Share

Chapter III

"YOW! Tatiana!" masiglang sambit ni Blake. He's my freaking second stepbrother. The prince of envy. "I'm glad you're back."

"We didn't see each other for a long time but still your hair is curly."

"Of course!" He smirked. "I like your tanned skin. You're now more like a French woman."

"I really am." I sat down in front of him. "So, how's life here?"

"You still don't have manners, do you?" mataray na sabat ni Barbara, my stepmother, feeling queen of this mansion. She's the living proof of a successful mistress. "Atleast greet your father."

"What else can we expect from her?" nang-iinsultong wika naman ni Vivian. My auntie who always lowered down her panty. Of course, for men. "She's a rebel."

"My greetings a while ago is for all of you," I said and raised my eyebrow. "So, if you don't get it then your stupid brain got some problems."

Binagsak ni Daddy Rafael ang kubyertos. "Why are you back, Tatiana?"

"Bawal bang umuwi?" Ngumiwi ako. "Kunsabagay, labindalawang taon niyo nga pala akong pinipigilang makabalik dito sa Pilipinas."

"Because you're supposed to be there."

"No. You forced me to be there." Malamig ko silang tinitigan isa-isa. "Tinapon niyo nga ako, 'di ba?"

"Tatiana," Ledger said in warning tone. "That's enough. You're being rude. What happened to you?"

"Oh, give me a break. You made me like this." Pinakadiin ko ang paggalang sa kalahating kapatid. "Don't pretend like you're the kindest family member here."

"And don't act like you're a princess who ran away from a prosperous castle," Vivian boasted and glared at me. "'Cause you're not and will never be a princess."

"That's not a castle. That's hell." I smiled sarcastically. "Just like here. Full of bad spirits."

"Want to play Ouija board?" ngisi ni Blake, maloko pa rin. "I still have the one we used before."

Tumaas lang ang sulok ng aking labi at tinitigan ang pagkain. "You're eating this grass?"

"Tatiana, it's spinach salad," Ledger asserted. "When it comes to leafy greens, darker is better. They have the most nutrients."

Pabuntong-hininga akong sumandal. "Give me a salmon."

Nag-aalangan pa ang maids ngunit sumunod din. Ilang minuto lang ay nilapag na nila sa harap ko ang salmon. Inamoy ko muna 'yon bago hiwain at kainin. Natigil lang ako nang mapansing nakatingin sila sa akin.

"Oh." Nagpunas ako ng tissue sa bibig. "In France, it's salmon time or lamb. Yeah, the lamb shank navarin. It melts in the mouth. Really."

Nasaksihan ko kung paanong umikot ang mga mata ni Barbara. Ayaw ko siyang tawaging Mommy dahil hindi naman siya ang biological mother ko. At never ko siyang matatanggap bilang stepmother. It sucks.

Umirap naman si Vivian habang napailing na lamang si Ledger. Wala akong galang dahil hindi naman sila karapat-dapat igalang. Ang respeto, nilalaan sa mga tama at mabuting tao. Hindi sila kabilang do'n.

"So, what's your plan, Tatiana?" Blake asked.

"The question is, does she even have a job to stay here for good?" Saka maarteng tumawa si Vivian.

"Of course. Inagaw mo nga lang sa akin." I raised my eyebrow. "Remember the Gil Furnitures? The company you're managing right now is originally mine."

Hindi siya nakapagsalita ngunit pinadaanan ako ng matalim ng tingin habang kumikibot ang labi.

"Oh, bakit hindi ka makasagot? Totoo, 'di ba?"

Hinampas ni Daddy Rafael ang mesa. "That's enough, Tatiana. You're giving me a headache."

"I'll take that as a compliment, Dad."

Blake chuckled. "Let's have fun, Tatiana."

"No, thanks. I have something to do."

"What will you do?" Barbara blurted with her famous wide eyes. "Meddle in our lives?"

"Kayo naman ang unang nangialam sa buhay ko. So, why not give it back to you?" Matamis akong ngumiti. "Like what Rhonda Bryne quoted, whatever you give out in life is what you receive back in life."

"Wow." Blake clapped his hands. "Ibang-iba ka na talaga, Tatiana."

Sounds sarcastic and it's okay. Alam ko namang sa lahat ng bagay ay ayaw niyang natatalo ang pinakamamahal niyang ina.

"But not strong enough to beat me," Vivian whispered.

Baka isang suntok ko lang, mamatay ka na? Nailing na lang din ako, kunwari hindi narinig ang sinabi niya.

"Ledger," Dad said. "Come with me in Gil Airlines."

"Sure po."

Barbara looks so proud in his son. And it makes me want to vomit. I glanced at Blake. He looks jealous. Darn, wala pa rin talagang pinagbago sa pamilyang 'to.

"I'll take the empty room in the second floor," I exclaimed and stood up. "Thanks for the food."

"No!" Vivian protested. "You can't stay here in the mansion."

"Why? Are you afraid that I'll steal the Gil Furnitures from you?"

"Of course not."

"Dapat lang dahil never naman naging sa'yo 'yon."

Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa elevator. Kasama kong sumakay ang maid na may hatak ng maleta ko at isang lalaki na may dalang timba.

"Are you the house boy here?" I asked.

Lumingon siya. "Opo, Ma'am."

"You look familiar. Have we met before?"

He has this slight American features.

Bahagyang nangunot ang noo niya. "Hindi po ako sigurado."

Hindi na ko tumugon pa at bumaba na. Sobrang linis ng hallway, wala akong makitang alikabok. Talagang feel na feel ni Barbara ang pagiging ilaw ng tahanan. Alagang-alaga rin ang mga ceramic jar at figurine.

Pagpasok ko sa kwarto ay basta ko na lang tinabi ang maleta at humiga sa kama. Hinawakan ko ang suot na locket necklace at binuksan 'yon. Tumunghay sa akin ang litrato naming dalawa ni Mommy Talitha.

"I'm back, Mom," I mused. "And I'll make sure to find out who's responsible for your death. I promise."

SINIGURO kong naka-lock ang pinto ng kwarto bago buksan ang laptop. Kinalat ko rin ang mga papel ukol sa aking imbestigasyon. Napatingin ako sa litrato namin ni Ledger noong bata pa kami. Now, he's my first target.

"Ledger Gilbert is the CEO of Gil Airlines," I read as I searched it in the web. "Recently, he's linked with the famous actress Yara Alvarez, the current model of Gil Airlines." I scanned it until I saw their pictures together in the park. "Actress, huh?"

Nilbas ko ang cellphone at tinitigan ang nakuhanan kong litrato sa simbahan. I zoomed it and that's when I realized na ang babaeng hinalikan niya sa pisngi at si Yara ay iisa. Religious ang artistang 'yon kaya naging religious na rin si Ledger?

Natawa ako. What the heck? And I'm still curious kung paanong hindi siya nasunog nang tumapak siya sa sagradong lugar na 'yon. Iyong Omega nga hindi tumatapak do'n within 50 meters radius. Pero siya may lakas ng loob. Uminom yata ng lambanog.

Nahinto ako sa ginagawa nang may kumatok. "Who's that?"

"House boy po." That voice again.

Nagtataka man ay tumayo ako at bahagyang binuksan ang pinto. "What?"

Nilahad niya ang isang basong smoothie. "Pinabibigay po ni Ma'am Barbara."

Tumaas ang kilay ko. "Drink it."

"Po?"

"Don't you understand what I've said, house boy?"

"Elias Gentry po ang pangalan ko."

"Drink it, Elias."

"Pero para sa inyo po 'to. Baka mapagalitan ako."

"Do you know who I am?"

"Hindi po."

"I'm Tatiana Rae Gilbert and I don't give a f*ck in this house."

Nangunot ang noo niya. "Masama pong magmura. Hindi po 'yan gusto ni Lord."

"Ah, I remembered it now." I titled my head, examining his face. "You're the guy who I talked to the church the other day."

"Ikaw 'yong babaeng mukhang foreigner na basta na lang akong hinatak?"

Pinigilan kong matawa. Foreigner daw? Sabagay, half-French nga pala ako.

"And you look like one, too."

"I'm half-American."

Yeah, based on his physical features. Especially his pointed nose.

"So, can you drink it?"

"Pwede ko bang malaman kung bakit?"

"Because I'm sure there's a poison in it."

"Kung meron pala eh, 'di hindi ko na iinumin. Ayaw ko pang mamatay. May inatas pang misyon sa akin si Lord sa mundong 'to. 'Wag mo na ring inumin 'to."

Malakas akong tumawa. "You're funny, Elias."

Nag-angat siya ng tingin at naglapat ang aming mga mata. "Anong gagawin ko rito? Hindi ko naman pwedeng itapon. Baka makita ako ni Ma'am Barbara."

Inagaw ko sa kaniya ang baso at tinapon ang laman niyon sa nakapasong halaman.

"Problem solved."

Magrereklamo pa sana siya pero binalik ko na agad ang baso sa kaniya at mabilis na sinara ang pinto.

I printed the pictures of Ledger and Yara, and pinned it on my secret board. Marami pa akong kinalap na impormasyon tungkol sa kanilang dalawa at inipon 'yon sa isang folder.

Dumako ako sa bintana upang hawiin ang kurtina. Tumama agad ang sikat ng araw sa balat ko. Lalo na't malapit nang mag-alas dyis ng umaga.

Akma na kong tatalikod subalit nahagip ng tingin ko ang garden. Naroon si Yara, nakatayo sa lilim ng puno habang may kausap na isa pang babae. Ang aga naman niyang dumalaw. Siguro hinihintay niyang lumabas si Ledger. At alam kong hindi lang basta link ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Lihim din akong napangisi sa naisip. The vengeance begins. Sinuot ko ang silk robe at lumabas ng kwarto. Saktong pagbaba ko sa ground floor ay humarang sa daan si Barbara.

"Where are you going?" usisa niya.

"Bibili ako ng bagong make up kit para naman umayos 'yang mukha mo. Tabingi na nga, buo-buo pa ang foundation at blush on."

She gritted her teeath. "Are you insulting me?"

"No. I'm describing you."

Napatingala siya, pinipigalang sumabog ang inis. "Did you drink the smoothie?"

"Don't act like you're concerned about me." Ngumiwi ako. "At tinapon ko lang naman ang smoothie sa paborito mong halaman."

Kumuyom ang kamao niya. "Tatiana!"

"Ganyan pala sumigaw sa inis ang mga kabet?" Natawa ako. "So gross."

"Mom?" Kunot-noong lumapit si Blake at inalalayan ang ina. "What's happening here?" Sinulyapan niya ako. "Tatiana?"

"I did nothing. We were just talking. Besides, siya naman 'yong unang nag-approach."

"At pinatulan mo naman? Alam mong may edad na si Mom."

"Blake," saway ni Barbara. "I'm just 59."

"May edad ka na raw, oh?" tawa ko. "'Di ba sabi mo dati, para kang vampire na hindi tumatanda ang mukha."

Pinanlakihan ako ng mata ni Blake. "Tatiana."

Matamis ang ngiti kong lumapit kay Barbara at bumulong, "Try mong kumain ng make up, baka sakaling gumanda rin ang ugali mo."

Napasinghal siya ngunit tumalikod na ko at nagtuloy sa paglalakad. Nasayang lang ang laway ko sa kaniya.

"I don't understand why you're back. You're just pestering our lives here."

Nahinto ako nang marinig ang tinig ni Vivian. Naroon siya sa living room, nagbabasa ng magazine at may suot na skin care face mask. Minamasahe rin ng maid ang likod niya. At alam kong ako ang pinaparinggan niya.

"And I don't understand why you keep caring about your skin," tugon ko. "Para sa mga bagong lalaki mo?"

She glared at me. "My skin is glowing."

"You're not glowing. You're just oily."

Natawa siya. "Maitim ka naman."

"Tanggap ko naman na maitim ako. Eh, ikaw? Tanggap mo ba na impakta ka?"

Inalis niya ang face mask, binato sa kung saan at tinaliman ako ng tingin. "Get the hell out of here."

"Kanina pa dapat ako nakaalis kaso may mga animals na pilit humaharang sa daan ko." Tinanggal ko ang ponytail at hinawi ang buhok. "Nakawala yata sa kulungan."

Akma pa niyang ihahagis sa akin ang unan pero tumalikod na ako at nakangising lumabas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status