Share

Chapter I

"HOSTAGE taking is happening at Autun, Paris. Bus is on the middle of the road, including 40 kindergarten pupils."

Mabilis kong sinuot ang tactical protective gear at dinampot ang HK-MP5 submachine gun saka kumaripas nang takbo pasakay ng renault truck defense. Sumunod sa akin ang mga kasamahan ko at humarurot paalis.

"Hostage takers are equipped with two MR 73 Manurhin revolver and two Mauser rifle."

I slightly crooked. The hostage takers are quite rich. They could afford that kind of firearms.

"So, total of 4 takers inside the bus," I said on the line.

"2 inside, 2 outside."

"Got it."

Huminto ang truck sa gilid ng isang gusali. Maliksi akong bumaba habang bitbit ang armas. Nadatnan namin ang school bus sa gitna ng kalsada. Naroon na rin ang mga pulis sa paligid, binabantayan ang galaw ng dalawang hostage takers sa labas.

"Captain," mahinang usal ng troop ko sa aking likuran. "We're waiting for your command."

"Give me binoculars first."

Agad kong kinuha ang inabot nila at tinapat sa mata. Ang dalawang hostage taker sa loob ng bus ay nasa dulo at harapan, talagang bantay sarado ang daanan ng mga bata palabas. Binalik ko ang binoculars sa kanila at nagsimulang maglakad palapit.

"Keep people away from here," I ordered to the police. Kanina ko pa napapansin ang mga nanonood na tao sa paligid, tila walang balak umalis. Akala yata ay shooting ito ng isang drama. "C’est essentiel." (This is critical.)

Tumalima sila at ang iba ay sinenyasan kong buksan ang megaphone upang kwestyunin nila ang hostage takers. "Que veux-tu?" (What do you want?)

Pasimple kong nilingon ang troops ko. "Spread out quietly."

"One million dollars," tugon ng dalawa sa labas. "And plane tickets back to USA."

"I need Sergeant Plum Roche on the line," I uttered. Inumang ko ang submachine gun saka lumakad papunta sa gilid ng bus. "Information of the takers."

"I'm here, Captain," mabilis niyang sagot. "They're US citizens who illegally came in the borders of South France."

Nahinto ako nang itutok sa akin ng isang hostage taker ang hawak na rifle. "If you take another step, those children will die."

"If we give what you want, you'll leave the children alone?" I asked. Nanatili ang armas kong nakatutok sa kaniya, talagang nakikipagmatigasan.

"Of course."

Lihim akong ngumiwi. "Sinungaling."

Nangunot ang noo niya, tanda na hindi naintindihan ang aking sinabi. Hinayaan ko na lamang siya at pasimpleng sinenyasan ang mga kasama na gumawa ng tahimik na aksyon.

"Captain, we're at the back of the bus."

"Distract the hostage takers inside," I whispered. "Make them step outside."

"Copy that."

Umalog ang bus dahilan para maalerto ang mga hostage takers kasabay nang sigawan ng mga bata. Nang lumingon siya ay agad kong sinipa ang binti niya. Napaluhod siya kaya mabilis kong kinabig ang leeg niya palayo roon. Lumapit ang mga pulis upang posasan siya.

Lumabas nga ng bus ang dalawang hostage taker ngunit hawak naman nila ang apat na batang lalaki habang nakatutok ang armas sa sentido ng mga ito. Hindi sila umiiyak ngunit mababasa ang matinding takot sa mga mata. Naikuyom ko ang kamao.

"Drive the bus away," I commanded. "Now."

Nagpaputok ang isa pang hostage taker. Natamaan ang dalawang babaeng nakikinood kaya wala na kong ibang choice kundi itaas ang submachine gun saka pinaputukan ang lalaki. Sa paghandusay niya ay siya ring paglapit ng mga pulis ngunit ang dalawa pang natitirang kasamahan nito ay lumalakad palayo na hawak pa rin ang apat na bata. Mahina akong napamura at kumaripas ng takbo.

Pinaulanan niya ako ng bala at dahil na rin sa tulong ng armor vest ay hindi ako natatamaan. Tumuloy ako sa paghabol hanggang sumunod din sa akin ang mga kasama ko. Lumiko siya sa eskinita hanggang marating ang mataas na tulay.

"Take another step and I'll throw one of them down on the water." He smirked. "You'll follow my instructions now, right?"

Akmang lalapit ang mga kasama ko ngunit tinaas ko ang kamay bilang pagpapatigil.

"Stay still."

"But, Captain..."

"Do you really want to go back to USA?" I uttered and slowly lowered my weapon. I made sure that he saw it. "What time is your proposed flight?"

"Now."

"Sergeant Roche," I murmured on the line. "Transfer a million dollars on his account and book a flight now."

"Copy that."

"Captain," they whispered at my back, protesting. "Are you serious?"

"If you don't trust me as your Captain, then better pack your things and leave the special operations unit. I can replace you."

Walang nagsalita sa kanila. Hinintay kong umalis ang iba subalit nanatili sila sa aking likuran.

Lihim akong ngumisi nang tumunog ang cellphone ng hostage taker. Hinugot niya 'yon sa bulsa at binuksan. Agad din siyang napatingin sa akin nang mabasa ang nilalaman niyon. Sigurado akong nagawa na ni Plum ang inuutos ko.

"I followed your instructions," taas-noong sambit ko at humakbang palapit. "Let me have the children."

Tinulak niya ang mga bata kaya sinenyasan ko ang mga kasamahan ko upang kuhanin nila ito at dalhin sa ligtas na lugar. Ngumisi pa muna sa akin ang hostage taker bago kumaripas ng takbo. Hindi pa man siya nakalalayo ay natigil din siya nang makita ang iba ko pang kasamahan na nag-aabang doon.

"Raise your both hands!"

Imbes na sumunod ay tinaas niya ang rifle at saka nagpaulan ng bala. Agad kong kinasa ang armas at pinaputukan siya sa parehong paa.

Napaluhod siya at iritable akong nilingon. "You fooled me!"

"Take it back, Sergeant Roche." I smirked. "I know you can take back what you just transferred to his account."

"Of course. I already cancelled the flight."

Nilapitan ko ang hostage taker at inagaw ang rifle nito. Hindi na rin siya nakapalag nang damputin siya ng mga pulis at posasan.

"Thanks, Sergeant Roche. I gotta hang up."

"Welcome, Captain Gilbert. Don't miss out the party tonight."

I rolled my eyes and took off the earpiece.

Pagsakay ng truck ay agad kong tinanggal ang gear at nagpunas ng pawis. Sumulyap ako sa rear view mirror at nadatnang nakatingin sa akin ang mga kasama ko.

"What?" I hissed. "You have something to tell me?"

"I'm sorry if we questioned you, Captain Gilbert."

"Save it and learn from it."

Mabilis silang sumaludo at tumango lamang ako.

Pagdating sa headquarters ay agad akong nagpalit ng damit at sinukbit ang body bag. Malalim ang naging buntong-hininga ko saka tumungo sa coffee vending machine. Saktong paghulog ko ng barya ay narinig ko ang pamilyar na tunog ng combat shoes.

Ngumiwi ako. "She's here."

"Hey, Captain Gilbert." Umakbay sa akin si Plum pero pilit dahil mas matangkad ako sa kaniya. "Sikat na naman ang pangalan mo dahil sa diskarte mo kanina." She's a full blooded French but because of me, natuto siyang magsalita ng Tagalog.

I shook my head. "If you're here just to remind me again about the party tonight, I'll surely come."

"Yeah, but General Marchand wants to talk to you."

Gano'n na lang kabilis ang paglingon ko. "Why?"

"Don't know." She winked at me. "See you later."

Hindi ko na hinintay pa ang kape at maliksing tinahak ang hallway. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob ng opisina. Matikas akong tumindig at sumaludo sa kaniya.

"Captain Gilbert," he said. Hanggang ngayon hindi ko man lang kakitaan ng ngiti ang labi niya. "You're really something, huh?"

Binaba ko ang kamay at tinago sa likuran. "What do you mean?"

"This is the first time I saw that technique in hostage taking. I thought we're going to lose our funds."

I just nodded. "What do you want to talk about, General?"

"You told me before that you want a vacation, right?"

Nakuha niyon ang atensyon ko. "Yes."

"I'll approve it in one condition."

"Anything, General."

"Four months vacation with a mission."

Lihim akong napangiti. That was heaven! Usually two to three days lang ang ina-approve niya sa vacation leave ko dahil masyadong mahigpit ang patakaran sa aming trabaho. I should grab it.

"What mission?"

Nilapag niya ang envelope sa mesa. Kinuha ko naman 'yon at binuklat. Awtomatikong humigpit ang hawak ko sa papel nang mabasa ang nilalaman niyon.

"Omega is a black syndicate known for its illegal transactions in foreign countries, especially here in France. Recently, they exported five million dollars worth of drugs and firearms," he blurted and stood up. "Find their mysterious boss."

"Find?" Umusbong ang galit sa aking dibdib. "Can't I kill him?"

"I know how much you despise them, Gilbert. But you just need to find and bring him here in France in good condition."

"What if I didn't find him in the span of four months?"

"I don't care how long your search is. Just make sure he'll be in your hands."

Mas lalong nagdiwang ang aking kalooban. Kung gaano katagal ang aking paghahanap, ganoon din katagal ang bakasyon ko. What a great offer.

"Okay, but make sure that I have enough resources."

"Sergeant Roche will help you. Call her anytime."

"That's great."

"This is a covert mission, Gilbert."

"You know what kind of family I belong to. I'll do my best to keep it as a secret."

He stared at me and whispered, "The French President wants to personally see the mysterious boss of Omega."

Namilog ang mata ko sa gulat. "Is he serious?"

He nodded. "Do your job excellently, Gilbert."

"Copy that, General."

Inabot niya sa akin ang plane ticket. "You're going back to the Philippines."

"Merci." (Thank you)

"Have the best vacation, Gilbert." His lips arched and went back to his chair. "I know your other plan will fit to that."

I silently smirked. Of all the officers here, he knew me better. He knew how much I want to go back to the Philippines just to execute my plan for them.

SUMAPIT ang gabi, kumain lang ako ng granola bars at naligo na. I chose to wear my one shoulder glitter silver dress matched with clear pumps. I put some make up and took my pouch.

I drove my red sports car and opened its roof. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin dahilan para liparin din ang aking buhok. Sumulyap ako sa side mirror at napansin ang dalawang itim na kotse sa likuran.

Alam kong kanina pa nila ako sinusundan at alam ko rin kung sino ang nagpadala niyon para manmanan ang kilos ko. They really spent thousands for hiring men just to monitor me. Sabagay, marami naman silang pera. Perang ninakaw sa akin.

Pinarada ko ang kotse sa harap ng club at binigay ang susi sa valet upang siya na ang mag-ayos niyon saka pumasok na sa exclusive club. Alak agad ang naamoy ko at bahagyang nasilaw sa party lights.

"Tatiana Rae Gilbert!" Napangiwi ako nang marinig ang matinis na tinig ni Plum. Luminga ako at nakita siyang nakaupo sa couch habang napaliligiran ng mga lalaki. "Here!"

"I told you not to shout my whole name." Tinaliman ko siya ng tingin. "Are you drunk already?"

"Of course not!" B****o siya sa akin. "Come on, have a seat."

"No, thanks. Just enjoy your company."

Kumuha ako ng cocktail at humarap sa malaking bintana kung saan tanaw ang Eiffel Tower.

She chuckled and stood beside me. "Pinasundan ka na naman ng pamilya mo, 'no?"

"There's nothing new with it. Labindalawang taon na silang nagwawaldas ng pera para lang pasundan ako at siguruhing hindi babalik sa Pilipinas."

"But you're going back there, Tatiana."

"I am."

I felt the vibration coming from my cellphone. I took it and opened the message.

The person who killed your mother is in your family.

Rage filled my system. I always received this exact text for over seven consecutive years from an unknown number. Obviously, he or she has an idea about the killer. I need to know who it is and that's the reason why I need to go back.

I want justice for my mom.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status