Share

Chapter 5

PABUKAKANG nakaupo si Agatha, sinasadyang ipasilip ang perlas ng silangan. Tanaw niya buhat sa 'di kalayuan si Mr. Tolentino na papalapit sa kinaroroonan niya, nakakunot ang noo habang inis na tinitingnan siya. Mababang neckline na nakadungaw ang Mount Apo na halos ipagladlaran niya na sa paningin ng gwapong Boss.

"Baka gusto mo ng maghubad, ganon din naman." Asik nito.

Ang luwang ng ngiti ni Agatha.

"Sige Sir," Akmang huhubarin niya na ang pang-itaas na suot.

"Wala ka ba talagang delikadesa sa katawan?!" Galit na singhal nito.

"Sir naman, sumusunod lang ako sa gusto n'yo." Paninisi niya rito.

Ngumiwi ito saka naiiling na nilampasan ang dalaga.

"So, pathetic!"

"Sir Khev!" Tawag niya rito na lumingon naman.

"What?!"

"Kapag gusto n'yo itong makita ipatawag n'yo lang ako ha." Matamis na ngumiti si Agatha.

"What the hell-" Napapantastikuhan talaga siya sa kalandian ng katulong. Malala pa sa pinaka-malala.

"Sir?"

"Hindi ako pumapatol sa mababang uri ng babae." Malamig ang mga tingin na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tila manhid naman si Agatha na tumawa pa. Lalo lang siyang natsa-challenge na makuha ang pagkalalake nito.

"Talaga ba Sir?" Pilya niyang paghahamon. Mabilis na naghubad ng damit. Itinira ang panloob. Napangiti siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa maalindog at makinis niyang kabuuan. Pero mabilis itong nakabawi na napailing.

"Hindi ako nagtityaga sa tira-tira ng ibang lalake! Hindi ang gaya mo." Tuluyan na itong umalis. "Magdamit ka na, nakakasuka!"

Unang beses na tila nakadama ng pagkainsulto si Agatha. Isinusumpa niya sa sarili, magiging Misis Tolentino siya sa loob ng anim na buwan. Pagsisikapan niyang maakit ang masungit na Boss.

MABILIS na rumehistro ang inis sa gwapong mukha ni Khev nang bumungad sa kaniya ang mukha ng nakangiting si Agatha. Napabilis ang pagkuskos ng tuwalya sa basang-buhok dahil kalalabas niya lang ng banyo at katatapos lang maligo.

"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong ni Khevin, araw-araw ba siyang bubwesitin ng malanding katulong na 'to?

"Sir, breakfast in bed!"

Naiiling na tinapunan ito ng masamang-tingin ni Khev.

"Wala akong iniutos na ganyan. Ilabas mo na 'yan magbibihis ako."

Nanatiling nakatayo si Agatha habang hawak ang tray ng pagkain. Tila nahihipnotismong nakatitig sa binatang boss.

"Bingi ka ba?!" Nauubusan na ng pasensya na asik ni Khevin rito.

"H-hindi ako bingi Sir, nag i-enjoy lang." Pilyang nginitian ito ni Agatha habang tila natatakam na nakatitig sa katawan ng Boss.

"Ah! Ito ba?" Iritableng tinanggal nito ang maliit na piraso ng telang nakatakip sa pang-ibaba bahagi ng katawan nito. Baka sakaling tumigil na ito sa pagpapantasya na papatulan niya.

Napalunok ng tuyong-laway si Agatha. Tama nga ang hinala niya, walang suot na panloob si Mr. Tolentino. Nakalantad na sa harapan niya ang pag-aari nito. Sakto ang sukat, maganda ang hugis. Tantiya niya ay six to seven inches kapag nagwala. Nakadama siya ng pagkasabik, "What if?" maghumindig? Sheettt! Tapos subo-subo niya. Heaven!

"Happy?" Sarkastikong tanong ni Khevin.

"P-patikim Sir-" Kinindatan ito ni Agatha saka pilyang nginitian. "Tapos isagad natin."

"In your dreams!"

Ang lakas ng tawa ni Agatha nang tila manghilakbot ito saka napangiwi. Naaaliw siyang pagmasdan ito kapag naiinis na. Tila lalo itong nagiging gwapo sa paningin niya. Lalo tuloy siyang na-excite na maging asawa ang Bachelor-CEO na may masarap na sukat.

"ANG GANDA!" Bulalas at napaawang pa ang bibig ni Agatha. Mabilis na umikot ang paningin sa kabuuan ng malaki at marangyang opisina ni Mr. Tolentino. Maayos at organisado. Tumingin-tingin pa siya sa mga naggagandahang babasaging plaque na nasa malaking estante na naroon. Nasa tabi ng malaking sliding-door ang lamesa ng secretary nito na kanina pa nagtataka kung bakit naroon ang maid ng Boss nito?

"A-anong ginagawa niyan rito?" Nagsalubong ang kilay ni Khevin.

"Sir, kasama ni Mang Emil eh. May mga dalang pagkain." Tukoy ng sekretarya sa personal driver nito.

"Sa susunod tawagan mo muna ako. Huwag basta nagpapapasok ng kung sinu-sino sa opisina ko." May diin ang tono nito, inis na sinulyapan si Agatha na manghang-mangha sa nakikita. Napailing si Khevin, ngayon lang siya nakakita ng ganito katanga na babae. Naghubad pa ito ng sapatos at iniwan sa labas ng opisina.

"Hi Sir Khev!" Tuwang-tuwa ito nang malingunan siya.

"Bumalik ka na sa Mansyon." Utos niya rito. Lalo niyang nakikita ang katangahan nito nang isa-isang pindutin at haplusin ang mga cute na figurine sa sulok ng silid.

"Sir, i-promote mo naman ako oh!" Eksayted nitong bulalas.

"I-promote?!"

"Gawin mo na lang akong secretary."

Naiinis na tinitigan siya ni Khev, sa lahat naman ng malandi itong katulong niya ang may pinaka-makapal ang pagmumukha.

"Anong alam mo sa pagiging secretary? Baka hindi ka nga marunong magbasa." Asik niya rito na umupo na sa swivel chair.

"Sir, nakapag-aral ako. Nagvocational ako, secretarial." Mayabang na nagtaas pa ng kabilang-kilay si Agatha. Totoo naman 'yun. Working student siya.

"Ayoko ng bobo sa opisina ko."

"Hindi ako bobo Sir. Sige, sanayin mo na lang ako sa buhay opisina, saka mo ako pakasalan." Seryosong saad ni Agatha. Nakita niya na lalong nairita ang gwapo nitong mukha. Naaaliw talaga siya kapag nakikita niyang kumukulo ang dugo nito. Lalong nagiging yummy Pafa sa paningin niya.

"Mang Emil!" Baling nito sa driver na kapapasok lang. "Iuwi mo na 'to sa Mansyon. Sa susunod si Aling Lydia na ang isama mo rito."

Tumango naman ang driver at mabilis na iginiya si Agatha palabas ng opisina hanggang makarating sa lobby ng building. Gustong magdabog ni Agatha pero baka naman ipapulis na siya ng Boss niya dahil halatang nagtitimpi na lang ito at malapit ng bumuga ng asupre dahil sa inis.

"Ayaw ni Sir ng makulit, Agatha." Paliwanag ng driver habang nasa sasakyan.

"Kahit maganda?"

"High profile ang nilalandi mo. Hindi ka papatulan." Saad nito saka itinuon ang atensyon sa minamaneho.

"Wala ba siyang girlfriend?" Curious niyang tanong.

"Ang alam ko, meron supermodel sa New York, maganda, mayaman, edukada."

Nakadama ng inggit ang dalaga, basura pala talaga siya kung ikukumpara sa katangian na gusto ng lalakeng pinapangarap na mapangasawa. Pero ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Hindi ang gaya niya ang basta sumusuko sa laban. Pinipiliahan siya sa Bar at laging star of the night. Babaguhin niya ang mundo niya sa tulong ni Mr. Tolentino.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status