Share

Kabanata 4

"Did you get me, class?" Sir Dee asked.

Lutang akong tumango. Kapag Math talaga ang subject inaantok ako. Paano ba naman kasi wala akong maintindihan. Mabuti na lang at may naintindihan si Michelle, magpapaturo na lang ako.

Lahat kami'y nilingon ang pinto nang may kumatok. Lumapit si Sir doon at binuksan ang pinto. Nahuhulog na ang talukap ng aking mga mata dahil nga ina-antok na ko. Last week lang din ay sumuong kami sa kalbaryo dahil nga midterm exam.

"Transferee po kasi ako, Sir."

Humikab ako at tinabunan ng kamay ang aking mukha. Mahina kong sinampal ang sarili. Come on, wake up! Baka ito pa ang ikabagsak mo, girl!

"Oh my God!"

"Hala!"

"Tangina. Pogi!"

Iyan ang mga narinig ko sa paligid. Kahit mahina lamang iyon ay rinig na rinig ko. Humikab muli ako dahil sa antok pero mukhang nabitin ang paghikab ko nang makita ang kausap ni Sir Dee.

Naka-awang pa rin ang aking labi at nanlaki ang mga mata. What the fucking fuck is he doing here?! Naligaw ba siya rito?

Tumango si Sir habang may hawak na mga papeles. Hindi ko naman alam kung ano iyon dahil nasa ikalawang row ako.

"Okay, class. I would like you to meet..."

"Keith, Sir. Maven Keith Morin."

"Shit! Pati pangalan ang gwapo pakinggan." Bulong sa'kin ni Michelle.

I didn't respond. Gulat pa rin ako dahil nasa harap ko ngayon ang lalaking sinusulyap-sulyapan ko lang sa library at room nila! Tsaka transferee pala siya? Bakit andito siya sa College of Education?

"Mister Morin will be your classmate for this sem. He's an irregular student and he's from Engineering department. So sana ay maging kaibigan niyo siya."

Nakatayo siya sa harap at nasa strap ang kanyang kamay. Nang dumaan sa akin ang kanyang tingin ay agad akong yumuko at umayos.

"Aray ko, putangina!" Bulong ko.

Pumikit ako ng mariin. Heck! Ang sakit ng noo ko! Yuko lang ang ginawa ko pero nauntog pa sa lamesa. Dinig kong nagpipigil si Michelle ng tawa. Pati rin ang mga ka-klase ko na narinig ang mahinang pag-untog ng aking noo ay hindi nakatakas pa pandinig ko. Gago! Parang gusto ko na lang kainin ng lupa!

"Ayos ka lang, Anna?" Tanong ni Angela.

Fuck! "U-uh... Oo, Mayora."

Kinurot ko si Michelle at pinandilatan ng mata. Sinulyapan ko si Keith na nakatayo pa rin. Mukhang wala naman ata siyang paki-alam. Ngumuso siya at tumango kay Sir. Sinabihan naman siyang maupo na kaya naglakad siya papunta roon sa likod at doon siya naupo.

"Ayos ka lang? Masakit ba?" Mahina nitong tanong niya na natatawa pa.

"Ikaw kaya mauntog tingnan natin kung hindi ba masakit."

"Gaga ka kasi. Bakit ka ba yumuko?" Sinipat niya ang gawi ni Keith. "Crush mo 'yon, 'no?"

My eyes widened.

"Ha?! Hindi, ah!"

Nabalot ng katahimikan ang classroom. Nakapamaywang na nilingon ako ni Sir dahil sa pagsigaw ko. I bit my lower lip.

"Uh..." Kabado akong tumawa. "I w-was just talking a-about our topic, Sir."

Tumaas ang kilay niya. "And why did you shout?"

Tumikhim ako. Baka mapalabas pa ko rito dahil sa ginawa! Ano ba naman 'yan!

"Sabi ko kasi Sir na madali lang yung topic kaya nasabi ni Anna na hindi kasi nahihirapan po siya," si Michelle.

"O-opo, Sir. Hindi ko po kasi na-gets masyado," wika ko habang tumatawa ng pilit.

Tumango si Sir. "Okay, I will explain to all of you again."

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at nakalusot.

Bago matapos ang oras ay binigyan kami ng seat work. Mabuti na lang at naintindihan ko na kaya hindi na ko nahirapan pa.

"Miss Olasiman, kindly collect the papers, please."

Tumalima naman si Phoebe. She stood up and collected our papers. Sumulyap ako saglit kay Keith at mukhang kakatapos niya rin lang. Seryoso pa rin ang mukha at ramdam kong hindi siya komportable na kasama kami.

Lumunok ako nang nilapitan siya ni Phoebe. He smiled a little and handed her the paper. Sumimangot ako.

"Akala ko ba hindi mo crush?"

Agad akong napaiwas ng tingin at nilingon si Michelle. Nakangisi ito sa akin. I heaved a deep breath.

"Oo na. Pero secret lang natin, ah."

"Sabi ko na, eh. Naglilihim ka pa sa akin, e, malakas pang-amoy ko."

I rolled my eyes. Whatever. Crush ko lang naman siya. Tsaka normal lang naman ata na makaramdam ng paghanga sa isang tao, hindi ba? Pababa na kami ng building, nagpaalam siya sa'kin na may pupuntahan pa raw siya.

Bago kami maghiwalay ng daan ay bigla niya kong tinulak.

"Damn!"

Umuwang ang labi ko nang mapagtanto kung sino ang nabangga ko.

"H-hala! Sorry!"

Si Keith!

Tumango siya. "It's okay, just be careful next time," aniya bago naglakad palayo.

Nakalayo na siya pero 'yong kaba ko sa dibdib nandito pa. Dapat ba 'kong magpasalamat kay Michelle dahil ginawa niya iyon o dapat ba 'kong mainis dahil pinahiya na naman niya ko?

Dahil wala na 'kong klase ay nagpasya akong umuwi na lang. Matutulog na lang muna ako sa dorm, pambawi man lang sa tulog ko noong nakaraan. We had a long quiz yesterday maybe one of the reasons why I'm very sleepy awhile ago.

Habang naglalakad ay napadaan ako sa isang grupo na panay ang bigay ng mga flyers.

Ano kayang meron?

"Hi! If you're interested to join in our group there's a screening in Gymnatorium later!" Isang petite na babae ang lumapit sa akin sabay bigay ng flyers.

Oh! So they're a dance group! Ito ata iyong sinasabi ni Mrs. Granada. Nakaramdam ako ng excitement at the same time kaba dahil sa grupong ito.

Should I audition?

Pero... baka hindi pumayag si Mama. Dati pa nga noong high school ako ay hindi siya pumayag na sumali ako dahil kadalasan sa mga practices nila ay gabi. Medyo malayo kasi ang Buenavista sa Baybay High kaya nag-aalala siya na matagal akong makauwi.

Ngumuso ako. Pero college na rin naman ako, 'di ba? Nalalakad lang naman ang dorm at Gym kaya ayos lang. Well, might as well give it a shot, right?

It's an opportunity. Besides, hindi naman ako sure kung makukuha ba talaga 'ko. Sa huli ay napagdesisyunan kong mag-audition na lang.

Pagkarating ko sa dorm ay si Joselle lang ang nadatnan ko roon, natutulog. Mukhang wala na rin ata siyang klase. Mamayang alas sinco pa naman ang screening kaya nagpractice muna ako para sa isasayaw ko mamaya. Nawala tuloy ang antok.

Pinili ko ang kantang Thank You, Next by Ariana Grande. Nasayaw ko na 'to noon nung fiesta sa amin. Ayon sa binigay sa akin na flyer, two minutes lang dapat every performance.

"Naks, dancerist!" Si Joselle at pumalakpak pa.

Nahiya naman ako. Hala! Nagising ko ata siya!

"Hala, sorry! Nagising ba kita?"

She laughed. "Kanina pa ko gising hindi mo lang ata ako napansin. Galing mo, ah! Hindi ba may dance group dito? Try mo kayang mag-audition."

"Uh... kaya nga ako nag-eensayo dahil sasali ako mamaya."

"Naku! Sa galing mong 'yan, hindi na ko magtataka kung makuha ka."

"Sana nga! Puring puri mo na 'ko, Joselle ah! Wala akong barya."

Tumawa ito. "Totoo nga! Hala, sige. Magpractice ka pa riyan."

I bit my lower lip. Gago, nahihiya ako!

Mas lalong nadagdagan ang hiya ko nang pumasok si Arjean. Agad niyang hinubad ang sapatos at naupo sa kanyang bed.

"Anna, sige na!"

Nagtatakang tumingin si Ate Jean kay Joselle. "Ano'ng meron?"

"May screening kasi mamaya tapos si Anna mag-a-audition daw. Ay, naku! Ang galing galing niya sumayaw, Jean. Tingnan mo!"

Nakangiti namang lumingon si Arjean sa akin at nagrequest na sumayaw ako ulit. Wala na 'kong nagawa pa total naman ay sasayaw rin naman ako mamaya. There's no difference, right?

Pumalakpak silang dalawa. Pinuri pa ko. Malapit na mag alas sinco kaya naghanda na ko ng damit na susuotin. I wear a black and long sleeve crop top, gray leggings and a low cut shoes. Ang medyo kulot at lampas hanggang balikat kong buhok ay tinali ko para hindi abala sa pagsayaw ko mamaya.

Dala ang bag ko na may lamang tubig, panyo at cellphone ay lumabas na ko ng dorm.

"Good luck, Anna! Sigurado akong kuha ka na!"

Ngumiti ako. "Thanks!"

Pagdating ko sa Gym ay marami-rami na rin ang naroon. Sumulat muna ako sa isang papel na nasa entrance mismo bago tuloyang nakapasok sa loob. Ngumiti sa akin ang babae na siyang nakatoka roon.

Nakita ko si Michelle hindi kalayuan. Hindi ko alam na nandito pala siya.

"Oh my God, friend! Mag-a-audition ka?" Aniya nang makita ako.

Kabado akong tumango. "Ang daming tao, kinakabahan ako."

"Sus! Kaya mo 'yan, ikaw pa ba! Galing mo kaya. Manang mana ka kay Maja Salvador!"

"Gaga! Ang taas nun! Pero... salamat sa cheer, ah! Sana hindi ako mawala sa timing mamaya."

"Naku! Isipin mo na lang na walang tao sa harap mo o hindi kaya'y..." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Si Keith na lang ang isipin mo. Nakita ko siya rito kanina, eh. Mukhang manonood."

Mas lalo atang nadagdagan ang kaba ko. Ano?! Andito siya?!

"Sure ka?"

"Oo naman! Napaka supportive naman ng crush mo, pumunta pa talaga rito!" Kinikilig na sabi niya.

Umiling ako at tumawa pero sumimangot din kalaunan.

"Gaga ka, paano kong ibang babae pinuntahan nun?"

Inirapan niya ko. "Isipin mo na lang na ikaw ang pinuntahan! Huwag ka nang choosy!"

"Ano? Aasa na naman ako? Crush ko nga noong high school ni minsan hindi ako nilingon to think na magka-klase lang kami, ah!"

Bago pa siya makapagsalita ay nag-announce na iyong babaeng petite kanina na maghanda na raw ang lahat ng mga mag-a-audition. She tapped my shoulders.

"Aja! Aja! Fighting!"

I smirked. "Fighting!"

Naupo ako at nagtawag na sila ng pangalan na unang sasayaw.

"Woah!"

"Grabe ang galing niya!"

"Sobrang linis ng galaw niya!"

Wika ng mga tao sa paligid ko pagkatapos sumayaw ng lalaking Economics ang kurso. He bowed and the judges gave their commentaries. Mukhang kuhang kuha na siya dahil sa ganda ng komento ng mga ito.

"Anna Lucia Veranda from College of Education, please."

Hala! Ako na!

I heaved a deep breath before standing up. Dala dala ko ang phone ko at lumapit sa operator para ibigay iyon. Bago ako tumapak sa stage ay nagsign of the cross muna ako.

'Kayo na po ang bahala sa akin.' I uttered.

Lumunok ako. Sobrang daming tao. Mas lalo tuloy na nadagdagan ang kaba ko dahil doon. Sa dagat ng mga tao ay nakita ko si Michelle. Hawak niya ang kanyang phone, mukhang kukunan niya ko ng video.

Lumipat ang mata ko sa mga judges at para akong natuod sa aking kinatatayuan. Hala! Tangina! Akala ko manonood lang siya?! Bakit nakaupo siya sa upuan ng mga judges?!

He's fucking looking at me with his serious eyes again! Jusmiyo! Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Hindi ko napansin na nag-umpisa na pala ang music. Ang kaninang sayaw na iniinsayo ay nawala na lang bigla sa utak ko.

"Why are you still standing there, Miss Veranda? Are you wasting our time?!"

Nanlamig ako at pakiramdam ko'y maiiyak na ko dahil sa kahihiyan. Narinig ko pa ang iilang tawa ng mga tao. Fuck!

"Kung tatayo ka rin lang dyan ay mas mabuti pang umalis ka na! Bakit ka pa-"

"Prince, play her music again." Kalmadong utos ni Keith.

"What?" hindi makapaniwalang wika noong babaeng sumigaw sa akin.

"Give her a second chance, Almira. Baka kabado lang siya."

Almira, the girl wearing a purple shirt rolled her eyes and nodded. Michelle cheered for me. Pumikit ako ng mariin. I should not waste the second chance he gave me.

Nang marinig ko ang boses ni Ari ay kusang gumalaw ang katawan ko. Ang steps na ininsayo ko kanina ay ginawa ko ng buong puso at deteminasyon.

That's how life works. We would always fail the first time but when someone gave us second chance we should fucking grabbed it and never waste it again.

Kaya kahit napahiya ako kanina ay sisiguraduhin kong babawi ako ngayon.

There's a room for mistakes but there's always a room for improvement.

Matapos kong sumayaw ay narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa loob ng Gym na ito. I bowed down my head while catching my breath.

Damn! I did it!

Nang tingnan ko ang mga judges ay nakita kong nakaawang ang labi ng dalawa niyang kasama habang siya ay seryoso ang mga matang nakatingin sa akin.

"Galing mo, Miss Education!"

"Ang hot grabe!"

"Jowain na kita, Miss!"

Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Mabuti na lang nairaos ko ng maayos.

Ngunit ang hiyawan ay biglang naglaho nang biglang tumayo si Keith.

"I have to go, kaya niyo na 'yan." Aniya at lumabas ng Gymnatorium.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status