ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna
SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r
AND now, what am I doing here, huh? Iyon ang naitanong ng binatilyong si Cameron sa kaniyang isipan. His eyes then scanned the dark and dirty place. Nasa harapan niya ngayon ang dalawang lalaki na mukhang papatay, anumang sandali. Pero ganoon pa man, wala siyang maramdamang takot, sa totoo nga ay mas may nabubuhay na excitement sa kaloob-looban niya. "Oy, bata. Huwag mo ng balakin na makialam dito, umuwi ka na!" Nakangisi at tila tinatakot siya upang umalis na lamang sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Cameron grimaced. As if naman ay matatakot siya rito, matagal nang limot ng kaniyang sistema ang salitang 'takot'. He wasn't born for that. "Gusto rin yatang makisali sa gagawin natin sa babaeng 'to." Sabay hagalpak ng isang lalaki matapos sabihin ang mga katagang iyon. Lumipad ang tingin ni Cameron sa isang dalagita na tahimik na humihikbi, habang nakatalpak sa maruming sahig. Oh yes, ito pala ang dahilan kung bakit naroon siya. Na
AFTER SIX YEARS. "PASENSYA ka na, Charity. Mahina talaga ang restaurant ngayon at kailangan kong magbawas ng mga tauhan. Itinira ko lang e iyong mga dati ng staff." Halos manlumo si Charity nang marinig ang mga salita ng kaniyang boss. Sisante na raw siya at kinakailangan na talaga nitong magbawas ng staff. "Bale ibibigay ko na lang sa'yo ang limang araw na sahod mo. Pasensya ka na talaga, kung hindi lang humina, hindi kita aalisin," muling sabi ng kaniyang boss. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot. Napatango-tango na lamang si Charity, hindi niya ipinahalata ang lungkot na nararamdaman. "S-sige ho, naiintindihan ko po." Iniabot sa kaniya ng kaniyang boss, ay, ex-boss na pala ngayon ang sobre na naglalaman ng kaniyang huling sahod. Matapos nun ay nagpaalam na siya rito. KINAGABIHAN, natagpuan ni Charity ang sarili na maharot na iniyugyog ang kaniyang balakang sa isang nightclub, sinasabayan ang salin ng tugtugan. Hindi alintana a
MALALAKAS na lagabog sa pintuan ng kaniyang apartment ang gumising kay Charity kinabukasan. Madalian siyang bumangon at tila agad na nagising ang kaniyang diwa. Hindi kaya ang landlady niya ang may gawa ng ingay na iyon? Grabe naman, alas sais pa lamang ng umaga. Mabilis na nagtungo si Charity sa pintuan at marahang binuksan iyon. Hindi ang landlady niya ang nabungaran, kung hindi ang kaniyang tiyahin na hindi maipinta ang mukha. Kasama nito ang anak na babae na ganoon rin ang pagmumukha. "Oy, Charity! Aba e anong petsa na ngayon?! Nakakalimutan mo na yata ang dapat na sustentong ibibigay mo sa amin?!" Angil nito sa kaniya. Palihim na naikuyon ni Charity ang mga kamao, upang pigilan ang emosyon nang mga sandaling iyon. Pilit niyang pinakalma ang sarili at inisip na lamang na malaki ang utang na loob niya sa babaeng kaharap. Ito lang naman kasi ang kumupkop sa kaniya magmula pagkabata, simula mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Pagkupko
CHARITY is no longer comfortable with her blindfold, she is now standing with six other women. Bago sila bumaba sa sinakyan nila kanina ay piniringan sila at hindi na niya alam kung nasaan na ba sila ngayon. Biglang sinaklot ng kaba ang kaniyang dibdib, dahil sa mga halo-halong emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ganoon ba talaga kahigpit at kailangang piringan pa sila, para hindi nila makita o matandaan ang daan? Gusto ko na yatang pagsisihan ang naging desisyon ko, ah... Kausap niya sa kaniyang isipan. Bahagya niyang hinila pababa ang black dress niya na tumaas sa kaniyang mga bilugang hita. Hakab na hakab iyon sa kaniya, kaya halata ang kurba ng kaniyang katawan. Naiinis siya kay Georgia at iyon ang ipinasuot sa kaniya. Ipinagupit rin nito ang buhok niya na ngayon ay nasa itaas na lamang ng balikat niya. "Now, you may remove your blindfold, girls." Boses iyon ng tauhan ng mga Silvestre na nag-asikaso sa
PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Charity kinabukasan. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at iniisip kung bakit naroon siya sa ganoong silid. Nasapo niya ang noo nang maalalang nakipagkasundo pala siya kay Cameron Silvestre. Bigla niyang nahawakan ang labi nang pumasok sa isip niya ang nangyaring halik sa pagitan nila ng binata, hindi naman nagtagal iyon, pero bakit tila ramdam pa rin niya hangang ngayon? "That's it. We sealed the deal. You will bear my child, Charity." Tsaka lumayo si Cameron sa dalaga na tila natulala dahil sa simpleng halik na iyon. Iyon ang naalala niyang sinabi pa sa kaniya ng binata. Hindi akalain ni Charity na aabot siya sa ganitong sitwasyon para sa kagustuhan niyang makatakas sa hirap ng buhay na mayroon siya. Isang marahang katok mula sa labas ng kaniyang silid ang narinig ng dalaga at kasunod nun ay ang tinig ni Servant Kim. "Miss Charity, please prepare we will leave after thirty minutes." Tsaka nawala na ang tin
NAGISING si Charity nang tila may mga mata na nakamasid sa kaniya. Pero nang imulat niya ang mga mata ay wala naman, agad siyang tumayo at tinignan ang mumurahing wrist watch na suot na galing pa kay Georgia. Alas singko na pala ng hapon. Grabe ilang oras din siyang nakatulog. Agaran siyang tumayo at naisipang magpahinga sa tabing dagat at panonoorin na rin niya ang sunset. Nayakap ng dalaga ang sarili nang dumampi sa balat niya ang malamig na hangin, napangiti siya dahil gusto niya ang pakiramdam nun. Napatigil siya nang malapit na sa tubig dagat nang mapansin na may bultong lumalangoy doon. Sinalakay siya ng kakaibang takot sa isiping isang estranghero iyon, pero imposible dahil ang Isla Silvestre ay ekslusibo lamang para sa mga Silvestre ayon kay Servant Kim. Nawala lamang ang kaba ng dalaga, nang lumitaw ang ulo ng taong pinagmamasdan. It was Cameron. Gosh! He is so damn gorgeous! Nagtama ang mga mata nila ng binata habang paahon ito sa tubig.