"Alam ko pong masakit na iwanan ninyo ng mga pamangkin ko ang lugar na ito, Mama. Dahil dito kayo bumuo ni Papa ng pamilya. Dito n'yo kami pinalaki ng mga kapatid ko. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang mismong kapamilya mo pa ang humatak sa iyo pabulusok. Ganoon pa man ay hindi ko hahayaang magaya ka sa akin, Mama. Minsan nang naging palaboy dahil sa mismong kapatid ko. "Binaboy ang pagkatao ko dahil sa hindi mawaring dahilan pero sa huli ay dahil pala sa inggit, inggit na naghatid sa kaniya upang gawin ang lahat para lang maghiwalay kami ng mas masahol pa sa hayop na taong iyon. Pero mabait pa rin ang langit sa akin dahil hindi ako pinabayaan sa gitna ng kadiliman. I miss you, Mama at sorry kung kamuntikan kayong mapariwara dahil sa akin. Kayo ng mga bata, kayo pa rin ang may-ari ng bahay na ito," mahaba-habang pahayag ni Isadora.Dahil sa tinig na nagmula likuran nilang mag-aapo ay bigla rin silang napalingon sa pinagmulan ng tinig. Nagmistula silang nasa pilekula nang mapagsin
"Hindi! Ayaw ko! Sugarol, lasenggo ako pero hindi ako mamamatay tao at mas lalong hindi ako magnanakaw." Nakailing na kulang na lang maputol ang leeg sa kakaiiling na sambit ni Jun-Jun.Ngayon nauunawaan na niya ang lahat. Kung bakit siya pinag-interesang tulungan ng mga taong tumulong sa kanya kung matatawag nga bang tulong iyon. Sa pagkakatanggal niya sa trabaho ay marami na siyang naging karanasan. Ang mga bagay-bagay na hindi niya naranasan sa sarili niyang pamilya ay nangayari na rin. Pero sa isipan niya ay okay lang dahil inisip niyang karma niya iyon sa pagnakaw niya sa house and lot title ng bahay nila sa Leyte. Bahay ng mga magulang niya, kaya't tinanggap niya ang maging palaboy sa kalye kaysa ang magpakita sa kaniyang ina at masaksihan ang paghihirap nito. Buong akala niya ay masuwerte siya dahil may taong tukulong sa kanya at nakawala siya sa lansangan pero hindi niya akalaing grupo ng sindikato ang mga tumulong at kumupkop kuno sa kaniya."Okay lang, Jun-Jun, hindi naman k
May taenga ang lupa, may pakpak ang balita. Naging mabilis ang pagkalat ng balitang nagbalik na ang matagal na nawala. Samo't saring usapin ang kumalat. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Kung may natuwa sa pagbabalik ni Isadora ay marami ding nainggit lalo na ng nalaman ang tungkol sa pagpapatayo ng building para sa mga homeless people. May mga nagsasabing kaya nag-asawa ng iba ang asawa nito dahil may lalaki ito na mas mayaman, kumalat din ang haka-haka na malandi, makati, haliparot ito kaya nakadagit ng maperang lalaki at marami pang iba."Kambal, kumusta ang pakiramdam ng may minamahal," mapanuksong tanong ni Claudette sa kambal.Pinasugod ito ni Duncan upang gawan ng complete and legal papers ang building na ipapatayo nila."Kung pumarito ka upang manukso mas mabuting bumalik ka na sa Baguio baka hindi pa alam ni Daddy na nandito ka," nakatawang sagot ng binata. Ngunit naka-akbay naman ang braso kay Isadora."Hoy kambal, ikaw nga ang may kagagawan kung bakit ako sumugod dito tapos pauuw
"No! Hindi ito maaring mangyari! Akin lang siya! Akin lang si Albert!" nag-aalburutong sambit ni Aryana nang iniwan siya ng 'asawa' sa opisina nito at nagtungo sa conference room.Hindi siya papayag na may kahati siya sa buhay ng mahal niya. Ngayon pa bang marami na siyang sakripisyo rito? Nagawa na niya sa biyanan niya, sa kapitan, bakit hindi niya magagawa sa ngayon? "Kung kinakailangang idespatsa ko ang hayop na iyon gagawin ko mapasaakin lamang si Albert! Walang maaring magmamay-ari sa kaniya kundi ako lamang!" muli niyang bulong.SAMANTALA sa loob ng conference room."Where have you been, asawa ko? Why did you left me? Dahil ba sa kaniya?" tanong ni Albert sa paraang siya ang kapani-paniwalang abusado."Kung sasabihin kong oo may magagawa ka ba? Hindi ka lang pala manloloko, maari ka na rin pa lang mag-artista. Para sa ikakaalam mo hindi ako pumarito para makipagdramahan sa iyo. Nandito ako para maningil sa inyong dalawa ng kabit mo!" malakas na sigaw ni Isadora."Ano ba ang pin
Sa pagtutukan ng armas nina Isadora at Aryana ay eksakto ring dumating ang mga police na tinawagan ng mga trabahador ng Espina Company. Kahit mga manggagawa lamang sila ay hindi naman kanais-nais na basta na lamang nila pabayaan ang kaguluhan."Ibaba n'yo ang inyong mga baril at sumuko kayo ng maayos," ani ng hepe."Huwag kang makialam dito, hepe. Dahil wala ka naman talagang pakialam kahit pa magpatayan kami! Pinatay nila ang asawa ko kaya't papatayin ko rin sila!" malakas na sagot ni Aryana."Asawa? Hanep ka rin, Aryana. Hanggang sa kamatayan ay ang hayop na iyan pa rin ang iniisip mo! Hindi ka ba nakukunsensiya sa pag-aabanduna sa mga anak mo? Imbes na sila ang isipin mo pero ano ang ginagawa mo? Siya pa rin ang ipinaglalaban mo! Patay na ang kasing-hayop mong kampon ni satanas na iyan!" May tama man pero nagawa pa ring makipagsagutan ni Isadora sa kapatid na wala na yatang ibang iniisip kundi ang lalaking wala ng ginawa kundi ang saktan siya."Oo! Dahil siya ang buhay ko! Pinatay
"Bilisan ninyo! Ilagay ninyo ang lahat ng pera sa bag na ito at tapos ang usapan!" sigaw ni Jun-Jun."Opo, basta huwag n'yo kaming saktan," umiiyak na sagot ng Ginang.Pero ang padre de-pamilya ay panay ang palag para sakluluhan ang mag-ina."Manahimik ka tanda! Pera lang ang kailangan namin. Hindi kami interesasdo sa mag-ina mo!" muli niyang sigaw."Sa akala n'yo ba ay makakalayo kayong buhay dito? Tandaan ninyo walang kasamaan na nagwawagi! Mapagtagumpayan man ninyong makuha ang mga pera namin pero hindi kayo mabubuhay ng maluwalhati dahil hindi ninyo pinaghirapan iyan!" galit na ring saad ng Ginoo.Tama ang tinuran nito! Sa isip ng binata pero kagaya lang niya ng mga ito na biktima.Walang magagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng boss nila. Dahil kung sasalungat siya ay buhay naman niya ang kapalit.Ang hindi napaghandaan ng binata ay ang pagpalo nang nakabantay sa matandang lalaki. Marahil ay dahil sa pagsagot nito kaya pinalo ito ng kasamahan niya, gamit ang baril. At sa kabigl
Sa hindi malamang dahilan ay nahulog ang frame na nakasabit sa dingding. Kaya naman ay hindi napigilan ni Aling Merced ang napaantada kasabay nang paglapit sa mga apo."Ano ang nangyari mga apo?" maang niyang tanong sa mga ito."Hindi po namin alam, Lola. Basta na lamang po iyang nahulog. Diba sabi mo ay si Tito Jun-Jun iyan? Saka sabi po nila kapag ganyan daw po na biglang may nahulog ay mayroong masamang mangyayari o 'di naman ay pangitain," pahayag ng panganay na apo."Diyos ko, huwag naman sana." Muli ay napaantada ang Ginang saka nagmadaling tinungo ang kinaroroonan ng walis at dust pan upang linisin ang bubog. Subalit ang nasa isipan niya ay ang panganay na anak. Malaki ang kasalanan nito sa kanilang pamilya pero kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit dito. Dahil kahit ano pa ang mangyari, kahit bali-baliktarin man nila ang mundo ay sa kaniya pa rin ito nanggaling. Kaya't labis pa rin ang pag-aalala niya sa tuwing may mga naririnig at napapanood na balita.SAMANTALA, dahil n
Few days later"Hon, itigil mo," utos ni Isadora sa asawa."Ang alin, hon?" Wala siyang kaalam-alam kung ano ang tukuyin ng asawa kaya't imbes na sagutin ito ay tinanong.And yes, they are officially couples. They got the blessings from a lawyer. Dahil tama naman ang mga nakapaligid sa kanilang dalawa. Sa imahe ng ibang tao ay hindi magandang tingnan lalo at nakatira sila sa iisang bubong. Kahit pa sabihing hindi sila natutulog sa iisang silid. Kaya't kumuha sila ng lisensiya bilang mag-asawa habang hinihintay ang babang-luksa ng kapatid at dating asawa ni Isadora.Kung tutuusin ay kayang-kaya naman nilang bumili ng ticket for air buses. Pero mas gusto nilang mag-land transport. Dahil ang rason nila ay kaya pa naman nila ang magdrive kahit malayuan."Ikaw, honey, batukan kaya kita. Ano pa ba kundi ang sasakyan patigilin mo. Alangan namang ang pagmamahal mo sa akin." Nakangiwing irap ni Isadora."Liwanagin mo kasi, hon. I'll never stop loving you of course. Ano'ng mayroon, bakit mo ako