SHIN'S POV
"Lola, aalis po muna ako susubukan ko po ulit maghanap ng mapapasukang trabaho. Kayo po muna ang bahala kay baby Jaleel " paalam ko sa aking lola.Ganito ang araw araw na routine ko dahil pahirapan makahanap ng trabaho.Ayoko naman na kasing umasa sa kikitain ng lola ko sa maliit na tindahan nya lalo pa at nadadagdagan ang mga bayarin.Mula kasi nung umalis si ate wala ng katuwang si lola sa paghahanap buhay. 20 years old naman na ako kaya kahit anong trabaho papasukan ko na.Naglakad ako papunta sa bayan baka sakaling may naghahanap bilang tindera."Naku ineng wala kaming bakante ngayon, pasensya ka na" ani ng tindera ng gulay."Sige po salamat" buntong hininga kong wika.Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang isang ale na namimili ng gulay."Neng, baka gusto mong mamasukan bilang kasambahay?" tanong nito.Nabuhayan ako ng loob sa winika ng ale."Sige po, kahit anong trabaho po tatanggapin ko" masayang wika ko."Halika sumama ka sa akin. Manang Cora na lang ang itawag mo sa akin" nakangiting wika nito. Sumunod na lamang ako kay Manang Cora at tinulungan ko na rin syang bitbitin ang pinamili nya.Nakarating kami ng parking lot at isang van ang huminto."Tara na , sumakay ka na" yaya ni Manang Cora. Tumango lamang ako at umupo sa tabi nya.Jusko, mukhang swerte ang araw ko ngayon ah.Yayamanin ang magiging amo ko."Kinakabahan ka ba? Malapit na tayo" tanong ni Manang Cora. Habang binabaybay namin ang daan at pumasok ang sinasakyan namin sa isang subdivision."Ito ang Dela Fuente Subdivision, pagmamay-ari to ng amo natin" wika ni Manang Cora.Manghang mangha ako sa mga nakikita ko bukod sa maganda, talagang naka-maintain ang kalinisan dito sa lugar."Nandito na tayo" ani ni Manang Cora at bumaba na sa sasakyan. Sinundan ko lang si Manang Cora papasok ng mansion.Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kabuuan ng mansion."Parang palasyo naman pala to Manang" namamangha kong turan. Napangiti naman si Manang Cora sa winika ko at dumiretso na kami sa kusina para ibaba ang mga gulay at isda."Sino yang kasama mo manang?" taas kilay na tanong ng isang maid."Ah, ito si Shin . Makakasama natin sya dito sa bahay at Shin ito naman si Kiara" nakangiting wika ni Manang Cora.Hinagod ako ng tingin ni Kiara mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang panghuhusga sa mga mata nya."Teka Shin , sandali ah .. Kukunin ko lang yung mga form na pi Fill-up-an mo" ani ni Manang Cora. Ngumiti lang ako at tumango bilang tugon kay Manang Cora."Well Shin, I just want to remind you" ani ni Kiara habang naka Cross arms at nakataas pa ang isang kilay.Jusko, hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng ito ah.Plakado ang make up, yung kilay nagmumukhang linta na tapos ang pisngi parang hinog na kamatis sa sobrang pula. Ano ba naman tong babaeng to? Maid din ba sya ? pero bakit parang sa club pumapasok. Hapit na hapit ang uniform nya kulang nalang ilantad nya ang mga dibdib nya.Gusto kong matawa sa itsura nya. Nakaayos ang mukha tapos yung leeg, ang itiiimm."Pinagtatawanan mo ko?" mataray na wika nya. Hindi ko namalayan na nangingiti pala ako habang tinitignan ko ang itsura nya. Paano ba naman kasi, hindi ka naman maaakit kundi madidistract ka lang."Ah ,hindi po. Masaya lang po ako at magkakaroon na ako ng trabaho" pagdadahilan ko."Well, uulitin ko ang sinabi ko. I just want to remind you na hindi pwedeng mapalapit o mang-akit ang maid sa mga amo lalo ka na at baguhan ka" ani nya na nakataas pa rin ang kilay. Geez, pigilan nyo ko baka burahin ko ang mala-linta na kilay nito."Wow, coming from you?" bulong ko."May sinasabi ka ba?" ani nya."Ay naku, wala po" ani ko habang kinakaway ang kamay ko.Hindi naman na sya nagsalita at tuluyan na akong tinalikuran.Nakabalik na si Manang Cora dala ang mga form at natapos ko na itong fill-upan . Nilibot nya na rin ako sa kabuuan ng mansion para ipakita at ipaliwanag ang mga trabaho sa bawat parte ng mansion.Malaki ang mansion, sabagay madami naman kami kasambahay dito kaya hindi naman ako siguro mahihirapan."Oh ano Shin kaya ba?" tanong ni Manang Cora."Opo, kakayanin." determinado kong wika.Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang bumukas ang gate at tatlong mamahaling motor ang pumarada.Pag-alis nila ng kanilang mga helmet. Parang nag slow motion ang lahat. Oh my God. Bakit umuulan ng naggwagwapuhang lalaki dito? Ang mga maasul-asul na mata, makakapal na kilay. Maging ang mga matatangos at mapupula at maninipis na labi na parang ang sarap halikan. Ayiieee!"Hindi kaya pasukan ng langaw ang bibig mo Shin?" pang-aasar ni Manang Cora at pilit na pinipigilan ang pagtawa.Nanlaki ang mata ko sa tinuran ni Manang. Jusko nakakahiya. Nakita pa nya akong nakanganga. Sino ba naman ang hindi mapapanganga kung ganun lagi ang matatanaw mo.Mas lalo tuloy akong nae-excite magtrabaho. Kahit hindi ako mag day off mapagsilbihan ko lang sila.Lumalakas ang kabog ng dibdib ko lalo ng makalapit sila sa amin. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng tunay na gwapo."Nandito na pala kayo, nagugutom na ba kayo? magpapahanda ako ng pagkain" ani ni Manang sa kanila."Kumain na po kami" wika ng isang gwapo."Magpadala na lang kayo sa pool ng beer at paborito kong pulutan Manang " wika ng isang gwapo na nasa unahan. Siguro sya ang amo namin."Sino yang kausap mo Manang?" tanong ng isa. Buti pa sya napansin ako."Ah , Siya nga pala si Shin,bagong maid natin dito. Shin ito si Sir Neo, sya ang amo natin at ang mga kaibigan nya. Si Ivan, Caleb at Drake" pakilala ni Manang Cora."Magandang araw po sa inyo mga Sir" wika ko at isang matamis na ngiti ang ginawad ko. Bahagya akong yumuko bilang respeto sa kanila.Tinignan lang ako sandali ni Sir Neo at bumalik sa pakikipag-usap kay Manang. Matapos ang usapan nila dumiretso na sila sa loob.Ouch naman. Ang suplado naman ng amo ko pasalamat sya gwapo sya. Hindi yata tatalab ang kagandahan ko sa amo namin ."Shin ano ba?! trabaho ang pinunta mo at hindi ang pagpantasyahan ang amo mo" ani ko sa isip ko.Umuwi na ako sa amin at inayos ko na ang mga dadalhin kong mga damit . Stay in kasi ako, pag day off namin dun lang ako pwedeng umuwi.Kinausap ko na rin si lola at sya na daw ang bahala kay baby Jaleel. Naging masaya ako dahil sa wakas makakatulong na ako kay lola. May lungkot din ako nararamdaman dahil once a week ko na lang makikita ang anak ko pero laban lang. Para naman sa pamilya ko itong gagawin ko.Neo's POVMaaga akong nagising dahil mayroon akong meeting ng alas otso. Nagtungo ako sa banyo para maligo . Pagkatapos kong naligo nagtapis lamang ako ng tuwalya at nagtungo sa closet ko para kuhanin ang suit na isusuot ko para sa meeting.Pagkalabas ko nito sa closet ay biglang nag-init ang ulo ko. Padabog akong lumabas ng kwarto at bumaba ."Manang !" sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay. Nagmamadali syang lumapit sa akin."Bakit iho?" nagtataka nyang tanong. Binaling nya ang kanyang tingin sa hawak kong suit na nasunog ng plantsa. Kaya sa gulat nya ay napatakip sya ng kanyang bibig."Sino ang nakaassign sa laundry ngayong week?" galit kong tanong."Si Shin pero magsisimula pa lang syang...." agad kong pinutol ang sinasabi ni Manang at nagtungo ako sa laundry area.Nakita ko ang gulat sa mata ni Shin dahil lumantad sa kanya ang aking katawan na nakatapis lang ng tuwalya."Alam mo ba kung magkano to?!" ani ko sabay angat ng suit na nasunog.Makikita sa mata nya ang pagtataka."K
NEO's POVNapabalikwas ako ng bangon habang hawak ko ang ulo ko."Shit! naparami yata ang inom ko" atungal ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone at nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo.Paglabas ko ng banyo nakita ko ang tasa ng kape na nakalapag sa table.Napangisi lang ako nang maalala ko si Shin. Ilang hakbang pa ang ginawa ko para umupo sa gilid ng kama ko. Napansin ko sa lapag ang isang gintong kwintas na may pendant na puso at may nakaukit na initials na S.M.A ."Hayy aamin ka na nga lang nag-iwan ka pa ng ebidensya " bulong habang naiiling.Napapangiti na lang ako sa mga nangyare kagabi. Para tuloy akong tanga na kinikilig dito.Kung ganoon parehas kami ng nararamdaman.Nagbihis na ako para kumain sa baba.Mabilis akong naupo sa upuan at nilapag ni Shin ang Burger Steak with mushroom sauce. Napataas ang isang kilay ko sa pagkaing hinain nya."Are you an idiot?" galit na ani ko.Nakatingin lang sya sa akin na may pagtataka. "May balak ka bang patayin ako? Hindi mo ba ala
NEO'S POVNandito ako sa isang eskinita para tapusin ang problema namin sa isang sindikato. Bawat isa sa amin ng kaibigan ko ay may nakaassign na misyon ngayong gabi.Mag-aalas dose na kaya hinanda ko na ang baril ko at kinabitan ko ng silencer.Maya maya pa ay may lumabas na isang middle aged man. Tama ako ng hinala. Nagpapanggap syang isang mahirap para pagtakpan at hindi mahalata ang mga ginagawa nya.Hindi na rin sya nagdala ng tauhan nya kaya malaya kong matatapos ang buhay nya . Agad akong lumabas sa sasakyan ko na sa dilim para hindi nya mapansin."Where do you think you are going?" ani ko na kinagulat nya."Sino ka ?" takot nyang tanong habang inaayos ko ang baril ko."Ako lang naman ang tatapos sayo" ani ko at tinutok ko ang baril sa kanya."Parang awa mo na wala akong ginagawang masama" pagsumamo nya pero hindi ko sya pinakinggan. Ayaw ko na ng maraming satsat kaya tinapos ko na agad. Pinaputok ko ang baril ko at hinihipan pa ang nguso nito."Done" nakangiti kong wika. Pagta
NEO'S POVNandito ako sa pool area ngayon at hinihintay ko sila Drake. Bago pa man ako nakapunta dito nakausap ko na si Manang na utusan nya si Shin na magdala ng alak at pulutan oras na makarating na sila dito. Sinabi ko rin kay Manang na samahan ng tatlong piraso ng rosas na kailangan nyang iabot sa akin .Napapangiti ako habang iniisip ang reaksyon ni Shin sa gagawin ko."Maganda yata ang araw mo ha" sita ni Ivan."Masaya lang ako at makakapag relax tayo ngayon. Ilang araw na tayong tambak ang trabaho" ani ko at nag inat inat pa.Umupo naman sila sa bakanteng upuan at nagsimula kaming mag kwentuhan.Ilang minuto pa ang lumipas natatanaw ko na si Shin na papalapit sa amin na bitbit ang isang tray.Isang ngiti ang umalpas sa labi ko na hindi nakaligtas sa paningin ng kaibigan ko."Ang ganda ni Shin no, kaya hindi na ako magtataka kung ang supladong bilyonarno ay magiging maamo" panunuksong wika ni Drake.Nakalapit na sa amin ni Shin isa isang binaba ang alak at pulutan .Dinampot din
SHIN'S POV"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Sir Janvir.Hindi nya ako sinagot. Nagtuloy lang kami sa paglalakad habang hawak ang kamay ko.Pumasok kami sa isang private room sa isang sikat na restaurant. Napaawang ang labi ko sa ganda ng lugar na to. May lamesa sa gitna na may centerpiece na bulalak.Inalalayan nya akong maupo sa upuan pagkatapos ay umupo na sya sa kabila."Ano ba to sir?" naguguluhang wika ko."Please drop the formality, tawagin mo ako sa pangalan ko" sagot. "Okay, Ano ba to Janvir?" ulit kong tanong."Isn't it obvious? We're having a date! " ani nya."Bakit ako? Katulong mo lang ako" nakayukong wika ko.Binaba nya ang kubyertos na hawak nya at inabot ang kamay ko."I love you" ani nya na kinagulat ko. Ang kabog ng puso ko ay parang tambol.Natawa ako sa sinasabi nya pero nakatitig lang sya sa akin. "Joker ka pala" natatawang ani ko."I'm serious Shin. Alam ko rin na mahal mo ako. " seryosong wika nya.Ano ba to? teka nga. Mahal nya ako? Ay tarayy, effecti
DRAKE'S POV"Sir heto na daw po yung documentong hinihingi nyo" ani na aking sekretary.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero heto na ang sagot sa katanungan ko.Huminga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang envelope na nasa harapan ko."Probability of paternity test...... 99.99%" Shit! anak ko si Jaleel? Si Shin ang babaeng nakasama ko nung gabing yun?? Pero bakit wala akong naramdaman sa puso ko nang makita ko si Shin??Kaya pala ganoon na lang ang naramdaman ko nang hawakan ko ang anak ni Shin. Ito na siguro ang tinatawag nilang lukso ng dugo.Dali dali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko. Pupuntahan ko si Shin.Shin's POVNandito ako sa kusina ngayon para magluto ng tanghalian ni Janvir. Inihanda ko ang mga rekado para sa lulutuin ko. Sigurado akong mapaparami ng kain ang mahal ko."Shin, we need to talk" boses ni Drake na humahangos.Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa pool area."Teka lang , napapano ka ba?" tanong ko ng makarating kami sa pool area
Kinausap ni Shin ang kanyang lola na nahanap nya na ang tunay na ama ni Jaleel. Pinaliwanag na rin nya na gusto na ni Drake na kunin ang bata. Naintindihan naman ito ng kanyang lola."Apo, puntahan mo na ang tunay mong pamilya. Panahon na rin na sarili mo naman ang unahin mo" ani nito kay Shin."Pero paano po kayo dito ?" wika naman ni Shin."Okay lang ako dito, nandyan naman ang mga tiyo at tiya mo" sagot ng kanyang lola.SHIN'S POVSiguro nga kailangan ko namang buuin ang pagkatao ko ngayon. Matagal ng nagpaparamdam ang tunay na kamag-anak ko pero tinatanggihan ko lang ang mga ito na sumama sa kanila lalo na ang kuya ko na si Kuya Seann na kinukulit si lola para kumbinsihin ako.Sakay kami ng taxi papunta sa mansion ni Drake para sa anak nya. Kung hindi sana umalis si Ate Zaira siguradong matutuwa yun na mabubuo na ang pamilya nila. Oo tama. Hindi ako ang tunay na ina ni Jaleel. Bagay na hindi alam ni Janvir . Umalis si Ate pagkasilang nya kay Jaleel at hindi pa bumabalik. Hindi nam
SHIN'S POV"Hindi ka pa ba nagsasawa magsanay? Kanina pa ako nabibingi sa putok ng baril mo" reklamo ni Kuya Seann.Hindi ko sya pinapansin at patuloy lang ako sa pagpapractice."Hoy ano ba? Hindi ka ba magpapahinga?" ani pa nya."Ang sabi mo, sa akin mapupunta ang pagiging pinuno ng organisasyon natin. hindi ba dapat akong magsanay" malamig na wika ko."Oo nga pero hindi naman ibig sabihin papatayin mo ang sarili mo sa pagsasanay. Isa pa magaling ka ng humawak ng baril." ani pa nya.Tinignan ko sya ng masama at hinagis sa kanya ang baril na hawak ko na nasalo naman nya kahit nagulat sya."Buang ka na ba Shin? Ay naku . Kailan ba babalik ang alaala mo? Namimiss ko na ang kakulitan mo" ani pa nito.Naglakad kami ng kaunti para maupo sa upuang kahoy na nasa ilalim ng mangga."Bakit? Ano ba ako dati?" tanong ko sa kanya.Napabuntong hininga sya at inaalala ang tungkol sa nakaraan ko. Kahit ako ay curious kung ano ako dati."Lagi kitang kinukulit na umuwi na dito pero ayaw mong iwan ang k