Share

Chapter 41: Half-brother

Lumagpas na sa sariling curfew si Seoyeon, pero wala syang pakialam do'n lalo na kung si Woojae ang kasama niya. Ayaw niya pa nga sana umuwi pero pinilit na siya nito na ihatid dahil baka daw magalit ang dad niya.

Expected na 'yon ni Seoyeon, kaya kahit na puro sermon ang maririnig niya mula sa kanyang ama ay lakas loob pa din syang pumasok ng bahay nila.

"Good evening, ma'am." Yumuko sa harap niya ang isa nilang katulong. Hindi niya ito pinansin at naglakad lang patungo sa kanilang hagdan, nagtataka pa nga syang umakyat dahil hindi niya nakitang sinalubong siya ng kanyang ama. Samantalang, lagi nito 'yon ginagawa lalo na kapag late siyang umuuwi.

Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan para lingunin ang katulong nila na may edad na, "Where's dad?" tanong niya dito.

"Nasa office niya po," sagot ng maid nila. Tumango siya at pagpapatuloy na sana ang pag-akyat ngunit natigilan siya ulit dahil sa sunod na sinabi nito, "kasama po ang kapatid mo."

(

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status