Share

Chapter 3

"K-KATULONG?! Tapos gan'yan ang ayos mo?" Pinasadahan ni Ligaya ng tingin mula ulo hanggang paa si Agatha. Talaga ba? Mamamasukan na katulong? Biglang nagdesisyon na aalis na sa Club para umiba ng landas. Naka knitted-dress na bodycon na may mahabang slit mula sa gitnang-hita. Nakahigh-heels pa ang lukaret na akala mo dadalo ng isang special event. Himalang maayos ang pagkakamake-up. Lumutang ang ganda ni Agatha. Walang makapagsasabing isa siyang prostitute sa ayos niya ngayon?

"Nangangailangan si Mr. Tolentino ng maid mag-aapply ako." Parang pupunta lang sa palengke na saad nito, umupo at idinekwatro ang dalawang mahahabang binti.

"At sino naman 'yun?!" Irap nito. Iniisip nito na isa sa mga parokyano sa Club.

"Yung gwapong nakitulog dito." Nakangiti niyang pagkukwento. Nanlaki ang mga mata ni Ligaya.

"Si Pogi?!" Na-excite na itong napakagat-labi. "Yummy 'yun ah! Sige, mag-apply ka na, now na bakla!" Pagtataboy nito, sabay silang napahalakhak ni Agatha.

"Pinayagan ka ba ni Madam Magda?" Tili nito.

"Pagod na ang bibig ko sa ka******* ng lato-latong kulubot Igyang! Gusto ko ng makapag-asawa ng CEO." Nag-aambisyon na itinaas nito ang kaliwang-kilay.

"Eh, 'yang k***** mo pagod na din kaya-"

Natigilan si Agatha. Saka pilyang napangiti. Magiging puhunan niya para sa lalakeng pinupuntirya.

"Teka, p'ano mo nalaman ang pangalan?" Nagtatakang tanong ni Ligaya.

Inilapag ni Agatha ang hawak na magazine na nakuha sa salon kung saan siya nagpa glow-up ng bongga. Nasa cover ng magazine ang Bachelor-CEO ng Tolentino Corporation. Nagmamay-ari lang naman ng naglalakihang Hotels sa Baguio City ang suplado at matapobreng naging costumer na ni hindi niya man lang nasilip ang tar*go. Kung dati'y tanggap niya ng mabubulok na siya sa Club, ngayon hindi na. Bumuo na siya ng pangarap, pangarap na mapangasawa ng isang mayamang negosyante.

"YOU'RE HIRED!" Ganon kabilis. Kasalukuyan na siyang nasa Mansyon ni Mr. Khevin Tolentino.

Sumilay ang pinong-ngiti sa labi ni Agatha, palihim na nagbunyi ang kalooban.

"Magpalit ka na ng damit." Iniabot ng mayordoma ng Mansyon ang uniporme ng katulong.

"S-salamat po," Sinisikap niyang magmukhang mabait at mahinhin sa paningin ng kaharap. Umalis na ito sa harapan niya matapos ipaliwanag ang mga gagawin.

"Ikaw ang maglilinis ng pool pati hallway, marunong ka ba?" Tinig ng isang katulong, nilingon ito ni Agatha.

"Mukha bang hindi?" Tumaas ang kaliwang-kilay niya.

"Hindi," palaban nitong irap.

M*****a spotted. Sa isip niya. Uso pala dito hindi lang sa Club. Umikot ang paningin niya sa malawak na kabuuan ng Mansyon. Anong oras kaya makikita si pogi?

"Nasa out of town si Sir, pero ngayon ang uwi," Paliwanag nito nang makitang tila may hinahanap siya.

"Alam ko, pangalan mo nga?" Kakaibiganin niya na lang ang impakta na ito para makakuha ng impormasyon.

"Ashley." Sagot nito.

Matapos makapagpalit ng damit, nagsimula ng maglinis si Agatha. Mas madali palang ch***** kaysa magvacuum, aniya habang tagaktak ng pawis. Ginagalingan niya dahil napansin niyang may CCTV monitor sa bawat sulok ng Mansyon.

Gusto niya ng tumalon sa swimming pool para pawiin ang pagod pero sa tamang panahon, kapag aakitin niya na ang Mr. Tolentino na 'yun.

"Masipag naman ang bagong katulong-" opinyon ni Lydia, ang Mayordoma. Nakatanaw sa abala na si Agatha. Kausap ang ilang katulong.

"Ewan lang ho ha, pero may kakaiba sa babaeng 'yan."

"Hindi uubra ang kalokohan niya kay Boss." Sagot ni Ashley.

"Masyadong maganda at mukhang may itinatago."Nagdududa nitong saad.

Tumahimik ang lahat nang maramdaman ang presensya ng sasakyan ng CEO ng Tolentino Corporation.

Palihim na napangiti si Agatha nang matanaw ang paparating na gwapong CEO. Napalunok ng tuyong-laway. Bakit ba napaka-gwapo at mukhang masarap ang lalakeng ito? Inihanda niya ang pinaka-matamis na ngiti.

Ngunit nang dumaan ito sa tapat niya, tila hindi man lang siya nito napansin. Tulad ng dati, hindi umuubra ang karisma niya sa suplado at cold CEO na gusto niyang akitin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
basted ka agad Agatha...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status