Share

Chapter 44: Ambience

( "Chae, let's eat," sabi ni Hyunjae pagkabukas ng pinto ng kwarto. Naabutan niya ang kapatid niya na nakaupo sa lapag at nakasandal sa kama habang malayo ang tingin. 

Naka-uwi na si Chaehyun at ilang araw na siya namamalagi sa kwarto, matapos niya makatakas sa taong dumukot sa kaniya.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa din ang suspect sa pagkawal ng mga babae, mahirap itong mahanap at wala naman magawa si Hyunjae kundi ang hintayin ang imbestigasyon ng mga pulis.

"Chaehyun," tawag niya sa kaniyang kapatid pero tulad ng mga nakaraang araw ay mahirap pa din itong kausapin. Lagi itong tulala at nakayakap sa magkabilang tuhod. Lagi pa nila itong naririnig na umiiyak tuwing gabi dahil sa masamang panaginip, gusto man niya manatili sa tabi nito pero hindi niya magawa.

Ayaw ni Chaehyun na may dumidikit sa kaniyang lalaki kahit na magkapatid naman sila. It became sensitive, as if it were a time bomb that

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status