"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Anak, hindi mo naman kailangang umalis. Dito ka na lang kasama ang mga kapatid mo. Hindi ka ba natatakot sa lugar na pupuntahan mo? Alam naman nating delikado sa Maynila. Paano na lang kung may mangyaring masama sa iyo?" nag-aalalang wika ni mama sa akin habang abala ako sa pag-iimpake ng kaunting damit.Hindi ko siya tiningnan dahil sa kalagayan niya. Masiyado na siyang maraming sakit na iniinda. May mga kapatid pa akong nag-aaral, at alam ko naman na kulang pa ang kinikita ko rito sa lugar namin bilang labandera. Baka nga pumasok na lang ako bilang katulong o 'di kaya'y labandera na lang din."Masaya sa Maynila 'Ma. Maraming tao roon. Tapos sabi pa ng ibang kakilala ko, malaki raw kita roon 'Ma. Magpapadala naman po ako kapag may suweldo agad ako. Tapos ayaw ninyo 'yon? May makakain na kayo? Hindi na tayo mababaon sa utang. Hindi na kayo kakain ng sardinas," pagpapakalma ko kay mama na gustuhin mang tumayo ay hindi niya magawa
Kinabukasan ay hindi na ako makapaghintay lalo na't unang araw ko sa paghahanap ng trabaho. Iilan lang naman ang papeles na dadalhin ko dahil hindi naman ako 'yong tipong nakapagkolehiyo. Nakatapis lamang ako ng tuwalya dahil kanina pa tinititigan ni Jona ang katawan ko. Kailangan daw kasi, kahit sa pananamit ay ma-impress ko sila."High school graduate lang ako Jona. Hindii naman ako tatanggapin sa mga matataas na posisyon kahit maganda ang ipa-suot mo sa akin," bulong ko habang abala siya sa pagkuha ng damit sa sulok ng kaniyang kabinet."Kahit na. At saka rito sa Maynila, madaya rito. Minsan kung sino pa ang mga magaganda o mapipera sila pa ang nabibigyan ng magandang oportunidad, hindi mo naman kailangan magbanal-banalan dito, Ada. Kailangan mo ng diskarte kung gusto mong mabuhay," mahabang litanya nito saka bumaling sa akin at ngiting idinikit sa aking katawan ang damit na iyon. "Whoah! Ito na lang!"
Nakangiting tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakasuot lang ako ng tipikal na pantalon at puting t-shirt. Itinali ko na lang ang aking buhok dahil hindi naman ako masyadong mahilig na ilaylay ang buhok ko dahil sa mahaba ito at mainit sa pakiramdam. Ayoko namang pagupitan dahilbaka magtampo.Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali na akong bumaba para naman makapagluto na dahil gising na rin ang iba. Hindi pa naman ako nakakapagbayad ng upa dahil wala pa akong trabaho, kaya bilang ganti ay ako na ang kumikilos sa gawaing bahay. Hindi rin naman ako nag-iisa dahil kasama ko lagi si Jona. Dalawang linggo din kasi siyang suspended dahil sa pagtusok niya ng tinidor sa isang costumer na sinasayawan niya noon, hinipuan daw siya sa bandang ibaba niya kaya niya iyon nagawa. Hanggang sayaw lang naman daw siya at kung kailangan talagang gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari, ay doon niya lang ginagawa. Kaya pala panay ang pagpap