ko.

"One more thing Kiara and for your information may anak na ako kaya wala akong dahilan para mang-akit ng kahit sino para lang gamitin ko sa pansarili kong interes" wika ko na kinagulat nya.

Oh ano bruha ! Natigilan ka no!

"Good. Pag nakita kitang nakadikit sa kanya, sisiguraduhin kong masisira ang mukha mo!" banta nya.

Oh talaga ? sabagay, Wala ng masisira sa mukha ng babaeng to dahil matagal na talagang sira.

Talagang sinusubukan ng bruhang to ang pasensya ko ah. Itulak ko kaya sa pool para makita ko ang tunay na itsura nya.

Sasagot pa sana ako pero isang boses ang narinig namin sa aming likuran.

"What's happening here?" tanong ni Sir Drake.

"Kasi po sir..." panimula ko na agad na binasag ni Kiara.

Oh ano naman kayang idadahilan ng bruha na to.

"Ay wala po sir. Nag-uusap lang po kami ni Shin" wika ni Kiara.

Aba magaling din pala makipag plastikan tong bruha na to.

"Okay sige, dadaanan ko sana si Neo dito pero wala na pala sya."ani ni Sir Drake.

Napalingon sya sa bitbit kong bag at binalik ang tingin sa akin.

"Saan ka pupunta Shin?" tanong nya.

"Ah eh, uuwi po muna ako sa amin 3 days po akong suspended plus day off ko po sa linggo. Kaya apat na araw po akong mawawala" paliwanag ko sa kanya.

"Sumabay ka na sa akin, aalis na rin ako nyan para puntahan si Neo." ani nya at nagsimula ng maglakad. Hiniwakan ni Kiara ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Subukan mong magsumbong at siraan ako. Hindi mo alam kung ano ang kaya ko" panunudyo nya sa akin.

Winaksi ko ang kamay ko kaya napabitaw sya. Pinaikot ko ang mata ko at tumalikod na sa kanya.

Naiiling na lang ako sa sinasabi ng bruhang to. Ako pa talaga tong maninira sa kanya? Geez, Hindi sya ang taong pag-aaksayahan ko ng oras. Masyado naman syang feelingira.

Agad ko na rin naman sinundan si Sir Drake.

.Pinasakay nya ako sa kotse nya. Jusko ang ganda at mukhang bago pa. Sinubukann kong tanggihan si sir Drake pero mapilit sya kaya wala akong nagawa. Nakakatakot kasing magsalita baka matalsikan ko ng laway ang mamahaling sasakyan nya. Kumalat pa ang amoy laway sa loob ng sasakyan nya.

Tahimik lang kami habang binabaybay namin ang daan.

"Bakit ka nya sinuspende?" tanong nya na nagpabasag sa katahimikan.

"May mushroom po kasi ang pagkain na hinanda ko. Hindi ko po alam na may allergy sya doon" malungkot kong wika.

"You know what? Type ka lang non kaya ganoon sya sayo" pang-aasar nya.

Kumunot naman ang noo ko at para hindi halatang kinikilig.

Pinagalitan na nga ako tapos kikiligin pa ako ? Haler?

"Malabo pa po sa putik yang sinasabi mo sir. Impossible pong mangyari yan" ani ko at binaling ang tingin sa kalsada.

"Pero ikaw type mo sya no?" natatawang ani pa nya.

Jusko, paano ko ba sasagutin ang tanong nya?

Isang ngiti lang ang sinagot ko dahil ayoko namang magsalita tungkol sa amo ko.

Isang buntong hininga lang ang narinig ko kay Sir Drake.

"I knew it" ani pa nya kaya napayuko ako ng ulo. Obvious ba masyado

Nagpababa na lang ako sa kanto at nagpasalamat sa kanya . Magta tricycle na lang ako mula sa kanto hanggang sa bahay.

Bibisita na lang muna ako kila Ana sa pampanga habang wala pa akong pasok. Uso pala sa amo ko ang pagsuspende kala ko sa mga estsudyante lang pag may bagyo. Bahala sya . Hindi nya masisilayan ang beauty ko kaya maglalakwatsa na lang kami ng mga kaibigan ko.

Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita. Lumipat na kasi sila doon ng kuya nya kaya ako na lang ang nandito . Wala naman kasi akong ibang kaibigan maliban sa dalawang yun. Lagi nga silang nagtetext na bisitahin ko sila kaya lang hectic ang schedule ko.

But this time babawi ako sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status