His Innocent Courtesan

His Innocent Courtesan

By:  Ms. Caffeine  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
56Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Gusto lang naman ni Adaline na maging maayos ang buhay. Ngunit dahil sa labis na kahirapan na kaniyang kinamulatan, kailangan niyang tanggapin ang reyalidad. Nakipagsapalaran ito sa syudad ngunit alam niya na walang tatanggap sa kaniya dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa isang alok ng isang babaeng kagaya niya na nagmula rin sa hirap ay sinikmura niya itong tanggapin, alang-alang sa pamilyang pinangakuan niyang bibigyan niya ng magandang buhay. Labag man sa kalooban niya na gawin iyon ay wala na rin siyang ibang ginawa kundi mahalin ang trabaho; ang pasiyahin ang mga kalalakihan gamit ang kaniyang katawan. Dumating ang isang lalaking tinanggap siya sa kahit na gano'n ang kaniyang trabaho, itinuring normal kahit na maruming bagay ang tingin sa kaniya. Ngunit hindi sinasadyang nagdalang-tao ito at sigurado siya kung sino ang ama ng bata. Pero paano? Paano niya sasabihin sa taong iyon? Paano kung hindi maniwala ang lalaking iyon? Gagawin niya kaya ang panibagong kasalanan? o paninindigang mag-isa ang batang nasa sinapupunan?

View More
His Innocent Courtesan Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Shika Maru
Ito na! Inabangan ko ito author eh. Thank you!
2022-04-15 10:13:28
1
56 Chapters
Kabanata 1
"Anak, hindi mo naman kailangang umalis. Dito ka na lang kasama ang mga kapatid mo. Hindi ka ba natatakot sa lugar na pupuntahan mo? Alam naman nating delikado sa Maynila. Paano na lang kung may mangyaring masama sa iyo?" nag-aalalang wika ni mama sa akin habang abala ako sa pag-iimpake ng kaunting damit.  Hindi ko siya tiningnan dahil sa kalagayan niya. Masiyado na siyang maraming sakit na iniinda. May mga kapatid pa akong nag-aaral, at alam ko naman na kulang pa ang kinikita ko rito sa lugar namin bilang labandera. Baka nga pumasok na lang ako bilang katulong o 'di kaya'y labandera na lang din.  "Masaya sa Maynila 'Ma. Maraming tao roon. Tapos sabi pa ng ibang kakilala ko, malaki raw kita roon 'Ma. Magpapadala naman po ako kapag may suweldo agad ako. Tapos ayaw ninyo 'yon? May makakain na kayo? Hindi na tayo mababaon sa utang. Hindi na kayo kakain ng sardinas," pagpapakalma ko kay mama na gustuhin mang tumayo ay hindi niya magawa
Read more
Kabanata 2
Kinabukasan ay hindi na ako makapaghintay lalo na't unang araw ko sa paghahanap ng trabaho. Iilan lang naman ang papeles na dadalhin ko dahil hindi naman ako 'yong tipong nakapagkolehiyo. Nakatapis lamang ako ng tuwalya dahil kanina pa tinititigan ni Jona ang katawan ko. Kailangan daw kasi, kahit sa pananamit ay ma-impress ko sila.  "High school graduate lang ako Jona. Hindii naman ako tatanggapin sa mga matataas na posisyon kahit maganda ang ipa-suot mo sa akin," bulong ko habang abala siya sa pagkuha ng damit sa sulok ng kaniyang kabinet.  "Kahit na. At saka rito sa Maynila, madaya rito. Minsan kung sino pa ang mga magaganda o mapipera sila pa ang nabibigyan ng magandang oportunidad, hindi mo naman kailangan magbanal-banalan dito, Ada. Kailangan mo ng diskarte kung gusto mong mabuhay," mahabang litanya nito saka bumaling sa akin at ngiting idinikit sa aking katawan ang damit na iyon. "Whoah! Ito na lang!"  
Read more
Kabanata 3
Nakangiting tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakasuot lang ako ng tipikal na pantalon at puting t-shirt. Itinali ko na lang ang aking buhok dahil hindi naman ako masyadong mahilig na ilaylay ang buhok ko dahil sa mahaba ito at mainit sa pakiramdam. Ayoko namang pagupitan dahil baka magtampo.  Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali na akong bumaba para naman makapagluto na dahil gising na rin ang iba. Hindi pa naman ako nakakapagbayad ng upa dahil wala pa akong trabaho, kaya bilang ganti ay ako na ang kumikilos sa gawaing bahay. Hindi rin naman ako nag-iisa dahil kasama ko lagi si Jona. Dalawang linggo din kasi siyang suspended dahil sa pagtusok niya ng tinidor sa isang costumer na sinasayawan niya noon, hinipuan daw siya sa bandang ibaba niya kaya niya iyon nagawa. Hanggang sayaw lang naman daw siya at kung kailangan talagang gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari, ay doon niya lang ginagawa. Kaya pala panay ang pagpap
Read more
Kabanata 4
"Okay! Tapos na ako!" masayang sabi ko nang sa wakas ay malinis na ang buong floor sa pinakataas. Inayos ko na ang mga gamit para makababa na ngunit hindi ko maiwasang matakot, dahil ngayon ko lang nakita na ako na lang ang tao sa floor na ito. Mas lalo akong napakapit nang magpatay ang ilaw dahilan para wala akong makita. Pinilit kong kapain ang selpon ko na keypad lang at saka nagmadaling binuksan ang flashlight. "May tao ba riyan? Nandito pa po ako," nangangatal na sabi ko habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng hallway. Sanay ako sa madilim, pero natatakot ako sa mga naiisip ko na baka may makita akong kung ano, o kaya baka sarado na ang kumpanya at hindi ako makalabas. Pinilit kong lakasan ang loob ko para lang makarating sa gitna at gumamit ng elevator. Iyon nga lang ay baka hindi 'yon gumana dahil walang kuryente rito sa itaas. Ngunit gano'n na lang ang paghinto ko sa paglalakad nang marinig ko ang pagsara ng pinto malapit sa aki
Read more
Kabanata 5
Halos kalahating buwan din ang lumipas, normal naman ang mga nangyari. Medyo kilala na rin ako ng mga taong nasa mataas na floor dahil doon ako nagtatrabaho, kaya mas malaki ang tyansa na madalas nila akong utusan na hindi naman masyadong nadadamay ang trabaho ko. Naging mabait naman sa akin ang iba, 'yon nga lang ay grabe naman magsalita ang ibang mga babae roon kapag nagkakamali ako o 'di kaya'y naguguluhan. Buti pa 'yong mga lalaki, mababait sa akin, parang salungat sa mga sinasabi nila Jona. Napangiti na lang ako nang maibigay ko na ang kape sa mga kaibigan ni Ma'am Alora, ako na rin kasi ang madalas na utusan ni Ma'am Alora, at siya pa ang nagtatanggol sa akin, sobrang bait niya at minsan ay nagkukwento pa siya tungkol sa kaniyang buhay. "Salamat, Ada, kumain ka na rin," ngiting sabi nito na tinanguan ko. "Sige po. Una na po ako, sir," pagpapaalam ko saka umalis sa harapan nila. Marami kasi ang nag-over time dahil may mga meeting pa sila,
Read more
Kabanata 6
Wala sa sariling nginunguya ko ang sabaw na hindi naman dapat. Nakurot ko pa nang kaunti ang aking pisngi dahil napapadalas ang aking pagiging tulala. Inis na ibinaba ko ang kutsara at saka muling tinitigan ang sarili sa kaharap kong baso kung saan kitang-kita ko ang aking repleksyon. Bakit ko ba kasi naiisip 'yong kanina?! Dapat kasi hindi na ako pumunta roon, e. Hindi pa naman ako mabilis makalimot sa mga nakikita ko sa paligid ko. Pero ewan ko ba, wala naman akong dapat na pakialam sa ginagawa nila ate kanina pero naaapektuhan ako. May kung ano sa akin na para akong kasama roon."Ada, nandito na ako," isang boses na nagmumula sa sala kaya ako napa-angat ng tingin. Hindi ko alam kung bakit una kong tiningnan ang suot ni Jona, kahit na madalas naman niyang suot iyon. Tumaas ang kilay niya kaya ako napangiti at ininom agad ang sabaw na niluto ko kanina. "So anong ginagawa mo kanina sa club? Ayan Ada, ah!" Panlalaki nito ng kaniyang ma
Read more
Kabanata 7
Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga kuwento ni Jona sa akin tungkol kay Emy, na buntis nga ito dahil sa kung sinong lalaking nakasama niya. Walang ideya si Emy dahil marami siyang lalaking nakakasama at aminadong lasing minsan sa tuwing nangyayari ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang maawa kay Emy, normal na pala iyon sa kanila na may nabubuntis at kung minsan ay winawakasan nila ang buhay ng bata. Hindi ko alam kung may buhay na ba ang dugo. Kaya ipinaglalaban nilang ayos lang sa kanila na ipalaglag iyon, dahil wala pa namang muwang at alam.Ang hirap malaman kung ano nga ba ang totoo. Hindi ko alam kung saan makikinig dahil parehas na mayroong dahilan. "Basta, huwag na tayo mangi-alam, okay naman na, e. Nakapagdesisyon na siya, malalaki na tayo Ada, e, kaya alam na natin ang tama sa mali. Alam na natin kung anong pipiliin natin, kung mangyari man ang bagay na hindi naman sinasadya, pananagutan pa rin natin iyon, kasi involve tayo, e," mahabang
Read more
Kabanata 8
Tahimik lang akong kumakain ng tinapay habang nasa daan. Maaga kaming pinauwi dahil malakas ang bagyong paparating, at isa pa ay ang mga tao sa kumpanya ay nasa site nila mula bukas kaya wala naman daw kaming gagawin. Pero bawas sweldo nga lang kami. Wala akong pasok bukas, hindi ko tuloy alam kung saan ako kukuha ng pera. Sa ilang buwan na pananatili ko rito ay talaga ngang mahirap maghanap ng trabaho at kahit pagiging katulong ay hindi madali. Nang matanaw ko na ang bahay ay napansin ko roon si Leni na nagwawalis, siya 'yong babaeng bihira ko lang makita rito dahil kadalasan ay umuuwi siya sa pamilya niya. Napalingon ito sa akin at saka ngumiti. Tahimik lang siya pero ang ganda niya, hindi nakakasawang tingnan ang mukha niya, samantalang si Jona maririndi ka dahil sa boses na paulit-ulit. "Ang aga mo ngayon?" Inilapag nito ang hawak niyang plastik sa lapag. "Ah, oo nga e. Pati na rin ata bukas," sagot ko saka siya umiling. "Pasok na ako, ah,
Read more
Kabanata 9
Agad kong inilapag ang walis at saka naghilamos ng mukha. Halos nakaramdam lang ako ng ginhawa sa mukha nang mabuhusan ko iyon ng tubig. Tanghaling tapat ngayon kaya napakainit, ang ibang floor kasi ay hindi bukas ang aircon dahil wala namang tao. Sobrang kaunti lang. Sobrang bilis ng panahon, puro half day na lang kami at mas lalong naghigpit dahil sa pagnanakaw na nangyari sa loob ng kumpanya, isa lang daw sa mga staff dito ang nagnakaw dahil kabisado ang mga lalagyan, e, hindi ko nga alam kung saan nangyari ang nakawan dahil nandito ako sa parking lot noon, nadamay pa kami dahil may mop doon sa gilid ng cabinet kung saan may nawalang importanteng papeles at pera. Kaya mas lalong naghigpit at mababa ang suweldo. Napangiti pa ako nang maalala ko na pinagtanggol ako nila Sir Valera dahil isa ako sa tinuro ni Ma'am Sunny. Mabuti na lang at dumating si Ma'am Alora para sabihin na buong araw ko siyang kasama noong mangyari iyon, hindi ko talaga alam kung b
Read more
Kabanata 10
Naalimpungatan na lang ako dahil sa sobrang liwanag. Una pang bumungad sa akin ay si Jona, na titig na titig sa akong mukha kaya ako mas napaurong. Medyo masakit ang likuran ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. "Ada? Naririnig mo kami?" mahinang sabi nito ngunit hindi ako sumagot. Naririnig ko naman sila. Pero ayoko lang na kumilos dahil sobrang sakit talaga ng katawan ko. Sinabunutan ba naman ako at kinaladkad na halos umalis na ang kaluluwa ko. Hindi rin ako sanay sa gano'n. Ayoko talaga ng gulo. Nanatili akong tikom at napansing nasa kwarto na ako, sa bahay mismo. Kitang-kita ko ang mukha ni Jona na alalang-alang at hinahawakan pa ang aking kamay. Bigla namang bumukas ang pinto at si Ate Calli ang bumungad doon. "Ano na? Maayos na ba siya? Kilala mo pa ba kami Ada?" tanong ni Ate Calli na nginitian ko nang kaunti. Nahilo lang naman ako kanina. Dala na rin kasi ng init ng panahon kaya siguro gano'n. "O-Okay lang po ako,
Read more
DMCA.com Protection Status