Share

Chapter 5

Bago sa’kin ang tratuhin akong parang reyna. Hindi ako sanay sa totoo lang. Katulad ng nangyari ngayon, Liro I mean yung lalaking kamukha ng asawa ang siyang nagpapakain sa’kin na para bang disabled ako.

"Love, try this," napatingin ako sa pagkain na nasa kutsara. It's mushed potato na niluto niya para sa’kin. It's weird on my part kasi everytime I look at him, ang asawa ko ang nakikita ko at alam naman nating lahat na hindi sweet si Liro.

“Say ahh..” Ganito ba talaga siya? Ini-spoil niya ako. Ano ba talaga ang intensyon niya sa pagpapanggap bilang Liro?

“Hindi mo kailangang gawin ‘to. Kaya kong kumain mag-isa." Sabi ko at kinuha ang kutsarang hawak niya at tinulungan ang sarili kong kumain.

Napawi ang ngiti niya at naging seryoso. Tahimik siyang kumakain habang ako ay nasa tabi niya. Sa tingin ko ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko kanina. Hindi niya ako masisisi. Ang awkward sa part ko.

"Dahil ikaw ang nagluto ng ngayon, ako na maghugas ng pinggan." Hindi siya sumagot. Panay lang ang tingin niya sa’kin.

I pout at tinapos na lang ang ginagawa.

Alas siyete na ng gabi. Nanonood siya ng ng tv sa sala. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan, pumunta ako sa sala kung saan siya nakaupo. Tumingin siya sa akin saglit saka nag-iwas nang tingin. Suplado.

Umupo ako sa sofa sa tabi niya. Nanonood ako ng movie na pinapanood niya. I don’t understand the story at all since the movie is in the climax already.

Nararamdaman ko lang siya. For certain reason, hindi ako nakaramdam ng takot. Sa totoo lang, gusto kong kausapin niya ako. Galit ba siya? Dapat ba akong mag-sorry?

I am debating myself if I will apologize to him pero tumayo siya at lumapit sa’kin. Napatingin ako sa kaniya habang nakatingin siya sa akin. Hindi ako umimik.

Inabot niya ang kamay niya kaya napatingin ako dito.

"Let's go, you need to drink your milk for the baby." Nanlaki ang mata ko. Nabigla ako. Wala akong maalala na may nagpapa remind sa’kin tungkol sa bagay na ‘yun..

Wala si Mommy para i-guide ako. Wala si Liro para samahan ako sa lahat ng bagay when it comes to the baby. Ang mga taong dapat sana ay tumulong sa’kin sa panahon ng pagbubuntis ko ay wala kahit isa. Hindi kasi nila gusto ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Bakit siya magiging ganito, ipapaalala sa’kin ang mga maliliit na bagay tungkol sa baby.

Hindi ba pwedeng umupo na lang siya, magpanggap bilang Liro at hindi ako pansinin?

"Bakit? Syempre ikaw at ang anak ko ang responsibilidad ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

No Cassandra. Nagpapanggap siyang si Liro kaya magpapanggap din siyang ama ng anak mo.

Dahil imposible namang siya ang magiging ama ng anak ko.

"Tara na," Tinanggap ko ang kamay niya na inilahad sa harapan ko. Tumayo ako at humarap sa kaniya.

"Galit ka pa rin ba?" Mahinahon kong tanong. Tumigil siya saglit at tinitigan ako.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Hindi ako galit," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Kinabahan ako saglit sa biglaang ginawa niya.

"Just don't push me away. I hate it, love," seryoso niyang sabi sa akin. Pinapansin na niya ako hindi gaya kanina na para bang isa akong multo sa bahay.

"Let's go para makatulog na kayo ni baby." Sumabay ako sa kaniya. Pinatay niya ang TV at hinawakan ako sa kamay habang sabay kaming naglalakad papunta sa master's bedroom.

Mukhang wala pa siyang balak na saktan ako. Sana hindi niya saktan ang baby ko. Sana wala nga siyang masamang binabalak gaya ng naiisip ko.

Habang paakyat kami sa kwarto namin, may bigla akong naalala. Saan siya matutulog mamaya? Don't tell me tabi kaming matutulog? Oh Diyos ko!

"Tabi ba tayong matutulog?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"Ano sa tingin mo, love?"

Hindi ito maaari. Hindi kami pwedeng matulog ng magkasama. Hindi ko siya asawa. May asawa ako at hindi nararapat na makatabi ko ang ibang lalaki maliban sa asawa ko sa pagtulog. It’s awkward and immoral.

"Ayaw mong matulog sa kwarto mo?" Tanong ako. Well, wala naman talaga siyang kama dahil hindi nga siya si Liro.

Totoong magkatabi kami ni Liro sa kama, hindi lang talaga kami magkasundo. Hindi man lang nagdikit ang aming balat kahit na masiyadong malaki ang kama para sa’min dalawa. Hindi ko din nga naalala na nag-‘goodnight’ si Liro sa akin bago matulog.

"Kwarto ko? Hindi ba tayo sa iisang kwarto natutulog?" Tanong niya. Sa ngayon, isang daang porsyento akong sigurado na hindi siya si Liro. Bakit niya itatanong ang mga ganoong bagay kung malaki ang posibilidad na malaman ko ang nakatago sa maskara niya? Maliban nalang kung sinadya niya itong gawin.

Pipi ba siya? O balak niya talagang sabihin sa’kin na hindi ko siya asawa. Na hindi siya si Liro?

"Hindi tayo natutulog sa iisang kama." Pagsisinungaling ko.

Bahagya siyang natigilan. Kumunot ang noo at parang hindi makapaniwala na hindi kami natutulog ng asawa ko sa iisang kama.

"Okay," nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya. Akala ko kailangan kong magsinungaling ulit.

"Simula ngayon ay pinagbabawalan ko na ang sarili kong matulog sa gabi na hindi katabi ang maganda kong asawa." Sabi niya at naunang maglakad sa’kin papunta sa kama.

Ano ba!! Akala ko nakumbinsi ko na siya. God!! Ang sakit niya sa ulo.

Hinabol ko siya para kumbinsihin na hindi kami matutulog pero hinawakan niya lang ang kamay ko at pinagsiklop ito sa kaniya.

Tumahimik ako.

"Love, huwag ka nang magsalita ng kahit ano. Sumunod ka na lang sa’kin and behave.” Natigilan ako at tumingi sa kaniya. Para akong nahihipnotismo sa mga titig niya habang madiin ang tingin sa’kin. Nilulunod ako nito. Nahulog ako dito.

"Nagkakaintindihan ba tayo?" Dagdag niya at dahan-dahan naman akong tumango. Okay ano yun?

Nasa kwarto na kami. Nasa kamay ko na ang isang baso ng gatas na ginawa niya para sa akin. Inaalagaan niya talaga ako at hindi ako sanay. Hindi ako sanay na may pakialam ang isang tao sa’kin.

"Inumin mo para makatulog ka." Ngumiti siya at tumabi sa’kin. Mabilis kong inubos ang gatas.

Nagsimula na namang tumibok ang puso ko. Gumagalaw lang siya, lumapit sa akin at nagsisimula na namang magwala ito.

Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa’kin. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at napalunok ako. Ramdam ko ang init sa pagitan namin. Tinitigan niya lang ako ay bigla ng nanghina ang tuhod ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako gumalaw. Halos konti nalang at dadampi na ang labi niya sa labi ko

Ilang pulgada na lang ang layo niya sa’kin. Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan. Sa presensya niya lang ay kinakabahan na’ko.

Hahalikan niya ba ako?

Pumikit siya habang unti-unting lumalapit ang labi niya sa labi ko. Pero bago dumampi ang labi niya sa mga labi ko, ibinaling ko ang ulo ko sa gilid.

Ang n*******n niya ay ang pisngi ko lang.

"I-I'm sorry Liro. Pwede mo ba akong basahan ng kwento?" I bite the lower part of my lips while asking him to do that. I’m sure, hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Alam kong nagulat siya sa pag-iwas ko sa kaniya. Kaya naman gumagawa ako ng paraan para hindi masira ang mood niya. Hindi ko alam pero ayoko siyang magalit.

Umigting ang kaniyang panga gaya ng inaasahan ko.

"Don't call me that again," naguluhan ako sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Akala ko galit siya dahil hindi ko siya hinayaang mahalikan ako? Parang iba yata ang ikinagalit niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Don't call me Liro. Naiinis ako." So totoo nga? Na sinadya niya ang mga iyon kanina para malaman ko na hindi siya si Liro. Ngunit sa anong dahilan? Hindi ba siya nandito para magpanggap bilang Liro at lokohin ako?

"Anong sinasabi mo? Asawa kita at ikaw si Liro Regis. Ang lalaking pinakasalan ko."

"Just don't call me that name." Matigas niyang sabi. Walang emosyon ang mukha. Gone with the sweetest man a while ago who pampered me with things na hindi ko hiningi. Bigla siyang sumeryoso ulit.

"Ano dapat ang itawag ko sa’yo?"

"Love,"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya.

   And he’s so damn serious about it.

Pagbibigyan ko ba? Love is just a word. Walang ibig sabihin kaya sa tingin ko ay okay lang.

"Okay.. L-Love," nauutal kong sabi.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. Parang gusto niya kapag tinatawag ko siyang ganoon.

"So anong story ang gusto mong basahin ko, love?" Kanina, sobrang seryoso niya, ngayon sweet na ulit.

"The Little Mermaid,"

"Okay. Wait kukunin ko muna."

 "Salamat,"

Mabilis niyang kinuha ang libro sa shelf. Agad siyang bumalik at umupo sa tabi ko sa kama.

"Bakit ito ang librong gusto mong basahin ko?"

"Wala lang. Gusto ko lang marinig ulit yung kwento. Gusto ko yung mga eksena lalo na yung part na nalaman ng prinsipe na hindi pala yung fiancé niya yung totoong may-ari ng magandang boses na sumagip sa kaniya."

Nawala ang ngiti sa labi niya. Napangiti ako ng wala sa oras. Nakakatuwang inosente at walang alam habang nagpapanggap.

"Bakit ito ang napili mo?"

"No particular reason. I just love how the prince dump the fake." I smirked.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status