Share

Chapter 126: Savior in Black

PINANDILATAN na ng mga mata ni Alyson si Julius na nakangising aso pa rin sa kanya. Umikot siya, tinalikuran ito upang muling bumalik sana sa loob ng bahay.

"Alyson, okay na ba tayo?"

Nakapamulsang sinundan siya ni Julius. Padabog niyang binuksan ang pintuan at dere-deretso ng kinuha ang bag sa sofa. Muli siyang lumabas ng kanilang bahay. Wala pa 'ring pakialam sa mga matang palihim na sa kanila ay nagmamasid.

"Alyson, teka lang! Saan ka pupunta?"

Hinila na ni Julius ang tangkay ng bag ni Alyson, dahilan para matigilan ang babae sa paghakbang at kamuntikan nang matumba.

"Since iginigiit mo na manatili pa dito kahit pinapalayas na kita, ako na lang ang mag-adjust. Ako na ang aalis. Pakisabi na lang kay Mama na enjoy kayong dalawa sa lunch na ihahanda niya."

"Nahihibang ka bang babae ka? Ikaw ang dahilan ng pinunta ko dito tapos basta iiwanan mo lang?"

"Alangan namang isama kita paalis? Hindi naman tayo pareho ng pupuntahan." pilosopong sagot ni Alyson, pinatulis ang nguso at inismir
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
wow to the rescue si cheater
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status