Share

Chapter 5: Sympathy

Sympathy - a feeling of care and concern for someone who's going through something hard.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hobin's point of view

Tinulak ako ni Joon kaya bumangga ako sa pader ng banyo ng mga lalaki, wala akong magawa dahil kasama niya ang lima niyang kaibigan. Ang tatlo ay naninigarilyo dito sa loob habang ang dalawa ay nagbabantay sa labas para walang makapasok. Only a few days passed but he was able to return to school immediately despite his condition.

"Ikaw 'yon 'di ba?" he asked me once slapping my face, "Gumanti ka habang nakatalikod ako," sabi niya pa pagkatapos ay sinuntok ako sa mukha.

"I didn't do anything," I replied while looking into his eyes.

"Really?" he showed a devilish smile while repeatedly slapping my face, I still didn't take my eyes off him.

"Nakikita mo 'to? Ikaw ang may gawa nito," galit niyang sinabi sabay turo sa bandage na nasa ulo niya.

"You did this, you f*ck!" Sinipa niya ako sa tiyan, paulit-ulit niya 'yon ginawa hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Wala akong maramdamang sakit pero namalayan ko na lang na may lumalabas na sa bibig ko, hinawakan ko ang labi ko para tignan ang dugo na dumadaloy dito.

Napangisi siya at hinagod ang buhok, "I just found out that you also took my money, magnanakaw ka din pala?" tanong niya sabay apak sa dibdib ko. Buti na lang dahil naka-itim na hoodie jacket ako kaya hindi niya nadumihan ang puti kong t-shirt na nasa ilalim nito.

"N-Nakita mo bang ako ang may gawa?" hirap kong tanong dahil kinakapos ako sa hangin dahil sa pag-apak niya sa dibdib ko.

Tinanggal niya ang sapatos niya sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na punasan ang bibig ko gamit ang braso. Umupo siya para mapantayan ako, hinawakan niya ang baba ko para magtama ang mga mata namin.

"Hindi..." nakangising sagot niya, "...pero ikaw daw sabi ng instinct ko," dagdag niya pa.

"F*ck you." Dinuraan ko siya ng dugo sa mukha kaya sinuntok niya ako ng paulit-ulit.

"Malaman ko lang na ikaw talaga ang gumawa nito sa akin, maghanda ka nang makita ang pamilya mo." Sinipa niya pa 'ko bago tuluyang lumabas ng banyo. Iniwan nila ako sa loob na duguan, pinagtatapon pa nila sa akin ang mga sigarilyo nila.

I forced myself to stand up to go to the mirror, I slowly reached for the sink to support myself. I washed my face and spit blood out of my mouth. I tidy myself up before going out and heading to the classroom, break time was over so I needed to go back.

"Hobin!" 

I saw Mijin waving at me when I entered the room, hindi ko siya pinansin at nagtungo na lang ako sa upuan ko na nasa pinakalikuran. I don't have anyone next to me, ayaw din naman nila tumabi sa akin which is pabor sa akin. Ayaw ko din naman sila katabi. 

Namuo na naman ang inis ko nang makita ko si Mijin na palapit sa akin.

"Where did you go? Ang sabi ko sabay tayong kumain, 'di ba?" tanong niya sa akin pagkalapit niya. Kahit nasa unahan ang upuan niya ay nag-abala pa talaga siyang magpunta ng likod para tabihan ako.

Hindi niya ako tinigilan, kahit sinamaan ko na siya ng tingin noong isang araw nandito pa din siya sa harap ko at nangungulit.

"Ano 'to?" Hinawakan ni Mijin ang damit ko kaya napatingin ako sa kwelyo ko, "Mantsa ng dugo? May pasa ka din sa mukha, anong nangyari sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.

Tch.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa damit ko at hindi siya sinagot.

"Hey, Hobin!"

Napalingon kaming dalawa kala Joon na kakapasok lang ng room, tinulak niya pa ang lalaking nakaharang sa dadaanan niya bago magtungo sa kaniyang upuan. Sa likod din sila naka-upo ngunit malayo sila sa akin.

Umupo siya sa arm desk ng upuan niya habang nakatingin sa akin, "Nabitin ako kanina, pwede bang ituloy natin mamaya?" nakangiti niyang tanong.

"Pinagtulungan ka na naman ba nila Joon?" galit na tanong ni Mijin sa akin, tatayo sana siya para harapin sila Joon pero agad ko siyang pinigilan sa gagawin niya. Umupo siya ulit nang hawakan ko ang braso niya.

"You're such a wimp, babae pa talaga mag-poprotekta sa'yo? Nakakahiya ka," sigaw ni Joon dahilan para magtawanan ang mga kaibigan niya.

That's why I hate you here beside me, Mijin. 

Dumating na ang teacher namin kaya natahimik na ang buong klase, umayos na din ng upo si Joon at hindi na niya ako pinansin muli.

Inirapan ako ni Mijin at nag-iwas siya ng tingin dahil sa inis, "Gumawa tayo mamaya sa amin." Kahit naiinis ay mahinahon niya pa din akong kinakausap.

Does she avoid making me angry? Does she think I’ll lose myself when I get mad? Did she know that my parents were hurting me and maybe it had a serious effect on me, does she think I have a disorder or what? Does she think I'm not normal?

I get annoyed when I think of those things that bother me, especially when she just approaches me because she feels sorry.

I hate it.

Tumingin ako sa labas ng bintana at huminga ng malalim, "I'm not going."

"But why? We're partner!" reklamo niya, papaluin niya sana ako sa braso pero pinigilan niya lang.

Hindi ko na siya sinagot. Hindi siya umalis sa tabi ko kahit hindi naman siya dito naka-upo.

Mas lalo lang akong naiinis sa kaniya dahil sobrang kulit niya.

═════════•°•⚠•°•═════════

Tinakasan ko si Mijin nang magbreak time, I knew she would invite me to eat with her even though I was pushing her away so I decided to just go to the rooftop to get some air. 

Pagkaakyat ko sa hagdan ay may nakabanggaan ako, pababa siya at nagkasalubong kami kaya nalaglag niya ang mga cigarette niyang dala.

"Look where you're going," sabi ng babaeng nakabanggaan ko, seryoso ang mukha niya at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. She didn’t pick up the cigarettes that had fallen and she definitely expecting me to pick them up for her.

"Look where you're going, too," sagot ko sa kaniya na hindi niya inaasahan kaya umayos siya ng tayo para tapatan ako.

"You apologize," she commanded seriously. She's strange, she doesn't look away from me either. She's the type of person you have to follow otherwise you'll regret it, but I'm not scared of her unlike other students here.

"We won't hit each other if you're looking where you're going," I replied seriously, "You should apologize."

Napangisi siya dahil sa sinabi ko, hindi siguro siya makapaniwalang sasagutin ko siya kahit senior ko siya.

[/Footsteps/]

Naputol ang titigan namin nang makarinig ng mga yabag ng sapatos pababa galing ng rooftop, huminto si Joon pati ang mga kaibigan niya nang makita kami.

"Hobin, bakit ka nandito? Naghahanap ka ba ng sakit ng katawan?" nakangiting tanong sa akin ni Joon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko, lumipat ang tingin niya sa babaeng kaharap ko dahil hindi ko siya sinagot.

"Vice president? May problema ba sa kaibigan ko?" tanong ni Joon sa babaeng kaharap namin. 

He behaved differently while facing it, he smiled when talking to it but the girl just looked at him badly.

I don't know her name, all I know is that she is the vice president of the school.

"Seoyeon, he is really my friend," natatawang sabi ni Joon, inakabayan niya ako ng mahigpit at halos yakapin niya ako na para bang kinukuha ang tiwala ng vice president na may pangalang Seoyeon. 

Lumapit si Haesuk sa amin para kunin ang mga cigarette na nahulog sa hagdan. Binigay niya ito kay Seoyeon kaya umalis na ito sa harapan namin para bumaba ng tuluyan.

"Yari ka kay Seoyeon," sabi ni Shin.

"May sayad talaga 'yon sa utak," inis na sabi ni Joon na kanina lang ay halos lumuhod sa harapan ni Seoyeon para lang paniwalaan siya.

Binitawan niya ako para harapin, "Good thing that you're here, kinuha ng babaeng 'yon ang cigarette namin kaya wala na kaming mapagka-abalahan," sabi niya sabay hila sa hoodie jacket ko paakyat sa rooftop.

Nilock nila ang pinto pagkadating sa taas bago ako ihagis dahilan para tumama ako sa isang bench at mapaupo sa lupa.

Lumakad si Joon papalapit sa akin at hinawakan ang buhok ko, "Do you miss your parents, Hobin?" 

Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kaniya.

"Alam mo Hobin..."

Binitawan ako ni Joon para lingunin si Haesuk na nagsalita.

"...kung mananatili kang tahimik, lagi kang masasaktan- AH!" Napahawak si Haesuk sa tiyan niya nang sikmuraan siya ni Joon.

"Kung hindi ka tatahimik dyan, hindi lang 'yan ang matatamo mo," banta ni Joon kaya umatras na lang palayo si Haesuk at nanahimik sa isang tabi.

Binalik sa akin ni Joon ang atensyon niya, "That moron has a point," sabi niya sabay turo kay Haesuk. Umupo siya sa harapan ko at tinuro ang pagmumukha ko, "Ginantihan mo ako sa cr dahil nagbabakasakali ka na titigilan kita, tama?"

"Tahimik ako dahil hindi ako nasasaktan."

Napangisi siya at dahan-dahan bumaba ang daliri niya dahil sa sinabi ko.

"Am I a joke to you?" galit niyang tanong.

"I don't even care about you," sagot ko dahilan para mas lalo siyang mainis. Napansin ko pa si Haesuk na nagpigil ng ngiti habang nasa tabi siya ni Minhyuk at Yoo.

Aktong susuntukin ako ni Joon pero napahinto siya nang bumukas ang pinto ng rooftop, napatingin kaming lahat kay Mijin at Woojae. Nakalock ang pinto pero dahil kasali siya sa supreme student council, nakuha niya ang susi nito. 

Napa-irap na lang ako sa kawalan nang makita silang dalawa.

Why do they even need to stick their nose in someone else's business? 

"What's happening here?" tanong ni Woojae na lumapit sa amin, tumayo si Joon at nilayuan ako. Inayos ko naman ang sarili ko bago tumayo.

"Why do you care?" inis na tanong ni Joon, nilingon niya ako at tinulak, "May tagapagtanggol ka na ngayon huh?"

They only make the situation worse.

"Sinumbong ka ata ni Seoyeon," sabi ni Jihyuk.

"Tch, ano pa nga ba? Umalis na tayo," aya ni Joon pero hinarangan siya ni Woojae, "What?! Do you wanna fight?"

"Hindi kayo pwedeng bumalik sa klase, nahuli ko kayo sa aktong naninigarilyo at nananakit ng kaklase. Sumama kayo sa guidance," seryosong sagot ni Woojae.

"Anong nahuli sa akto eh kakadating mo lang?" natatawang tanong ni Shin.

"Nahuli tayo ni Seoyeon," walang ganang sagot ni Minhyuk.

Napangisi si Joon at nilapitan si Woojae. Hindi sila bumibitiw ng tingin sa isa't isa, magkatapat na sila na halos maghalikan na sa harap namin, "Mag-isa ka lang, sa tingin mo ba mapagtatanggol ka ng babaeng kasama mo?" tanong ni Joon sabay turo kay Mijin na nasa tabi nito.

"Hindi niyo ako matatakot, hindi tulad ng binubully niyo," sagot naman ni Woojae.

Sinong takot? Ako?

Nilingon ko ang mga kaibigan ni Joon at lahat sila ay nakatingin sa akin.

Kailan ako natakot sa inyo?

Siraulo 'tong si Woojae.

"Tch." Naglakad na lang ako pababa ng rooftop at iniwan sila doon habang may namumuong tensyon sa pagitan nila. Wala akong pakialam kung anong mangyari, kung pwede lang magsuntukan na sila doon hanggang sa mamatay sila pare-pareho.

"Hobin!"

Narinig ko ang pagtawag ni Mijin kaya binilisan ko ang pagbaba sa hagdan para hindi niya ako abutan, hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako para tuluyan na makalayo sa kaniya.

"Ouch-"

Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagkahulog niya, umakyat ulit ako ng ilang hakbang at nakita siyang naka-upo habang may galos sa tuhod.

"The hell are you doing?" seryoso kong tanong. Naka-upo pa din siya habang tinitignan ang galos na natamo niya.

"Can you help me stand up?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

Tinignan ko lang ang kamay niya at hindi 'yon kinuha, "Learn to stand alone."

"What?" nakanganga niyang tanong, binaba na niya lang ang kamay niya dahil sa sinabi ko at tumayo mag-isa.

"Importante ba ang sasabihin mo sa akin para malaglag ka sa hagdan?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Nakakapit siya sa pader para suportahan ang sarili niya, ang tanga naman kasi.

"Kapag may kailangan ng tulong, tulungan mo," pangaral niya sa akin dahilan para makaramdam ako ng inis.

"Sino ka para utusan ako?" kalmado kong tanong dahil sanay akong magpigil ng galit.

"Hobin, that's the right thing to do," mahinahon niya din na sagot.

I looked at her and she didn't look away from me too, I took a deep breath to suppress my annoyance. 

Why am I so upset?

"Do you think you are superior to me?" tanong ko dahilan nang pagkabigla niya.

"W-Why did you ask that?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Bakit ang hilig mo mangialam? Una, pinili mo akong partner. Pangalawa, pumapagitna ka sa amin ni Joon at ngayon inuutusan mo ako?" mahinahong kong tanong. I stay calm, I don’t let annoyance swallow me that can lead to anger because it won’t be good for me and especially for her.

"I-I just want to help," naiilang niyang sagot.

"Kung sa tingin mo nakakatulong sa akin ang ginagawa mo, nagkakamali ka. Mas lalo mo lang pinapakitang wala akong kwenta," sagot ko dahilan nang pagtaas-baba ng kanyang dibdib, hindi ako sigurado kung kaba o galit ang nararamdaman niya dahil sa mga sinabi ko. Hindi na siya muling nakapagsalita at minabuti na lang na mag-iwas ng tingin.

"Don't come near me," sabi ko bago siya talikuran.

═════════•°•⚠•°•═════════

Paglabas ko ng school ay suntok ang inabot ko, napa-upo ako sa lupa at napahawak sa labi kong nagdudugo. Tumingala ako kay Woojae na nakatayo sa harapan ko habang masamang nakatingin sa akin. 

Hinila niya ako papunta sa likod ng school nang makita niya akong palabas na ng gate, inabangan niya talaga ako para magawa ang bagay na 'to.

"Problema mo?" seryoso kong tanong habang mapupungay ang mga mata.

"Anong karapatan mong saktan si Mijin? Wala kang utang na loob," galit na sagot ni Woojae.

"Saktan? Wala akong sinasaktan," inosente kong sinabi. Sa pagkakaalam ko kasi ako ang laging sinasaktan.

Napangisi at napailing si Woojae, "Hindi na ako magtataka kung bakit ka pinagkakaisahan nila Joon, may sira ba ang ulo mo?" inis niyang tanong.

"Sinuntok mo ako kahit wala akong ginagawa, sinong siraulo sa ating dalawa?" 

Hindi niya maalis ang ngiti sa labi niya, para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. Dinilaan nito ang ibabang labi at pumikit ng madiin.

"Kim Hobin." Bigla siyang sumeryoso nang tignan akong muli, "Hindi mo pa kilala ng lubusan si Mijin kaya anong karapatan mong pagsabihan siya? Tch, kapag sinaktan mo siya ulit, hindi lang 'yan ang gagawin ko sa'yo."

Umirap ako sa kawalan bago tumayo para harapin siya, "Ano bang ginawa ko sa babaeng 'yon? Minura ko ba siya? Hindi ko naman 'yon sinuntok!"

Nakita kong nag-igting ang panga ni Woojae, hinawakan niya ako sa kwelyo at sinandal sa trash storage shed dahilan kung bakit naglikha ito ng ingay.

"Babae?" galit niyang tanong, matalim ang titig niya sa akin habang ako ay walang emosyon na nakatingin sa kaniya, "Mijin. Tawagin mo siyang, 'Mijin'."

"Hindi ko gusto ang pangingialam niya sa akin at wala akong pakialam kung sino siya. She's always sticking her nose into other people's affairs. It's really annoying."

Tumango si Woojae at biglang akong sinuntok ulit kaya halos madapa ako sa lupa, sobrang lakas siguro ng impact ng kamao niya kaya halos ma-out of balance ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung maramdaman ko kung gaano 'yon kalakas.

Pinilit kong tumayo para harapin ulit siya pero hinagis siya ako sa mga sako ng b****a kung saan ako napahiga. Umiikot ang paningin ko dahil siguro sa suntok niya pero pinilit ko pa rin siyang tignan.

"You better learn the difference between pity and sympathy, h'wag kang tanga," sabi niya sa akin bago siya umalis sa harapan ko.

Kahit parang mahihimatay ako ay dinig na dinig ko ang pagdiin niya sa salitang “tanga”.

Napahawak ako sa mukha ko at hindi ko na nagawang tumayo, hapon pa lang pero mukhang makakatulog na ako agad ng walang kahirap-hirap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status