Share

Chapter 4

"HINDI mo kayang bayaran 'yan, kaya 'wag mo ng hawakan baka mabasag mo pa." Kalmado pero may diing turan ni Mr. Tolentino.

Napaawang ang bibig ni Agatha. Hindi naman kagandahan ang glass figurine na hindi niya pa maintindihan ang disenyo pero mamahalin? Talaga ba?

"Sa Italya ko pa nabili 'yan." Nilampasan nito si Agatha. Nalanghap ni Agatha ang Men's perfume na gamit nito na tila lalong naging mas mabango dahil nasa katawan nito.

"Ayoko ng inuulit ang mga sinasabi ko." Nang malingunan nitong hawak pa ni Agatha ang figurine. Mabilis namang ibinalik ni Agatha sa estante, saka inirapan ang dekorasyon na para sa kaniya ay pangkaraniwang palamuti lang.

"Milyon ang halaga niyan-" bulong ni Ashley na nakalapit na pala.

"M-milyon?!"

"Hampas-lupa ka kasi kaya di mo alam 'yun." Inirapan pa ni Ashley ang dalaga na akala mo hindi niya ito kapantay sa estado ng buhay.

"Medyo makapal ka sa part na sa'yo pa galing ang salitang hampas-lupa 'no?" Ganting-irap ni Agatha. Lamang siya kung pagmumukha lang naman ang pag-uusapan sa kaharap. Pero pareho silang naninilbihan sa Mansyon. Pareho silang alipin ng gwapong CEO. Sino ito para magyabang sa kaniya?

Kapwa sila natigilan nang mapansing sa kanila na nakatingin si Mr. Tolentino. Parehong mabilis na nagpalit ng anyo naging tila anghel na hindi makabasag-pinggan.

"Ashley, iwan mo muna kami ni Agatha." Utos ni Mr. Tolentino rito na ikinatuwa ni Agatha. Mabilis namang sumunod ang katulong na sumimple pa ng irap kay Agatha.

ANG luwang ng pagkakangiti ni Agatha nang mapagsolo sila ng binata. Pagkakataon niya ng maipakita ang alindog niya. Aniya sa isip.

"Hindi ko nagugustuhan ang mga ikinikilos mo." Malamig nitong turan.

"Ho?!"

"Hindi ako tanga para sa mga gold-digger na kagaya mo. Kilala ko na ang mga katulad mo."

"Mapanghusga ka din Sir 'no?" Malumanay ngunit nagtitimpi lang na ilabas ang tunay na kulay na saad ni Agatha. Babaeng-bayaran siya at tuso.

"Pwede kitang palayasin pero hindi ko gagawin."

Napatitig si Agatha sa magagandang pares ng mga mata nito, bumaba ang tingin niya sa matangos na ilong at napalunok nang mapatitig sa mapupula nitong labi. Parang Goddess Greek sa kagwapuhan ang lalakeng malamig pa sa yelo. Lalo lang siyang nagkakainteres sa misteryosong pagkatao ng binatang amo.

"Hindi ako pagkain-"

"Agatha Sir, Agatha ang pangalan ko." Ngumiti ng matamis ang dalaga. Wala siyang mabasang emosyon man lang. Parang buhay na estatwa na perpekto ang pagkalilok ang gwapong CEO.

Lumapit si Agatha sa Boss na nakaupo na sa couch. Kumunot ang noo nito.

"Anong ginagawa mo?!"

"Maglilinis Sir," Yumukod siya para punasan ang lamesang malapit rito. Sinasadyang ipakita ang punong-dibdib.

Naiiling na iniwas ni Khevin ang paningin, nakakasuka ang kalandian ng bago nilang katulong. Gusto niya ng sisantehin ngunit si Aling Lydia pa rin ang inaasahan niya sa paghandle ng mga katulong. Napansin niyang kakaiba ang ganda ng dalaga ngunit iniisip niya pa lang na mababa ang uri ng pagkatao nito, nandidiri na siya. Palibhasa, lumaki siya sa gitna ng mga disente at nasa mundo ng alta-sosyedad.

"ALING LYDIA!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Mr. Tolentino, mabilis namang nakalapit ang mayordoma.

"Sir?"

"Ang tanga ng bagong katulong." Naiinis na saad nito.

Napatingin sa itinimplang kape ang Mayordoma saka napailing. Ayaw na ayaw nito na dinadalhan ng kape at ipinapatong sa ibabaw ng lamesa na katabi ng mga mahahalagang papeles.

"Kasalanan ko, paumanhin." Mabilis na inalis ni Aling Lydia ang tasa ng kape sa lamesa nito.

"Sisantehin mo." Mariing utos nito.

"Sir?"

"May problema ba?"

"Mahihirapan ho tayo maghanap ng bagong katulong, uuwi ang dalawa ng probinsya." Paliwanag nito.

Napaubo si Agatha na kanina pa nakatayo sa tapat ng pintuan. Matamang nakikinig.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Tanong ni Mr. Tolentino. Tinapunan ng masamang-tingin si Agatha. Lalong kumunot ang noo nang mapansin ang mababang neckline nito. Sinasadya ba nitong hindi isara ang dalawang butones ng uniporme? Halos lumuwa ang kalahating-dibdib nito.

"P-pasensya na po Sir, akala ko po kasi pinapatawag n'yo ako?" Nagmamaang-maangan nitong sagot.

"Agatha, ako na bahala. Sige na-" ani Mayordoma. Napatingin rin sa dibdib ni Agatha saka napailing.

"Agatha, nakalimutan mong isara ang butones ng blusa mo." Paalala ni Aling Lydia.

"O-oo nga po, pasensya na." Parang Maria Clara na isinara naman ni Agatha. Umalis na ito para bumalik sa kusina kaya napagsolo sila ni Mr. Tolentino.

"Wala ka na sa Club," mahina ngunit malinaw sa pandinig ni Agatha ang sinabi nito. Napatingin siya sa gwapong Boss saka napangiti. Natatandaan pala siya nito?

"Ay naaalala mo ako Sir?" Ang luwang ng ngiti ni Agatha. Wala siyang nakuhang sagot pero dama niya na wala itong pakialam sa pinagmulan niya at tila okey lang naman na magtrabaho siya roon. Mabuti naman pala kung ganon, aniya sa isip.

"Makakaalis ka na, bumalik ka na sa trabaho mo."

Umimbay ang balakang ni Agatha habang papalabas ng silid. Sana mapansin na ni Pogi na biniyayaan siya ng magandang hubog ng katawan. Binibilang niya na sa isip kung gaano karami ang pera ng CEO na nagmamay-ari lang naman ng naglalakihang Hotel sa bansa. Nasa Boss niya na ang lahat ng swerte, asawa na lang ang kulang. At titiyakin niya na siya 'yun.

Hindi niya na nakita ang pag-iling nito saka natawa ng mapakla at parang nasusuka sa nahahalata naman nitong pang-aakit niya rito. Hindi ang gaya ng isang prosti-gold digger ang titibag ng paninindigan ng isang Tolentino.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
...️...️...️laban LNG agatha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status