Share

CHAPTER 5

         NAGISING si Charity nang tila may mga mata na nakamasid sa kaniya. Pero nang imulat niya ang mga mata ay wala naman, agad siyang tumayo at tinignan ang mumurahing wrist watch na suot na galing pa kay Georgia. Alas singko na pala ng hapon. Grabe ilang oras din siyang nakatulog. Agaran siyang tumayo at naisipang magpahinga sa tabing dagat at panonoorin na rin niya ang sunset.

         Nayakap ng dalaga ang sarili nang dumampi sa balat niya ang malamig na hangin, napangiti siya dahil gusto niya ang pakiramdam nun. Napatigil siya nang malapit na sa tubig dagat nang mapansin na may bultong lumalangoy doon. Sinalakay siya ng kakaibang takot sa isiping isang estranghero iyon, pero imposible dahil ang Isla Silvestre ay ekslusibo lamang para sa mga Silvestre ayon kay Servant Kim. Nawala lamang ang kaba ng dalaga, nang lumitaw ang ulo ng taong pinagmamasdan. It was Cameron.

         Gosh! He is so damn gorgeous!

         Nagtama ang mga mata nila ng binata habang paahon ito sa tubig. Nais pa ngang mapanganga ni Charity sa kakisigang nakahatag ngayon sa kaniyang harapan. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ano ang magiging hitsura ng magiging anak nila ni Cameron. He is now standing at the shore, dark and shimmering, almost naked. Wala itong pang-itaas at naka-bikini trunks lang ito kaya kita niya ang  malaking dragon tattoo nito na nagsimula sa gilid ng leeg, patungo sa buong braso nito sa kanan at tumigil iyon sa may palapulsuan. Aaminin niyang mas nakadagdag sa  dating nito ang tattoo na iyon, at gusto niyang malaman ang kwento sa likod ng tattoo. She's sure there's a reason behind it. Charity loves the sight of water dripping down to his chest like diamonds, walang kangiti-ngiti sa labi ang binata at kagaya ng karaniwang hitsura nito magkasalubong ang mga kilay na animo tila laging galit. His eyes are cold like ice at hindi talaga maiwasan ni Charity na manlamig sa tuwing natititigan niya ang mga mata nito.

          Biglang tila may kidlat na tumama sa dalaga. He looks familiar. Unti-unting nag-flashback sa dalaga ang pangyayari six years ago, pilit inalala ang mukha ng lalaking nagligtas sa kaniya sa eskinitang iyon at unti-unting lumilinaw sa kaniyang kaisipan kung sino ang lalaking nasa harapan niya. She remember his eyes, those cold eyes that night. Iyon lamang ang tanging palatandaan niya sa lalaking iyon na itinuring ng batang puso niya bilang knight in shining armor niya. Nais niyang tanungin ang lalaki upang malaman kung tama ba siya, ngunit hindi niya marinig ang sariling tinig dahil sa sari-saring emosyon nang mga sandaling iyon.

        "You seem like you're lookin' at me like a ghost,"  malamig ni saad ni Cameron sa kaniya bago hinagod ang basang buhok nito palikod.

          Charity find the gesture's perfect. I see, he doesn't remember me. Bulong ng dalaga sa isipan, kung naalala siya ng lalaki, sana ay noong una pa lamang or kagaya niya, late lang din itong makilala siya.

          "M-may naalala lang ako..., " utal niyang sagot sa lalaki na ngayon ay nakapameywang sa harap niya.

           Sadyang napakaliit ng mundo, ang binatilyong kailanman ay hindi nawaglit sa isip niya, ngayon ay kaharap na niyang muli makalipas ang mahabang taon.

          Nakita niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Cameron, pero wala itong sinabi. He's just looking at her like she is just a piece of dirt na nakaharang sa daraanan nito. Lalo tuloy siyang nawalan ng lakas ng loob na magpakilala rito.

         "N-nasaan sina Servant Kim?" Pag-iiba ni Charity sa usapan.

         "They left"

         Natigilan si Charity. "You mean, ikaw at ako lang sa Islang ito?"

         "Why? Kailangan ba natin ng audience while making the baby?"

         Dahil sa sinabi ni Cameron ay namula ang mukha ni Charity at nakagat ang pang-ibabang labi.

         "H-hindi naman. Sa kwarto naman natin gagawin iyon, e." Hindi niya alam paano pa niya nasabi ang mga bagay na iyon sa kabila ng kaniyang hiya.

          Ngumiti ng nakakaloko si Cameron. "No, Charity. Gagawin natin ang bata sa bawat sulok ng islang ito."

          Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa kapilyuhang sinabi ni Cameron.

          "Shall we start here?" Mapanudyong tanong nito habang naglakad papalapit sa dalaga.

          Napaatras naman si Charity dahil sa biglaang takot at kaba na sumaklot sa kaniya. Hinawakan ni Cameron ang baba niya nang makalapit ito, bahagya nitong itinaas iyon at muling nagtama ang kanilang mga mata.

          Lust...

         Kakaibang pagnanasa ang nakikita ng dalaga sa mga mata ng kaharap, may kudlit ng saya siyang naramdaman dahil kahit paano ay kanasa-nasa rin pala siya sa mata nito.

         "You look better with your bare face," anito sa walang emosyon tinig.

         She felt the sudden leap of her heart. Pagkaraan ay tila may mga nagsihabulang mga daga sa kaniyang dibdib. Lalo nang marahang inabot ng mga labi ni Cameron ang labi niya upang pagsaluhan ang isang halik. Mapanudyo ang ibinigay na halik ng binata sa kaniya, hindi napigilan ni Charity na mapakapit ang dalawang kamay niya sa batok ni Cameron.

         This is it! Sigaw ng isipan ni Charity nang biglang tumigil ang binata sa paghalik sa kaniya at tinignan siya. Nahiya tuloy siyang tinanggal ang pagkapit niya sa batok nito at namumula ang mga pisngi kaya napayuko siya upang itago iyon sa kaharap.

         Cameron found himself fascinated by her reaction. For him, her innocence made her more attractive. He stunned by himself for wanting to bend and claim her soft mouth once again. Pinigilan niya ang sarili, gusto niyang gawin ang mga nasa imahinasyon niya ng marahan sa babaeng kaharap. Sa babaeng magdadala at magluluwal sa susunod na tagapagmana ng kanilang angkan. And yes, Charity is the perfect choice for it, at alam niyang sasang-ayunan iyon ng kaniyang ama. Kung siya lang ay hindi niya nanaising magkaanak, pero ito ang gusto ng kaniyang ama and he must follow.

          "S-sandali lang, parang bigla yatang sumakit ang tiyan ko," ani Charity sa kaniya, bago nagtatakbo pabalik ng bahay.

           Ofcourse, he knew it. That was her way to get away from him.

          "What a lame excuses..."

***

         LUMINGON muna si Charity bago siya tumigil sa pagtakbo, nagtungo siya sa gilid ng puting bahay at doon napagpasyahang magpalipas ng oras. Tinitignan niya kung hindi ba siya sinundan ni Cameron. Wala sa loob na nahaplos niya ang mga labi na tila nangangapal pa nga dahil sa paraan ng paghalik ng lalaki sa kaniya kanina. Akala talaga niya ay may magaganap na sa kanila ni Cameron, hindi niya malaman kung bakit ito tumigil kanina, pero ipinagpasalamat na rin niya iyon dahil hindi pa naman talaga siya handa.

         Sa totoo lang, nung malaman niyang si Cameron nga ang binatilyong nagligtas noon sa kaniya ay tila wala na lang sa kaniya kung angkinin siya nito, pasasalamat na lang niya ang bagay na iyon sa lalaki six years ago. Mas okay nang mapunta kay Cameron ang pagkababae niya kesa sa naman sa dalawang hayok noon na nagtangka sa kaniya at sa tiyuhin niyang hayok rin sa laman. Atleast kay Cameron, hindi siya lugi may dalawang milyon pa.

          "Sayang nga lang at hindi niya ako maalala," maktol niya at umupo sa ugat ng niyog na bahagyang nakausli.

           Ang laki na nang pinagbago ni Cameron, mas lalo pang lumaki ang bulas nito, pero mas lalong lumamig ang mga mata nito. Para bang sa tuwing tumitingin siya doon ay kawalan lamang ang nakikita niya. Kailan kaya niya masisilayan na magkabuhay ang mga mata nito?

          Magdidilim na nang bumalik sa malaking bahay ang dalaga, nakakabingi ang katahimikan doon. Umakyat siya sa silid na para sa kaniya at napagpasyahang maligo na. Pagkatapos mag ayos ng sarili ay nakaramdam ng gutom ang dalaga kaya bumaba siya sa kusina upang maghanap ng makakain. Maraming stocks, pero walang luto at hindi niya alam kung maari ba niyang galawin ang mga pagkain doon.

            "You can cook what you want."

            Out of nowhere ay ang pagsulpot ni Cameron na wala na namang pang-itaas but this time ay may suot na itong white shorts. Bakit naroon ang pagnanais niyang hawakan ang hubad nitong dibdib na nakabalandra ngayon sa harapan niya.

         

           Manahimik ka, Charity! Ikalma mo ang petchay mo! Pagalit na bulyaw ni Charity sa sarili.

         Tinangal niya ang paningin sa lalaki at naghanap ng maluluto, baka mahalata ni Cameron ang pagkatigang niya. Marunong naman siyang magluto since lumaki siyang independent. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niya si Cameron na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya na nakadagdag ng kaniyang kaba. Na-concious tuloy siya sa suot niyang bistida na may spaghetti strap na hangang itaas ng tuhod lamang niya.

             "I want to eat," Cameron huskily said.

            Natigilan si Charity at nilingon ito. "Magluluto lang ako, makakapaghintay ka ba?" Inosente niyang tanong.

             "No. What I mean is, I want to eat you, Charity. I want to taste you down there."

             Nanlaki ang mga mata ni Charity nang makuha ang ibig sabihin ng kaharap.

             "W-what..."

             Halos mabitawan niya ang hawak na kawali nang magsimulang lumapit sa kaniya si Cameron. Lust is written all over his face. Sinakmal ng kakaibang kaba ang dibdib ng dalaga.

          

        

         

        

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
wait pakainin mo muna sicharity hahahw
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status