Share

CHAPTER 4

         PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Charity kinabukasan. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at iniisip kung bakit naroon siya sa ganoong silid. Nasapo niya ang noo nang maalalang nakipagkasundo pala siya kay Cameron Silvestre. Bigla niyang nahawakan ang labi nang pumasok sa isip niya ang nangyaring halik sa pagitan nila ng binata, hindi naman nagtagal iyon, pero bakit tila ramdam pa rin niya hangang ngayon?

          "That's it. We sealed the deal. You will bear my child, Charity." Tsaka lumayo si Cameron sa dalaga na tila natulala dahil sa simpleng halik na iyon.

          Iyon ang naalala niyang sinabi pa sa kaniya ng binata. Hindi akalain ni Charity na aabot siya sa ganitong sitwasyon para sa kagustuhan niyang makatakas sa hirap ng buhay na mayroon siya.

        Isang marahang katok mula sa labas ng kaniyang silid ang narinig ng dalaga at kasunod nun ay ang tinig ni Servant Kim.

         "Miss Charity, please prepare we will leave after thirty minutes." Tsaka nawala na ang tinig.

          Nais pa sana niyang tanungin kung ano ang isusuot niya pagkatapos maligo dahil wala naman siyang dalang gamit, pero natigilan siya nang sa bandang paanan ng malaking kama na kinauupuan niya ay may paper bag na naroon at box ng isang sandal. Marahil ay iyon na ang isusuot niya.

          Kinakabahan siyang bumaba sa kama at lumapit sa mga damit. Tinignan niya ang mga iyon. Isang simpleng pink floral long boho dress

at ang white beach sandal na nasa box. Base sa mga isusuot niya, mukhang pupunta sila sa isang beach? Nakaramdam ng kakaibang excitement si Charity sa ideyang iyon. Never pa kasi s'yang nakapunta sa isang beach resort na mamahalin.

         Dali-dali siyang naligo at isinuot ang mga iyon, inilugay lang niya ang buhok since maiksi naman na iyon, wala rin siyang make up sa mukha dahil hindi naman niya dala ang mga make up kit niya. Feeling niya tuloy ay napakapangit niya. Makalipas ang thirty minutes ay may kumatok na naman sa pinto.

         "Grabe, bilang na bilang talaga ang oras ah," bulong niya. Nang buksan niya ang pintuan, si Servant Kim iyon na nakangiti sa kaniya.

          "Let us go, Miss Charity."

          Marahan siyang napatango. Nangangati ang bibig niyang tanungin ang lalaki kung saan ba ang destinasyon nila ngayon. Pero pinigil muna niya ang sarili na magtanong at sumunod na lamang sa lalaki.

          Nagtataka siya na napasunod sa tinutumbok na daan ni Servant Kim, tila sa likod mansion lamang sila tutungo. Gaya kanina, pinigilan na naman ni Charity ang magtanong. Nagulat siya nang makarating sa malawak na malawak na backyard ay isang chopper ang naghihintay sa kanila. Inalalayan siya ni Servant Kim na sumakay doon, kinakabahan man ay walang nagawa si Charity kung hindi sumakay.

****

        " WE'RE in El nido, welcome to Isla Silvestre, Miss Charity."

         Charity is in awe as she saw the island from above. A freakin' beautiful island, a paradise! habang pababa ang sinasakyang chopper ay malayang inililibot ni Charity ang paningin sa isla na tila sadyang inihiwalay sa iba. Isang pribadong isla na para lamang sa mga Silvestre. Puting buhangin, malinaw na karagatan at sa pinakagitna ay isang malaking up and down na puting bahay. May mga iilang cottages na mga kubo style, mga puno ng niyog na nagtataasan. Hangang sa makababa mula sa himpapawid ay hindi pa rin makapaniwala si Charity sa nakikita. This is her first time to see an island. Kaya parang taong bundok siya. Nakakalula ang yaman ng mga Silvestre to think na may sarili silang isla.

        "You will stay here, Miss Charity," imporma ni Servant Kim.

         Nilingon niya ito at saglit na nawala ang ngiti sa labi. "N-nasaan po si Cameron?" Hindi napigilang usisa niya.

         "Magtutungo siya rito once na natapos na niya ang kaniyang mga meeting."

          "Ang ibig mong sabihin, Servant Kim, maiiwan akong mag-isa rito? Dito sa islang ito?!" Hindi naitago ni Charity ang takot sa isipang siya lamang maiiwan sa napakalawak na Islang iyon.

          Nangiti ang matanda at napakamot sa batok. "Sasamahan ka namin Miss Charity hangang sa makabalik si Sir Cameron."

          Nakahinga ng maluwag si Charity sa sinabi ng matanda. Iginiya siya ni Servant Kim patungo sa malaking bahay at masaya siyang sumunod rito. Dinig na dinig niya ang marahang hampas ng tubig sa dalampasigan at ang banayad na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Napakayapa ng lugar, isa nga itong paraiso na wala pa man ay minamahal na niya.

          "Ito ang magiging silid mo," anang matanda sa kaniya ng dalhin siya sa isang malawak na silid. Hindi sila magkasama sa silid ni Cameron? Sabagay hindi naman sila mag-asawa, aanakan lamang siya ng lalaking iyon. "Kumpleto na iyan sa mga kakailanganin mong kagamitan, Miss Charity."

          Natigilan si Charity. Iba talaga ang nagagawa ng pera, napakabilis kumilos ng mga tao ni Cameron. Halos kahapon lamang siya nakipag-deal kung iisipin. Marahan siyang pumasok sa silid, habang nanatili lamang sa pintuan.

          "Cellphone. Tama Servant Kim, may cellphone ba kayong ipapahiram sa akin?" aniya sa lalaki, nais niya kasing tawagan si Milet at sabihan ito na okay lang siya.

          "Pasensya na, Miss Charity. Tanging si Sir Cameron lamang ang makakapagsabi kung bibigyan ka ng cellphone o hindi. If you don't need anything, maari na ba akong umalis?"

          "Aalis?" Muli na naman siyang sinaklot ng kaba.

          Nangiti ang lalaki. "Ang ibig kong sabihin ay bababa na upang magtungo sa aming cottage."

         "Ahhh..." Napatango-tango si Charity sabay kamot sa ulo. "Sige po at pwede niyo na akong iwan," aniya rito.

         Nang mapagisa ay lumapit ang dalaga sa bintana at binuksan iyon upang makapasok ang sariwang hangin. Pagkatapos ay mabilis na tumakbo si Charity sa malaking kama at ibinagsak ng paupo ang sarili na tila bata na nagpa-alsa alsa. Ngayon lang siya makakahiga sa ganoong kalaki at kalambot na kama. Napakaganda ng silid na kinaroroonan niya na sa TV lang niya noon nakikita. The room has a blush pink color. Exuberantly feminine, yet chic. May sariling flatscreen TV, built in closet, mga painting na bumagay sa silid.

          Ito ang buhay na pinangarap ni Charity noon pa man, maalwan at malayo sa totoo niyang buhay. Maging isang nurse at magkaroon ng isang masayang pamilya. Pero sadyang ang hirap abutin. Pero ngayong nakipagkasundo siya kay Cameron, matutupad na niya isa sa mga pangarap niya- ang yumaman. Pabagsak niyang inihiga ang sarili at pumikit, ninamnam ang kalambutan ng kamang kinahihigaan. Hindi namalayang nakatulog na siya, dala na rin marahil ng preskong hangin na nangagaling sa bukas na bintana at ang mga marahang alon na tila naging musika sa pandinig ng dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status