Share

Chapter 2

"How was your sleep, apo?"

After eating their breakfast inaya siya ng kaniyang lolo sa lanay upang makapag-usap sila.

"It's good. Hindi ka ba papasok sa kumpanya ngayong araw?"

She really wanted to ask about his company, if he has decided to give her work. Hindi siya sanay na walang ginagawa, dalawang linggo na siyang nabuburo sa mansion. Hindi naman siguro iyon ang plano ng kaniyang lolo para sa kaniya?

Hindi ang ikulong ako, if that's what he want, babalik na lang ako sa Hawaii to continue my work.

"I am on leave, Savannah. Ayaw mo ata akong makita at makausap? Since you came back I was busy in the company. Ngayon nga lang na araw na ito tayo magkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng maayos."

Her grandfather sound he was hurt by her words. Pero alam niya na nagpapaawa lamang ito.

"Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang ginawa mo para makauwi ako, lolo. That's not nice, you know that you are my only family, I panicked. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo."

Sumimangot si Salvattier sa kaniya at alam na niya na magpapaawa itong muli. Napabuntong hininga siya. Hindi siya uubra sa kaniyang lolo talaga. Even her butler and her nanny knows that her only weakness is her grandfather.

Hirap na hirap siyang hindian ito at tanggihan, iyon nga lang hindi pag-uwi isang linggo pa lang siyang hindi sumasagot ay nang malaman niya ang 'sakit' kuno ng lolo nagbook kaagad siya ng flight.

"Okay, okay, I am sorry, apo."

Humalukipkip siya at ibinaling ang paningin sa magandang tanawin sa labas. The people inside the mansion are few, simula nang dumating siya ay wala na ang mga katulong at mga bodyguards na madalas nagbabantay doon.

"Lo."

"Hmm?"

Ibinalik niya ang tingin sa kaniyang lolo. He was sipping on his coffee.

"Is it really safe to come back here? What if... the person who killed my parents is still alive and now he's after my life?"

Ibinaba ni Salvattier ang tas ng kape at tumingin ito sa kaniya ng seryoso. Hindi niya ikakaila, nasa isip pa rin niya ang nangyari sa mga magulang at kung sino ang pumatay sa mga ito. She's brave but not brave enough to see another family bathe in their own blood.

"What if it's you this time?"

The pain rose on her chest thinking of her grandfather in the same situation with her parents.

"Lo, we can live in Hawaii it's peaceful and the life there was good. We can settle there, away from the danger and threat here in the Philippines. Away from that person who killed mama and papa. Also, he can't go there, we are safe and—"

"Savannah Arabella."

Natigilan siya sa pagsasalita nang tawagin siya ng kaniyang lolo.

"Calm down, please?"

Hindi niya napansin na bumilis ang paghinga niya habang nagsasalita siya at iyon ang napansin ng kaniyang lolo. She breathe hard and take it slowly.

"Hindi kita pauuwiin dito kung hindi ako sigurado sa kaligtasan mo, apo. The Williamson organization didn't stop looking to the person who killed your parents. Hanggang nabubuhay ako ay hahanapin ko ang taong pumatay sa mga magulang mo, apo. But you can't live in the Hawaii forever."

Tama ang lolo niya, hindi siya maaaring tumira habambuhay sa Hawaii gayong narito ito sa Pilipinas at matapang na hinaharap ang panganib na nagbabanta sa buhay nito. She needs to be with him, he's old and need her.

"I am confident with my people in the organization, Savannah. Huwag kang mag-alala sa kaligtasan ko, ganoon rin sa kaligtasan mo dahil hindi basta-basta ang mga bodyguards ng Williamson Organization. They are all well-trained. Kaya rin ako nagdesisyon na pabalikin ka na dahil alam ko na mapo-protektahan kita at ng mga tao ko."

Yumuko siya at natuon ang mga mata niya sa mga kamay na nakakuyom. She wanted to give justice to her parents too and she can't do that if she will live in the Hawaii.

I am being selfish, I wanted justice but I am running away.

"Also, you are going to take my position as the new CEO of Williamson's Company."

Mabilis na umangat ang kaniyang tingin sa sinabi ng kaniyang lolo. She was surprised. That's the biggest Company of their family. Iyon ang isasalin dapat sa kaniyang ama bago ito mamatay. Isa pa, bakit hindi sa kaniyang Uncle Marlon ipasa ang titulo?

Ang dami niyang tanong!

"Why are you giving me that look, Savannah? I pushed you to take a Business Management course for a reason. I was giving you my work when you were in Hawaii for a reason. Everything that I sent you about business were real transactions in our company. Why do you look surprised?"

"L-lolo..."

"All those years I was training you. Hindi lang basta wala ang mga iyon, Savannah. You graduated with latin honors in Hawaii and I am proud, I have nothing more to teach you in the business industry, Savannah. You are good and knowledgeable enough to take the position as the new CEO of the Williamson's Company."

Hindi siya kaagad nakapagsalita, hindi pa niya napo-proseso ang mga sinabi ng kaniyang lolo.

"What are your thoughts?" tanong nito.

"H-how about Uncle Marlon? Akala ko ay ang uncle ang susunod na CEO. I never saw this coming, lolo. I mean, a-are they going to approve? Especially, uncle?" she asked.

"He will be here right now, Savannah, ngayon rin ay babasahin ng lawyer ko kung kanino mapupunta ang lahat ng ari-arian ko."

This is too much for her. Hindi niya inaasahan na isasalin ng kaniyang lolo sa kaniya ang pinakamalaking kumpanya nito. She's afraid, what if she failed? There's a lof of what ifs in her mind right now. She doesn't want to disappoint him.

"And I don't care if one person or even ten won't approve of you, apo. You got me. I trust you, the Williamson's Company."

Nang maalala niya ang kaniyang sakit ay napailing siya.

"I-I can't do meetings with people, I-I can't face them. I'm... afraid. Uncle Marlon can do it, Lolo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Salvattier sa kaniya.

"What do you mean?"

She's still the weak Savannah. Walang pagbabago. Kahit sa mga lumipas na taon, she still can’t show himself. Takot sa mga tao, takot na may mangyaring masama sa kaniya. Sa lolo na nag-iisa niyang pamilya at sa iilang tao na pinagkakatiwalaan niya.

She always thought that the killer was just watching them.

"Lo, I-I don't think I can do this. You know I can't socialize. I-I panicked."

Salvattier got her words. Tumango ang kaniyang lolo sa kaniya.

"You can manage the Williamson's Company in your own way, Savannah."

Natigilan siya sa sinabi ng kaniyang lolo.

"Do it in your own way. Do it for me also, please apo? Wala na akong ibang nasa isip na magma-manage ng kumpanya kung hindi ikaw. I can't see Marlon as a powerful person, he's being manipulated by his wife. He's blinded by his love. I don't agree with his vision in business, also. Kung sana siya ang napili ko, bakit hindi ko pa noon inilipat sa pangalan niya ang kumpanya, Savannah?"

Her grandfather has a point.

"Now, prepare yourself, in an hour my attorney and your uncle will be here."

Tumayo siya at yumuko sa kaniyang lolo.

Mukhang wala na nga akong magagawa pa. I need to accept this path, I can't disappoint lolo. Hindi palaging hindi ko kaya, all those years, he was there to protect me, right now it is my time to protect him and the Williamson's Company.

Makalipas ang isang oras ay dumating na ang mga hinihintay nila. Nakangiti si Mathilda, ang asawa ng kaniyang Uncle Marlon habang hinihintay ang anunsyo ng attorney ng kaniyang lolo. She's smiling like as if she knows something good will happen to her life. Mukhang inaasahan nito na ang pag-uusap na iyon ay upang isalin sa pangalan ng kaniyang uncle ang titulo ng lahat ng ari-arian ng kaniyang lolo.

Savannah look at her grandfather. Para sa kaniya malakas pa ito at kaya pa pamunuan ang kumpanya. He's 67 years old but still looks young at his age.

"Can we begin now?" tanong ni Salvattier sa attorney nito na si Atty. Laurencio Saccub.

Tumango ang attorney at ibinigay nito ang dalawang envelope sa kaniya at sa kaniyang Uncle Marlon. Hindi niya kaagad binuksan ang envelop na hawak ngunit ang kaniyang uncle ay tiningnan na iyon kaagad at binasa.

Ang ngiti nito ay nawala habang nakatingin sa dokumento.

"W-What? papa, a-are you serious about this?"

Ang ngiti rin ni Mathilda ay nawala at napatingin ito sa papel na hawak ng asawa.

"Kailan ba ako nagbiro tungkol sa mga ari-arian ko, Marlon?"

Tumayo si Marlon at lumapit sa kaniya. Hinablot nito ang envelope na hawak niya at ito na mismo ang nagbukas doon. Napaismid siya, hindi na nagbago ang ugali ng kaniyang uncle. Hanggang ngayon ay garapal pa rin ang pag-uugali nito.

"Marlon! What do you think you are doing?!" sigaw ng kaniyang lolo.

"What? papa! You are making her as the new CEO of Williamson? Kauuwi pa lang niyan dito sa pilipinas, ah? Anong alam niyan sa pagpapatakbo ng isang malaking kumpanya?"

Parang may naputok na pisi sa kaniyang pasensiya sa sinabi ng kaniyang uncle. She's still respect him. Hindi siya sasagot dito.

"Ayusin mo ang pananalita mo Marlon at baka ang mga ibinigay ko sa iyo ay bawiin ko pa. Nagtitimpi pa ako," may panganib sa boses sa kaniyang lolo.

Nang dumako ang tingin niya kay Mathilda ay nakita niyang galit ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Bumaba ang mga mata niya sa nakakuyom na mga kamay nito.

"N-No, papa, y-you can't do this to me. I am working hard! Simula nang mamatay si kuya, ipinakita ko na sa iyo na karapatdapat ako sa posisyon na iyon. Ano ito? bakit hindi mo ako tinitingnan? B-bakit?!"

Tumayo ang kaniyang lolo kaya't napatayo na rin siya. Lumapit siya dito upang umalalay.

"This is my decision, Marlon. Huwag mo nang idamay ang pangalan ng namatay mong kapatid sa mga desisyon ko ngayon–”

"And that btch?! Why is she getting the Williamson's Company?! Wala siya dito habang lumalago ng lumalago ang kumpanya! She doesn't even know the downs that happened in the company! I was there! Papa! Can you think about this again?"

"Your words, Marlon! Huwag mo akong galitin! At baka kahit singko ay wala akong ibigay sa 'yo!"

Galit na galit ang kaniyang lolo nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Tumalikod naman ang Uncles Marlon niya at kinuha nito ang dokumento na ibinigay ng attorney kanina. At bago pa sumunod si Mathilda ay sinamaan siya nito ng tingin.

"I hope you are happy now."

Iyon ang mga salitang binitiwan nito bago sumunod sa asawa.

Dahan-dahan na naupo ang kaniyang lolo sa sofa habang inaalalayan niya. Napahawak ito sa noo at umiling.

"That's why I choose you, Savannah. Nakita mo ang galit sa mga mata ni Marlon? Ganoon rin sa asawa niya? Hindi ko gusto na siya ang mamuno dahil malinaw sa akin kung ano ang pakay ng asawa niya sa kaniya. That woman will just use him."

"Pero, lolo, hindi ba at isa si Uncle Marlon ang namumuno sa Williamson Organization? Ibig sabihin ang organisasyon na iyon ay ibibigay mo sa kaniya?"

Umiling si Salvattier, "Hindi, Savannah. The organization that I built was transferred into your father's name before he died."

Napaawang ang mga labi niya. Hindi niya alam ang tungkol doon!

"Originally, I am the founder ngunit hindi ko na iyon maililipat sa pangalan ni Marlon kahit gusto ko pa dahil patay na ang iyong ama. Kaya't isa na lamang siya sa namamahala non ngayon."

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaniyang lolo.

"I still consider your uncle, pero titingnan ko kung may pagbabagong mangyayari sa kaniya."

After that day Savannah prepared herself for a big change.

Isang linggo ang nakalipas, naipaliwanag na ng kaniyang lolo sa mga security guards ng kumpanya ang nais niya bago siya dumating. Also to the employees. Pagpatak ng alas nuwebe ng umaga ay wala na dapat mga employees ang nasa labas at dapat nasa assigned department na ang lahat ng mga ito.

She will use the private elevator and no one could enter except her. Ang oras naman ng labas niya ng kumpanya ay alas sais at ang lahat ng empleyado ay dapat nang umalis ng alas singko y medya.

Ang mahuhuling lalabag sa bagong patakaran ay masisisante.

She will not be a good CEO to everyone. She learned that the Williamson Company has been facing significant financial losses in recent years. May mga empleyado ang nagnanakaw ng pera sa kumpanya nila at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga ito. Also there were three big member of the board that disapprove on her grandfather's decision to make her a CEO at mas nais ng mga ito na ang mamuno ay ang kaniyang Uncle Marlon.

Sinabi ng mga board members na hindi sapat ang kaalaman niya sa pagpapatakbo ng isang napakalaking kumpanya. But she proved them wrong when she showed her skills on the spot.

Savannah will not be a puppet like they made her uncle. Ipapakita niya sa mga ito na karapatdapat siya sa posisyon bilang bagong CEO ng Williamson Company at sisimulan niya iyon sa paglilinis ng mga basura na nasa mismong kumpanya niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status