Share

2. He's holding a nobody's hand.

"Ally, hindi ko makita 'yong Auditing Problems. Is it on loan?" tanong sa kanya ni Kattie.

Nagsasalansan siya ng mga libro sa library at nililinisan ang mga shelves nang lapitan siya ng kaklase.

Si Kattie - siya 'yong typical nerd na meron ang mga eskwelahan. Iyong genius na hindi lang ang grado sa paaralan ang mataas kundi maging ang grado ng mga mata nito. Siya iyong mukhang naglalakad na library sa dami ng kipkip na libro. Pero siya rin iyong matalik na kaibigang pinagkakatiwalaan ni Allison.

"Na kay Michael," inginuso niya ang male version ni Kattie, he's her friend as well. Nakap'westo ang lalaki sa pandalawahang mesa sa sulok ng library at super busy sa pagbabasa.

"Ah kaya naman pala," nagpaalam ito na pupuntahan nito si Michael.

Ally hoped she could join them. Kaso nasa library siya bilang Student Assistant at para magtrabaho. Nakakapagbasa lang siya doon kapag may absent silang instructor at doon nila palilipasin ang buong period.

She sighed as she absentmindedly touched her right arm. Nabugbog iyon nang husto sa pagkakabagsak niya kanina. Nangingitim na nga iyon. Mabuti at medyo natatakpan iyon ng suot niyang shirt dress.

Tinapos niya ang ginagawa dahil patapos na ang vacant period niya. Sasabay na siya kina Kattie at Michael.

"Ally, tapos mo na ba yung assignment natin?" Tanong ni Michael habang pababa sila ng hagdan. Nasa fourth floor kasi ang library.

"Oo. Tinapos ko na kagabi. Sana lang tama," she barely have one hour each night to work on her assignments. Mabuti at ni minsan hindi pa siya bumagsak dahil sa madalian laging paggawa niya sa mga iyon. Gusto na nga niyang maniwala na mas mahusay siya kapag may time limit at pressured siya.

"Kelan ka ba nagkamali, Ally? Ang galing galing mo nga eh kasi kahit di ka masyadong nakakapagbasa, nakakapasa ka pa rin," puri sa kanya ni Kattie.

"Naman, kung ganyang usapan na rin naman, ano naman ang panama ko sa inyong dalawa?" nakangiting sabi niya sa mga kaibigan. Nakatingin siya sa mga ito kaya nang mabangga siya nang nagmamadaling paakyat na dumaan sa tabi niya, napapihit siya at nawalan ng balanse.

They were still four stair steps away from the ground floor at hindi rin siya nahawakan ni Michael na siyang katabi niya. Ally braced herself for yet another hard fall that day.

'Please, not on my right!' pipi niyang hiling.

Parang slow motion yung pagbagsak niya. Napapikit siya nang finally ay maramdaman niyang bumagsak na siya - sa sahig?

"Ally!" narinig niya sina Kattie at Michael.

She didn't seem hurt at siguradong hindi siya sa sahig bumagsak. She was caught by someone by her waist!

"Ethan!" namilog ang mga mata niya nang makita niya kung sino ang sumalo sa kanya.

"It's you again!" He said, smiling down at her.

'Omg...'

Pakiramdam ni Ally kulay over ripe na makopa na siya. Ethan's face was so close and he's really got those gorgeous eyes staring back at her.

Napasipol naman si Leio na nasa kanan ni Ethan.

"And we met again," he remarked teasingly.

"Ally! Are you okay?" nag-aalalang lumapit si Kattie. "Thank you Ethan."

Saka lang siya naisipang itayo ng binata. But by doing so nahawakan nito ang kanang braso niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit.

"Aray," mahina niyang daing.

Pero hindi iyon nakaligtas kay Ethan kaya agad nitong inusisa ang braso niya. Itinaas nito ang hanggang siko niyang manggas hanggang sa lumitaw ang malaki niyang pasa.

"You've got a bruise!" he exclaimed. "I knew it. You were the girl this morning!"

"Thank you sa pagsalo sa akin," sa halip ay sagot niya para makaiwas sa topic. "Kattie, Michael, let's go."

"Hey," si Zion na tahimik lang kanina. "Mr. Zamora will not be in today," tukoy nito sa instructor nila sa sunod na subject kung saan kaklase na naman nila ang tatlo.

It was funny how they knew about it. Eh dati naman, invisible sila sa mga ito. But now, they actually knew they belong to the same class.

"Talaga?!" tuwang-tuwa at panabay na tanong ng mga kaibigan niya na agad tumakbo paakyat sa library.

"Affirmative," tugon ni Zion pero wala na ang dalawa.

'Mga traydor. Bakit ninyo ako iniwan?'

Akmang susunod siya sa dalawang kaibigan pero pinigilan siya ng kamay na pumaikot sa kanyang baywang.

"That means, we need to talk," Ethan pulled her closer to her genuine shock.

"What?" namumulang nilingon niya ang binata. Wrong. She shouldn't have. Dahil pagpihit niya paharap kay Ethan, she found his face dangerously close to hers.

She blushed even more.

"You're blushing," he teased.

"What do you want?" tila napapasong inalis niya ang kamay nito at dumistansya. She couldn't handle being so close to anyone, kay Ethan pa kaya?

"See you later, bro," tinapik nina Zion at Leio sa magkabilang balikat si Ethan na nginisihan lang ang mga ito bago sila iwanan.

"We need to talk," hinawakan nito ang kamay niya bago niya naiiwas iyon.

"What's there to talk about? Hey!" she protested nang hilahin siya nito papunta kung saan and they're attracting audiences.

Why, this was Ethan and he's holding a nobody's hand! "Where are we going?!" She tried breaking free by pulling her hand.

"Stop that," annoyed na saway nito. "You're creating a show."

Napahinto naman siya at gusto niyang matunaw sa dami ng nakatingin sa kanila. This is not how she wanted to end her college life. Ayaw niyang nakakakuha ng atensyon. She's happy existing in the background.

"Good," he smirked bago inakbayan na lang siya. "Now this is better."

"Ethan," she said through gritted teeth.

"Stay calm, Allison."

He said her name! Ethan knew her name!

-----

"What?" kunot noo at asiwang tanong niya kay Ethan.

Dinala siya nito sa school canteen. Nakaupo silang magkaharap. Bumili ito ng dalawang fruitshake na siyang nakapagitan sa kanila ngayon.

Kanina pa ito nakatitig sa mukha niya. Naka-cross arms ito at may naglalarong mga munting ngiti sa mga labi nito.

What a sight of the super handsome Ethan Montenegro. Only that, hindi niya na-eenjoy ang tanawin na iyon dahil sa kasalukuyan ay ito yata ang nag-eenjoy sa nakikitang pagkaasiwa niya.

"Kung hindi mo sasabihin kung bakit tayo nandito, I swear, I'm walking out," she pressed her lips into a thin line.

"Relax," he leaned over the table at bago pa siya nakaiwas, he reached to remove her eyeglasses.

"Ethan!" awtomatiko niyang ipinikit ang mga mata. She will not be able to see clearly without her eyeglasses. "Give it back!"

"When was the last time you visited your Optalmologist?" he asked, marahil napansin nito na marami ng gasgas ang salamin niya.

Kelan nga ba siya huling nagpalit ng salamin? Hindi na niya maalala. She planned on having her eyes checked again. Pero hindi pa sa ngayon. She needed all the money she could save para sa pag-aaral niya. At kaunting panahon na lang. Just five more months.

"I don't know! You don't care.... " hindi pa rin nagmumulat na sagot niya pero nakalahad ang mga kamay niya para hingiin ang salamin niya. "Just give it back, please. I'm serious!"

She heard him sigh. Tapos naramdaman niyang lumipat ito sa tabi niya at ikinabit ang salamin niya.

"Open your eyes now," nasa pisngi pa rin niya ang dalawang kamay ni Ethan.

"What do you want from me, Ethan?" Na-i-stress na tanong niya and opened her eyes to find his blue-gray ones soft with concern while looking at her "What?" She blushed and he touched that part of her cheek that turned pink

"Let's have your eyes checked," seryosong pahayag nito.

"Thank you for your concern," inalis niya ang mga kamay nito sa mukha niya. "But it's not like I'm going blind anytime soon."

"Allison, you only got one pair. And they're beautiful. You should take good care of them."

"Really, thank you. But even if I want to -" she stopped there bago pa siya mapasubong magsabi ng dahilan kung bakit

"What are you doing outside in the wee hours?" tukoy nito sa early morning encounter nila kanina.

"It's five in the morning."

"Still too early."

"What do you care?"

"Because I almost hit you! If it wasn't me, It could be somebody else! And you might not just get a bruise next time!"

"Come on... That's an isolated thing. I've been on that job for years!"

"Years?" he shook his head "And how old are you now Allison? Seventeen? Eighteen? Nineteen -"

"Twenty," gagad niyang hindi nagugustuhan ang tono nito. "I'm an adult. And I know exactly what I'm doing."

"Where are your parents?"

"Ano ba gusto mong palabasin, Ethan? Let's put it this way. You are a Billionaire's son. Kahit mag-explain ako sa 'yo ngayon kung bakit kailangan kong magtrabaho habang tulog pa kayong mayayaman, you will never understand. Hindi lahat ng makikilala mo, kasing yaman mo." litanya niya, nag-isang linya ang mga labi ni Ethan habang nakatitig lang sa kanya.

"Done?"

"And I don't get the point why you're wasting your time on me," umiwas siya at kinipkip na ang libro niya bago tumayo.

"Others wanted my attention," he frowned.

"Then give it to those who wanted it. Excuse me, nakaharang ka po sa daan."

"I'll walk you to your next class" tumayo na rin ito.

"I can manage."

"Don't be stubborn."

"What's wrong with you?" Frustrated na tanong na niya.

Mabagal muna itong ngumiti bago siya sinagot.

"Maybe I like those who resist me."

She fought the urge to roll her eyes and threw her hands in a surrender motion.

She might have hoped he would notice her. But not this way. Hindi ganitong halata namang naaawa ito sa kanya.

Did she touch his heart somehow?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status