Share

Chapter 4: Lack Of Empathy

Lack of Empathy - someone who has trouble putting themselves in other people's shoes. They don't empathize with other people's feelings.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hobin's point of view

Bumabagsak na ang mata ko pero pinipilit ko pa din na magising para makinig sa seminar na pinuntahan ko, nasa tabi ko si Mr. Han na tutok ang atensyon sa babaeng nagsasalita sa harapan.

"Mommies and daddies, always remember that it's important not to hit a child. It's not good to discipline your child by hitting..."

Hindi ako nakatanggi na sumama sa kaniya sa seminar kung saan tungkol sa pagdidisiplina ng magulang ang tinuturo, hindi niya kasi sinabi na dito ang punta namin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumuloy.

"Can I ask you something, mommy?" Naglahad ng kamay ang emcee sa babaeng tinawag niya, lahat ng nandito ay may mga anak na maliban sa aming dalawa ni Mr. Han.

"Are you beating your child?" tanong niya dito.

( "Are you beating your

"Are you beating

"Are you beating him?"

"I don't beat my son but I scold him when he did something bad. Why did you ask?"

My mom should only hurt me when I did something wrong.

"What the hell are you doing Hobin?!" Hinila ako palabas ng bahay ni mom nang makita niya akong may hawak na kalapati. She pushed me which is why I stumbled on the grass.

"Why are you bringing a dead animal in our house?!" she shouted, even though it was dark outside I could still see her glaring eyes.

"I took it out so we could have something to eat, I skinned him myself," inosente kong sagot sabay pakita ng kalapit, tumutulo pa ang dugo nito sa katawan.

It's already midnight but my daddy isn't home yet, we're done eating but I heard them fighting earlier on the telephone. Ang sabi ni mom wala na daw kami makakain dahil sa pagsusugal ni dad kaya naman naisipan kong kunin ang kalapati na nahuli ko noong isang araw, binalatan ko ito kanina ng buhay at ngayon patay na siya.

Nakikita ko ang pagbaba at pagtaas ng dibdib ni mom, hindi din nakawala sa mga mata ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"You want us to play again?" she showed me a malicious smile, napalunok ako ng makita 'yon kaya tumakbo na ako agad palabas ng gate. Kahit na malayo ay nagpunta ako ng park at nagtago sa loob ng slide.

"I'm done counting, where are you now?" Narinig ko ang boses ni mom na papunta na sa park kaya tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya ako marinig, hinihingal kasi ako dahil sa pagtakbo at bumilis din ang tibok ng puso ko.

"Found you!" Nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya agad, hinila niya ako palabas ng slide at pinadapa sa damuhan. Narinig ko ang pagtanggal niya sa sinturon niya, wala akong nararamdaman pero narinig ko ang tunog nito nang pinalo niya ito sa akin.

Ilang beses ko nary ang malakas na pagpalo na 'yon, nawala lang ang ingay na 'yon nang mayroong dumaan na babae at lalaki na may kasamang batang babae. Nakita nila akong nakadapa sa lupa kaya nilapitan nila ako.

"What's going on here?" tanong ng babae na naglahad sa akin ng kamay para tulungan ako na tumayo. 

I was about to hold her hand but I saw something in her eyes...pity.

"Bakit mo siya pinapalo? Namumula na ang mga binti niya," naiinis na sabi ng babae sa mommy ko, "Tumawag ka ng pulis," sabi niya sa lalaki niyang kasama, hawak nito sa kamay ang batang babae na walang imik sa nangyayari.

Naglabas ang lalaki ng cellphone pero agad 'yon kinuha ni mommy.

"Bakit kayo tatawag ng pulis? Ano bang pakialam niyo sa buhay ng iba? Ganito ko disiplinahin ang anak ko, anak ko'yan!"

"Kahit anak mo 'yan, hindi pa din tama ang pagdidisiplina mo! Halika, dadalhin ka namin sa hospital." Nilahad ulit ng babae ang kamay niya sa harap ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na hawakan ito kaya tinulungan niya ako na tumayo.

Binawi ng lalaki ang cellphone niya kay mom at aktong tatawag ng pulis pero agad akong hinawakan ni mom sa kamay.

"Ako na lang ang natitira nilang pamilya, what right do you have to put me in jail? I have two children! Ako na lang ang inaasahan nila!" Nabigla ako sa sinabi ni mom, umarte siya na para bang hirap na hirap na siya sa buhay at nagawa niya pang banggitin si Yui na matagal ng wala.

Natigilan tuloy ang lalaki na tumawag ng pulis.

"Hayaan na natin sila," sabi nito sa kasamang babae pero hindi siya nito pinakinggan.

"Hindi ka pa din tama, hindi na makalakad ang anak mo!" sigaw pabalik ng babaeng nakayakap sa akin. Ngayon ko lang napansin na hindi ako makakatayo kung hindi niya ako inaalalayan.

"Dadalhin namin siya sa hospital at kakasuhan ka namin."

Hindi binitawan ni mom ang kamay ko kaya naman hindi ako mahila paalis ng mag-asawa.

"Umuwi na tayo Hobin, walang kasama si Yui sa bahay." Pinilit akong hilahin ni mom pero hindi ako binitawan ng babae, hindi din ako bumitaw sa kaniya.

Hindi ko nagugustuhan ang sinasabi niya tungkol sa kapatid ko pero naiintindihan ko kung hindi niya pa din ito makalimutan.

Kasalanan ko kung bakit siya nawala, dadagdagan ko pa ba ang mga nagawa ko?

I don't know what to do especially since mom has a point. We are the ones left together, our relatives have left us so there is a part of me that I don't want her to be imprisoned.

"It's not mom's fault," sabi ko habang nakatingin kay mommy na umaliwalas ang mukha dahil sa sinabi ko, "I'm the one to blame for why my leg turned red, I've been playing here since earlier that's why mommy has a belt to take me home."

"Tama 'yon, makulit talaga ang batang 'to kaya ibigay niyo na siya sa akin para makauwi na kami dahil naghihintay pa ang nakababata niyang kapatid."

Maingat akong binigay ng babae sa mommy ko, inalalayan naman ako ni mom para makatayo ako ng maayos.

"I don't believe what you're saying but when I see you hurting your son again, I won't hesitate to put you in jail," galit na sabi ng babae.

"What are you...police?!" sarcastic na tanong ni mom. Umalis na silang tatlo at hindi na ito pinansin.

Bumagsak ako sa lupa nang bitawan niya ako.

"If you think someone who takes pity on you is nice, think again. Aren't you insulted?" galit niyang tanong sa akin, "They feel sorry for you because they think you are inferior to them, do you understand?!"

Nakatingin lang ako sa kaniya at walang masabi.

"Hobin? Do you understand?!"

"Hobin?!" )

"Hobin?"

Napalingon ako kay Mr. Han nang iwagayway niya ang kamay niya sa harapan ko.

"You alright?" tanong niya sa akin. Nilingon ko ang paligid at nandito pa din pala ako sa seminar, "Malalim ang iniisip mo, kanina ka pa tulala. What's bothering you?"

Umiling lang ako at humarap ulit sa babaeng nagsasalita sa harapan. 

"Teach children right from wrong with calm words, show the children the attitude you want them to adopt..."

Pagkatapos ng isang oras sa seminar ay inaya ako ni Mr. Han na kumain sa isang restaurant.

"I hope you learned something from what was taught earlier in the seminar," sabi niya habang hinihintay namin ang order naming dalawa. I wouldn't have come but he insisted but I made a condition that he agreed to, I don't want to owe anyone so I will pay my order.

"I don't understand why you have to take me there, you don't have child and so do I," I replied before drinking a glass of cold water. I don't feel hot and cold, I only know if the water is cold when there is ice and when hot it has smoke.

"We will also get to the point of having a child, I took you there so that you will know the right thing to do when you have one," he chuckled.

"I'm only eighteen and to tell you I have no intention of having a child." I rolled my eyes before averting my gaze.

"Like I said we will also get to the point where we will have a family, sinama kita sa seminar para malaman mo ang tamang pagdisiplina na hindi nagawa sa'yo ng iyong ina." Natigilan ako dahil sa narinig mula sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin at nagtiim-bagang ako dahil sa pagpipigil ng inis, "Anong sinasabi mo dyan?" inis kong tanong.

"Minamaltrato ka ng magulang mo, tama? Kaya ka puro pasa at sugat sa katawan dahil sa kanila," mahinahong sagot ni Mr. Han.

Wala akong masabi, hindi ko maiwasan na tignan siya ng masama dahil hindi ko nagugustuhan ang tingin na pinapakita niya sa'kin.

"Naaawa ka ba?" seryoso kong tanong. Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang kamao ko, napansin ko lang ito nang lumipat doon ang tingin niya.

"Based on the bruises and scars on your body, hindi normal ang pagdidisiplina nila sa'yo..."

Hindi normal?

"Tumigil ka," galit kong sabi sa kaniya.

"Hobin, you're rude but you don’t cause trouble in our school like Joon. The truth is that you are a quiet and sensible, you just don't know how to be respectful," he said calmly.

"I took you to the seminar so you would know what can happen to a child when they experience parental abuse," he added.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa pagpipigil ng galit, "Are you saying I'm not normal?"

"Hobin, are you listening?" 

He didn’t answer my question so I repeated it again.

"Are you saying I'm not normal?"

( I spent a few minutes looking at the wall of our classroom where flowers and leaves were drawn, but I know I did better before they draw a new one.

"Kim Hobin!" Naputol ang tingin ko sa pader nang tawagin ako ng teacher ko. Tumayo ako sa upuan para magtungo sa table niya.

"Hobin, I won't check your work because you're not the one who did it." Kumunot ang noo ko sahil sa sinabi niya.

We passed our assignment but he didn't check mine while my other classmates already had scores.

"Are you saying I can't draw?" tanong ko sa teacher ko. Nakanguso pa ako habang sinasabi 'yon para ipakitang malungkot ako dahil ayaw niya lagyan ng score ang gawa ko.

"Hobin, you didn't even know how to write," sagot naman niya sa akin kaya ang pinapakita kong lungkot sa mukha kanina ay nawala.

"Ouch!"

"Oh my God! Teacher Molly, are you okay?!"

"Does it hurt?"

"Hobin, we will report you to your parents!"

Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko dahil hindi nila inasahan na magagawa kong saktan ang teacher ko.

"Hobin?!" Nilayo ni Teacher Molly ang kamay niya sa akin, nagdugo ito kaya naman agad niya itong pinunasan ng panyo, "After you wrote our whole classroom with a crayon and now you stabbed my hand with a ballpen?! Hindi ka pa ba nadadala na ilang beses na napapatawag ang magulang mo sa school?!" galit niyang tanong pero hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya.

I handed the red ballpen to her and laid my notebook back on the table, "Check it...mom and dad will get angry when I get zero."

Nakita ko ang takot sa mga mata ni Teacher Molly, nagtaka ako sa naging reaksyon niya dahil wala naman siyang dapat na ikatakot.

Why would she be afraid of a kid like me? I'll just want my assignment checked.

═════════•°•⚠•°•═════════

"I'm sorry for what my son did, I'll make sure it won't happen again." Yumuko si mom sa harap ni Teacher Molly, pinatawag sila sa school dahil sa ginawa ko. Naka-upo lang ako sa couch sa guidance habang nag-uusap sila tungkol sa akin.

"Ilang beses na kayo napapatawag dahil sa kagagawang ng anak niyo. I'm sorry to say this but it doesn't seem to be the right school for Hobin," sabi ni Teacher Molly dahilan para tumayo ng diretso ang mommy ko. Nasa gilid niya si dad na may kinakausap sa cellphone nito.

"Are you saying my son is not normal?" seryosong tanong ni mom.

"Yes madam, I don't want him to hurt anyone other than me. So, you'd better take him to a psychiatrist because his behavior is not normal for a six years old," matapang na sagot ni Teacher Molly.

Nakita kong napangisi si mom at nagbago ang expression niya, kanina ay mabait itong nakiki-usap sa teacher ko at principal pero ngayon mukhang na-trigger nila ang totoo niyang ugali.

"So, you're saying my son is not normal." Tumango si mom at tinignan ng masama si Teacher Molly, "Wanna play?" tanong niya bago ngumiti.

"Mukhang may pinagmanahan si Hobin," hindi makapaniwalang sabi ni Teacher Molly.

"What did you say?" Aktong susugudin ni mom ang teacher ko pero agad na pumagitna si dad mula sa kanilang dalawa.

"Sorry for the inconvenience, mas mabuting tayo na lang ang mag-usap tungkol sa ginawa ng anak ko." Yumuko si dad sa harap ng teacher ko bago lumingon kay mommy.

"Lumabas muna kayo ni Hobin, I'll take care of it," sabi ni dad kaya hinila na ako ni mom palabas ng guidance.

I dont know what they talked about but all I know is that a few days later Teacher Molly left school and a new teacher took her place. )

Lumabas na ako dala ang pagkain na inorder ko, ni-take out ko ito at iniwan si Mr. Han mag-isa sa restaurant. Sa susunod na ayain niya akong pumunta sa isang lugar ay hindi na ako sasama, madami akong naaalala dahil sa ginagawa niya and I hate it.

"Hobin!"

Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin, nakita ko si Mijin na tumatakbo palapit sa akin.

( "Are you saying I'm not normal?"

"Nakita kita na lumabas sa cr ng mga lalaki bago mapabalita na nabagok ang ulo ni Joon..." sabi ni Mr. Han gamit ang mahinang boses, para bang ayaw niya na mag makarinig nito, "...but I know you can't do that. You didn't do it, right?"

Sa hindi alam na kadahilanan ay huminahon ako bigla at tinitigan siya ng masinsinan, "Are you saying I'm not normal?" I asked him agad. I don't care what he says about Joon, I don't listen to what he says about it.

The only thing that stuck in my mind was that he took me to a seminar to let me know what was happening to a children who had a bitter experience with their parents.

"I don't know," sagot niya sa akin dahilan para paluin ko ang lamesa, nagulat siya at pinagtinginan kami ng ibang taong kumakain dahil sa ingay na ginawa ko.

"Calm down," bulong niya sabay hawak sa balikat ko. Pinikit ko ang mga mata ko para maging mahinahon.

"Pinagpartner mo ba kami ni Mijin dahil naaawa ka sa akin?" mahinahon kong tanong kahit gusto ko na mainis dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin.

"Siya ang may gustong maging partner ka," sagot ni Mr. Han. )

"Saan ka nanggaling?" tanong ni Mijin paglapit niya sa akin, "May malapit na park dito, gusto mong kainin natin ang mga pinamili ko?" Ngumiti siya at pinakita ang dala niyang plastic bag na may laman ng mga pinamili niya.

Tinignan ko lang siya at hindi sinagot, ayaw kong maka-usap siya kaya naman minabuti ko na lang na talikuran siya at magpatuloy sa paglalakad.

"Hobin," Huminto ako sa paglalakad dahil sa paghila niya sa akin sa braso, "may problema ba?" nag-aalala niyang tanong dahilan para mas lalo akong mainis.

Nilingon ko siya at nawala ang ngiti niya nang makita ang expression ko, "Don't touch me," iritado kong sagot. Binitawan niya ang braso ko at lumayo sa akin.

Tuluyan na akong naglakad palayo at iniwan siya doong nakatayo at nagtataka sa inasal ko. 

( “If you think someone who takes pity on you is nice, think again. Aren't you insulted?” )

I am insulted and I really hate it.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status