Share

Chapter 1: Interview

Interviews are used in an investigation to gather information by asking questions and allowing the witness to supply the evidence.

Interrogation are designed to extract confessions where police already have other concrete evidence connecting the suspect to the crime.

═════════•°•⚠•°•═════════

Wala sa sarili si Hobin habang nakatayo sa malaki nilang pintuan, nakatulala siya sa mga damo sa bakuran nila habang may mga tao ang nakapalibot dito at nakikibalita.

May nakalagay na police tape sa paligid ng bahay para walang makapasok at makagulo ng crime scene.

Hindi inalis ni Hobin ang tingin sa lupa kahit dumaan na sa gilid niya ang bangkay ng magulang niya, nakahiga ito sa stretcher board at may nakatakip na puting kumot sa buong katawan.

"Excuse me..."

Nilingon ni Hobin ang isang detective na nasa likod niya, sinakay na sa ambulance ang dalawang katawan para dalhin sa morgue.

"Kailangan ka namin makuhaan ng statement, sumama ka sa amin sa police station," sabi ng detective. Walang pag-aalinlangan naman na sumunod dito si Hobin, nanatili siyang walang imik hanggang sa makarating sila ng police station.

"Nagtanong kami sa mga tao kung may naka-witness sa nangyaring krimen, malayo ang bahay niyo sa ibang bahay at tahimik sa lugar kaya wala kaming nahagilap na witness," sabi ng detective habang naglalakad papunta sa interrogation room.

"Anak ka ng mga biktima at kakauwi mo lang sa school nang makita mong wala na silang buhay?" tanong ng detective kahit hindi pa sila tuluyan nakakaupo.

Umupo muna si Hobin sa harap ng lamesa bago tumango.

"Paanong kakauwi mo lang galing school ay nakapagpalit ka na agad ng damit pang bahay?" tanong pa nito, "May gana ka pa magpalit pagkatapos mong makitang walang buhay ang mga magulang mo?

"We don't use uniforms in our school, they letting us to wear what we want. Students don't like uniforms, they are ugly, uncomfortable and expensive," walang ganang sagot ni Hobin. Wala siyang emosyon na pinapakita.

Napaayos ng upo ang detective, "May chef knife na nakita sa crime scene. Nasa kusina sila kaya madali itong nakuha para gamitin sa pagpatay." 

Nakatitig lang sa kaniya si Hobin na parang walang balak magsalita.

"Naabutan ito sa tabi ng ama mo at sa mga oras na 'to ay ina-identify na ang fingerprints na nandoon, hindi pa alam kung ano ang ikinamatay nila pero kapag lumabas na ang resulta ng autopsy doon pa lang namin malalaman. Kung papayag ka na ipa-autopsy ang mga magulang mo."

Tinitigan siya ni Hobin bago tumango, "Papayag ako."

"Good." Tumango ang detective at may nilabas na notebook at ballpen, "Magbigay ka ng nalalaman mo para makadagdag sa paglutas ng krimen. Maaaring ang ama mo ang pumatay sa iyong ina at siya rin mismo ang pumatay sa sarili niya pero pwede din na may ibang tao sa likod nito."

Napangisi si Hobin at humalukipkip, "Ang likot talaga ng utak niyo, ang dami niyong alam," sabi niya sa detective.

Tumango ang detective na para bang ni-take niya 'yon as a compliment, "Kailangan 'yon para malutas ang krimen, bakit ka nga pala puro pasa sa mukha?" tanong nito sabay turo sa mukha ni Hobin na puro pasa at band aid.

Natahimik si Hobin nang may marinig na boses.

( Wala ka ng nagawang tama!

Sana hindi ka na lang nabuhay!

Bakit ba pinanganak pa kita?! )

Parents should only hurt their child if it does something wrong.

No.

They shouldn't hurt their child even if it did something wrong because discipline is not about beating...

...but my mom didn't know that. She has her own world and she's free to do whatever she wants.

( Napatingin ako sa isang bata na tinawag ng kanyang ina, pinunasan ng ina ang likod ng bata para mawala ang pawis nito na nakuha dahil sa paglalaro. Ang isang bata naman ay tinutulak pa ng kanyang ama sa isang swing at may iba na masasayang nag-uusap habang kumakain ng ice cream.

Why do they do that to their children? Is that what parents supposed to do with their child?

Nilapitan ko ang mag-ina sa bench para magtanong, nahinto ang ina ng bata sa pagpupunas sa pawis nito dahil sa paglapit ko. Ngumiti siya sa akin habang ako ay nakatitig lang sa kaniya ng matagal.

“What do you need?” tanong niya sa akin dahil hindi ako nagsasalita, nakangiti pa din siya kahit alam kong awkward na ang sitwasyon para sa kaniya.

“Uhm...gusto mo?” May kinuha sita sa hand bag niya at nilahad sa harap ko ang isang lollipop.

“Masarap ‘yan, favorite flavor ko. Gusto mo bang maglaro tayo ng habulan?” tanong ng anak niya sa akin, hindi ko ito pinansin at tinignan ko lang ang lollipop na nasa harap ko.

“Are you beating him?” tanong ko sa babae na ikinagulat niya, tinignan ko siya at hindi tinanggap ang inaalok niya.

“Huh?” Dahil sa gulat ah nagdalawang isip pa siyang sagutin ako, binaba niya ang kamay niya at nag-isip ng isasagot, “I don't beat my son but I scold him when he did something bad. Why did you ask?”

“My mom should only hurt me...when I did something wrong?” Napatingin ako sa ibang bagay habang nakanguso. 

“Is your parents hurting you?” Naagaw niya muli ang atensyon ko nang hawakan niya ang kamay ko, pinagmasdan niya ang mga pasa at sugat ko gamit ang nag-aalala niyang mata.

Binawi ko ang kamag ko at tinignan siya ng masama, “Don't feel sorry for me.”

“Bin!” Agad akong lumingon nang marinig ang boses na ‘yon. Nakita ko ang mommy ko na tumatakbo papunta sa akin, nakikita ko ang pagkainis sa mukha niya nang hilahin niya ako pauwi.

[ “A woman was found dead in a house in Sujeong-Do. It was allegedly overdosed based on illegal drugs strewn on the floor-” ] 

Pinatay ni mommy ang television pagdating sa namin sa bahay.

“Sobrang laro ng nilakad ko para lang puntahan ka! Anong sabi ko sa’yo? H'wag kang lalabas, hindi ba?!” Nais kong magtakip ng tenga dahil sa ingay ng boses niya.

Matapos sigawan ay tinulak niya ako kaya napa-upo ako sa sahig.

The woman said that she only scold her son when it does something bad. I just went out to play and to have fun but why is she mad?

Hindi ko siya maintindihan, lahat ng galaw ko ayaw niya at lagi niya akong sinasaktan pero wala akong nararamdaman sa kahit anong pananakit niya kaya tumayo na lang ako at yumuko.

“You're so stubborn! Bakit ba kita pinanganak?!”

Pagkatapos niyang i-lock ang pinto ng bahay ay nagtungo siya ulit sa akin. Hinila niya ako at pinagpapalo sa likod. Sobrang lakas ng nililikhang ingay ng pagpalo niya pero wala akong maramdaman at wala din siyang nararamdamang awa para sa akin.

“You have no rights to go outside, no rights to play, no rights to do what you want. You should be thankful tinanggap pa kita sa lahat ng nagawa mo!”

Iniwan niya ‘kong nakaluhod sa sahig.

Minsan pinipilit ko na lang talagang maiyak para sana maawa siya, kapag hindi ko kasi ‘yon ginagawa hindi niya ako tinitigilan. )

Galit siya sa akin simula bata hanggang maging binata ako. She don't like my whole existence.

( “Where's my money?!” galit na tanong ni mommy pagka-uwi ko galing sa school.

“I don't know,” mahinahon kong sagot kahit niyuyugyog niya ako at kinapkapan para makita ang hinahanap niya.

“Ninakawan mo na naman ako ng pera! Gusto mo na naman bang makatikim sa daddy mo?!” Napapikit ako ng madiin dahil sa sigaw niya.

Dinilio ko ang mga pagod kong mga mata at tinignan siya, “I don't have a choice and rights to do what I want. Sanay na akong magulpi, hindi ko din naman ‘yon nararamdaman.” Hindi ko inaasahang masasabi ko ‘yon sa kaniya.

“What did tou just say?!” Hinawakan niya ako sa damit ko dahil sa galit at dahil hindi siya makapaniwalang sasagutin ko siya.

“Hindi ko inaasahang magpapalaki ako ng isang halimaw, araw-araw mo na lang akong pinapatay sa sakit, Hobin!”

“You should be thankful, you're still alive.” 

Wala akong nararamdaman na kahit ano at ganun din siya sa akin, wala siyang awa at ako naman ay walang pakialam.

“Ginawa namin lahat para sa’yo! Ginawa na namin lahat para mapabuti ka, bakit sakit ang binabalik mo sa amin?”

Anong pinagsasasabi niya?

Pinalo niya ako sa d****b para mailabas ang galit niya, hinahayaan ko lang siyang gawin ‘yon sa akin dahil nasanay na din naman ako simula bata pa lang.

Hindi ko na siya sinagot, pinagmasdan ko lang siyang mapagod kakapalo sa akin.

“Hindi ka namin anak, wala akong anak na demonyo!” sigaw ng mommy ko, binitawan niya ako at lumuhod siya dahil sa pagod. Pinagmasdan ko lang siya habang nagwawala siya sa harapan ko, sumisigaw siya at pinapalo ang sahig.

Hanggang sa dumating si daddy at sinuntok ako sa mukha, nawalan ako ng balanse pero hindi ko na binalak na tumayo pa.

Tumitig ako sa kisame habang si dad ay dinamayan ang asawa niya para maging mahinahon ito, huminga ako ng malalim at bumangon galing sa pagkakahiga. Hinawakan ko ang labi ko at nakitang nagdudugo ito.

“Tch.” Naagaw ko ang atensyon nila, nang marinig ‘yon ni dad ay sinamaan niya ako ng tingin.

“Marami akong naging kasalanan kaya niyo ako sinasaktan...” Dinilaan ko ang ibabang labi ko at tumingin sa kanila, natahimik silang dalawa para abangan ang susunod kong sasabihin, “...madami din kayong kasalanan.”

“What do you want to say?” Tumayo si dad at kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang d****b, “Lumalaban ka na sa amin?!” galit niyang tanong.

Ilang minuto ko siyang tinignan bago umiling. Hindi siya nakuntento sa sagot ko kaya nilapitan niya ako at sinuntok ng paulit-ulit habang nakikita ko ang sarili kong ina na mukhang nasasayahan sa kanyang nakikita. )

"Bakit ka puro pasa sa mukha?" tanong ulit ng detective dahil hindi siya pinansin ni Hobin.

Sumandal ang binata sa upuan at tinignan siya gamit ang mapupungay na mata, "My dad is aggressive when he's drunk."

Tumango ang detective para ipakitang nakikinig siya.

"My mom is irresponsible, she's always violating the rights of others." Huminga ng malalim si Hobin at pinaglaruan ang mga daliri niya, "They always fighting. Mom isn't contented with what she has, dad always hurts her when he caught it with another man." Ngumuso siya na parang batang paslit na nagkikwento.

"Sa akin binabaling ni mom ang lahat ng galit niya. She hits me every time, anywhere." Tinuro ni Hobin ang mukha niya at tumingin sa detective, "Nasagot ko ba ang tanong mo?"

Tumango naman ang detective.

"I can't blame my Dad if he really killed my mom." Nag-iwas ng tingin si Hobin at nanliit ang mata niya na para bang may inaalala, "Bago ako pumasok ng school nag-aaway sila at hindi ko inaasahang pag-uwi ko ganito ang maaabutan ko." Dinilaan ni Hobin ang ibaba niyang labi bago yumuko, nilalaro niya ulit ang mga daliri niya.

"Lagi kang sinasaktan ng mga magulang mo, hindi kaya ayon ang nag-udyok sa'yo na-" 

Inunahan na ni Hobin ang detective sa balak niyang sabihin kaya natahimik ito.

"Patayin sila?" Tinaas niya ang kilay habang nakatingin sa detective, "Bakit may ebidensiya ka?" 

Kung kanina ay seryoso ito ngayon mas lalo itong naging seryoso, "Are you accusing me that's why you brought me here to the interrogation room?" 

Umiling ang detective at ngumiti, "We just did an interview. Salamat sa cooperation mo, maaari ka na umuwi. Ipapa-autopsy namin ang mga labi ng magulang mo para malaman ang kinamatay nila." 

Umirap si Hobin bago lumabas ng police station.

Pinagmasdan niya ang malaking bahay nila nang makauwi siya, gabi na siya umuwi kung kailan tapos na sa pag-iimbestiga ang mga pulis. Tahimik na muli ang paligid nila dahil wala na ang mga taong nakikibalita kanina pati na din ang ingay ng mga police mobile na nagpunta para alamin ang nangyaring krimen.

Mabagal siyang naglakad patungo sa gate at binuksan 'yon, tinanggal niya ang police tape na nakaharang sa dadaanan niya bago buksan ang pinto ng bahay nila. Huminto siya sa paglalakad at pinagmasdan ang kusina kung saan niya nakita ang mga magulang niyang nakahiga at puno ng dugo sa katawan.

Wala siyang naging reaksyon o emosyon kahit malinaw pa sa alaala niya ang itsura nang matagpuan niya ang mga ito na walang buhay, huminga lang siya ng malalim at tuluya nang humakbang sa hagdan paakyat sa kwarto niya. 

Hinayaan niyang bumagsak ang katawan niya sa kanyang kama at tumitig siya sa kisame. Hindi niya maalis sa isipan ang nakita niya kanina, kahit saan siya tumingin ay nakikita niya ang mga katawan nito. Pumikit siya at kinagat ng madiin ang kanyang labi.

( Kasalanan nila kung bakit sila humantong sa ganito. )

Kahit sa pagpikit niya ay hindi mawala ang mga nakakalat na dugo, dumilat siya habang mabilis ang kanyang paghinga. Taas-baba ang galaw ng kanyang d****b at nag-iigting ang kanyang panga.

( Kasalanan nila ang lahat ng ito simula pa lang.)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status