Share

Chapter II

"OH my gosh, Tatiana!" tili ni Plum saka tumakbo palapit sa akin, talagang hindi natatapilok sa suot na five inches heels. "You won't believe who's here!"

"Yeah, I won't believe and I don't even care." Inisang inom ko ang cocktail at kumuha ng panibago.

She leaned on me. Lalo akong nairita nang maamoy ang halo-halong pabango ng mga lalaki niya.

"Jaime is here."

Gano'n na lang kabilis ang paglingon ko dahilan para mauntog siya. "What did you just say?"

"That hurts!" She pouted and caressed her forehead. "And as I've said, Jaime is here. He's—"

"Oh, shut up." Tinaliman ko siya ng tingin. "Where exactly is he?"

Nilingon niya ang bar stool. "There."

"I want to slap you, Plum," I said in gritted teeth. Halos mabasag ko na sa kamay ang cocktail glass nang tuluyang masilayan si Jaime na nakaupo roon. "What the hell is he doing here?" He should be in the Philippines or anywhere in Europe.

"I'm sure kasama siya sa mga pinadala ng pamilya mo para sundan ang bawat kilos mo." Saka siya tumawa.

Hinatak ko ang buhok niya. "Cover me."

"Aw, Tatiana!" arte niya. "You're torturing me."

"Aw, Plum! You're overreacting," I imitated. "And don't you dare say my name again. He might hear you. Now, cover me up."

Kinuha ko ang pouch at bago pa man lumingon si Jaime ay mabilis akong gumilid sa mini stage. Ito ang pinakamadilim na parte dahil nakatutok lamang ang spotlight sa DJ. Sigurado akong hindi gagawi ang tingin niya rito. He's that stupid.

Tumayo si Jaime at ginala ang tingin sa paligid hanggang lumapit kay Plum. I pressed the button on my earpiece and heard their conversation.

"Plum Roche, right?" Jaime said with his kind smile. "You're Tatiana Rae's friend."

I rolled my eyes. I don't have friends. I don't prefer one. She insisted but I always declined. Hanggang masanay na ako sa nakakairitang presensya ni Plum.

She nodded and smiled. "May I know who you are?"

Lihim akong natawa. She's really a great pretender.

"I'm Jaime. Where is Tatiana? I saw her earlier. She came here inside."

"Didn't you see her? She went out. Maybe going home. She's kinda tired."

Napangisi ako nang marinig ang pagmumura ni Jaime at walang kibong umalis. Pinanood ko pa siyang luminga, pilit naghahanap hanggang mapakamot sa ulo at magdesisyong lumabas ng club.

"Jaime is hot and gorgeous man," ngisi ni Plum nang muli akong tumabi sa kaniya. "Hindi mo type?"

"I don't want another stupid human in my life."

"Yeah, right. You can see through nga pala."

Napailing na lang ako at uminom ng whiskey. "I'll call you tomorrow before 3 a.m."

"Sure. Kung gusto mo, ihatid pa kita sa airport."

"No, thanks. Baka isabit lang kita sa pakpak ng eroplano."

Natawa siya. "Don't worry, Tatiana. I always got your back. Especially on your covert mission."

"Don't assume that we're friends."

"I always assumed because I knew a lot in your life now."

"You don't know everything."

"But atleast, your brilliant plan against your family." She laughed and raised her glass. "Cheers?"

My lips arched. "Cheers."

NASA bungad pa lang ako ng airport ay nagtaka ako nang makita ang pamilyar na uniporme ng black men na naglilibot sa paligid. Lalo na nang maging malinaw ang rehistro ng logo na nakakabit sa kaliwang dibdib. It's a shield and the word Gil is stitched on it.

"Dammit, I'm in trouble," I whispered and dialed her number. It took three rings before she answered. "I'll slit your throat, Plum."

She laughed. "That was one of a hell good morning, Tatiana. What's your problem, anyway?

"How many times do I have to tell you that my family has its own intelligence security?" Pinarada ko ang sasakyan sa gilid at nagsuot ng face mask bago bumaba. "Obviously, they're here to stop me. And how the heck did they know about this?"

"They didn't know. Matagal na silang nand'yan. Well, if ever na maisipan mong bumalik."

I rolled my eyes. "Give me directions."

"Papasok ka na ba? Make sure may takip ang face mo."

"I'm on it." Sinuot ko ang hood ng jacket at kinuha ang maleta sa trunk. "And I'm ready."

Mula sa kabilang linya, rinig na rinig ko ang mabilis na pagtipa ng daliri ni Plum sa keyboard. Sigurado akong kinukuha niya ang blueprint ng airport, maging ang CCTV footage sa bawat sulok. She's that great in hacking systems, even the private and protected ones.

"Turn left and take the pivot door."

Sinunod ko ang sinabi niya at natagumpay akong makapasok sa loob ng airport. Ngunit napasinghal na lang din ako nang makita kung gaano karaming miyembro ng Gil Intelligence Security ang naroon.

"Just walk straight. Act normal, like an ordinary woman."

Tumuloy ako sa paglalakad. "I want to kick their ass."

"Magtiis ka muna, Captain," tawa niya. "Go with the process then proceed to the departure area."

"Make sure there won't be any problem."

"I got your back, Captain."

Dumaan ang pasaporte ko sa proseso at matagal pa ang hinintay ko hanggang makaupo sa loob ng plane.

"Thanks, Plum."

"Wala man lang bang take care?"

"Bahala ka na sa buhay mo."

She chuckled. "Have a safe flight, Tatiana."

Napapailing kong pinatay ang tawag. Siniguro kong wala akong kasakay na black men bago nagpasak ng earphones at pinikit ang mga mata upang matulog.

Nagising na lamang ako nang marinig ang kaluskos at bulungan ng tao sa paligid. Napabalikwas ako nang mapansing nakalapag na ang eroplano at bumababa na sila. Inayos ko ang sarili at sumabay sa kumpol ng tao hanggang marating ang arrival area.

Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si Plum ang caller.

"Make sure it's important. I'm hungry."

"Run and don't look back, Tatiana! They're after you!"

Malakas akong napamura at hinatak ang maleta. "Where will I go?!" Darn this Gil black men.

"At the back. May hinandang sasakyan si General Marchand para sa'yo."

Hindi ko alam kung paano ko nabuhat ang maleta habang kumakaripas ng takbo. Nang makita ko ang white sports car ay agad akong sumakay at nagmaneho paalis. Tinanggal ko ang face mask saka nilugay ang buhok.

Pagsulyap ko sa side mirror ay hinahabol na ako ng tatlong itim na kotse. Tila nakikipagkarerahan pa sila kaya naman pinagbigyan ko. Madiin kong tinapakan ang clutch at mas binilisan ang pagpapatakbo. Nag-overtake ako sa malaking truck at lumiko sa kanan.

"You're doing great, Captain." Napangiwi ako. On the line pa rin pala si Plum. "Go to the nearest mall."

"And why would I do that?"

"Change your outfit, Tatiana. That's not you." She laughed. "You look horrible with that oversized shirt and cycling shorts."

"I'll kill you when I get back there. Sinuot ko lang naman 'to para hindi nila ako makilala."

"Make your comeback a little bit classy."

"I'm always classy." I rolled my eyes. "Au revoir." (Good bye) Then I hanged up.

Dumaan nga ako sa mall at dumeretso sa department store. Dahil mainit sa Pilipinas, napili kong suotin ang red summer dress. Mabuti na lang din nadala ko ang paborito kong heels kaya hindi na ko bumili. Ayaw ko rin ang mga naka-display nila, nahuhuli na sa uso.

Paglingon ko ay may sumusunod pa rin sa akin pero hinayaan ko lang. Wala rin naman silang magagawa dahil nagbalik na ako. And I'm excited to see their reactions.

Hindi na rin ako nagulat nang paglabas ko ay mabilis na sumugod ang mga reporters sa akin at nagbato ng kung anu-anong tanong. Nalaman na rin pala nila ang pagdating ko. Totoo ngang may tainga ang lupa at may pakpak ang balita sa mga chismosa.

"What will happen to the Gil Group of Companies?"

"Are you in a vacation? Or planning to stay for good?"

Huminto ako sa paglalakad at tumitig sa camera. "For good." Matamis din akong ngumiti upang mas inisin pa ang aking pamilya na sigurado akong nanonood. "Now, spread the word that I'm back."

I'm back for an exciting and thrilling vengeance.

Habang nagmamaneho, naisipan kong buksan ang radyo. Imbes na musika ay balita ang bumungad sa akin.

"Tatiana Rae Gilbert, the half-Filipino, half-French daughter of Gil Group of Companies, is back in the Philippines and she's staying for good. Everybody is curious about what happened to her for the past twelve years in France. And the intriguing question, is her comeback a sign that there will be big changes in their businesses?"

Malakas akong natawa. "That was a golden question."

Maybe I should pay them for doing their job cleverly.

Malakas akong napapreno nang mahagip ng tingin ko si Ledger na bumaba ng sasakyan. Kinabig ko ang manibela at pinarada ang kotse sa lilim ng puno. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa simbahan.

Napataas ang kilay ko. I didn't know that my first stepbrother is religious now. How come? How come na hindi siya nasunog?

Out of curiousity, I got off and walked calmly until I reached the entrance of the church. Maraming bata ang nakaupo sa silya at nakikinig sa sinasabi ng pari. Lumakad sa gilid si Ledger at huminto sa harap ng isang babae. Humalik pa siya sa pisngi nito.

Now he has girlfriend too, huh? Is he trying to be a good guy?

Hinugot ko ang cellphone at pasimple silang kinuhanan ng litrato. Nang mapansin kong lilingon sa direksyon ko si Ledger ay mabilis kong hinigit ang braso ng taong dumaan sa gilid ko at hinarap siya sa akin upang gawin itong pangharang.

A pair of amber eyes greeted me and I don't know why I have this feeling that I saw it before.

"Elias Gentry at your service," sambit ng lalaki. Magulo ang buhok niyang bahagyang kulot sa unahan at may makapal na kilay. "Bakit? May kailangan ka ba?"

Nangunot ang noo ko, humahanap ng salita. Lalo na't ang tinig niya ay mabait at kalmado. Hindi ko alam na may natitira pang ganitong tao sa mundo.

"What's in there?" I uttered.

"Are you a pilgrim? From what country?"

"I'm asking you, so answer me."

"Books of the Bible Fishing is a brilliant way to teach the different genres within the Bible. And that's what our priest doing right now."

Sinilip ko si Ledger at nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakatuon na ang pansin niya sa babae.

"What are those people doing there?" turo ko sa gawi ng kapatid ko.

"They're participating the next activity. Why? You want to join?"

"Next time. Thank you." Saka ako naglakad paalis.

I don't know what's gotten to my brother's mind yet but I'm sure this is one of his stupid games. Is he also playing with that girl? Oh gosh, that's fun. I must know it.

Nag-stroll muna ko bago naisipang umuwi. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang Gilbert Mansion. Naroon pa rin ang statue ng ancestors namin kung saan pinaniniwalaan nilang nagmula ang aming yaman. Hininto ko ang kotse sa harap ng fountain at nagsuot muna ng shades bago bumaba.

I went inside and looked around. Nothing's new. Still luxurious but evilly.

Dumeretso ako sa dining area at awtomatikong tumaas ang kilay ko nang masilayang kumpleto sila sa hapag-kainan. Naunahan pa pala akong umuwi ni Ledger. Sabay-sabay pa silang lumingon at tumitig sa akin.

"Bonjour," I greeted coldly. "C’est bon de vous voir tous. Nouveau." (Good day. Nice to see you all. Again.)

Nice to see your epic reactions.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status