Share

Chapter 40

Malayo pa lang ay tanaw na niya si Skye na nakaabang sa pantalan. Hindi iyon ang pantalan kung saan sila sumasakay dati ni Carl. Isa iyong private place para lang sa yate ng mga Fetalvero. Mga ilang bodyguard lang ang kasama nito at naiwan ang iba sa sasakayan.

Mabilis silang lumabas ni Carl nang buksan nito ang pintuan ng sinasakyan nila.

“Welcome aboard, babe.” Mabilis siya nitong hinalikan sa mga labi at niyakap.

Siniko niya ito. “Ang kilos mo may mga tao sa paligid!” angil niya rito. Nahihiya pa rin naman siya kahit na alam ng lahat ng kasama nila kung ano ang relasyon nilang dalawa.

“Hayaan mo na sila. Masasanay rin ang mga iyan.” Ngumiti ito na humarap kay Carl. “Hi, Carl!”

“Hi, Mayor! Kumusta po?” parang kinikiliting tugon ng kaniyang kaibigan.

“I’m fine, Carl. Come on, I have some food prepared inside. Maganda ang sunset habang naglalayag tayo— masarap magmuni-muni. Ma-e-enjoy ninyo iyong lahat mga tanawin.”

Masiglang tumango si Carl at sumunod sa kanila. Ang mga mata nito ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status