Share

Chapter 3: LSD

LSD belongs to a grout of drugs known a psychedelics. When small doses are taken, it can produce mild changes in perception, mood and thought.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hobin's point of view

[/Brrrrrrring/]

Bright sunlight shone on me as I opened my eyes the next day, I woke up very early because of the sound I heard. I looked at our telephone in the living room and that's where the noise came from. I was tired of what I did last night that's why I had a hard time getting up from the sofa.

"Good morning, Mr. Kim Hobin. I'm Police Officer Calvin Choi from Seodong-Gu Police Station, I called to report the progress of the investigation..." sabi ng pulis sa kabilang linya na may pangalang Calvin.

"Okay," walang gana kong sagot habang kinukusot ang mga mata at habang humihikab.

I still want to sleep.

"Fingerprints from the chef knife were identified yesterday and we are sorry that it came from your father, ngayon lang namin naipalam sa'yo dahil madami din kaming ginagawa."

"Okay," sagot ko ulit habang nakapikit ang dalawa kong mata. My eyelids are heavy.

I heard Calvin take a deep breath and I felt his patience running out as he talked to me, "Pwede mo na kunin ang katawan ng magulang mo dahil tapos na ang autopsy but it will take a long time to get the result because there are drugs found in your house."

Dumilat ako dahil sa narinig.

"Do you think nagtatake siya ng drugs?" tanong niya kaya umayos ako ng tayo para sagutin 'yon.

I looked at the bandage on my wrist covering the wounds I made last night, "I remember dad taking medicine, he said it can ease his anxiety. It can make him smarter, happier, and healthier but I shouldn't try that or I'll be in big trouble." 

I yawned again.

[/Inaudible sound/]

I frown when I heard him swear on the other line.

"Mr. Kim, pwede bang huwag mo 'yan gawin? Nahahawa ako," reklamo niya, narinig ko ang paghikab niya sa kabilang linya kaya napahikab ulit ako.

"The f*ck...Mr. Kim!?" he cursed again, I heard him move his telephone to maybe hide his yawning from me so I wouldn't yawn again. It's contagious and I'm still really sleepy.

"Why did you call so early?" nagreklamo din ako sa kaniya.

"Madami kaming kailangan gawin. Yung autopsy result ng mga magulang mo next week pa makukuha dahil kailangan din malaman kung nagta-take ng drugs si Mr. Kim."

Naririnig ko sa kabilang linya ang tunog ng paglipat-lipat niya ng pages ng mga papel, he looks really busy now.

"Calvin Choi!" Narinig ko na may tumawag sa pangalan niya kaya huminga siya ng pagkalalim.

"Bakit!? Hindi mo ba nakikita? Marami akong ginagawa kaya mamaya mo na ako ayain magkape, istorbo ka." Dahil nga madami siyang ginagawa ay galit niya itong sinagot.

"What did you say!?"

Tumaas ang kilay ko dahil nagulat siya nang makilala niya ang boses nito.

"Po? Detective? Ikaw pala 'yan, sorry akala ko si Eric ang tumatawag sa akin." Humingi siya agad ng tawad sa detective na mas mataas ang posisyon sa kaniya, he's the detective who interviewed me the other day.

"Kailangan ko na magpaalam, see you next week," sabi ni Calvin sabay end ng call.

I am no longer sleepy because of what happened to Calvin and the detective.

I hung up the telephone and went to my bedroom to tidy myself up. Magpupunta ako ng hospital para puntahan ang mga katawan ng magulang ko.

I decided to have my parents cremated immediately and I would send them to Seodong Memorial Park when it was over.

═════════•°•⚠•°•═════════

"Give me your money," sabi ni Joon sabay tulak sa akin, bumangga ako sa pader dahil sa lakas ng pagtulak niya. Nasa likod kami ng school at may mga kasama siya kaya hindi na ako pumalag.

"Hurry!" sigaw niya sa akin. Kakabalik ko lang sa school pagkatapos ng isang linggo tapos ganito agad ang bumungad sa akin.

"Why are you asking me for money? May patago ka ba?" tanong ko habang nakataas ang kilay. Sinuntok niya ako sa mukha sabay kuha sa bag ko, binato niya 'yon sa mga kasama niya para halughugin.

Nalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko pero hindi ko naramdaman ang sakit na dinulot ng suntok niya.

I still have to thank mom because I came out like this, pinanganak akong walang nararamdaman.

"After we contributed money for your parent’s death, you still have the guts to tell me that? Siraulo ka talaga kaya mag-isa ka na lang ngayon eh!" Dinuro niya ang mukha ko habang sinasabi 'yon, seryoso lang akong nakatingin sa kaniya.

"Joon," tawag ni Shin, may binigay itong envelope sa kaniya na nakuha nito sa bag ko. 

"Wow, It is a large sum of money." Halos kuminang ang mata ni Joon nang makita ang pera sa loob ng envelope, iyon ang iniwan ni Mr. Han sa bahay namin at ngayon ko lang ito maibabalik pagkatapos ng isang linggo.

"Is this the money collected by Mr. Han? Let him know that you used it properly." Tinapik niya ang pisngi ko bago umalis tangay ang envelope.

Tch.

I picked up my bag and was about to enter the gate when suddenly someone called my name.

"Hobin!"

I looked at a girl running towards me. She has long black hair which waves with every step she takes, she's beautiful and has an average body.

"I saw everything," sabi niya habang hinihingal, pagkatapos ilagay ang takas na buhok sa tenga ay tinignan niya ako, "why did you let them take your money? Sasamahan kitang kunin 'yon sa kanila."

I recognized her voice, she is the girl I talked to last night on the telephone.

Mijin?

Hinawakan niya ang kamay ko at binalak na hilahin papasok sa loob pero hindi ako nagpahila sa kaniya. Bumalik siya sa kinatatayuan niya at pinagmasdan ang mukha ko.

"Sila ba ang gumawa nito sa'yo?" tanong niya sabay turo sa mga pasa ko.

Umiling lang ako habang nakakunot-noo na nakatingin sa kaniya. Ngayon lang may tumingin sa akin sa mga mata at kumausap sa akin na walang binabalak na masama. 

"I have a friend in the student council. We can help you," sabi niya pa.

"I can handle myself." Ngayon lang ako nakapagsalita matapos ko siyang titigan.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at iniwan siyang nakatayo doon. Pumasok na ako sa school at dahil magkaklase kami ay sumabay siya sa akin sa pagpasok.

Pagkatapos ng ilang subject ay nagbreak time na, lumabas ako sa restroom pagkatapos kong maghugas ng kamay at nagtungo sa cafeteria para bumili ng makakain.

"Nakita mo ba yung pagdaloy ng dugo mula sa ulo ni Joon? Grabe, aakalain mong hindi na siya mabubuhay." Natigil ako sa pagkain nang marinig ang usapan ng mga lalaking kumakain sa likod ko.

"Nadulas kaya siya? Kakatapos lang maglinis ng mga janitor sa mga oras na 'yon. Siguro karma niya 'yon dahil sa pagiging mayabang niya," sabi naman ng isa pang kasama nito.

Si Joon...nadulas?

Sabik kong sinubo ang pagkaing binili ko. Madami akong nakain pero hindi ko maramdamang busog ako, wala akong maramdaman. Wala din akong panlasa at pang-amoy, alam ko lang na gutom ako kapag naisipan kong kumain. 

═════════•°•⚠•°•═════════

"Joon is in the hospital right now because he was badly injured, karma has come to him," nakangusong sabi ni Mijin habang naglalakad kami papunta sa bahay ko. She couldn't stop talking and I had no choice but to listen.

We will do our research, I didn't want to but she forced me to do it in my house.

"We're here." Binuksan ko ang gate at nagtungo na sa malaking pintuan ng bahay para makapasok ng tuluyan. Nakangiti naman siyang pumasok, napailing na lang ako dahil para siyang bata.

Sinara ko ang pinto at tinignan siyang pinagmamasdan ang malaki naming sala.

"It looks like your house has been located here for a long time, it gives me a historical vibe but in america. When was it built?" Nilingon niya ako pagkatanong niya nito.

"Korean war, nineteen-fifties. As far as I know this is the house of our ancestor." Nagtungo ako sa sofa pagkatapos ko siyang sagutin, umupo ako doon at nilagay ko ang bag ko sa tabi ko bago maghubad ng jacket. 

I don’t want to talk about it, I don’t want to think about how many grandmothers I will go through just so I can tell who married an american.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mabagal niyang paglalakad papunta sa akin, "Hindi mo ba ako aayaing umupo o ayain ng maiinom man lang?"

Natigilan ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya, "We don't do that here," sabi ko dahilan ng pagkataas ng kilay niya sa akin.

Huh? Uhm...

"What would you like to drink?" tanong ko bigla, hindi naman talaga namin 'yon ginagawa dito kaya hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko 'yon tinanong.

Ngumiti siya sa akin bago umupo sa sofa.

"Meron ba dyang banana milk?" nakangiti niyang tanong. Tinitigan ko lang siya kaya nawala yung ngiti na 'yon, "Ah instant coffee na lang." Napalitan ng awkward na ngiti ang pinakita niya.

Tumango ako at tumayo para magtungo ng kusina. Iniwan ko siya sa sala habang pinagmamasdan ang loob ng bahay.

( “Hindi mo ba ako aayaing umupo o ayain ng maiinom man lang?”)

Walang ibang ginawa ang mom ko kung hindi ang palayasin ang mga kalaro kong dinadala ko sa bahay noong bata ako. She always shouted at them dahil ayaw niya daw ng makukulit, naiinis siya. Since then no one has made friends with me because of her.

She treated dad’s co-workers the same way, inaaway niya si daddy kaya napipilitang umuwi ang mga katrabaho nito. Lagi siyang naiinis kaya wala ng ibang tao ang pumupunta sa bahay namin.

So, if there's a visitors...you invite them to sit down and give them drinks?

I should have also offered a drink for Mr. Han when he came here, tch.

Lumabas ako sa kusina na dala ang dalawang baso ng kape. Mainit ang mga ito dahil sa usok na lumalabas dito, palatandaan ko 'yon dahil hindi ko alam ang pakiramdam ng mainit at mapaso.

Naabutan ko si Mijin na inaayos ang laptop niya sa lamesang nasa tapat ng sofa. Lumapit ako sa kaniya at nilapag ang baso sa harap niya, umayos naman siya ng upo pagkakita sa akin.

"Thank you!" Maingat niyang hinawakan ang baso at hinipan niya pa ito bago sumipsip. Pagkatapos uminom ay sumama ang timpla ng mukha niya, "Ang pangit ng lasa." Tumingin siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

She's slightly rude but in a amusing way. Tch, she even has the guts to say that in my face.

Ininom ko ang kape na gawa ko at kitang-kita ko ang gulat niya. Tinigil ko ang pag-inom at nilingon siya.

"Hobin?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Nilapitan niya ako kaya napasandal ako sa upuan, "Napaso ka ba?" nag-aalala nitong tanong. Hinawakan niya pa ang dalawa kong pisngi.

"Patikim ng dila mo," sabi niya sa akin.

"Huh?" tanong ko sa kaniya dahil iba ata ang pagkakarinig ko.

"S-Sabi ko patingin ng dila mo," paglilinaw niya.

"Iba ang pagkakarinig ko." Nakita kong namula ang kanyang pisngi kaya nag-iwas siya ng tingin.

"Sintomas 'yan ng first degree burn! Sandali kukuha ako ng malamig na tubig," sabi niya at iniwan ako sa sala, nag-madali siyang magpunta sa kusina.

"Weird," bulong ko sa sarili ko. 

Bumalik siyang may dalang pitcher na may tubig, puno ito ng yelo at may dala din siyang baso.

"Uminom ka ng malamig." Pinilit niya akong inumin 'yon kaya pinilit ko na lang din gawin. 

"Akin na ang dila mo," sabi niya sabay lahad ng palad niya sa harap ko.

"Seriously?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Yes, seriously!" Seryoso ang mukha niya kaya nilabas ko na lang ang dila ko at tinignan naman niya 'yon ng maigi.

"Color red..."

O...kay?

"...1st degree burn lang ang natamo mo, it affect only the outer layer of your tongue. Kumain ka ng yelo para gumaling ka," sabi niya pa. Tinitignan ko lang siya habang nginunguya ko ang yelo.

"Binabad ng mama ko ang paso ni Woojae sa malamig na tubig ng mahigit limang minuto para gumaling, mas better na maglagay ka na lang ng yelo sa bibig mo," kwento niya sa akin.

Woojae? They seem to be close to each other. Woojae is her friend who's part of student council.

"Kailan ka pa umiinom ng kape ng ganyan? Para kang hindi napaso ah," gulat niyang tanong.

"Ngayon lang, I watched something yesterday on YouTube. Nakakatulog daw siya kapag umiinom ng kape, hirap ako makatulog lately kaya susubukan ko lang," sagot ko sa kaniya, natawa siya sa sinabi ko pero para sa'kin wala namang nakakatawa doon.

"Sinong nakakatulog sa kape? Kakaiba ang napanood mo." Pinagpatuloy niya pa ulit ang pagtawa pero seryoso lang akong nakatingin sa kaniya.

"H'wag ka na manonood ng ganon ha-" Natigil siya sa pagtawa dahil nag-ring ang telepono. Tumayo ako para sagutin 'yon.

"Who's this?"

"Kim Hobin? This is Police Officer Calvin Choi from Seodong-Gu Police Station. Nakuha na namin ang autopsy result ng mga magulang mo. We need you here," sagot ni Calvin sa kabilang linya bago ibaba ang telepono. Binaba ko na din ang akin at nagtungo kay Mijin.

"I need to go somewhere."

Tumayo naman siya para harapin ako, "Uumpisahan ko na 'yung research natin, babalik ka naman agad 'di ba?" tanong niya.

Tumango ako sa kaniya at kinuha ang itim kong hoodie jacket sa coat rack, lalabas na sana ako ng pinto pero nilingon ko siyang muli.

"If you're not comfortable, just go home," sabi ko bago lumabas. Iniwan ko na siyang mag-isa doon.

═════════•°•⚠•°•═════════

"Ngayon lang namin nakuha ang autopsy result..." sabi ng detective pagkadating ko ng police station, may kinuha siyang envelope at binigay sa akin ang papel na laman nito.

"Mrs. Kim died due to stab wounds that hit some of her internal organs. Napuruhan ang kaniyang puso na may walong saksak, she received more than thirty-three stab wounds to various parts of her body. Galit na galit ang gumawa nito." Balita sa akin ng detective.

I just looked at the paper he gave me but nothing enters my mind no matter how many times I read what is written here. 

"Mr. Kim on the other hand, had a stab wound to the heart that killed him directly. Have you ever been told whose fingerprints are on the chef's knife?"

Tumango lang ako at nanatiling walang imik.

"May nakitang chemical ng drug sa katawan ni Mr. Kim. Lysergic acid diethylamide o LSD, isang hallucinogenic drug." Pagkarinig ko nito ay binitawan ko na ang papel at tumingin sa kaniya, nakatingin din siya sa akin ng masinsinan.

"You're the only one I've seen lose a loved one but still manage to stay calm despite of what happened," sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Can crying bring the dead back to life?" wala sa mood kong tanong. Ngumiti lang siya at umiling.

"What will happen now that you know who the culprit is?" tanong ko habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya, I don't like his presence. If it hadn’t been known that the fingerprints on the chef knife were on my dad, he would definitely have accused me of killing them.

"The case will be closed because the culprit is dead, may drug na related dito kaya nag-imbestiga kami para matukoy kung saan siya nakakuha ng drugs," nakangiti niyang sagot, "It is our duty to keep the peace in Seodong Gu so we do everything to catch whoever the drug lord is behind it."

Nakatitig lang ako sa kaniya dahil wala akong pakialam sa kung anong sinasabi niya, nanatili siyang nakangiti sa akin kaya minabuti ko na lang na umalis.

═════════•°•⚠•°•═════════

[ “Mr. Kim is a drug offender, who killed his wife using a chef knife and killed himself after committing the crime. Death of the defendant ends all criminal charges, so the case will be dismissed.” ]

═════════•°•⚠•°•═════════

Pagkauwi ko ng bahay hindi ko inaasahang aabutan ko pa si Mijin. Anong oras na ako umuwi pero nandito pa din siya. Marahan kong sinara ang pinto ng bahay dahil natutulog siya sa mesa sa tabi ng laptop niya, sa sahig pa siya nakaupo at puro scratch paper sa paligid niya.

Hinubad ko ang hoodie jacket ko at dahan-dahang umupo sa sofa. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog.

She was about to finish the first part of our research and I didn't even help. 

I don't know if I can help.

Maybe I can help if I cook for her...

...but d*mn I don't even know how to cook.

F*ck this life!

Ugh!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status