Share

CHAPTER 2: He Who Stole Her First Kiss

“Whatever our souls are made of, his and mine are the same.”

-ANONYMOUS

****

Nang imulat ko ang sariling mga mata, ay kumawag kawag ako para maiangat ang sarili mula sa tubig.

‘Malulunod ako! Wengya talaga! Di pa naman ako marunong lumangoy, king ina talaga!’

Pakawag kawag ako sa tubig ng maramdaman kong may kung anong bisig akong nahawakan na siyang nag angat sakin. Nang imulat ko ang aking mga mata, ay isang napakagwapong nilalang ang bumungad sa akin.

Basa at itim na medyo kulot ang kaniyang buhok, na tumutulo sa matipuno at puting balat sa kaniyang balikat. Sobrang matipuno ng kaniyang katawan. Sobrang tangos ng ilong nitong sobrang bumagay sa kanya. Habang ang kanyang maninipis na labi naman ay kumorteng guhit.

Makapal ang kilay nyang halos magtagpo na sa sobrang pagkakakunot. Habang ang malalim niyang mga mata na itim na itim ang kulay, ay parang nanghihigop habang matamang nakatitig sa aking mga mata.

Bahagya kong nahigit ang sariling hininga, dahil sa klase ng kanyang pagtitig sakin. Sobrang lapit namin sa isat isa, na hindi ko na malaman ang sariling tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung sa akin ba ang mabilis na pagtibok na aking nararamdaman, o sa kanya.

Maya-maya pa ay nag-umpisang umangat ang kanyang manipis at mapupulang labi, na kumorte sa isang nakakalokong ngisi.

"Hindi ko inaasahan ang muli nating pagtatagpo. Gayun paman ay masaya akong muli kang makita.”

“Dyosa ng balon…" pagkadakay turan nito, saka pinagtagpo ang aming mga labi.

Sa umpisa ay parang nilulunod ako sa klase ng kaniyang mga halik. Malalim ito at nakakaubos ng hininga. This is actually my first kiss, and I don't have any idea why I’m letting this stranger steal my first, inside this glamorous pool.

Nang mabalik ako sa aking ulirat, ay agad ko siyang tinulak.

"What the freaking F are you doing mister? I don't even know you! And yet, you freaking stole my first kiss!" naiiyak na reklamo ko.

(Drama ka ghurl? E ginusto mo din naman)

Epal ng mahadera kong utak, na nangingialam pa talaga sa kaartehan ko.

‘Shut up ka nga dyan epal na utak! Inggit ka? Gumaya ka! Hmp.’

Nakita ko naman na lumalim ang pagkakakunot ng kaniyang noo.

"Anong klaseng linggwahe ang ginagamit mo Dyosa ng balon? Hindi ko mawari kung anong ibig mong sabihin sa iyong tinuran." kunot na kunot ang noong saad ng lalaki sa aking harapan.

"Ang sabi ko, ang gwapo mo sana pero manyak ka!" inis kong sambit sa kanya, saka dali-daling umahon sa kanyang paliguan.

‘Ang ewan naman kase na mukang naandito pa den ako sa mismong time zone na ito, naiba lang ata ng venue! Kakaurat talaga!’

Ngayon ay kailangan ko na ulit humanap ng balon, para muling subukang makabalik sa sarili kong time zone.

Paalis na sana ako ng muli akong iharap ng manyak na kumuha ng first kiss ko sa kaniya.

‘Kelan ba kase siya titigil ng kinahihigit sakin? Kapag di sya tumigil ng kinahihigit nya, madadagdagan na naman ang pagkakasala ng mga mata ko, sa pagtitig sa matipuno nyang katawan.’

‘King ina yung abs mga besh! Pak na pak! Mga walo! At oo mga beshiwaps! Binilang ko!’

"Saan ka na naman ba pupunta Dyosa ng balon?" kunot ang noong muling tanong nya sakin.

"Sa lugar na wala ka." sarkastiko kong sagot saka pilit na inaalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa palapulsuhan ko.

"Kung ganon ay hindi ako makakapayag. Hinayaan na kitang makaalis nung bata ako, hindi na ako papayag na umalis ka na naman ngayon. Gayong ilang taon kang nanatili sa utak at puso ko." malalim ang tinging pinukaw niya ako.

‘Pinagsasabi na naman ng lalaking ito? Bukod sa kamanyakan, ang corny nya pa! Gracious goodness! Kakastress sya!’

"Hindi ko kasalanan na di ako maalis sa puso at utak mo. Di mo ba naisip? Walang logic sa mga pinagsasabi mo! Ni-hindi nga kita kilala! Kaya pwede ba? Bitawan mo na akong manyak ka!" muling kawag ko sa higpit ng kaniyang pagkakahawak.

Patuloy lang ako sa pagkawag at pag palis sa mahigpit niyang pagkakahawak sakin ng bigla niya akong hinigit papalapit sa kaniya, kaya na-out of balance ako at nahulog sa kaniyang ibabaw.

"A-ano y-yun?" utal-utal kong tanong dahil sa may kung ano akong nahawakan ng matumba kaming dalawa.

Nakapaibabaw ako sa kanya, habang sya naman ay nakaupo at nakasandig sa may parang hagdan sa may ilalim ng paliguan. Agad lumawak ang kanyang ngisi ng magsimulang lumaki ang aking mga mata.

"Bakit hindi mo subukang hulaan kung ano ang iyong hinahawakan, Dyosa ng balon?" malawak ang ngisi na kaniyang turan, na tila ba’y enjoy na enjoy sa kung ano mang nangyayare ngayon.

Sinubukan ko pang kapain ito ng maayos, para malaman ang hulma ng kung ano mang nasa aking kamay, ng walang ano-anoy bigla siyang umungol sa aking harapan habang namumula ang dalawang tenga at mga pisngi.

‘King ina! YUNG ANACONDA ATA YUNG NAHAWAKAN KO!’

"BASTOS KANG MANYAK KA!”

“LUBAYAN MO KONG MANYAK KA! ANG BASTOS MO!" pasigaw kong turan saka agad na tinanggal ang pagkakahawak ko sa anaconda na nasa aking kamay.

Pinaghahampas ko siya ng kamay sa dibdib nya.

‘King inang yan!’

‘Sobrang nakakahiya talaga! Hindi na nga birhen ang labi ko! Pati ba naman kamay ko, ay hindi narin virgin? Pati mata ko! Alin pa ang magkakasala sakin na sunod kung mananatili ako kasama ang gwapong manyak na ito?’

Panay naman siya tawa sa bawat hampas ko na hindi naman niya iniilagan.

Parang tanga itong lalaking ‘to! Natutuwa pa atang hinahampas siya.’

"Ako nga bang talaga ang bastos sa ating dalawa? Eh hindi ba’t ikaw nga itong halatang namboboso, at hanggang sa paliguan ko ay nakakarating ka!" ngisi nitong pang-aasar sakin, kaya pakiramdam ko ay talagang umakyat ang lahat ng aking dugo sa aking ulo.

"Hindi naman sinasadya ang pagbagsak ko rito! Kasalanan yun ng balon!" nanlalaki ang mga matang alma ko sa kaniya, na mas lalong nagpalakas ng kaniyang tawa.

"Ahuh." pang aasar nya pa lalo, kaya tinadtad ko na naman siya ng hampas.

"Nakakainis ka talagang manyak ka!" inis kong turan, na tinawanan niya lang.

Maya-maya pa, ng mapagod ako sa paghampas, ay hinayaan ko na lamang siya ng higitin niya ang bewang ko, at pinaupo sa kandungan niya.

Niyakap niya ang gilid ko, saka ipinatong ang baba sa aking balikat.

"Bakit ngayon ka lang bumalik Dyosa ng balon? Ilang taon kong inantay ang iyong pagbabalik, tapos sasabihin mo lang saakin na aalis ka na naman?" masuyo niyang turan na parang nagmamaktol na bata.

Wala sa sarili akong napangiti dahil sa sobrang cute niyang tingnan ng sabihin niya ang mga katagang ito. Humahaba pa ang nguso niya, habang kunot na kunot ang noo. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi saka hinarap siya sakin.

"Hindi ka pa ba aahon?" natatawang tanong ko sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Mamaya na ako aahon, baka umalis ka na naman eh."  Kunot-noo nitong sabi na nanghahaba na naman ang nguso.

‘Ang cute niya talaga! Muka syang pato.’

Di ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan ng natawa, matapos masaksihan ang over-flowing na cuteness ng lalaking manyak sa aking harapan.

"Sana aware ka, na muka kang pato sa ginagawa mo. Look! I’m not going anywhere, I promise. " nakangiti kong turan habang nakahawak sa kaniyang dalawang pisngi.

Lalo naman lumalim ang pagkakakunot ng kaniyang noo, na halatang hindi naintindihan ang mga pinagsasabi ko. Muling nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay, na mas lalong nakapagpamukang manly sa kaniya. Gayunpaman ay pinagsawalang bahala na lamang nya ito.

"Kung hindi ka pa aahon, hindi lang ikaw ang magkakasakit, kung hindi pati na rin ako. Alalahanin mong hubad ka, at nasa paliguan tayo. Pwede ka naman siguro maglambing ulit saakin matapos mong magbihis muna, hindi ba?" sabi kong pilit na pinapaintindi sa kaniya na magkakasakit kami pareho kapag hindi niya pa ako pinaalis sa tubig.

Nagpanggap pa nga ako na nanginginig na sa lamig. Napansin naman niya ito kaya agad na bumakas ang pag-aalala sa kaniyang muka.

"Umalis na tayo sa tubig." agad na turan niya, saka ako binuhat na parang pangkasal.

Gulat na gulat naman ang mga babaeng tagapagsilbi sa labas na naghihintay sa kaniya na matapos maligo ng makita akong buhat ng lalaking manyak.

"Unahin ninyong asikasuhin ang Dyosa ng balon." utos niya sa mga babae sa labas.

Agad na namula ang aking muka, ng maalalang hubad na hubad pa siya, pero heto’t  ako na agad ang inaasikaso niya. Kinuha ng lalaki mula sa isa sa mga babaeng tagapagsilbi ang hawak nitong tela, saka niya ibinalot sa akin. Ipinaglagay pa niya ako ng mainit na tubig, saka ito ibinigay sa’kin upang aking inumin, not minding the fact na may kumakalembang sa may baba niya.

Kaya naman, talagang madiin ang aking pagkakapikit para lang di makakita ng sawa. Para pa siyang nagpafashion show sa harap ko, habang kitang-kita ang kanyang buong kahubadan, personal lang akong maasikaso.

Maya-maya pa ay may dumating ng panibagong puting tela, na ibinalot sa bandang ibaba niya. Kaya naman iminulat ko na ang aking mga mata, ng ibulong sa’kin ng isa sa mga tagapagsilbi na may takip na ang dapat na takpan.

Tinignan ko ang lalaking manyak sa aking harapan. Panay ang asikaso sa kaniya ng mga babaeng tagapagsilbi habang siya naman ay panay ang talop ng hawak na mansanas habang binibihisan. Nang matapos na niyang mabalatan ang mansanas na hawak, ay saka niya ito ibinigay sakin.

"Kainin mo habang umiinom ka ng mainit na tubig." saad nitong may tono ng lambing, saka ako binigyan ng kulay itim na bilog.

‘Ano kaya ‘to?’

"Ano ito? Jolen?" takang tanong ko habang pinakatititigan ang itim na maliit na bilog na ibinigay niya sakin.

"Jolen?" takang tanong naman niya pabalik na halatang hindi ako naintindihan.

"Ah wala lang ‘yon. So, ano nga ‘to?" muling tukoy ko sa bilog na inilagay nya sa ibabaw ng aking palad.

"Gamot." maikling sagot niya, saka muling nagbalat ng mansanas.

"Gamot?" ulit ko sa sinabi nya.

Di naman siya sumagot, bagkus ay itinango na lamang niya ang kanyang ulo bilang sagot.

"Inumin mo na." utos niya na tinalima ko naman.

Ang kaso ay nang sandaling lumapat sa dila ko ang gamot na sinasabi niya, ay agad ko rin itong iniluwa.

"Ang panget ng lasa!" reklamo ko.

"Inumin mo na iyan. Mas panget ang lasa, mas mabisa." saad niyang mataman na nakatingin sakin.

"Alam mo? Ikaw dapat nainom nito e! ‘Kaw na lang uminom." sagot ko naman na inilahad sa kaniya ang gamot na binigay nya sa akin kanikanina lang.

"Ayoko. Inumin mo iyan." pinal na saad nya, saka muling nagtalop ng mansanas.

Kaya naman ang ginawa ko ay nagkunwaring ininom nga ito, pero ang totoo ay iniluwa ko ito sa sahig.

‘Hindi ako iinom ng ganon kasama na lasa ng gamot no! Mamamatay na lang ako pero ‘di ako iinom non.’

Matapos ko iluwa ay binigyan ko siya ng pekeng ngiti, na ginantihan niya naman ng isang malawak at makalaglag panty na ngiti.

‘ANG GWAPO TALAGA NG MANYAK NA TO! Shet!’

‘Naisip ko lang. Siguro kung ganito lahat kagwapo ang mga manyak sa mundo, ‘yong mga babae ‘di na magrereklamo ng rape kase buong puso na nila iooffer yung perlas ng silanganan nila. Bwahhhahhahhaha’

"Dalhin ninyo siya sa aking silid, at bigyan ng maayos na kasuotan." Kapagdaka’y utos niya sa mga babaeng tagapagsilbi.

Agad naman itong tinalima ng mga tagapagsilbi saka ako giniya sa silid ng manyak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status