Share

Chapter 4

Nang-aakusa akong nakatingin kay Eros na ngayon ay hindi mapakaling nakaupo sa sofa habang ako ay nakatayo sa harap niya. Namewang din ako at tinaasan siya ng kilay.

"Explain yourself!" utos ko sa kaniya na naging dahilan para mapakamot siya sa kaniyang batok.

"U-Ughm.. k-kailangan ba talaga?" natatarantang saad nito. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso which is I find it cute. Taranta yarn? Pinapa-explain lang e.

"Oo! You must because that was unexpected. Nag-susungit ka sa akin tapos bigla-bigla na lang mangyayakap? Are you gagoing me?" ako naman ngayon ang tinatarayan siya.

"I'm not worried about you, okay? Nag-aalala ako dahil baka may mangyari sayong masama tapos konsensiya ko 'yong mapipinsala mo kasi kargo kita." sa bilis ng pananalita niya ay nakuha niya pang umirap. Ang kanina lang na natatarantang mukha ay naging seryoso. "Don't look at me like I committed a crime. That's all what I'm worried about." sabay lakad nito papuntang hagdan. "Tapos na akong kumain, kumain ka na rin diyan." tumigil siya sa pag-akyat at hinarap ako. "And remember that I'm not worried about you. If you don't want to eat then don't, I don't care anyway." saka na siya nagpatuloy sa pag-akyat.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay inis akong napaismid. "Hindi talaga ako umasa, slight lang."

Kanina pa 'ko nagpapagulong-gulong sa kama ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pagod ang katawan ko dahil sa paglilinis ko ng bahay kanina pero hindi naman ako makatulog.

Sabi ni Avera sa akin noon, kapag daw hindi makatulog ang isang tao ay may nag-iisip daw sa kaniya o 'di kaya'y nasasali siya sa panaginip ng iba. So may nag-iisip ba sa akin ng mga oras na 'to o nasali ako sa panaginip? Alin kaya roon?

Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya pero ngayon ay baka nga may nag-iisip sa akin. Putspa, kung sino ka man, tumigil ka na! Gusto ko nang matulog para makabawi ng lakas oy! Hindi ako robot para hindi mapagod for pete's sake.

Malalim na lang akong napabuntong hininga. I guess hindi ako lulubayan ng taong iyon. Psh.

Dahil na rin sa nararamdamang ka-boringan ay napagpasiyahan kong bumaba para kumuha ng kahit anong maiinom sa ref. Habang nilalagyan ko ang baso ng fresh milk ay biglang pumasok sa isip ko ang yakap ni Eros kanina.

Sa hindi malamang dahilan, I blushed. Mygad, anong nangyayari sa akin at namumula ako?

Pumunta akong sala at umupo sa sofa habang namumula pa rin. Wala sa sariling napainom ako ng gatas. Bakit kasi ang gwapo ni Eros?

"Gague! Pinag-iisip ko?" mahina kong sinampal ang sarili para magising sa bangungot. Baka kasi nananaginip lang ako ngayon.

"Why are you still awake?" halos mapasigaw ako sa gulat nang biglang umupo sa tabi ko ang gagong Eros.

Napahawak ako sa dibdib habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya. Akala ko ay aatakihin na 'ko! Gago talaga ang lalaking 'to!

"Baliw ka ba?"

"No."

"Edi gago!"

"I'm not gago either!"

"Then what are you?"

"I'm handsome,"

Dahil sa naging sagot niya ay nanlaki ang mata ko. Potakte! Ang hangin.

"May dala ka bang electric fan? Ang hangin e!" napairap ako.

"Obviously, there's nothing. Can't you see?" pang-aasar pa nito sa akin. Nang makita akong naiinis na ay tumawa siya ng mahina kaya nanlaki ang mata ko. "Why?" inosenteng tanong nito.

"You laughed, didn't you?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Don't make it a big deal." tanging sagot lamang nito bago kinuha ang remote na nakapatong sa coffee table. "Manood us movie?" tumango ako bilang sang-ayon kaya in-on na niya ang tv at naghanap ng cd. "What do you want to watch? Barbie?"

I glared at him which made him chuckles softly. "Just kidding. Pikon," bulong pa nito na narinig ko naman.

Pero in fairness ha, pangalawang tawa na niya 'yon. Isa pa talaga at aakalahin ko nang happiness niya ako. Ehe! Tapos masasaktan lang din ako kasi may girlfriend na siya. Awts gege. Pero speaking of jowabels, may jowa kaya 'tong masungit na 'to?

"Eros," tawag ko sa kaniya. "May jowa na you?" hindi niya ata inaasahan ang naging tanong ko dahilan para mabilaukan siya sa sariling laway. Sa taranta ko ay naabot ko sa kaniya ang hawak kong gatas na hindi pa naman ubos. "Oh ito, sayo na. Mamatay ka pa riyan sa katangahan mo e!" pagsisisi ko sa kaniya at inalalayan pa siyang uminom.

Inubos niya iyon kaya nanlaki ang mata ko. "Hoy, gago! Ba't mo inubos? Ako kaya kumuha niyan sa ref tas uubosin mo lang hayop ka!" imbes na sumagot ay umirap lang siya at nilapag ang baso sa mesa.

"That's your fault naman, binigla mo kasi ako sa tanong mo."

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "So ano nga? May girlfriend ka na?" mataray na tanong ko.

Umismid siya. "Wala." matipid nitong sagot.

Nanatili ang mataray kong mukha ngunit sa kaloob-looban ko ay palihim akong napangiti. Wait what? Anong palihim na ngumiti? Ano 'yon Azara?

"Siguro ay torpe ka kaya single ka pa rin hanggang ngayon 'no? Aminin mo na!" kunwari akong nandiri sa kaniya. "Yuck! Torpe!"

"Tss. Ikaw kaya sa lugar ko?" balewalang sagot nito.

"Ano ba meron?" ayan na! Umaandar na pagka-marites ko! Kasalanan talaga 'to ni Avera e! Dahil sa kaka-dikit niya sa akin ay nahawa ako sa pagiging chismosa. Pwe!

"Fine. I'm gonna tell you a secret pero dapat secret lang ah?" mabilis akong tumango. Aba, minsan lang siyang maging mabait at mag-share sa buhay niya kaya hindi na dapat ito sayangin 'no.

"Promise." tinaas ko pa ang kamay ko para mangako.

"I secretly like this girl in Manila for years, na-imagine mo 'yon? She was my schoolmate. Ever since I saw her innocent face, admiration hits me. Naging crush ko siya hanggang sa umabot sa puntong gusto at mahal ko na siya. Sa loob ng tatlong taong pagka-gusto ko sa babaeng 'yon, I never had the courage to confess. Sa malayo ko nga lang siya tinitingnan noon." bahagya siyang napatulala sa kawalan.

"Tapos?" nako-curios na saad ko. "Naging kayo ba?" ang nakaguhit na ngiti sa mukha ko ay nawala nang umiling siya. "Bakit?"

"May kaso e.." mapakla siyang napangisi. "We're not for each other because she's engaged with someone. I was so ready to confess pero natigil nang malaman kong i-kakasal na pala siya," magsasalita na sana siya nang mapatigil dahil bigla akong napasinghot-singhot. Lumingon siya sa akin at tumaas ang kilay. "Why are you crying?"

"I-Ikaw naman kasi e! Bakit naman kasi ang torpe mo? Ayan tuloy, naunahan ka!" pagsisi ko sa kaniya bago pahiran ang luhang tumakas sa mata ko. Tinapik ko ang balikat niya. "O-Okay ka lang ba?"

Nakakunot lang ang noo niya na para bang na-weirdohan sa inaasta ko. "Of course I'm fine."

"Weh? 'Di mo sure," saad ko pa pero napailing na lamang siya.

Nagpatuloy na siyang maghanap ng cd na papanoorin namin. Nag-away pa kami dahil gusto ko ng romance pero ayaw niya naman at gusto ng action. Pero sa huli ay ako ang nagtagumpay. Syempre naman, makulit ako e!

Tahimik lang kaming dalawang nanonood. Tutok na tutok kaming pareho sa tv na para bang focus na focus sa pinapanood pero sa totoo lang, wala akong maintindihan sa pinapanood namin dahil lumulutang ang utak ko kaka-isip kung gaano kaya kasakit para kay Eros na makitang kinakasal ang babaeng mahal niya sa iba. He's too good to act like he's okay. Ang sakit kaya ng naranasan niya.

Hay, buhay pag-ibig nga naman oh! Kaya ayaw kong magmahal e! Sakit lang sa damdamin, psh.

Nararamdaman ko na ang antok ko. Sa wakas! Walang pasabi akong tumayo kaya napatingin si Eros sa akin.

"Antok na 'ko! Mauuna na 'ko sayo, Eros." inaantok kong wika bago nagsimulang maglakad papuntang hagdanan. Napatigil lang ako nang may maalala kaya hinarap ko ulit si Eros na hindi ko namalayang nakatingin pa din pala sa akin. "Eros." tumaas ang kilay niya. "Cheer up! Madami pang babae diyan, hayaan mo na 'yon!" ngumiti ako sa kaniya sabay lakad na paakyat.

"Thank you," narinig kong pahabol nito kaya ngumiti ako.

"You're always welcome, Eros sungit,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status