Share

CHAPTER 18

Habang sakay ng taxi patungo sa Le Bernadez na restaurant, kung saan doon na lang daw sila magkikota ni Reedz, ay yakap na yakap ni Calynn sa kanyang dibdib ang cellphone. Hindi pa rin siya makapaniwala na may isang milyon na laman ang kanyang bangko.

Alam niya, kahit kumayod siya na parang kalabaw buong buhay niya ay hindi niya magagawang lagyan ng milyon ang kanyang bank account. Apat na zero pa nga lang hirap na siya, ni hindi pa nga niya naranasan dahil napupunta agad sa bayarin ang kanyang mga sahod, anim na zero pa kaya?

Hindi talaga siya masisisi kung parang tanga siya ngayon.

May suot-suot na nga siyang mga singsing na mga milyon ang halaga tapos may pera pa siyang isang milyon. Hindi kaya nanganganib na ang kanyang buhay ngayon nito? Matatakot na naman ba siya?

“Kuya, sa tingin mo? Mukha ba akong mayaman? Kakidnap-kidnap ba ako?” katangahan man ay hindi niya napigilang usisa sa mamang driver.

Mula sa rearview mirror ay kinilatis naman siya ng lalaki na may edad na. “Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status