Share

Chapter 2: Stoic

Stoic is someone who doesn't seek sympathy.

═════════•°•⚠•°•═════════

Hobin's point of view

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa biglaang pagpunta ng homeroom teacher ko na si Mr. Han. Hindi ako maayos na nakatulog kagabi at hindi pa ako sigurado kung nakatulog ba talaga ako, pinilit kong bumangon para pagbuksan siya ng gate dahil walang tigil niyang pinipindot ang doorbell.

”Condolence, I know it’s hard to lose a parents,” sabi ni Mr. Han nang makapasok siya sa bahay namin, nasa likod niya ako habang pinagmamasdan niya ang malaking salang bumungad sa kaniya.

“What are you doing here?” tanong ko dahilan para mapalingon siya sa akin, kumunot ang noo ko dahil mukhang nagulat siya.

Napalunok siya bago ako hinarap, “A-Are you mad, Mr. Kim?” nauutal na tanong ni Mr. Han.

Nag-iwas ako ng tingin at umiling, “No.”

Tinignan ko siyang muli nang ngumiti siya at kinamot ang likod ng ulo niya, “I really have to get used to it, I need to take down that you don’t smile and you always look angry,” natatawa niyang sinabi.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako patungo sa sofa para umupo, sumunod siya sa akin pero nanatili siyang nakatayo sa gilid ko.

“Did you come here to apply to be a guard? Yeah, I'm alone but I don't need someone to watch over me,” sabi ko habang nakatingala sa kaniya.

“Ha? Hahaha.” Tumatawa siyang nagtungo sa isang upaun sa harapan ko, “It's not good when you just sit in another person's house without their consent, forgive me,” natatawa niyang sagot, nilapag niya sa lamesa ang bag niyang dala.

“Wala akong pakialam kung anong gawin mo dito, Mr. Han. Feel at home,” sabi ko kaya napangiti siya at tumango, “No one can bother you here, they are gone,” dagdag ko pa kaya naglaho ang ngiti sa labi niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil nag-iba siya ng expression.

“Hobin...” Napa-irap ako sa kawalan dahil naiinis akong marinig na nag-aalala ang boses niya, “Nais makiramay ng department natin, so I'm here to ask where will your parents be buried?” tanong ni Mr. Han, nararamdaman kong nag-iingat siya sa mga salitang binibitawan niya.

Department namin? Ibig sabihin lahat ng kaklase ko? Hibang ba siya?

“By the time the police have finished their investigation, I will have my parents cremated. No funeral will happen,” diretso kong sagot ko sa kaniya.

“Bakit naman? Ayaw mo bang makita ng matagal ang mga mukha nila?”

“Gastos lang 'yon and I don't have enough money besides that wala din namang magpupunta dahil matagal na kaming walang connection sa mga kamag-anak namin. It's not worth it.”

Tumango si Mr. Han at kinagat ang ibabang labi, thirty plus na siya pero kung umasta siya ay para siyang kpop idol na laging nag-a-aegyo sa harap ng camera. Madami ang mga students na may gusto sa kaniya dahil maganda siyang lalaki.

“Paano ka na niyan mabubuhay? No one will support you with your needs,” malungkot niyang sinabi. I get annoyed when someone takes pity on me but because he is my teacher I have to be calm.

“I can live on my own,” walang gana kong sagot.

Huminga siya ng malalim at binuksan ang dala niyang bag, may kinuha siyang puting sobre doon at inilagay sa harapan ko.

“What is that?”

“The help I got from your classmates. Accept it, it's just a small amount.” Inusod ni Mr. Han ang sobre para ilapit sa akin.

Hindi ko ito kinuha, “I don't need that and I don’t accept small amounts,” seryoso kong sagot bago sumandal sa sofa.

Ngumiti si Mr. Han kahit hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, “Ten thousand ang nasa loob Hobin, tanggapin mo na.” Nawawala ang mata niya dahil sa ngiti niya lalo pa ngayong pilit siyang ngumingiti sa harapan ko.

“I don't need it. Take that, before I tear it in front of you Mr. Han,” mahinahon kong sagot.

Nagtaas siya ng dalawang kamay bago ibalik ang sobre sa bag niya.

“I'm not asking for help so don't bother and have no pity on me, it sucks.”

Tumango siya at ngumiti.

“Salamat sa pagpapatuloy sa akin, Hobin. Sana ay ayos ka lang at makabalik ka na agad sa school,” sabi ni Mr. Han pagkahatid ko sa kaniya sa gate namin. Pagkatapos ng ilang oras na usapan ay nagpasya na siyang umalis.

Tumango lang ako sa kaniya kaya pumasok na siya sa kaniyang kotse, pinagmasdan ko 'yon hanggang umandar ito paalis sa tapat ng bahay namin.

Sinara ko ang gate at pumasok na ulit sa loob, balak kong pumunta sa abogado ng mga magulang ko kaya nag-ayos na ako ng sarili para makaalis. Pagkababa ko sa sala galing sa kwarto ay may napansin ako sa sofa na inupuan ni Mr. Han.

“Tch.” Hindi ako makapaniwalang iniwan niya dito ang envelope na may lamang pera. Binitawan ko 'yon kaya nahulog sa sofa, lumabas na ako ng bahay para magtungo sa office ng abogadong pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko about their legacy.

“Sad to say but Hobin walang ibang iniwan sa'yo ang mga magulang mo, maliban sa baseball bat na ito...”

Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig ko. Pinakita niya sa akin ang baseball bat na pamilyar sa akin.

“...ang lahat ng perang naipon nila ay kay Yui ipinamana pero dahil maaga itong nawala sa mundo at may malaking utang na naiwan ang ama mo, kailangan itong ipambayad para wala ka ng isipin.” 

Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang galit para sa kanila. Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito?

“It’s okay Hobin, napakaimportante ng baseball bat na ito sa daddy mo. Lagi niyo daw itong nilalaro noon nung three years old ka pa lang-”

Hindi ko na siya pinakinggan at umalis na lang ako sa opisina niya dala-dala ang baseball bat na tanging pamana ng mga magulang ko sa akin.

“F*ck!” sigaw ko nang makarating ako ng bahay. Hinampas ko ang baseball bat na dala sa malaking litrato naming pamilya na nakalagay sa sala.

Nagagalit ako, sobrang galit ang nararamdaman ko. Ganito din ang naramdaman ko nang makitang patay ang mga magulang ko.

“F*ck this life! Bakit nga ba binuhay niyo pa ko?!” sigaw kong tanong sa litrato namin na basag na ang salamin. Tinanggal ko ‘yon sa pader at tinapon sa lapag dahilan para magkalat ang mga bubog.

“Kasalanan niyong lahat 'to!”

Pinalo ko pa ng ilang beses ang litrato sa sobrang galit.

“Wala akong kasalanan! Kayo ang may gawa ng lahat ng ito! Wala akong kasalanan-” 

Napahinto ako nang makita ang batang si Hobin sa litrato, ang batang ako.

“Wala kang kasalanan,” sabi ko sa sarili ko, wasak-wasak na ang litrato kung saan naroroon kaming apat.

( “Ang lahat ng perang naipon nila ay kay Yui ipinamana pero dahil maaga itong nawala sa mundo...” )

Nalipat ang atensyon ko sa batang babaeng katabi ko sa litrato.

“Yui...”

Nag-alab ang galit sa puso ko, nag-igting ang panga ko at humigpit ang hawak ko sa baseball bat habang tinitignan ang matamis na ngiti ng kapatid ko sa litrato.

I deserve what I'm going through, what right do I have to complain if I have killed someone?

( “I will take care of Yui,” sabi ko sa mga magulang ko bago sila umalis, may pupuntahan sila at kami lang ang maiiwan ng kapatid ko sa bahay. Bilang isang nakakatandang kapatid kailangan kong alagaan ang kapatid kong mas bata sa akin. Nangako ako, hinding-hindi ko papabayaan ang kapatid ko. 

“Kuya…” Nilingon ko si Yui nang tawagin niya ako, umupo ako sa gilid ng kama niya kung saan siga nakahiga.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ‘yon sa noo niya, “I’m sick.” Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong nararamdamang init.

“Don't worry, I’ll call mom and dad.” Lumayo ako sa kaniya para magtungo sa landline namin, pipindot na sana ako ng numero pero naalala kong hindi ko nga pala kung paano sila matatawagan.

Bumalik ako sa kwarto ni Yui at nagtungo sa isang cabinet para kunin ang gamot niya, ako na mismo ang nagpa-inom sa kaniya dahil wala naman ibang gagawa nito bukod sa akin. 

Ginaya ko lang ang ginagawa nila kapag may sakit si Yui pero ang sabi niya masama pa din ang pakiramdam niya kaya pina-inom ko pa ulit siya, hanggang sa na-ubos niya ang laman ng bote ng gamot niya.

Paglipas ng ilang minuto ay biglang bumula ang bibig niya, hindi ko alam ang gagawin kaya pinunasan ko lang ang mga tumutulong bula.

“It's okay, Yui,” sabi ko habang seryoso siyang tinitignan.

Yui will recover, I promised to take care of her so I just did the right thing.

“Pinainom ko siya ng gamot, she's sick,” paliwanag ko kala mommy na nasa tabi ni Yui na nakahiga sa kama niya. Kinumutan ko pa nga ang kapatid ko dahil sobrang lamig niya.

“Tumawag ka sa hospital!” sigaw ni mom kay dad na natataranta habang pumipindot sa cellphone niya. 

“Anong ginawa mo, Hobin?!” galit na tanong ni mommy.

“Yui, baby. Mommy's here, wake up,” sabi niya kay Yui pero hindi siya umiiyak. Nagagalit siya sa akin dahil sa nangyari pero walang luhang lumalabas sa mga mata niya.

Dumating ang ambulance at sinakay si Yui doon, huli ko na narealize ang nangyari.

“You killed your sister, you demon!” sigaw ni mommy sa akin dahil sa sobrang galit habang nasa funeral kami. Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

“I-I’ve done nothing wrong. I just did what I said, I’ll take care of her,” inosente kong sagot sabay punas sa luhang sunod-sunod na tumulo sa pisngi ko.

Hindi ako nasasaktan sa ginagawang pananakit sa akin ng mga magulang ko, pero sobra ang nararamdaman kong sakit ngayon at hindi ko kayang tignan si Yui habang nakahiga na walang buhay. 

“She was overdose, Hobin! Do you know that?! It’s your fault! Wala ka ng ginagawang tama! Sana hindi ka na lang nabuhay! Bakit ba pinanganak pa kita?!” sigaw sa akin ni mommy, pinipigilan siya ni daddy na saktan ako dahil maraming tao at nakatingin sa sila sa amin lahat. 

Hinila ako ni daddy sa isang sulok kung saan walang makakakita at doon ako sinampal ng dalawang beses sa magkabilang pisngi.

Lumuhod ako para ipakitang nagsisisi ako dahil kapag wala akong ginawa patuloy niya akong sasaktan kahit wala naman akong nararamdaman sa kahit anong pananakit niya. )

Napaupo ako at nabitawan ang baseball bat dahil sa panghihina nang maalala ang nangyari noon, eleven years na ang nakakalipas pero malinaw pa din sa ala-ala ko ang nangyari. Walang gabi ang lumilipas na hindi ko naaalala ang mga nagawa ko.

Five years old pa lang noon si Yui nang bawian ko siya ng buhay habang ako nabubuhay pa din sa mundong ito.

I want to feel pain.

I want to experience being hurt.

Kinuha ko ang bubog na gawa ng pagpalo ko sa salamin at ginamit 'yon na panglaslas malapit sa pulso ko, madaming hiwa na ang nagawa ko pero bigo akong maramdaman ang sakit na matagal ko na gustong maramdaman.

I was hurt when my sister died but I felt that pain emotionally, t*ngina why can't I feel pain physically?

Sinubukan kong laslasin ang leeg ko, siguradong hindi lang sakit ang mararamdaman ko. Kahit anong oras pwede kong kitilin ang buhay ko tutal wala na din naman dahilan para mabuhay ako sa mundong 'to.

Wala naman talagang dahilan kung bakit ako nabubuhay.

Tumulo ang dugo mula sa leeg ko nang idiin ko ang bubog dito, I was about to end my life but suddenly someone called on the telephone.

Hindi ko alam kung bakit binitawan ko ang bubog at tumayo ako para sagutin ang tawag na 'yon.

“Kim Hobin?” tawag ng boses ng babae sa kabilang linya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko siya kilala at wala naman ako sa mood para tanungin kung bakit siya napatawag.

“Hobin, ako 'to si Lee Mijin.” Pagpapakilala niya sa sarili niya.

Mijin? I still don't know her.

“Uhm...I'm your classmate.”

“What do you need?” walang gana kong tanong. I didn’t know some of my classmates because I didn’t care about those around me, may iilan akong kilala dahil sila mismo ang nagpakilala ng sarili nila sa akin pero hindi sa maayos na paraan.

“N-Napatawag ako para sabihin na partner kita sa paggawa ng research, uhm condolence nga pala-”

“Research?” tanong ko kaya natigil siya sa pagsasalita. Hinagod ko ang buhok ko dahilan kaya bumagsak ang bangs sa mata ko.

“Oo, by partner 'yon at ikaw ang napili ko.”

I don’t know if I’ll be happy or annoyed. Does she feel sorry for me?

“Magsimula tayo next week para sure na papasok ka na sa school.”

“Ikaw ang bahala.” Napatingin ako sa tiles namin na tinutuluan na ng dugo na galing sa pulso ko.

“Nga pala...kay Mr. Han ko nakuha ang landline niyo...uhm ‘yun lang.”

“Ibaba mo na.”

“Ah oo sige, goodnight. B-Bye!”

Natapos ang tawag at naisip ko kung ano ang ginagawa niya ngayon, naririnig ko sa boses niya na nahihiya siya nang tinawagan niya ako. 

Binaba ko na rin ang telepono at tinignan ang gulong nagawa ko sa sala, nawala na sa isip ko ang balak kong pagpapakamatay.

I just found myself cleaning the broken picture frame, I had no intention of returning it so I decided to just throw it away then I treated my hand after I had attempted to just end my life.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status