Share

CHAPTER EIGHT: CAN WE JUST TALK?

"HOY, TAJI! Bukas na 'yan! Over na over time natin! Tatlo na lang tayo rito!"

Hinila ako ni Khloe sa kuwelyo kaya napaangat ako sa aking kinauupuan. Halos mapamura ‘ko dahil muntikan pang magulo ang ginagawa ko sa computer.

‘Puwede naman silang mauna, bakit nga ba nandito pa rin sila?’

“Bakit ba nandito rin kayo at nag-oover time? Mauna na kayo umuwi, gusto ko pang tapusin ‘tong ginagawa ko bago umuwi.” Nai-stress na sabi ko at saka ginulo ang buhok ko. Natawa naman ang dalawa sa ‘kin dahil sa inaasta ko.

"Wala pa namang deadline 'yang ginagawa mo, Taji. Bakit ba napaka-sipag mo ngayon? Para kang t*nga diyaan, mag-isa ka lang nagtatrabaho." Aniya Jenniecah kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ewan ko ba sa sarili ko, kanina pa masama ang timpla ko at anytime ay sasabog na talaga ako.

"Anteh ko, wala ng bayad ‘yang over na over time mo! Nagsasayang ka lang ng oras dito!” Si Khloe kaya napatigil din ako at napaisip. Bakit nga ba ‘ko nag
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Kathlynlyka Guevara DrujaValdez
ok naman.. .........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status