Share

Chapter 6: Compassion

Compassion is putting yourself in someone else's shoes and really feeling for them. Someone who knows kindness, caring, and a willingness to help others.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hobin's point of view

( Napaupo ang isang lalaki dahil sa panghihina ng mga tuhod niya nang makita ang dalawang katawan na walang buhay sa isang kusina, puno ng dugo ang paligid at ganun din ang lalaking hindi makapaniwala sa nangyari, nakatingin siya sa dalawang katawan habang umiiyak.

Nakatalikod siya mula sa akin pero kitang-kita ko ang panginginig ng buong katawan niya at ang ingay ng kanyang paghikbi.

"Wala akong kasalanan." Narinig kong sabi niya, yumuko siya at diniin ang ulo sa mga tuhod. 

"Bata." Napalingon ako sa iba't ibang sulok ng kusina nang makarinig ng boses, nagbabakasali na makita kung sino ang tumatawag.

"Bata!"

Hindi na ako bata.

Natigilan ako sa paghahanap ng mapansin ang pagtahimik ng lalaki sa pag-iyak, tumayo ito kaya napa-atras ako. Pipihit siya paharap sa akin kaya inaasahan ko na makikita ko na ang mukha niya. )

"Bata!"

Napabalikwas ako nang marinig ang boses na 'yon, para bang sinigawan niya ako sa tenga para lang magising.

"Ayos ka lang ba? Anong ginagawa mo dito sa tambakan ng b****a?"

Kinusot ko ang mata ko at pinagmamasdan ang paligid, nasa school pa din ako at napansin kong inabot na ako ng gabi.

"Sinong may gawa nito sa'yo? Sabihin mo sa akin para ipaalam ko sa guidance."

Napatingin ako sa security guard na gumising sa akin. Hindi ko siya sinagot at tumayo na lang para makauwi na.

"Bata, hindi mo man lang ba ako sasagutin? Ang hirap mo kayang gisingin, halos alugin ko na pati utak mo magising ka lang," reklamo niya.

Kinamot ko ang ulo ko at huminga ng malalim, "Hindi ko naman sinabing gisingin mo ako at hindi na ako bata," sagot ko bago siya lagpasan.

"Ano? Kung hindi kita ginising baka pinapak ka na ng mga daga ngayon!" sigaw niya para marinig ko dahil nakalayo na ako sa kanya.

Humikab ako at tumingin sa langit, hindi ako makapaniwalang nakatulog ako ng ganun katagal katabi ang mga b****a. I wonder how painful that guy's blow was.

═════════•°•⚠•°•═════════

Nagtungo ako sa isang restaurant para kumain.

Knocked out ako sa suntok ni Woojae at dahil doon ay nakatulog ako ng matagal na oras kaya siguradong nagugutom na ako ngayon. Nang maubos ko ang limang mangkok ng Jjajangmyeon ay lumabas na ako at nagtungo sa isang pojangmacha.

* Pojangmacha is a small tented spot that can be on wheels or a street stall in South Korean that sell a variety of popular street food. 

Umorder pa ako ng dalkbal na balak ko kainin pag-uwi sa bahay.

* Dalkbal: Chicken feet.

Hindi na ako nag-abala na magbus pauwi dahil kaya ko naman lakarin, nang madaanan ko ang isang convenience store ay napahinto ako sa paglalakad hindi para bumili ulit ng makakain, kung hindi dahil nakita ko si Mijin na nagriring ng mga pinamili ng customer sa loob.

( Hinagis ako ni Woojae sa mga sako ng b****a kung saan ako na pahiga.

Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko, "Isipin mo na kung ano gusto mong isipin tungkol kay Mijin, hindi na ako magsasayang ng panahon para ipaliwanag kung anong klaseng tao siya."

Umiikot ang paningin ko dahil siguro sa suntok niya pero pinilit ko pa rin siyang tignan, "Makulit siya at nakakainis," sagot ko.

"Tch." Napangisi siya at umupo sa lupa para tabihan ako. I didn’t expect him to change his mood quickly, ang pagkakaalam ko ay isa siyang responsable at laging nakangiti na president pero natuklasan ko na matindi siya kapag nagalit.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin, "Makulit talaga ang isang 'yon, pinagsabihan ko na siya tungkol sa'yo pero nilalapitan ka pa din niya."

Nag-iwas ako ng tingin dahil ang awkward ng sitwasyon, kanina lang ay galit na galit siya sa akin pero ngayon maayos na siyang nakikipag-usap.

Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin, "Ihatid na kita sa bus stop," alok niya.

Umirap ako sa kawalan at hindi inabot ang kamay niya, "Ayaw kong magkaroon ng utang na loob." Pinilit kong tumayo mag-isa kahit na umiikot ang paningin ko. Pinagmasdan niya lang ako habang kumakapit ako sa pader para suportahan ang sarili ko.

"Nag-aalala siya dahil ayaw niyang may nasasaktan," mahinahon niyang sinabi dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Tch, she feels sorry and that's what I hate the most," sagot ko dahilan nang pag-igting ng panga niya.

Nagulat ako nang itulak niya ako kaya bumagsak na naman ako sa mga sako ng b****a, parang tuluyan nang bumagsak ang katawan ko at hindi ko na magagawa pang tumayo.

"You better learn the difference between pity and sympathy, h'wag kang tanga," sabi niya sa akin bago siya umalis sa harapan ko. )

Pity?

Sympathy?

I don't have time to understand such things, I should only pay attention to myself.

"Hobin?"

So what if there's a difference? Will it change how I feel?

"Hobin? Are you alright?"

No, so they have no right to command me. There was no reason for me to follow anyone.

"Hobin? What are you thinking?"

I'm finally free now that they are both gone. I no longer have to follow orders.

"Hobin!"

Bumalik ako sa wisyo dahil may kamay akong nakita sa harap ko, napaatras ako nang makita si Mijin. Kanina lang kasi ay pinagmamasdan ko pa siya sa loob ng convenience store, ngayon nasa harapan ko na siya.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi nakatulala dyan, nag-alala-" napahinto siya nang mapagtanto ang sasabihin, ayaw niya sigurong mainis na naman ako dahil sa pag-aalala niya, "uhm nilapitan kita kasi baka may gusto kang bilhin sa loob pero hindi ka makapasok dahil sa akin," naiilang niyang sinabi.

Hindi ko na lang siya sinagot at naglakad na ako palayo habang iniisip kung ilang minuto akong nakatayo doon.

═════════•°•⚠•°•═════════

( "Isipin mo na kung ano gusto mong isipin tungkol kay Mijin, hindi na ako magsasayang ng panahon para ipaliwanag kung anong klaseng tao siya." )

Sumulyap ako kay Mijin na tahimik habang sinusulat sa notebook ang mga nakasulat sa whiteboard, even though she was in a hurry to finish what she was doing she was still calmly responding to those next to her who were asking her questions. If it was someone else, it probably cursed earlier because of the nuisance.

But she is Mijin, if she has never experienced swearing in her whole life...mahilig naman siyang mangialam sa buhay ng iba.

Tch.

If she didn’t come near me, she wouldn’t hear anything painful from me and I wouldn’t be able to sleep until night in the dump.

When she turned her back on me I immediately averted my eyes.

I can’t get her out of my mind.

I also couldn’t help but look at her.

Why I'm feeling uneasy?

═════════•°•⚠•°•═════════

Papalabas na sana ako ng gate nang harangan ni Mijin ang dadaanan ko, hindi ako ginugulo nila Joon ngayon pero siya naman itong pumalit.

"Do you want to say something? Lagi mo kasi akong sinusulyapan kaya sa tingin ko may kailangan kang sabihin sa akin." Kinagat niya ang labi niya matapos 'yon sabihin, napagtanto niya siguro na ang awkward ng sinabi niya. Nag-iwas siya ng tingin at binaba ang dalawang kamay na nakaharang sa dadaanan ko.

"Parang sinabi mong magsorry ako sa'yo," seryoso kong sinabi habang nakataas ang kilay.

"H-Hindi sa ganon, h-hindi ko naman sinabi na may dapat kang sabihin. 'Yon kasi ang pakiramdam ko," nauutal niyang sagot, "Bakit ka ba kasi tumitingin sa akin? Halos matunaw din ako sa titig mo noong nasa tapat ka ng convenience store." Pinilit niyang makipag-eye contact sa akin pero hindi niya magawa.

Natatakot ba siyang may masabi ulit ako?

Okay.

"Tch, gandang-ganda ka siguro sa sarili mo?"

Tumingin siya sa akin ng diretso dahil sa sinabi ko, inirapan ko siya at naglakad na palabas ng school.

"W-Wala naman akong sinabing maganda ako ah!"

Nararamdaman ko ang munting hakbang niya sa likod ko, sinusundan niya ako kahit sinabi kong h'wag na niya akong lapitan. Huminto ako kaya bumangga siya sa akin.

"What do you need?" walang gana kong tanong habang wala sa mood ko siyang sinulyapan.

"I want to say sorry."

Nagulat ako sa narinig ko kaya hinarap ko siya ng tuluyan.

"Ano? Feeling superior ka talaga 'no?" inis kong tanong.

"Aish, bahala ka kung anong isipin mo," seryoso niyang sagot, "Basta nagsosorry ako kung ganyan ang nafefeel mo sa pinapakita ko sa'yo. Nararamdaman kita kaya gusto kong pagaanin ang loob mo." Humahaba pa ang nguso niya habang nagpapaliwanag.

So...

"May gusto ka sa akin?"

Halos sampalin ako ng ginawa niyang reaksyon. Nagulat siya at halos sabihin ng mukha niya na bakit niya gugustuhin ang isang gaya ko.

"For your information, you're not the only one I sympathize with," taas-kilay niyang sagot sa akin.

"So, do you plan to build an orphanage? Lahat na lang gusto mo nakadepende sa'yo." Nilagpasan ko siya at naglakad na ulit.

"This is my only way to escape..."

Napahinto ako ulit sa paglalakad dahil sa sinabi niya pero hindi ko na siya nilingon.

"...nilalaan ko ang atensyon ko sa pagtulong sa iba. It makes me feel better and helps me live in peace."

"And then?" tanong ko sabay sulyap sa kaniya.

Magandang bagay na madaanan papuntang school ang isang public beach na may magandang tanawin at sariwang hangin.

The sunlight hits her hazel eyes, reason to clearly see the flat colored ring shaped membrane of her eye. Ano kaya ang pakiramdam kapag tiningnan ang mata niya sa malapitan?

"Let's help each other. Sumama ka sa akin sa bahay." Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko habang ang mahaba niyang buhok ay umaalon sa hangin, "Gawin natin ang research natin."

═════════•°•⚠•°•═════════

Hindi ako makapaniwala na sumama ako kay Mijin at ngayon nakatungtong na ako sa tiles ng sala nila.

Nagmano siya sa kanyang ina bilang paggalang, "Good afternoon, ma. Si Hobin po, kaibigan ko," nakangiting sabi ni Mijin sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

Hindi ako makapaniwalang pinakilala niya ako bilang kaibigan, samantalang napilitan lang akong sumama sa kanya.

"Good afternoon, ma'am." Yumuko pa ako para bumati.

"Tita na lang ang itawag mo sa akin. Tara, kumain muna kayo ng tanghalian." Aya sa amin ni Mrs. Lee. Kahit sinabi niyang tita na lang ang itawag ko sa kanya ay hindi ko magawang sundin.

"Nandito nga pala si Woojae, hindi ka niya kasi naabutan sa school."

Napahinto ako sa pagsunod sa kanila sa dining area dahil sa narinig ko.

"Bakit?" Nilingon ako ni Mijin nang mapansin na hindi ako sumunod, "May problema ba?"

"Ijin!"

Umirap ako sa hangin nang lumabas si Woojae sa kusina, nakalimutan kong matalik silang magkaibigan at sinuntok niya ako dahil nasaktan ko ang kaibigan niya. 

"Saan ka nanggaling-" Natigilan siya nang makita ako, "Anong ginagawa mo dito?" Nagbago na naman ang kaninang jolly niyang ugali at napalitan ito ng seryosong tingin.

"Gagawa kami ng research," inosenteng sagot ni Mijin.

"Ahhh." Tumango si Woojae sa akin bago lumingon kay Mijin, "Bago kayo gumawa kumain muna tayo." Ngumiti si Woojae at inakbayan siya papunta sa loob.

May bipolar issues talaga ang isang 'to. 

Tch.

Nagdadalawang isip pa ako kung susunod o hindi pero tinawag ako ni Mrs. Lee para kumain.

F*ck.

═════════•°•⚠•°•═════════

We started to do our research, tinuruan niya ako kung ano ang gagawin ko. Gaya ng sabi niya magtulungan kami pero pakiramdam ko wala akong maitulong sa kaniya. Ni paggawa ng questionnaire at pagkuha ng information ay hindi ako nakatulong.

"Hobin." 

Natigil ako sa pagsearch sa laptop na hiniram ko kay Mijin dahil sa pagtawag ni Woojae sa akin.

"No offense pero paano ka nakagraduate?" seryoso niyang tanong.

"What do you mean?"

"Curious lang ako. Matatapos mo ang highschool na walang alam?" 

"Woojae, anong sinasabi mo?" Hindi makapaniwala si Mijin sa naging tanong ng kaibigan.

Hindi ko siya sinagot at wala din akong balak sagutin siya. Bumalik ako sa ginagawa ko at hindi na siya pinansin.

I remember, dad always came to our school whenever I failed. I didn't hear what they were talking about but when dad handed them some money, I'm sure I'll pass for next school year.

Hindi ko alam kung ginagawa nila 'yon para mapabuti ang future ko o para lang hindi sila maliitin ng mga mayayaman nilang kaibigan.

Dad's circle of friends is in a higher position in a company, their sons and daughters are good at school, they even graduated valedictorian. That's why dad wants me to be like them but because of my behavior, he ends up spending money for me to finish school.

Now that he's gone, I no longer know if I will finish my studies.

( “Let's help each other.” )

Can we?

"Thank you." 

Naagaw ko ang atensyon nilang dalawa dahil sa sinabi ko, natigil sa pagsermon si Mijin kay Woojae para lang tumingin sa akin. Kahit ako ay hindi makapaniwala na lumabas 'yon sa bibig ko.

"Huh?"

"Thank you." Inulit ko pa din kahit hindi ako sanay na sabihin 'yon. It's my first time to say thank you and I can say she was lucky because she heard that.

Tumingin ako kay Mijin dahilan para tumaas ang kilay ni Woojae.

"For what?" nakangiti niyang tanong.

Sa pagsalo sa akin. 

Even though you know I can't help you, you still chose me as your partner.

You want to escape through helping others.

I'll let you help me, just once.

"Hobin?" Sinubukan niyang agawin ang atensyon ko dahil hindi ko siya sinagot, "Kung ano man 'yan, you're always welcome." Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin.

Ilang oras ako inabot sa bahay nila, ang sabi niya siya na daw bahala sa research at umuwi na daw ako kaya ngayon sabay kaming naglalakad ni Woojae pauwi.

Nakalagay sa batok niya ang dalawa niyang kamay habang naglalakad, ako naman walang ganang hawak ang bag ko habang ang isang kamay ay nasa bulsa.

"Naintindihan mo na ba ang sinasabi ko sa'yo? Mabait na tao si Mijin at sobrang ganda niya." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya bigla, nakatingin siya sa langit. 

Siguradong iniisip niya ang mukha ng kaibigan ngayon.

Tch, kailangan niya pa ba talagang banggitin na maganda si Mijin?

"Magkasama na kami simula noon. Gaya ng sabi ko, mabait siya kaya naman hindi ko maiwasang magustuhan siya," sabi niya pa. Nag-iwas ako ng tingin at tinuon na lang ang atensyon sa daan.

Tumango na lang ako sa nais niyang iparating. 

"Nararamdaman kong gusto mo din siya."

Natigilan ako at napatingin ulit sa kaniya, nakatingin na din siya sa akin.

"Hindi ko siya gusto," sagot ko sa kanya na walang pag-aalinlangan.

"Siguraduhin mo lang," sabi niya sa akin na para bang pinagbabantaan niya ako. Napataas ang kilay ko dahil doon.

"Kapag crush na ng iba, h'wag ng makiki-crush. Maghanap ka ng ibang gugustuhin mo, okay?" Nilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa bewang na parang pinapagalitan ako, para siyang bata samantalang kahapon ay halos iwan niya akong walang buhay sa basurahan.

"Hindi ko lang pala siya crush, mahal ko na siya," Hindi siya matigil sa pagsasabing gusto niya si Mijin, kailangan ko na siyang pigilan dahil rinding-rindi na ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Magba-bus ako," sabi ko para tigilan na niya ang pagpapantasya sa kaibigan niya. 

Napahinto tuloy siya sa paglalakad at tinignan ako.

"Hindi ka maglalakad pauwi?" nakanguso niyang tanong sa akin, huminto din ako para harapin siya.

"Malayo pa ang bahay ko," walang gana kong sagot.

"Saan ka ba nakatira?" 

Inirapan ko siya at nagsimula na ulit maglakad, "Bakit mo tinatanong?"

"Masama bang tanungin ka?" Narinig ko ang yabag ng paa niya na sumusunod sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.

Pagkatapos ng mga sagutan na iyon ay naghiwalay na kami ng landas, nagpaalam siya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. I don't give a damn for his childishness.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status