Share

Chapter 7: Date Auction

Date Auction - a fundraising event using male students for female students to bid on.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hobin's point of view

Our presentation for our research was ended, mabuti na lang at nagawa ko ng maayos ang presentation kahit wala naman akong alam sa nilalaman nito. Halos lahat ata ng tanong ng panelist ay siya ang sumagot, konti lang ang nasabi ko. 

Tinapos ng isang event ang ilang linggong pagpapagod ng mga estudyante. Jae High launched Date Auction: All the money raised the events will be donated to a charity. 

Ito ang naisip ng ilang estudyante at mga teacher para siguradong ma-excite ang mga students at hindi mabored. 

"Good morning, we are the students council. Nandito kami para pumili ng isang lalaki para sa gaganaping Date Auction. Meron ng mga napili sa ibang department, any volunteer?" tanong ni Seoyeon na nagtaas ng kamay habang nililibot ang mata sa mga kaklase ko. 

Good mood siguro siya ngayon dahil nagagawa na niyang ngumiti, noong huling kita ko sa kaniya ay para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa.

Nakahalukipkip naman si Woojae sa pintuan ng classroom habang hinihintay matapos ang announcement ng kasama niya. Magkasalubong ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang nilalabas ang dila dahil iniinis si Mijin.

Inis kong nilingon si Mijin na nasa tabi ko, nakangiti siya habang may sinisenyas kay Woojae na malayo sa kaniya. Matigas talaga ang ulo ng isang 'to dahil kahit anong gawin kong pagtataboy sa kaniya ay hindi niya pa din ako nilalayuan.

"I nominate Joon Han!" Natahimik ang mga kaklase namin nang marinig ang pangalan na 'yon. 

Nakita naming binatukan ni Joon si Haesuk nang isigaw nito ang pangalan niya.

"Sure ba kayo?" inis na tanong ni Seoyeon, biglang nagbago ang mood niya. Nakataas ang kilay niya at mukha siya 'yung tipo ng tao na hindi talaga madaling pakisamahan. 

Hindi tumayo si Joon dahil ayaw niya, wala din naman naging reaksyon ang mga kaklase namin dahil natatakot sila sa kaniya.

"I nominate Kim Hobin!" Napatingin ako kay Sooji nang isigaw niya ang pangalan ko, kahit si Mijin na nananahimik sa tabi ko ay napalingon sa kaniya.

"Who's Kim Hobin?" tanong ni Seoyeon habang nililibot ang mapupungay na mata sa mga kaklase ko. Hindi ko tuloy alam kung tatayo ba ako o babaliwalain na lang sila kaso nagtinginan ang lahat sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo.

Tumaas muli ang kilay ni Seoyeon nang makita ako, "Hmm." Tumango siya at inaasahan ko na may sasabihin siyang hindi maganda sa akin dahil sa naging sagutan namin noong isang araw pero para bang na-satisfied siya nang makita ako.

"Magaling kang pumili. Siguradong maglalabas ka ng malaking pera para sa lalaking 'to," sabi niya habang nakanguso.

"Uubusin ko ang allowance na bigay ni dad sa akin," pabirong sabi ni Sooji.

"Bawal ang killjoy. Kung sino ang highest bidder, magkakaroon ng pagkakataon na makadate si Mr. Kim," sabi ni Seoyeon sabay tingin sa akin gamit ang matataray niyang kilay. Nag-iwas na lang ako ng tingin at umupo na ulit sa upuan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinsulto kapag mayroong pumili sa akin sa mismong event.

"Ang pera na malilikom ay mapupunta sa isang charity kaya sana'y mag-enjoy lang tayo sa araw na 'yon at sana lahat kayo ay pumunta. That's all, thank you." Yumuko ito bago lumabas ng classroom kasama si Woojae. Nagsimula naman ang daldalan ng mga student about sa mangyayaring event sa school.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hanggang sa dumating ang nasabing event, hindi sana ako pupunta pero pinuntahan ako ni Mijin sa bahay at ngayon ay magkasama na kaming tatlo nila Woojae na nagpunta sa school. Napili din pala si Woojae sa department nila para sa gaganaping Date Auction: madaming pakulo ang events na 'to gaya ng mga snack booths, picture booths at kung ano-ano pang palaro.

"Ang gwapo ng mga kaibigan ko, sana walang pumili sa inyo," panunuya ni Mijin sa aming dalawa ni Woojae.

Kaibigan?

Ano ba talagang trip ng babaeng 'to?

Inakbayan siya ni Woojae kaya umatras ako palayo sa kanila. Sinasamahan niya ba ako dahil sa tingin niya wala akong kaibigan? Oo, wala. Wala akong kaibigan, pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan ko ng isa. Tch.

"Pipiliin mo naman siguro ako, hindi ba?" nakangiting tanong ni Woojae kay Mijin.

"Sawang-sawa na ako sa mukha mo tapos pagaaksayahan pa kita ng pera?" Pabirong sinampal ni Mijin ang mukha nito palayo sa kaniya at natatawang kumapit sa braso ko. Napa-irap ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Bakit ka ba ganyan sa akin? Kaibigan mo kaya ako!" nagtatampong sabi ni Woojae, ngumuso pa ito sa harap namin at kulang na lang ay magdabog siya.

"Kaibigan kita kaya bakit kita idadate? Eh halos araw-araw naman tayo sabay kumain at umuwi galing school." Inirapan siya ni Mijin bago ako hilahin papunta sa isang booth. Bumili siya ng pagkain naming dalawa habang si Woojae ay napalabas ng sariling pera dahil ayaw ilibre ni Mijin.

Various activities such as games, have begun. Hindi ko inaasahan na magsisimula na din ang Date Auction na sinasabi nila. Nagsalita na ang isang emcee sa isang maliit na stage kaya lahat ng mga estudyante ay nagtititiling tumakbo mula sa harap ng stage na 'yon.

"Tara na, mukhang kailangan na nila tayo." Tinapik ako ni Woojae sa balikat at naglakad na kaming dalawa papunta doon pero napahinto din nang maramdamang hindi namin kasunod si Mijin.

"Ano pang hinihintay mo diyan, Ijin? Tara na!" Hinila pa siya ni Woojae gamit ang kamay para makasama.

"For this event, kung sino ang pinakamataas na bidder siya ang magkakaroon ng pagkakataon na makadate ang freshman guy na magustuhan nila." Panimula ng emcee.

"5 hours lang at bawal sa gabi," dagdag pa niya dahilan para magsigawan ang mga students, mas naging maingay pa nang magsimula na ang event.

"Ang una nating student ngayon ay is Dong Won," sabi ng emcee gamit ang mic niyang dala. A brown-haired man climbed the small stage dahilan para magsimulang kiligin ang mga babae.

"Wow, he's cute! 100 won!"

"250!"

"500 won!" 

Sigaw ng mga babaeng nagpapataasan ng bid para makuha ang lalaking nakatayo ngayon sa maliit na stage. Mapa-freshman o sophomore ay kasali.

"Okay, sold for 500 won," sabi ng emcee. Nakuha ng isang babae si Dong Won sa halagang 500 won. 

Ano kayang halaga ko? 

Bakit ko pa itatanong, hindi naman ako mahalaga.

"Okay, next is Joon Han!" Sunod na tinawag si Joon, naka-cap siyang umakyat ng entablado. Natahimik ang lahat at mukhang walang balak na mag-bid sa kaniya. 

Bumalik kasi si Seoyeon sa room namin dahil kulang pa daw ang mga nakasali kaya walang nagawa si Joon kung hindi idamay ang pangalan niya sa event na 'to.

"Baka gawin lang akong alipin nyan...hayst." Bulungan ng mga babaeng estudyante. Ang kaninang maingay na crowd ay natahimik dahil hindi nila gusto ang nakatayo sa harap nila ngayon, kahit ako hindi ko gugustuhin makasama si Joon kahit isang araw lang or kahit ilang minuto pa 'yan.

"50 won!" sigaw ng nag-iisang babae na naglakas loob mag-bid sa kaniya. Iritado siyang bumaba sa stage at nilapitan ang girlfriend niyang nag-bid sa kaniya.

"Next is our president, Min Woojae!" 

Abot tenga ang ngiti na ipinakita ni Woojae pagkaakyat niya ng stage. Hindi siya nahihiyang kumaway sa harap ng madaming tao, sanay na siya dahil siya ang supremo sa buong school.

"Ugh I really love his smile! 150 won!"

"My crushie, 300 won!"

"550 won! Woojae mine!" 

"1,000 won!" Natahimik ang lahat nang marinig ang boses ni Seoyeon, parang nabuhay si Moises ng mahati sa dalawa ang grupo ng mga students para lang bigyan ito ng daan.

"1,000 won," inulit niya ang sinabi niya at umaasa na may magbibid pa ng mas mataas. Napangisi siya dahil walang naglakas ng loob na magtaas ng bid nila para makuha si Woojae.

Nagulat si Woojae dahil sa ginawa ni Seoyeon pero mukhang hindi siya nasiyahan dahil hindi nagbid sa kaniya ang babaeng gusto niya.

"Next is, Kim Hobin!" Pagkabasa ng emcee sa pangalan ko ay umakyat na ako sa stage. Ang cringe ng feeling kapag pinag-aagawan ka na parang gwapong-gwapo sila sa'yo pero gusto ko itong gawin para malaman kung may halaga ba talaga ako.

For once, gusto kong malaman kung may halaga ba ako sa mundong 'to.

"Pwede bang patanggal ng cap mo, Mr. Kim?" Tumango ako sa emcee at tinanggal ang itim na cap sa ulo.

"Whoa! He looks like an angel!"

"Bakit walang nag-iinform sa akin na may ganitong student dito?!"

"He looks good even his hair is messy tho, uggh!"

"I want Kim Hobin! 500 won!" 

"Hobin, trainee ka ba?! Saan kang company?!"

Halo-halo na ang mga sinasabi nila kaya wala akong maintindihan, malay ko ba kung minumura na nila ako.

"Ehem, 1,000 won!" Nagtaas ng kamay si Sooji kaya napatingin sa kaniya ang mga babae.

"1,000 won? Wala na bang itataas?" tanong ng emcee.

Dinilaan pa ni Sooji 'yung mga babaeng nakikipag-agawan sa kaniya.

"Okay 1,000 w-"

"2,500 won!" Napatingin ako kay Mijin na nagtaas ng kamay, "2,500 won!" Inulit niya pa ito. 

Nakita kong napanganga si Woojae habang nakatingin kay Mijin habang nasa tabi nito si Seoyeon na nakapanalo sa kaniya. Kahit ako ay hindi makapaniwala.

Umirap si Sooji at nagtaas ng kamay. "3,000 won!" sabi nito.

"5,000 won!" sabi ni Mijin bago tumingin kay Sooji na masama ang tingin sa kaniya.

"10,000 won!" Napatingin kaming lahat sa ibang babaeng nagsalita. Maganda ito at puro branded ang suot, mukha siyang model at halos kuminang siya habang naglalakad siya papunta sa harapan.

"Wow! Sobrang exciting ang nangyayari ngayon!" sabi ng emcee na nasa tabi ko, "Mukhang natipuhan ni Haru si Hobin, napaka-swerte naman ng lalaking ito!"

"15,000 won," sabi ni Mijin na pinanghinaan ng loob. Si Sooji naman ay nagwalk-out na.

"20,000 won!" Nakataas ang kilay na sabi ng babae na may pangalang Haru. Gusto ko na sana bumaba dahil hindi ko gusto ang nangyayari but I felt something strange. 

Hindi ko na lang namalayan na ang gaan na ng pakiramdam ko, bagay na ngayon lang nangyari buong buhay ko.

( “Wala ka talagang kwenta!” Mommy shouted at me after I accidentally broke her expensive vase.

“Alam mo ba kung gaano kamahal ‘tong binasag mo? Ha, Hobin?!” Marahas niya akong hinila at tinulak malapit sa vase na nabasag ko, “Kung tutuusin mas mahal pa ‘to sa buhay mo! Clean up your mess!” Sinipa niya pa ako bago ako iwan.

Napatingin ako sa kamay kong puno ng dugo, hinugot ko ang bubog na tumusok dito kaya lalong nagkalat ang dugo sa sahig. )

I bowed my head and looked at my hand. Ang sabi ni mom wala akong kwenta, mas mahalaga pa ang mga gamit niya sa bahay kaysa sa buhay ko but I have value, kahit mababa atleast alam kong mayroon. Mahalaga ako kahit paano. 

"20,000 won for Kim Hobin! So far ayon na ang pinakamataas na bid! Nakuha ng isang sophomore si Hobin, iba talaga ang charm ng mukha nito!" sabi ng emcee kaya napatingin ako kay Haru na abot tenga ang ngiting lumapit sa akin habang pababa ako ng stage.

"Hi, I'm Park Haru!" Nilahad niya sa akin ang kamay niyang puro singsing pero hindi ko 'yon tinanggap. Nag-iwas ako ng tingin para hanapin kung nasaan si Mijin.

Bakit ko nga ba siya hinanap?

Nakita ko siyang nakatingin din sa akin, nginitian niya ako at kinawayan. Pupuntahan ko sana siya pero pinigilan ako ni Haru, hinawakan niya ako sa pisngi at hinarap sa kaniya.

"I'll date you for 5 hours, nakakahiya naman kung gawin kitang alipin. Ang konti ng oras na 'yon kaya simulan na natin." Nginitian niya ako bago hilahin palabas ng school.

═════════•°•⚠•°•═════════

"So, what do you think?" tanong ni Haru sa akin pagkarating namin sa apartment niya, "Kung tatanungin mo kung ako lang ang nakatira dito, oo ako lang," sabi niya pa. 

Mahal ang mag-rent ng apartment lalo na kung ganito kaganda, siya kaya ang nagbabayad ng renta niya? If you look at Haru, she's beautiful and looks like a model. I think those clothes of her are very expensive.

"Dito tayo magdadate?" tanong ko sa kaniya. 

She smile at me and grabbed my hoodie jacket, she removed my cap and threw it on the couch.

"Let's watch a movie." Hinila niya ako papunta sa couch at pinaupo. May isinalang muna siyang tape bago pumuntang kusina.

Pagkabalik niya ay may dala na siyang bote ng soju at isang maliit na baso. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.

"Uminom tayo habang nanonood." She smiled at me again, halata sa kaniya ang excitement at hindi ko alam kung bakit niya nararamdaman 'yon. 

May mga tao talaga na hindi mawala ang ngiti sa labi pero iba ang ngiti niya kumpara sa pinapakita sa akin ni Mijin.

"I don't drink." Umiling ako para tumanggi sa alok niya.

"Aish! Hindi mo kailangan maging good boy sa harap ko, tatanggapin ko ang lahat ng bad sides mo. Kaya uminom na tayo!" Binuksan niya ang isang bote ng soju at nagsalin sa maliit na baso.

"I don't really drink." Halos itaboy ko ang baso para lang sabihin na hindi talaga ko umiinom. 

"Hobin, alcohol is good for the body." Nagtaas siya ng isang kamay para ipaalam na nagsasabi siya ng totoo, "Dahil sa alak pwede mong gawin ang mga bagay na hindi mo kayang gawin. It will also help you to forget your problems and it will help you sleep easily," sabi niya bago ibigay ang baso sa akin.

"It will help me sleep?" tanong ko sa kaniya, pinagmasdan ko ang maliit na baso ng soju na binigay niya sa akin. There are people I've seen drink alcohol to fall asleep, maybe it will help me. I find it hard to sleep at night because of overthinking. Will it really help?

Tumango siya, "Sandali, titignan ko lang 'yung chicken wings na niluto ko. Waiteu~"

Ininom ko ang soju habang pinagmasdan siyang umaalis sa harapan ko. Sumandal ako sa couch nang uminit ang pakiramdam ko. 

"Bakit, Hobin?" tanong ni Haru sa akin habang nakangiti, dala na niya ang chicken wings na niluto niya. 

She always smiling, lagi ba siyang ganito kahit sa ibang tao? Lahat na lang ng kumakausap sa akin ay hindi maiwasan ang mapangiti.

Umiling na lang ako at kinuha ang baso ko para ilapit sa kaniya. Napangiti siya at nag-salin ulit ng soju sa baso na hawak ko.

"Masarap, hindi ba?" tanong niya sa akin. Naglabas siya ng isang kaha ng cigarettes at sinindihan ang isa doon. Tinignan ko lang siya habang bumubuga ng usok.

Nginitian niya ako at hinawakan ako sa pisngi, "Lalo kang naging gwapo sa paningin ko, ang pula ng pisngi mo."

Hinawakan ko ang pisngi ko dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Gusto mong subukan?" Nilahad niya sa harap ko ang ginamit niyang sigarilyo, "H'wag ka mag-alala, nakakarelax 'to at nakakawala ng stress. Promise!" 

Tumango ako kaya lalo siyang napangiti.

Tinuruan niya ako kung paano 'yon gamitin pero grabeng ubo ang inabot ko. Hindi ko alam na kailangan pala ng alak at sigarilyo kapag may date na magaganap, dapat pala ay nakapaghanda ako.

"It's okay, baby. Matututunan mo din 'to," sabi niya habang natatawa.

Sumandal siya sa akin kaya natigilan ako, may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko na gawa siguro ng alak.

"Pinagpapawisan ka, hubarin natin ang jacket mo." 

Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinuhubad niya ang hoodie jacket ko, pinunasan niya ang leeg at noo kong pinagpapawisan gamit ang kamay niya.

"Mas lalo kang naging attractive dahil sa plain white shirt na suot mo, paano pa kaya kapag wala ka ng suot?" tanong ni Haru, malagkit ang tingin niya sa akin at para bang may kahulugan ang bawat paghaplos niya.

May napanood akong ganito sa cellphone kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa pinapanood namin.

"Hobin..."

"Hmm?"

D*mn.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status