Share

Chapter 2. Bulong

Neo's POV

Maaga akong nagising dahil mayroon akong meeting ng alas otso. Nagtungo ako sa banyo para maligo . Pagkatapos kong naligo nagtapis lamang ako ng tuwalya at nagtungo sa closet ko para kuhanin ang suit na isusuot ko para sa meeting.

Pagkalabas ko nito sa closet ay biglang nag-init ang ulo ko. Padabog akong lumabas ng kwarto at bumaba .

"Manang !" sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay. Nagmamadali syang lumapit sa akin.

"Bakit iho?" nagtataka nyang tanong. Binaling nya ang kanyang tingin sa hawak kong suit na nasunog ng plantsa. Kaya sa gulat nya ay napatakip sya ng kanyang bibig.

"Sino ang nakaassign sa laundry ngayong week?" galit kong tanong.

"Si Shin pero magsisimula pa lang syang...." agad kong pinutol ang sinasabi ni Manang at nagtungo ako sa laundry area.

Nakita ko ang gulat sa mata ni Shin dahil lumantad sa kanya ang aking katawan na nakatapis lang ng tuwalya.

"Alam mo ba kung magkano to?!" ani ko sabay angat ng suit na nasunog.

Makikita sa mata nya ang pagtataka.

"Kabago bago mo pa lang dito, problema pa ang dala mo?! kahit buhay mo ang pambayad mo ,hindi matutumbasan ang halaga nito!" sigaw kong muli.

Nakikita ko ang takot sa kanyang mukha at nagsimulang tumulo ang kanyang luha.

"Sir wala po akong kasalanan, hindi po ako ang may gawa nyan" ani nya habang pinapahid ang luha.

"Iho , baka nagkakamali ka lang. Baka ibang kasambahay ang may gawa nyan" ani ni Manang Cora.

"Hindi ba at sya ang nakaassign sa laundry?! paanong hindi sya ang may gawa nito?" sigaw kong muli.

Hindi naman na sila kumibo pa. Nakayuko lamang si Shin habang umiiyak.

"Five hundred thousand ang halaga nito at ikakaltas sa sahod mo! " ani ko na kinaangat nya ng ulo

"Pero sir magsisimula pa..." ani nya

"Don't you dare na sirain ulit ang araw ko kung ayaw mong matanggalan ka ng trabaho. Isa pa wag kang tatanga tanga!" bulyaw ko. Bumalik na ako ng kwarto para magbihis ng ibang suit at nagtungo na sa opisina.

Maaga ako ng 30 mins sa pinag-usapang oras ng meeting.

Habang nakaupo ako hindi maalis sa isipin ko ang nangyari sa mansion.

Nakakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko kay Shin.

"Shiiiit!" ani ko habang nakasabunot sa buhok. Eksakto namang pagpasok ng mga kaibigan ko.

"You look upset" ani ni Drake.

"May problema ba couz?" tanong ni Ivan.

Umiling iling lamang ako para sabihin sa kanila na wala lang to.

"These past few days parang may kakaiba sayo" pag-usisa naman ni Caleb.

"Wala nga lang to. Uminit lang ang ulo ko dahil sa maid kong tatanga tanga. Nasunog nya ang suit na dapat isusuot ko ngayon" paliwanag ko sa kanila.

Pero parang hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Dahil ba sa suit na nasunog o sa maid mo kaya ka nagkakaganyan?" pang-aasar ni Ivan. Tumitig lang ako ng matalim sa kanila dahil kanina pa nila ako pinagtatawanan. Ayoko namang patulan dahil baka isipin nilang apektado ako sa maid ko. Pero hindi nga ba? Mula nung araw na pinakilala sya sa akin ni Manang, nakuha nya na ang atensyon ko. Maganda syang babae at simple lang.

"May nahanap ka na bang information tungkol sa sindikatong tinutukoy ng mga pulis?" tanong ko kay Caleb para maiba ang usapan.

Inilabas nya ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyong nakalap nya.

"Apat ang ulo ng mga sindikatong yan. Sa susunod na linggo magkikita kita ang apat na yan. Alas dose ng hatinggabi." wika ni Drake.

"Aayusin ko na ang mga tauhan na makakasama natin" ani ni Ivan.

"Nope, tayo na lang mismo ang tatapos sa kanila. Hindi natin kailangan ng tauhan dahil ayaw kong makaagaw ng pansin kaya naisip ko na tig-isa isa na lang tayo dyan tutal lahat naman tayo mahusay sa pakikipaglaban" wika ko at tumango naman sila.

"Game! Bigla tuloy nangati ang kamay ko at gusto ng kumalabit ng gatilyo ng baril" ani ni Caleb.

"Gatilyo ng baril o gatilyo ng babae ?" ani naman ni Ivan kaya kaming lahat ay natawa habang si Caleb ay pikon na pikon sa pinsan ko.

Mahaba haba pa ang naging usapan namin. Pinag usapan na rin namin ang business na balak naming itayo sa Laguna. Pagkatapos naming mag-usap nagkayayaan kaming mag-inuman sa bar ni Drake.

SHIN'S POV

Alas dose na ng gabi ,hindi pa rin ako makatulog. Ang sakit kasi ng mga sinabi ni sir Janvir kanina sa akin. Hindi man lang nya ako pinakinggan.

Tapos ikakaltas pa sa sahod ko ung suit na yon. Hindi naman ako ang may gawa non.

Ikaltas nya na kung ikakaltas nya pero hindi na dapat sya magsalita ng ganun para tuloy akong nanliliit sa mga sinabi nya.

Huminga ako ng malalim at tumayo.

Kanina pa ako nauuhaw , siguro tulog na silang lahat kaya wala ng makakakita sa akin. Napahiya kasi talaga ako kanina lalo ng tinawag nya akong tatanga tanga.

Pagbaba ko ng kusina ,kumuha agad ako ng tubig nang biglang bumukas ang pinto.

Nagulat ako nang makita ko si Sir Janvir na susuray suray maglakad. Kinakabahan na naman ako dahil baka pagalitan nya ako. Nakainom pa naman sya baka kung anong magawa nya sa akin.

Nakayuko lang ako ng tumigil sya sa harapan ko.

"Bring me a cup of coffee" utos nya at umakyat sya sa kanyang silid.

Ginawa ko agad ang kape at umakyat na sa silid nya.

Ilang katok ang nagawa ko pero wala akong natanggap na sagot . Pinihit ko ang doorknob at tuluyang pumasok sa silid nya.

Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko syang nakahiga sa kama at tanging boxer shorts lang ang suot nya. Lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko mapigilan ang mata ko na tignan sya.Shiitt ! Ang ganda ng tanawin na nakikita ko. Malaki ang dibdib , Abs na kala mo mga pandesal at ang...... oh my god.. Anaconda?

Bigla akong natauhan sa mga naiisip ko nang bahagya syang gumalaw.

Jusko ani ba tong naiisip ko? kanina lang iyak ako ng iyak tapos ngayon pinagpapantasyahan ko sa sya.

Nakapikit ang kanyang mata. Hindi ko alam kung tulog na ito o gising pa. Nilapag ko ang kape nya sa mesa at humarap sa kanya.

"Ahm sir?" ani ko.

Pero wala akong nakukuhang sagot. Tulog na siguro to pero susubukan ko ulit.

Humakbang ako papalapit sa kanya at tinapik tapik ko ang kanyang balikat.

"Sir, nandito na po ang kape nyo" ani ko.

Dinilat nya ang kanyang isang mata at inulit ko ang sinabi ko.

Bigla nyang hinila ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib. Mahigpit nya akong niyakap kaya ang puso ko na naman ay parang tambol.

Oh my God! Heaven! Kinikilig ako sa nangyayari. Ito ang unang pagkakataon na makayakap ako ng ganito kagwapo.

Pilit kong tinatanggal ang mga braso nya kahit na hirap ako.

Ayoko namang isipin nyang nagti take advantage ako sa kalasingan nya no. Baka isipin pa nya na pipikutin ko sya.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap nya at wakas naalis ko rin ito. Nakahinga ako ng maluwag. May kung anong nag-uudyok sa akin at nahawakan ang pisngi nya. Dahan dahan kong hinaplos ang mukha nya.

"Bakit ba ang gwapo mo? Hindi ko na alam ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na yata kita pero alam kong imposible." bulong ko. Bigla akong natauhan sa nabanggit ko dahil naalala ko na galit sya sa akin kaya tumayo na ako. Kinumutan ko muna sya at baka magka pulmonya pa sya tapos ako naman ang sisisihin nya. Hindi nagtagal tuluyan na akong lumabas sa kwarto nya. Bahala sya kung hindi nya iinumin ang kape nya. Kasalanan nya na yun.

Nagtungo na ako sa kwarto para makatulog na rin. Hindi naman nawawala ang ngiti ko at kinikilig ang pukengkay ko.

Nahiga ako sa kama ko at iniisip ang mga nangyare.

Bakit ganoon ang pakiramdam? Makita ko lang sya lumalakas na ang tibok ng puso ko. Inlove na ba ako? Mahal ko na ba sya? Hindi lang kasi basta paghanga ang nararamdaman ko. Imposible namang mahalin nya rin ako. Masyadong malayo ang estado namin sa buhay at isa pa baka may girlfriend na sya.

Magpo focus na muna ako sa trabaho ngayon baka nagkakamali lang ang puso ko sa ngayon.

Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa hinila na ako ng antok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status