"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Anak, hindi mo naman kailangang umalis. Dito ka na lang kasama ang mga kapatid mo. Hindi ka ba natatakot sa lugar na pupuntahan mo? Alam naman nating delikado sa Maynila. Paano na lang kung may mangyaring masama sa iyo?" nag-aalalang wika ni mama sa akin habang abala ako sa pag-iimpake ng kaunting damit.Hindi ko siya tiningnan dahil sa kalagayan niya. Masiyado na siyang maraming sakit na iniinda. May mga kapatid pa akong nag-aaral, at alam ko naman na kulang pa ang kinikita ko rito sa lugar namin bilang labandera. Baka nga pumasok na lang ako bilang katulong o 'di kaya'y labandera na lang din."Masaya sa Maynila 'Ma. Maraming tao roon. Tapos sabi pa ng ibang kakilala ko, malaki raw kita roon 'Ma. Magpapadala naman po ako kapag may suweldo agad ako. Tapos ayaw ninyo 'yon? May makakain na kayo? Hindi na tayo mababaon sa utang. Hindi na kayo kakain ng sardinas," pagpapakalma ko kay mama na gustuhin mang tumayo ay hindi niya magawa
Kinabukasan ay hindi na ako makapaghintay lalo na't unang araw ko sa paghahanap ng trabaho. Iilan lang naman ang papeles na dadalhin ko dahil hindi naman ako 'yong tipong nakapagkolehiyo. Nakatapis lamang ako ng tuwalya dahil kanina pa tinititigan ni Jona ang katawan ko. Kailangan daw kasi, kahit sa pananamit ay ma-impress ko sila."High school graduate lang ako Jona. Hindii naman ako tatanggapin sa mga matataas na posisyon kahit maganda ang ipa-suot mo sa akin," bulong ko habang abala siya sa pagkuha ng damit sa sulok ng kaniyang kabinet."Kahit na. At saka rito sa Maynila, madaya rito. Minsan kung sino pa ang mga magaganda o mapipera sila pa ang nabibigyan ng magandang oportunidad, hindi mo naman kailangan magbanal-banalan dito, Ada. Kailangan mo ng diskarte kung gusto mong mabuhay," mahabang litanya nito saka bumaling sa akin at ngiting idinikit sa aking katawan ang damit na iyon. "Whoah! Ito na lang!"
Nakangiting tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakasuot lang ako ng tipikal na pantalon at puting t-shirt. Itinali ko na lang ang aking buhok dahil hindi naman ako masyadong mahilig na ilaylay ang buhok ko dahil sa mahaba ito at mainit sa pakiramdam. Ayoko namang pagupitan dahilbaka magtampo.Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali na akong bumaba para naman makapagluto na dahil gising na rin ang iba. Hindi pa naman ako nakakapagbayad ng upa dahil wala pa akong trabaho, kaya bilang ganti ay ako na ang kumikilos sa gawaing bahay. Hindi rin naman ako nag-iisa dahil kasama ko lagi si Jona. Dalawang linggo din kasi siyang suspended dahil sa pagtusok niya ng tinidor sa isang costumer na sinasayawan niya noon, hinipuan daw siya sa bandang ibaba niya kaya niya iyon nagawa. Hanggang sayaw lang naman daw siya at kung kailangan talagang gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari, ay doon niya lang ginagawa. Kaya pala panay ang pagpap
"Okay! Tapos na ako!" masayang sabi ko nang sa wakas ay malinis na ang buong floor sa pinakataas. Inayos ko na ang mga gamit para makababa na ngunit hindi ko maiwasang matakot, dahil ngayon ko lang nakita na ako na lang ang tao sa floor na ito. Mas lalo akong napakapit nang magpatay ang ilaw dahilan para wala akong makita. Pinilit kong kapain ang selpon ko na keypad lang at saka nagmadaling binuksan ang flashlight. "May tao ba riyan? Nandito pa po ako," nangangatal na sabi ko habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng hallway. Sanay ako sa madilim, pero natatakot ako sa mga naiisip ko na baka may makita akong kung ano, o kaya baka sarado na ang kumpanya at hindi ako makalabas. Pinilit kong lakasan ang loob ko para lang makarating sa gitna at gumamit ng elevator. Iyon nga lang ay baka hindi 'yon gumana dahil walang kuryente rito sa itaas. Ngunit gano'n na lang ang paghinto ko sa paglalakad nang marinig ko ang pagsara ng pinto malapit sa aki
Halos kalahating buwan din ang lumipas, normal naman ang mga nangyari. Medyo kilala na rin ako ng mga taong nasa mataas na floor dahil doon ako nagtatrabaho, kaya mas malaki ang tyansa na madalas nila akong utusan na hindi naman masyadong nadadamay ang trabaho ko. Naging mabait naman sa akin ang iba, 'yon nga lang ay grabe naman magsalita ang ibang mga babae roon kapag nagkakamali ako o 'di kaya'y naguguluhan. Buti pa 'yong mga lalaki, mababait sa akin, parang salungat sa mga sinasabi nila Jona. Napangiti na lang ako nang maibigay ko na ang kape sa mga kaibigan ni Ma'am Alora, ako na rin kasi ang madalas na utusan ni Ma'am Alora, at siya pa ang nagtatanggol sa akin, sobrang bait niya at minsan ay nagkukwento pa siya tungkol sa kaniyang buhay. "Salamat, Ada, kumain ka na rin," ngiting sabi nito na tinanguan ko. "Sige po. Una na po ako, sir," pagpapaalam ko saka umalis sa harapan nila. Marami kasi ang nag-over time dahil may mga meeting pa sila,
Wala sa sariling nginunguya ko ang sabaw na hindi naman dapat. Nakurot ko pa nang kaunti ang aking pisngi dahil napapadalas ang aking pagiging tulala. Inis na ibinaba ko ang kutsara at saka muling tinitigan ang sarili sa kaharap kong baso kung saan kitang-kita ko ang aking repleksyon. Bakit ko ba kasi naiisip 'yong kanina?! Dapat kasi hindi na ako pumunta roon, e. Hindi pa naman ako mabilis makalimot sa mga nakikita ko sa paligid ko. Pero ewan ko ba, wala naman akong dapat na pakialam sa ginagawa nila ate kanina pero naaapektuhan ako. May kung ano sa akin na para akong kasama roon."Ada, nandito na ako," isang boses na nagmumula sa sala kaya ako napa-angat ng tingin. Hindi ko alam kung bakit una kong tiningnan ang suot ni Jona, kahit na madalas naman niyang suot iyon. Tumaas ang kilay niya kaya ako napangiti at ininom agad ang sabaw na niluto ko kanina. "So anong ginagawa mo kanina sa club? Ayan Ada, ah!" Panlalaki nito ng kaniyang ma